Chapter 125DIRE-DIRETSO ako sa aking silid matapos kong maihatid si Darren sa labas. Sapilitan ko na siyang pinapasok sa sasakyan niya kanina kahit na makikipagkuwentuhan pa sana ako. Bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko. Muntikan akong mahilo sa malalakas na ingay na nag-u-unahang pumasok sa tainga ko patungo sa aking ulo. Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon, hanggang ngayon kasi'y gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Halos mabiyak na ang aking ulo sa sobrang sakit. Ni-hindi ko na nagawang makarating hanggang sa aking higaan. Gumapang na ako para lang maabot ang kama. Doon, nakakuha ako ng lakas, mahigpit na nakakapit sa sapin ng kama ang kanan kong kamay habang ang kaliwa'y nasa aking buhok. May sumisigaw, humihiyaw, umiiyak at mayroon ding ingay galing sa iba't-ibang uri ng sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang nangyayari. Hindi naman ako nag-da-drugs para magkaroon ng hallucinations. &nbs
Read More