All Chapters of A Playboy's Touch: Chapter 21 - Chapter 30
97 Chapters
Chapter 20
🔥🔥🔥🔥🔥   Nang dumating ang gabi'y sinundo nga si Sunday ni Mrs. Harisson. Mayroon pa naman s'yang isang oras bago ang kaniyang trabaho sa FM. "Oh, hi," bati sa kaniya ni Ethan habang buhat sa braso nito ang kapatid na si Sydney. Sinalubong sila nito sa malawak na pinto ng mansion. "Hi atche Shanday!" bibong bati ni Sydney habang kinakaway ang kamay nitong may hawak na barbie doll. Umalis ito sa pagkakakarga ni Ethan at tumakbo palapit sa kaniya at iniumang ang magkabila nitong braso, nagpapabuhat. She smiled seeing her cute gesture. Binuhat niya ito. "Atche Shanday, we will play? I have new barbie dolls from daddy!" "Really?" Sydney nodded. "Pasensya ka na sa kakulitan niya," sabi naman ng Ginang. "Let's go inside?" "Come here." Kinuha ni Ethan si Sydney mula sa kaniya. "We eat first before you play, hmmm?"  Mabilis namang tumango ang bata. Kimi niyang inilibot ang tingin sa malawak
Read more
Chapter 21
🔥🔥🔥🔥🔥 "Where have you been?"Mula sa pagsarado ng pinto'y nilingon ni Matteo ang nagsalitang 'yon. Nakita niya si Alessandra, nakaupo ito at nakahalukipkip habang nakatingin sa kaniya.Hindi na s'ya nagtaka kung paano itong nakapasok. "Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon niyang tanong. Naglakad s'ya palapit sa ref at kumuha ng tubig. "Go home.""Dito ako matutulog." Lumapit ito sa kaniya at yumakap mula sa kaniyang likuran. "Please... let's just stay like this for a minute."Tinanggal niya ang braso nitong nakapulupot sa kaniya. "I said go home." Tinalikuran niya ito. Umupo s'ya sa sofa at in-on ang tv."Okay, pero kasama ka. I contacted your manager already. We'll go back to Italy and we will tell the truth to the public."Napatiim bagang naman s'ya at tiningnan ang babae. "Anong totoo? Alam nating pareho ang totoo Alessandra."Sumandal ito sa kitchen counter. "Oo alam nating pareho ang toto
Read more
Chapter 22
🔥🔥🔥🔥🔥 Noo'y nakahiga si Sunday at nakatitig sa puting kisame ng kanilang apartment. Kakaalis lang ni Shaina at ngayon ay mag-isa lamang s'ya.Dinama niya ang pipis pa niyang tyan. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang tahimik niyang pagtatrabaho dito sa ibang bansa. Pati ang paniniwala niya'y gumuho at nasira. Ngunit ngayong may buhay sa kaniyang sinapupunan ay hindi s'ya nagsisising nangyari ang lahat ng 'yon.Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya. Inabot niya 'yon at nakitang overseas call 'yon.Nakangiti niyang sinagot ang tawag. "Hello?"-- "A-Ate..." Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Bumalatay rin sa mukha niya ang pag-aalala nang marinig niya ang pag-iyak ni Sebastian."A-Anong nangyari?" tanong niya. "Bakit ka umiiyak?" -- " Ate... w-wala na si t-tatay...." iyak nito sa kabilang linya.Muntik na niyang mabitawan ang cellphone. "A-Ano? Paanong--"-- "Naaksidente a
Read more
Chapter 23
🔥🔥🔥🔥🔥 PALAWAN, PHILIPPINES Pugto ang mga matang nakaupo ang kuwarenta anyos na si Marita habang nakatingin sa puting hinihigaan ng kaniyang asawang si Gregory."Inom ka muna 'nay." Lumapit ang kinse anyos na anak nitong si Sebastian at naglahad ng basong may tubig. "Ngayon po pala ang dating ni ate."Hindi naman ito nagbigay ng komento sa sinabi ng anak. "Si Steph, tulog na ba?""Opo, kakatulog lang niya. Magpahinga na rin po kayo. Wala pa kayong maayos na tulog. Baka makasama po sa inyo 'yan."Inilingan lang naman ito ng ina. "Okay lang ako dito 'nak. Ikaw, pumasok ka na rin sa kwarto. Matulog ka na muna.".."Hayyy... hindi ko akalain na huling inom na pala namin 'yon ni Greg," sabi ng may katabaang si Cesar. Isa ring tricycle driver katulad ni Gregory. "Napakabait pa naman niyang tao." Umiling pa ito. "Buhay nga naman,hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay."Lahat ng naroon para
Read more
Chapter 24
🔥🔥🔥🔥🔥 Days later... Noo'y nakaupo si Sunday sa tabing dagat ng hapong 'yon. Kanina lamang nila inihatid sa huling hantungan ang kanilang ama.Pinahid niya ang tumulong luha sa kaniyang pisngi. Ayaw niyang lunurin sa kalungkutan ang sarili niya. Ayaw niyang magpakahina dahil may umaasa pa sa kaniya. Ito ang dapat at kailangan niyang gawin."Lumalamig na."Napalingon siya sa kararating lang na si David. Ipinatong nito sa kaniya ang suot nitong jacket."Salamat." Malamlam ang mga mata niyang tumingin sa papalubog pa lang na araw.Pansin naman ni David ang pagpipigil ng emosyon ng babae. "Umiyak ka kung nasasaktan ka."Napatingin naman s'ya dito.Tipid naman itong ngumiti. "It's not good if you'll just keep it inside. Cry your heart out hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo."She sighed. "Thank you." At muling tumingin sa papalubog na araw. "For staying kahit na ikaw sa sarili mo
Read more
Chapter 25
THREE YEARS LATER... Nakangiwing pinulot ni Sunday ang gamit na condom sa ibabaw ng kama. Kahit naka-gloves ay alam niya'y kagagamit lang no'n. Napa-iling na lamang s'ya habang nilalagay 'yon sa basurahan.Almost two years na rin s'yang nagtatrabaho bilang isang room attendant dito sa hotel, isa itong resort dito sa El Nido. Matapos niyang ipanganak si Lexi ay naghanap na agad s'ya ng trabaho matapos lang ang ilang buwan. Dito rin nagta-trabaho ang kaibigan niyang si Jessa.Pinalitan niya ang bedsheet maging ang mga kurtina at pagkatapos ay nilinis ang banyo. Lumabas s'ya nang masiguradong nasa ayos na ang lahat."Hoo.." Bumuga s'ya ng hangin. Nakakapagod ang trabaho niyang 'to.Pagkababa niya'y dumiretso s'ya sa locker para magpalit ng damit. Tapos na ang 8 hours niyang trabaho para sa araw na 'to."Ah.. ang sakit ng balikat ko." Pumasok si Jessa. Hinihilot-hilot nito ang magkabilang balikat. "Parang ang sar
Read more
Chapter 26
Mahimbing ng natutulog si Lexi, hindi talaga nito binitawan 'yong blue elephant na stuffed toy mula sa ipinadala ni David. Yakap-yakap nito 'yon hanggang sa makatulog. Hinalikan ni Sunday ang noo ng anak at nakangiting pinagmamasdan ang maliit at mala-anghel nitong mukha. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat noong ipinagbubuntis pa niya ito. Napabayaan niya ang sarili dahil sa pagtatrabaho para sa naiwan pang bayarin ng pamilya nila. Naging matigas ang ulo niya kahit in-offer ni David na ito na ang bahala. Muntik na s'ya noong makunan at doon pa lang s'ya natauhan. Inayos niya ang kumot ng anak. Lexi is her life and she's blaming herself until now. Inilagay niya ang sariling anak sa panganib dahil sa kapabayaan niya. All thanks to David. Hindi s'ya nito iniwan sa mga panahong 'yon. Dahan-dahan s'yang tumayo para hindi magising ang anak at nilapitan ang box na nakapatong sa lamesa. Binuksan niya 'yon at may nakita s'yang letter. Kinuha n
Read more
Chapter 27
🔥🔥🔥🔥🔥 Halos isa at kalahating oras bago matapos ang dalawa dahil sa laki ng kwartong 'yon. Napakalaki kasi no'n kumpara sa normal na kwarto lang ng hotel.Pababa na sila ngayon."Oh," bulalas ni Jessa nang bumukas ang elevator. May mag-jowa kasing foreigner na naghahalikan sa loob. Naka-two piece lang ang babae at talaga namang...Hindi sila agad ng mga ito napansin kaya pareho silang tumungo ni Jessa."We're here," kikay na sabi ng babae."Good morning," bati ni Jessa sa mga ito.Pagkalabas ng dalawa'y pumasok na sila sa loob."Sarap ng breakfast nila ah.."Tinapunan niya ang babae ng natatawang tingin. "Hayy nakooo...""Good morning, Mr. De Luca."Nasa hotel lobby na sila ni Jessa at panay ang impit na kilig ng mga kababaihan na naroon."Grabe, sobrang gwapo naman niya," sabi ni Jessa. "S'ya ba 'yan..."Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan. Nakatalikod ito s
Read more
Chapter 28
🔥🔥🔥🔥🔥 Pumasok si Sunday sa elevator dala ang mga nakatuping towels. Nakita niya sa loob si Oliver."Oh, good morning Oli," bati niya sa binata."G-Goodmorning.""Ayos ka lang?" Pansin niya ang pamumutla nito at ang butil-butil na pawis nito sa noo."Ah.. s-sobrang sakit kasi ng tyan ko. P-Pwede bang humingi ng pabor? P'wede bang ikaw na lang ang magdeliver nito? Hindi ko na kaya eh.."Agad naman s'yang pumayag. Halatang hindi na nga nito kaya ang sakit ng tyan. "Oo naman. Saang floor ba itong mga foods?"Nang tumigil ang elevator sa third floor ay agad itong lumabas. "Sa exclusive floor 'yan lahat. Thank you ah... ahhh..." napatakbo na ito. Matatawa na sana s'ya dahil sa ikinilos nito pero nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito'y naudlot ang pagtawa niya. Sa exclusive floor?Doon nags-stay si Matteo.Dumagundong na naman ang dibdib niya sa kaba.Pero wala na s'ya
Read more
Chapter 29
🔥🔥🔥🔥🔥 Aga-aga ay nakabusangot si Sunday."Ang swerte mo naman..." sabi pa ni Jessa na pangiti-ngiti pa."Anong swerte do'n?" mahinang bulong naman niya. Bakit naman s'ya pa ang naisipan nitong alilain. Pinaglalaruan na naman ba s'ya nito? May patanong-tanong pa ito kahapon ng pangalan niya.Kanina'y agad s'yang sinabihan ng manager na s'ya ang gustong mag-asikaso kay Matteo habang narito ito sa resort. Instant alila kung baga at ito ang nag-request no'n. Palibhasa'y ang mga ito ang may-ari ay hindi s'ya makatanggi.Itinulak niya ang trolley ng pagkain papasok sa elevator."Gwapo s'ya pero mas gusto ko pa rin si David para sa'yo," pahabol ni Jessa habang sumasarado ang pinto. Kumindat pa ito."Ano bang sinasabi mo d'yan," sabi na lang niya.Hindi kaba ang nararamdaman niya ngayon kundi ang pagka inis sa lalaki. Umaasta itong hindi s'ya kilala tapos ngayon naman ay gusto s'ya nitong alilain.Nang m
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status