IBINUHOS na lang ni Nikole ang frustration sa pagba-barhopping kinagabihan kasama si Clive. Game naman itong sinabayan ang trip niya dahil wala siyang itinago nang i-kuwento niya sa binata ang nangyari sa loob ng opisina ng ama. “Wow, you were tricked.” Napapailing na saad ni Clive. “I thought Cross was marrying a man, literally. But Dana is considered a woman, and she is so pretty. Damn it!” Natawa si Clive. “I told you, leave it. Narito tayo para mag-recruit sa harem mo. I assure you, makakalimutan mo rin si Cross. Maraming mas deserving kaysa sa kanya.” Nikole pouted her lips. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Halos lahat ng mga naroon ay magkakapareha na wari ay iniinggit ang sugatang puso niya. Although, it was all about pride. She is Nikole Castellaneta, walang sinuman ang may karapatan na tumanggi sa alindog niya. Ganoon kataas ang tingin niya sa sarili pero sa mga nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraang araw napagtanto niyang hindi lahat talaga mabibili ng pera. “
Magbasa pa