All Chapters of One Rule: Don't Fall: Chapter 21 - Chapter 30
39 Chapters
Chapter 21
Chapter 21: Kiss "Pwede naman na dito ka nalang oh, tabi kayo ni Jana, ako na d'yan," suggestion ko noong makita ko siyang hindi komportable na nakahiga sa upuan na gawa sa kawayan. "Khalil, dito ka na..." tawag ko pa sakanya. "Matulog ka na." tanging tugon niya. Napanguso ako bago bumuntong hininga. Inayos ko ang kumot kay Jana bago tumayo. Dinamot ko rin ang kumot ko at inilagay iyon kay Khalil. Balak ko narin sanang ayusin iyon kaso bigla niyang hinuli ang kamay ko dahilan para dumapo ang mga mata ko sa mukha niya.  "What are you doing?"  "Kinukumutan ka, hindi ba iyon halata?" "I'm not stupid of course I know that. Ang ibig kong sabihin bakit?" Tumaas ang kilay niya. "Wala kang kumot, malamig, umuulan, baka ginawin ka." Sunod-sunod na sagot ko sakanya bago ko binawi ang kamay ko. "Matulog ka na."  B
Read more
Chapter 22
Chapter 22: Resort "Are we going home Dada?" tanong ni Jana noong makapasok kami sa sasakyan. "No. We're going to a resort." "Resort?" kunot noong tanong ko. "Today is Rick's birthday that's why we're heading to my resort, one of my private resorts." "My resort? Sa'yo? One of your private resorts?!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinapunan niya ako nang tingin at tumango. "Of course. Bakit mukhang nagulat ka roon? Madami akong business, madami akong pera, anong nakakagulat doon?" Umiling-iling nalang at napatingin sa labas. Napapagitnaan namin ngayon si Jana dahil nasa likuran din si Khalil dahil meron namang nagmamaneho sa harap. Tama nga naman siya, anong nakakagulat doon? Siya si Khalil Alegro. Madami siyang pera at madaming negosyo, kaya niya bumili ng kahit ano. Madaming sasakyan, madaming bahay, mamahalin na mga gamit at ka
Read more
Chapter 23
Chapter 23: Bawi "Saan punta mo? O-okay ka lang ba? Bakit parang namumula yung mga mata mo?" Napahinto ako sa pagtakbo noong makasalubong ko si Ishi, yung girlfriend ni Rick. "Hoy Solene! Are you okay?" "Oo! Yung buhangin kasi sa labas... napuwing ako!" Pagsisinungaling ko at mahina pa ngang natawa. "Ikaw? Saan punta mo?" "In my room. Anyways, pinapasabi ni Rick na kasama ni Jana yung pamangkin niya. Baka raw hanapin mo." "Pwede ba akong sumama? Wala akong kasama e tapos kakasabi mo lang na si Jana ay andoon nga sa pamangkin ni Rick nakikipaglaro, si Khalil naman kasi ano..." Dahan-dahan akong lumingon, tinignan kung sumunod ba si Khalil pero nabigo ako. Hindi ko siya nakita sa likuran ko kaya mapait akong ngumiti bago ko binalik ang mga mata ko kay Ishi. "May mga kausap siya. Alam mo na, mga negosyo, gano'n!" Pagsisinungaling ko ulit. "Sige tara sama ka sa'kin," inabot niya ang
Read more
Chapter 24
Chapter 24: Can't sleep "Naiinis parin ako sa'yo. Hindi porket bumawi ka ngayon ay ibig sabihin no'n ay okay narin tayo. Akala mo ba nakakatuwa yung mga narinig ko ha? Oo nga nag-explain ka na pero wala, hindi parin tayo okay, naiinis parin ako sa'yo," wika ko. "Naiinis ka nga sa'kin?" Inikutan ko siya ng mata. "Ulit-ulit? Oo— nakuha mo pa talagang ngumiti? Ang sabi ko hindi nakakatuwa yung narinig ko tapos ngayon ngingiti-ngiti ka r'yan? Siraulo ka ba? Walang hiya 'to! Pagkatapos akong inisin ngayon ngingiti-ngiti na parang walang nangyare!" nakasimangot na sabi ko. "The fact that you're actually annoyed... made me realize one thing... you're really jealous huh? You are really jealous and no," magsasalita na sana ako pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang daliri niya. "Don't you try to deny it. You are jealous and it's really obvious." dagdag niya. "Naiinis, Kha
Read more
Chapter 25
Chapter 25: Drunk "I'm leaving," agad kong iminulat ang mga mata ko noong may dumapong kung anong malambot na bagay sa noo ko.  "Ano yun?" tanong ko gamit ang inaantok na boses. "Anong ano yun? I said I am leaving. Aalis na ako kasi meron pa akong gagawin." "Narinig ko okay?! Ang tanong ko kung anong malambot na bagay ang dumapo sa noo ko. Anong nilagay mo? May nilagay?"  Mahina siyang natawa. "It's my lips, silly." "Huh?" Parang nagising agad ako dahil sa sinabi niya. Parang nakalaklak ako ng kape. Agad na gumising ang katawan ko pati narin ang diwa ko. "Bakit mo hinalikan ang noo ko?! Parang sira ka naman! Inaano ka ba? Sarap mong sapokin ah! Nakakainis ka. Noong isang araw ka pa! Hindi porket nahali—" agad akong napahawak sa labi ko, tinakpan iyon noong mapagtanto ko kung anong topic ang nabuksan ko. "A married couple d
Read more
Chapter 26
Chapter 26: Marissa "Ayos ka lang? Bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa tahimik d'yan," basag ko sa katahimikan na pumapagitna sa aming dalawa. Nakatingin ako kay Khalil habang siya naman ay nakatingin sa kisame at mukhang malalim ang iniisip. Mukhang hindi niya pa narinig ang tanong ko dahil sa hindi talaga siya sumagot, nanatili siyang tahimik sa tabi at nakatingin sa kisame kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang braso niya at dahan-dahan ko iyong niyugyug. Tumingin ito sa akin na naka-taas ang kilay. Hindi talaga siya nakikinig sa sinasabi ko.  "Ayos ka lang?" ulit ko. Tumango siya sa naging tanong ko at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Weh? Sure ka bang ayos ka lang? Parang hindi naman... kwento ka sa akin. May nangyare ba? Bad trip ka ngayong araw? Wala ka sa mood? Parang sabaw ka kasi, parang lutang, lumilipad ka." Umusog ito palapit sa akin. Hindi ako gumalaw o an
Read more
Chapter 27
Chapter 27: Nahuhulog na "Saan ka natulog?" Napatingin agad ako kay Khalil noong magsalita siya. "Sa kwarto ni Jana." sagot ko. Pinagpatuloy ko ang pagtitimpla ko ng kape at pagkatapos no'n ay lumabas narin. Nakasalubong ko si Jana. Nakangiti siya at mukhang ready na umalis, ready na siyang pumasok sa school nila. Pilit at mapait akong ngumiti dahil sa mga ngiti niya. Ibang-iba kasi ang mga ngiti niya. Masayang-masaya siya dahil sa nakita niya na ang totoong nanay niya. "Mommy Solene!" Nabalik ako sa realidad noong maramdaman kong bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Dahil din sa ginawa niya ay muntik ko nang mabitawan ang hawak kong mug. Mabuti nalang nahawakan ko iyon gamit ang isang kamay ko kaya hindi ito nalaglag pero ngalang ay natapon ang konting laman nito. Napapikit ako noong maramdaman ang init sa kamay ko. "Oh, I'm sorry!" Nakagat ni Jana ang pang-
Read more
Chapter 28
Chapter 28: Complete Family "Good morning po," bati ko sa nanay ni Khalil noong makita ko siya sa baba. "Ano po meron? May dadating po ba?" tanong ko pa noong mapansin ko na naglilinis ang mga maid at aligaga. Aligaga sila sa paglilinis mula sa taas hanggang dito sa baba.  "Khalil didn't tell you?"  "Yung alin po?" "His father will be here later, uuwi siya." "Ay!" Nakagat ko ang labi ko. "Tutulong nalang po muna ako sa pag-aayos dito—" "No, darling, Khalil won't allow you. Kahit ako ay hindi ko rin hahayaan na tumulong ka rito. You are my son's wife, you don't need to to do that. That's why we have maids nga para gawin ang mga 'yan kaya ang gawin mo nalang ay magbihis, mag-ayos." putol niya. Tumango ako sa sinabi niya at mabilis na nagtungo sa taas, sa kwarto namin. Nakagat ko ang labi ko noong maabuta
Read more
Chapter 29
Chapter 29: “Selos?” "Really Solene?" Gumuhit sa labi niya ang isang ngisi. Isang ngisi na nang-aasar na akala niya naman ay tatalab sa'kin. Hindi na ako sumagot pa. Ayoko nang pahabain pa ang pag-uusapan namin dahil sa ayoko talaga siyang kausapin. Iyon nga ang nangyare, hindi na ako sumagot pa kaya umalis narin siya. Parang nagsisi rin ako sa sinabi ko. Hindi ko alam na ihahatid siya ni Khalil. Parang napahiya ako roon sa sinabi ko! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko noong sabay silang lumabas. Ginawa ko ang lahat ng paraan para lang hindi ako magmukhang nagseselos at naiinis doon.  "You okay hija?" Napatingin ako sa nanay ni Khalil noong bigla siyang magsalita. Tipid akong ngumiti. "Opo," sagot ko. "Medyo masakit lang ulo ko." pagsisinungaling ko pa. "Mommy Solene where's Dada? Did you see him?" Nalipat naman ang mga mata ko kay Jana n
Read more
Chapter 30
Chapter 30: “Hindi ako nagseselos” "Bitaw na," kinuha ko ang kamay niya at tumayo narin. "Bakit ka naman kinikilig? Hindi porket ayokong umalis ka at sumama ka kay Marissa e bibigyan mo na iyon ng special meaning. Ayoko lang na umalis ka kasi anong oras na, baka may kung anong mangyare pa sa'yo. Wala kung anong meaning ito, Khalil. Ayokong bigyan mo iyon ng kahulugan—" Tumalim ang mga titig niya na siyang nagpaputol sa gusto ko pang sasabihin. Napalunok ako at napa-iwas nang tingin. Kasabay nang paglunok ko ay parang nalunok ko narin ang mga gusto ko pang sabihin sakanya. Parang nawala iyon sa isip ko, pakiramdam ko lahat ng gusto kong sabihin ay nawala— hindi ko na alam pa ang sasabihin ko dahil sa mga matatalim niyang tingin. "Continue," aniya. Bumuntong hininga ako. "Ayokong... ayokong inuulit-ulit mo yung tungkol sa selos keme mo na iyan. Palagi mo nalang sinasabi na nagse
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status