Lahat ng Kabanata ng Take you out (BL - Taglish): Kabanata 21 - Kabanata 30
35 Kabanata
Kabanata 20
VANCE'S POVSANDALI akong tumigil sa paglalakad nang damhin ko ang magandang ambiance ng paligid sa University namin. Dinama ko ang malamig na simoy ng panggabing hangin. Kahit summer ngayon ay malamig ang paligid dahil sa mga halaman at naglalakihang mga puno. Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa dulong bahagi ako ng kalsadang pinagigitnaan ng sports field kung saan ang dulo ng kalsadang iyon ay ang building kung saan ako papunta. Madilim ang paligid ngunit sapat na ang mga ilaw sa kalsada para makita ko ang daan patungo sa aking pupuntahan. Nakadagdag sa ganda ng paligid ang kulay ng mga ilaw. Kinuha ko ang cellphone ko saka kinunan ng pictures ang daan at saka ko nilagyan ang mga 'yon ng caption na, "Sa mga sandaling gaya nito, kung saan napakaganda ng mga nakikita ko ay nakararamdam pa rin ako ng lungkot. Kung saan kahit masarap ang simoy ng hangin ay ramdam ko pa rin ang hapding gumuguhit sa aking dibdib habang naiisip kita. Ah! miss na miss na kita." Muli kong dinama ang paligid
Magbasa pa
Kabanata 21
VANCE'S POV"STEVEN, hindi mo na kailangan pang kopyahin ang mga pictures at videos d'yan kasi ibabalik ko na ang cellphone mo."Huminto siya sa pag-swipe sa cellphone nang mag-angat siya ng tingin sa akin. "Bakit? Ayaw mo ba nito? I'm sorry, this is all my budget can handle."Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Naguluhan ako sa ibig niyang sabihin. "Ibabalik ko 'yan sayo kasi bibili na ako ng cellphone pagkatapos ng activity. Salamat sa pagpapahiram-""But I bought this for you Vance.""Steven... Hindi mo kailangan-""Let me help you now Vance. Please... tinutulungan kita dahil kailangan mo. Don't worry, I know my limitations in helping so don't think badly."Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. “Be a good person,” sabi niya na parang nabasa niya ang iniisip ko. Minsan para siyang si Wena kung magsalita. Humugot ako ng malalim na paghinga ng ipagpasalamat kong mabuti siyang tao. Hindi bagay sa kanya na tinatawag siyang bad boy ng iba.Habang abala si
Magbasa pa
Kabanata 22
VANCE'S POV"WENA! Naliligaw ako!" Sumigaw ako sa hangin, "Wena!"Umaasa ako na nasa paligid lang sila at maririnig niya ako."Steven! Nandito ako!" Sana napansin niya na nawawala ako, "Steven!"Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa napagod ako at tuluya nang nawalan ng pag-asa. Wala na sila sa malapit at tuluyan na nga akong napahiwalay sa kanila. Damn it!Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Apat na oras na ang lumipas simula ng maglakad kami pero hindi ko alam kung malapit na ako sa community na dapat naming puntahan o hindi. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang ginugol ko sa pagsunod sa isang pamilya ng katutubo.Napapikit ako para pakalmahin ang aking sarili.Ano ang dapat kong gawin ngayon?Naalala ko, bago ako nagsimulang lumayo sa grupo kanina narinig ko na wala pa kami sa kalahati para maabot ang aming target na komunidad. Ibig sabihin malayo pa ako. Dumilat ako at nilingon kung saan ako nanggaling.Kailangan kong bumalik!Tinignan ko ang mga litrato na nakuhanan ko para m
Magbasa pa
Kabanata 23
VANCE'S POVHINAWAKAN ni Steven ang kamay ko nang makita niya ang takot at pag-aalala ko habang pinagmamasdan ang rumaragasang tubig. Hindi pa humuhupa ang taas ng tubig at tila lalo itong nagagalit sa mabilis niyong paglagpas sa amin. Ramdam ko ang malaking bantang nakaamba sa mga buhay namin sa bawat pagdaloy niyon. Na anumang oras ay kaya kam lamunin, lunurin at anurin sa kung saan ng agos na 'yon. Nakaupo pa rin kami sa isang malaking bato sa gitna ng ilog. Hindi kami sigurado kung umaabot sa ibabaw ng bato ang baha doon. Kaya't inihanda namin ang aming mga sarili kung sakali man na may dumating pang masmataas at malakas na agos na magtatangay sa amin. Nagkasundo kami na manatili nalang sa ibabaw ng bato sa halip na subukang tumawid sa rumaragasang tubig. Sa tingin namin ay mas ligtas na manatili kami doon. Wala kaming magawa kundi maghintay ng tulong o maghintay na humupa ang baha.Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Steven. Kanina, napag-usapan namin kung ano ang gagawin na
Magbasa pa
Kabanata 24
VANCE'S POVNANGINGINIG ako sa lamig. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Nakapagbihis na kami ng panibagong damit pero unti-unti na naman kaming nababasa dahil sa tilamsik ng tubig mula sa mahinang pagbuhos ulan. Nakasilong kami ngayon ni Steven sa malaking plastic na dala niya. Habang nakabalot sa mga katawan namin ang malong bilang pangproteksyon sa lamig. Bumagsak ang mga mata ko sa mga paa namin ni Steven. Pinasuot niya sa akin ang sapatos niya habang siya ay nakontentong nakayapak. Noong una ay tinanggihan ko 'yon pero nagpumilit siya. Iginalaw ko ang mga daliri ko sa paa. Masarap sa pakiramdam ang sapatos, malambot, hindi mabigat at nagbibigay ng init sa aking mga paa. Nabawasan ang basa nito nang tuyuin ito ni Steven gamit ang tuyong damit. Napabuntong-hininga ako, itinutok ko ang ilaw ng flashlight ko sa harap ng malakas pa ring agos ng tubig. Tuluyan na ngang gumabi. Maya't maya ay luminga-linga ako sa paligid para siguraduhin na wala kaming ahas na kasama sa malaking baton
Magbasa pa
Kabanata 25
VANCE'S POV"VANCE?!" Kumalas si Steven sa yakap ko. Nag-igting ang panga niya nang titigan niya ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.“Hindi ko babawiin ang sinabi ko Steven! Hinding hindi ako magiging masaya kapag nawala ka! Im sure, maglalasing lang ako araw-araw! Hindi ako kakain at iiyak lang ako! Hindi ako makakapag-aral at gugustuhin kong pumunta kung nasaan ka!" Halos maubusan ako ng hininga sa pagsigaw ko sa kanya.Pakiramdam ko pinipilipit ang sikmura ko sa takot. Kita kong pinipigilan niya ang panginginig ng katawan niya sa harapan ko. Kita ko sa mga mata niya ang panghihina at ang sama ng pakiramdam niya.Pumikit siya saglit. Hindi ko alam kung pinapakalma niya ang sarili niya o nag-iipon siya ng lakas para magmukhang okay sa harapan ko."Vance I'm just saying that just incase something happens to me-""Please wag! Kahit isipin lang, ayokong isipin mo 'yon! Wag mong isipin na maari kang mawala! Dahil kapag naiisip ko 'yon, para akong mamamatay sa takot!" umii
Magbasa pa
Kabanata 26
VANCE'S POVNAKATULALA akong nakatitig sa nagliliyab na apoy. Nakaupo ako ngayon sa malaking punong kahoy na nakatumba sa harap ng bonfire. Nakapagpalit na rin ako ng bagong damit. Bumagsak ang mata ko sa suot kong tsinelas. Lahat ng suot ko ngayon ay binigay sa akin ng mga taong nagligtas sa akin kanina."Excuse me," lumapit ang isang lalaki sa bonfire at binawasan 'yon ng apoy para daw hindi masyadong malayo ang maabot ng liwanag nito.Napansin ko ang umbok ng maiksing baril na nakasukbit sa bewang ng lalaki. Oo, kasama ko ngayon ang mga taong nakita kong may mahabang baril kanina. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko maiwasang mag-alala. Sila ang tinatawag na rebeldeng grupo dito sa probinsya na binisita namin.Kanina narinig ko sa usapan nila, na kailangan naming mag-ingat dahil may balita sila na nasa malapit lang ang isang grupo ng mga militar na nag-iikot sa gubat. Hindi daw ito ang oras para magkasagupa sila dahil may mga kasama silang sibilyan at kami 'yon ni Steve
Magbasa pa
Kabanata 27
VANCE'S POV“NO NEED but thank you Wena,” tanggi ni Steven nang mag-alok si Wena na susunduin kami. "Sabi ng tinanong namin. Masyado kaming malayo sa activity area natin. So we decided, na dito na lang matulog sa bahay ng mga katutubo na nadaanan namin tapos bukas ng umaga magpapahatid kami sa activity area."Noong una ay hindi pumayag si Wena. Gusto niyang makasigurado na nasa maayos kaming kalagayan. Kaya naman sinigurado ni Steven sa kanya na nasa maayos kaming kalagayan para hindi na sila masyadong mag-alala sa amin.Nagpasalamat din si Steven kay Wena at sa lahat ng mga naghahanap sa amin. Kinamusta din niya ang naging kalagayan ng aktibidad namin ngayon. Sinabi naman ni Wena na naging maayos naman ang naging paglulunsad ng medical mission sa unang araw, bagamat nabawasan ang bilang ng mga taong nag-aasikaso sa aktibidad dahil sa paghahanap sa amin.Lalo tuloy akong nahiya..."Steven pwede ko bang makausap si Vance?" Narinig ko sa boses ni Wena ang pag-aalala para sa akin.Umali
Magbasa pa
Kabanata 28
VANCE'S POVTUMAYO ako at saka pinuntahan si Steven sa kusina. Napangiti ako nang makita kong naghahanda siya ng sandwich para sa akin."I'm sorry Vance, medyo matagal," sinenyasan niya akong maupo sa counter table.Umupo ako sa high chair at naghintay ng ihahain niya. Hindi ko maiwasang titigan siya habang abala siya sa ginagawa niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng ma-realize ko ang sitwasyon namin ngayon. 'Yong mga bagay na pinapangarap ko lang noon ay nangyayari na ngayon."Can we eat this first?" Lapag ni Steven sa platong puno ng sandwich. "Mamaya magluluto ako ng heavy meal para sa hapunan."Tinikman ko 'yon. Hindi ganon kasarap ang sandwich na ginawa niya pero ipinakita kong sarap na sarap ako matuwa siya na nagustuhan ko 'yon.Kita kong natuwa siya sa naging reaksyon ko. Matapos niyang maghanda ng juice ay sinabayan na niya akong kumain. Tahimik kaming kumain habang nakatitig lang sa isa't isa. Hinayaan namin mag-usap ang mga mata naming maraming gustong ipa
Magbasa pa
Kabanata 29
VANCE'S POV"GUSTO na kitang pasukin Babe," pabulong ko, para akong mabubulunan sa kaba. Ramdam ko ang bigat ng kahilingan kong iyon.Nagkatitigan kami. Nagsusumamo ang titig ko sa kanya.Pilyo siyang ngumisi at saka niya ako biglang inatake ng mainit na halik. "Of course... I'm yours..." hila niya sa akin pahiga sa sofa. "I'm ready to be used by you..."Nanginginig ako sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.Humiga kaming magkatagilid ni Steven sa sofa. Nakatagilid akong nakaharap sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Inabot niya ang labi ko ng lingunin niya ako. Habang naghahalikan kami ay may hinila siyang maliit na drawer sa bandang ibaba ng sofa. Nakita ko mula doon ang mga condoms at lubricant gel. Kumuha siya ng mga 'yon. Kukunin ko na sana sa kanya ang condom para ako na ang magsuot niyon sa pagkalalaki ko ng bigla niyang punitin ang lalagyan niyon gamit ang ngipin niya. Mabilis ang kilos ni Steven na para bang mas nasasabik pa siya kaysa sa akin. Napatitig nalang
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status