Lahat ng Kabanata ng REVENGEFUL HEART: Kabanata 21 - Kabanata 30
60 Kabanata
CHAPTER 20
RED Abala para sa kanya ang araw na iyon. Nakatambak ang mga paper works na kailangan niyang tapusin, dahil na rin sa hindi siya masyadong makapag concentrate dahil sa ilang araw ng may gumugulo sa kanyang isipan. Halos mahigit ng dalawang buwan mula ng bigla na lamang mawala, at hindi makita ang taong pinananabikan niyang makita, si Sheena. Magmula ng umalis ito ay nawalan na siya ng anumang balita rito. Sinubukan niyang pasundan ang kaibigan nito na si Kara at Andro, subalit wala siyang nakuha na magandang resulta. Sinubukan na rin niyang tingnan ang lugar kung saan naka- address noon ang dalaga, subalit wala ng tao roon, at walang nakakaalam sa mga taga roon kung saan lumipat ang pamilya, ang tanging nasabi na lamang ay biglaan ang pag alis ng mga ito na hindi alam ang dahilan. Wala rin makapagturo kung saan ito lumipat. Habang abala ang sarili, ng biglang tumunog ang intercom at tinig ng kanyang assistant na si Vida. "Sir, ms. Mendez was here, s
Magbasa pa
CHAPTER 21
SHEENA POV Sumapit ang kabuwanan niya at pansamantala muna siyang naka- maternity leave ng tatlong buwan. Hindi na rin siya iniiwan ng kanyang ina na palaging naka alalay sa kanya, upang madali siyang makatawag ng tulong incase na kailanganin niya. Hindi naman kalayuan ang pinakamalapit na hospital kaya hindi sila gaanong mahihirapan. Madalas rin na dumadalaw sa kanya ang kanyang mga kaibigan na sina Kara at Andro. "Mabuti naman at walang ibang nakakapansin o sumusunod sa inyo tuwing madadalaw kayo rito." minsan ay nai- tanong niya noon sa dalawa. Napansin niya na nagkatinginan ang mga ito bago napakibit balikat. "Ang totoo, hindi lang minsan kami may napansin na nakabuntot sa amin, at dahil nga nag iingat kami ng husto sa tuwing pupunta rito, ayun, kahit pa- paano ay nagagawan naman ng paraan para matakasan." Kivit balikat na tugon ni Kara. "Salamat na lang at magaling mag-isip ang driver bodyguard ko." dagdag pa nito sabay hagikhik at ikinuwento kung ano
Magbasa pa
CHAPTER 22
RED Habang abala siya sa kanyang ginagawang pagtipa sa harapan ng kanyang personal computer, ng biglang nag ring ang kanyang phone. Napansin niya na unregistered number lang ito at hindi pamilyar sa kanya. Wala sana siyang balak na sagutin ngunit baka masyadong importante. "Hello?" sagot niya. "Hello, sir? Kayo po ba si mr. Red Monteverde?" tanong ng tinig babae sa kabilang linya. "Yes, speaking! Who's this?" pormal na tanong niya sa nasa kabilang linya. "Ah, hello sir, magandang araw po. Gusto lang po namin sana kayong i- inform about po sa panganganak ni ms. Mendez, narito po siya ngayon sa hospital at kakapanganak lang niya." anang babae. "Bakit ngayon n'yo lang itinawag?" kunot noong tanong niya rito. "Pasensya na po sir, nahuli na po na nai- paalam sa inyo sa kagustuhan na rin po ni ms. Mendez na hindi na kayo maabala sa trabaho." anito. "Saang hospital iyan?" tanong muli niya. Agad naman na sinagot ng babae kung sa
Magbasa pa
CHAPTER 23
CYNTHIA Lihim siyang napangiti habang nag di- dial sa kanyang phone. "Hello?" tinig mula sa kabilang linya. "O, ano? Nagawa mo na ba ang iniuutos ko sa iyo? Maayos mo bang nai-dispatsa?" tanong niya na may kahinaan ang tinig upang walang makarinig sa kanyang sino man. "Yes, ma'am. Okay na po at maayos na ang lahat." "Siguraduhin mo lang na walang magiging aberya iyan, ha? Dahil kung hindi malilintikan ka sa akin! Alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin!" banta niya rito. "Opo naman, ma'am. Maayos at malinis ang lahat, at sigurado ako na walang magiging aberya, ma'am." "Okay, I already transfered the money on your account. You may just check it for yourself," sabi niya sa kausap. "Okay, ma'am." anito na halatang masaya ang tinig. "Okay!" aniya at aktong ibaba na ang kanyang phone, ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at bumungad ang magulang ni Red. Pilit siyang ngumiti sa mga ito na umaktong tila hirap
Magbasa pa
CHAPTER 24
RED Habang hindi mapakali ang binata na nagparoo't parito sa paglalakad sa kabuuan ng kanyang sala, ay patuloy rin na sumasalit sa kanyang ala ala ang maamong mukha ni Sheena. Kahit na ilang buwan na ang nakararaan mula ng mawalan siya ng balita rito, ay hindi rin nawala ang dalagang guro sa kanya, kahit pa sa maikling sandali na nakilala niya ito. Alam niya na maaring may puwang na sa puso niya ang babae sa loob lamang ng ilang sandaling pagkaka-kilala niya rito. Hindi niya tuloy alam kung ito na nga ba ang sinasabi nilang love at first sight, ngunit magkaganun pa man, gulo pa rin ang isip niya dahil hindi na niya ito makita pa. Isa pa, ang tungkol kay Cynthia na alam niyang isa na ring balakid sa mga plano niya. Kahapon ng sabihin nila na nasa hospital ito at nanganak, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ito nadadalaw. Hindi pa rin niya nakikita ang hitsura ng naging anak nito at kung ano ang kasarian. Wala rin kasi siya sa atensyon kapag nagsasab
Magbasa pa
CHAPTER 25
REDTulala at hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatitig sa bangkay ng mga nasa harapan niya. Sino ba ang mag a- akala na sa bawat oras na laman ito ng isip niya, ay narito naman ito at piniling lumayo sa kanya? Sobrang nasorpresa siya ng sabihin ng mga kaibigan nito na si Sheena nga ang babaeng nakasiping niya ng gabing iyon, ngunit palaisipan pa sa kanya kung bakit si Cynthia ang nagisnan niya na nasa tabi niya. Matagal niyang tinitigan ang labi nito, ganoon din ang labi ng tatlong maliliit na anghel, bagaman at sarado iyon at hindi na rin ipinakita pa ang anino ng tao sa loob dahil sa maselang kondisyon na hindi makilala ang mga sunog na katawan Kulang na lang ay pakiramdam niya gusto niyang manakit ng mga oras na iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit at sama ng loob na nasa puso niya. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Sheena na masamahan siya sa mga panahong kailangan nito ng katulong at kaagapay. Kaya pala ganoon na lamang ang paninindigan
Magbasa pa
CHAPTER 26
RED Araw ng linggo ng ipasya niya na magtungo sa kaniyang bahay matapos ang ilang buwan na hindi pag-uwi rito. Hindi niya ipina-alam maging sa kanyang mga magulang ang kanyang pag bisita rito. Pagbungad pa lamang niya sa sala ng mapansin agad niya ang dalawang yaya na nagkakasaya sa paglalaro ng dalawang maliliit na sanggol. Ang totoo, mula ng isilang ang mga bata ay hindi pa niya nagawang dalawin ang mga ito. At hindi pa rin niya nagawang masulyapan ang mga mukha ng dalawang kambal. Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon, kahit hindi pa man niya nalalapitan at nakikita ang mga ito. Tila may nagtutulak sa kanyang lapitan ang kambal. Halatang nagulat rin ang mga taga pag alaga sa kanyang pag sulpot. "Ah, sir, kayo po pala!?" nagulat na sabi ng isa at bahagya pang yumukod. Walang imik na nilapitan niya ang mga ito. Nakahiga ang dalawang sanggol sa kani kanilang mga trolley at mukhang nakagayak. "Mukhang may lak
Magbasa pa
CHAPTER 27
Eight years later, Nakahinga ng malalim ang babaeng bagong dating mula pa sa Amerika. Blue fitted jeans, at red shirt ang suot nito. Three inch high heel na nakapag dagdag pa lalo sa taas nito, with black shades habang nakalugay ang mahaba, tuwid at itim na itim nitong buhok. Kasunod nito ang ilang mga lalaking naka uniform ng black habang bitbit nila ang kanyang mga bagahe. Sa unang tingin pa lang ay halatang bodyguard ang mga ito. Isang pulang kotse ang huminto sa tapat nito pagkalabas na pagkalabas pa lamang nito ng airport. Mabilis na nilapitan ito ng isang lalaking naka black uniform at agad na binuksan ang pinto niyon upang makapasok ang babae. Matapos na masigurong okay na ang babae ay sumakay naman ang iba pang lalaking kasama nito sa dalawa pang kasunod na sasakyan. Ilang sandali lang narating nila ang isang malaki at magarang mansyon na nasa pusod ng lungsod. Mabilis na nagsiyukuan at bumati sa bagong dating ang mga kasambahay ng mansyon.
Magbasa pa
CHAPTER 28
REDAraw ng pamamasyal niya kasama ang kanyang dalawang anak na naka ugalian na niyang gawin tuwing wala siyang pasok sa opisina. Ngunit kung minsan naman ay sinasadya pa niyang mag leave upang makasama ang mga ito. Ilang beses na rin niyang isinama sa pagbabakasyon sa labas ng bansa ang mga ito, ngunit dahil sadyang iyon yata ang hinihintay na pagkakataon ni Cynthia, kung kaya mas mabilis pa ito sa kanila na makapag handa kahit na hindi naman ito kasama sa kanilang plano. Gaya na lamang ng araw na ito. All smile pa ito habang sinasalubong siya pagpasok ng bahay. Kita niya na handa na rin ang kanyang mga anak na kasalukuyang nakaupo sa sala. "Hello, daddy! We're ready na." nakangiting sabi ng isa sa kanyang kambal na si Kylie. "Yes, dad. And you're late today." ani Kate naman. "And I am also with all of you, Red." nakangiti na sabi ni Cynthia. "Okay, ladies. Pack up your thing's and we will go." sagot niya na nakatingin sa kambal habang tila
Magbasa pa
CHAPTER 29
RED Nakauwi na siya sa kanyang condo matapos na maihatid ang mga kasama niya sa bahay kanina. May sarili naman na driver ang kanyang ina kaya nag kusa na rin itong umuwi. Matapos na makapag tanggal ng kanyang sapatos ay napa sandal siyang naupo sa sopa. Bahagya rin niyang nahilot ang kanyang sintido. Paulit ulit na bumabalik sa kanyang ala ala ang mukha ng babaeng nakasagutan ni Cynthia sa parke. Alam niya na hindi pa niya ito nakita kailanman, ngunit may pakiramdam siya na kay tagal na niya itong kilala. Weird man na isipin ngunit may kung anong interes na binuhay ito sa kanya matapos ang maraming taon. Minsan lang siyang nakaramdam ng ganito noong una niyang makita ang maamong mukha ni Sheena, ngunit ngayon, muli na naman itong naulit sa ibang babae na kahit pa nga ang pangalan nito ay hindi niya kilala. Tumayo siya at lumapit sa counter upang magsalin ng alak. Ilang sandali lang at tumawag sa kanya ang kanyang mama. "Hello, ma?" "H
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status