“WE must control the press and any platform na mayroong picture na kumakalat tungkol satin. Hindi pwedeng makarating sa Spain ang katotohanan na ito, si daddy lang ang nasa palasyo.” ‘Yan ang sinabi ni Claire at nagsimula nang mag-asikaso na silang mag-asikaso, kumontak basta lahat ng paraan para pigilan nila ang impormasyon na nasa pilipinas sila. Ang wala pang araw nang magising sila ay mabilis na umakyat ang araw hanggang maging tirik na tirik na’t namalayan nalang nilang tanghali na pala. “Tama na muna ‘yan, kumain na muna tayo.” Sabi ni Francine nang makapasok sila sa living room kung nasaan ang mga ito. “Nagluto na kami ni Francine para makakain na tayo. Nasa hapagkainan na ang mga bata,” dugtong pa na sabi ni Clark na ikinatango ng mga ito at kaniya-kaniya nang unat ng katawan nang makatayo sila. “Grabe! Ang demanding naman ng ibang press! Baka gusto nilang ipasara ko ang negosyo nila!” inis na sabi ni Quinn ng makatayo sila. “Sinabi mo pa! Kulang nalang sigawan ko na sila
Magbasa pa