All Chapters of Marriage Under Pressure (Tagalog): Chapter 81 - Chapter 90
94 Chapters
Chapter 80: Memories in the Past
ABALA si Lucia sa paglilinis ng mga gamit nang biglang mahulog ang litrato ni Eduardo at nang sandaling dumikit ang kanyang daliri sa litrato ay bigla siyang nakaramdam nang malakas na pagkabog ng dibdib nang sandaling iyon.“Ano itong nararamdaman ko?” bulalas na tanong ni Lucia sa kanyang sarili.Hindi siya mapalagay nang sandaling iyon at mas lalo siyang nakaramdam ng pagkabalisa nang dumapo ang kanyang mga mata sa litratong kanyang hawak.“Ed, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Lucia habang nakatitig sa maaliwalas na mukha ni Eduardo, ang lalaking kanyang unang inibig.At nang sandaling iyon ay nanariwa sa kanyang alaala ang mga masasaya, matatamis at kapana-panabik na sandaling dalawa ng kanyang unang pag-ibig.“Hija, dito ka magtatrabaho. Ito ang bahay ng pamilya Salvatore,” pagpapakilala ni Aling Elena.Alalang-alala pa ni Lucia ang unang beses na makita niya ang pamamahay ng mga Salvatore. Aminado siyang labis siya nakaramdam ng pagkamangha nang sandaling iyon dahil sa ganda
Read more
Chapter 81: Connection
“SAPAT na ito, Mr. Salvatore, para hulihin ang inyong—” “No. This isn’t the right time. Let’s hold off a little longer,” saad ni Stefan habang tinitignan ang video na nakunan ni Inspector Vasquez habang minamanmanan ang magkapatid na Astolfo at Gretta Salvatore. “I want to know if there is anyone else stabbing me back.” Dagdag nito nang ibaling ang mga tingin kay Lemuel. At nanariwa sa kanyang alaala ang mga complain na nakarating sa kanya nitong mga nakaraan na mga araw—mga complain tungkol sa mahinang klase ng mga materyales ang ginamit sa mga ginawa nilang mga bahay at maging ang mataas na presyo ng kanilang mga lupa at serbisyo ay labis na mahal. Kilala ang Salvatore Group of Companies sa maganda at hindi matatawarang serbisyo at kalidad ng mga materyales na kanilang ginagamit. Lahat ng kanilang mga ginagamit para sa mga tinatayong bahay, gusali at iba pang infrastructures ay higit pa sa normal standard pagdating sa kalidad ng mga ito maging ang mga lupa na kanil
Read more
Chapter 82: Sweet Treat
NAKARAMDAM ng pangangalay si Stefan sa kanyang leeg buhat nang mahabang pagkakaupo dahil sa nakatambak na mga dokumentong naiwan niya dahil sa pag-aasikaso ng kanyang asawa. Napasandal siya sa kanyang upuan para ipahinga ang kanyang likod at leeg nang mapansin niyang bukas na ang ilaw sa kanyang opisina at madilim na sa labas. Napatingin siya sa kanyang relo at doon niya lang napagtanto na pasado ala syete na pala ng gabi.Napatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo. “I need to go,” wika niya sa kanyang sarila at kinuha ang coat at susi saka lumabas ng kanyang opisina.Sa paglabas niya ng kanyang opisina ay wala siyang ibang narinig kung ‘di ang kanyang mga yabag na umaalingawngaw sa tahimik na gusali. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya ng parking lot at dahil sa gabi na ay wala na ring kotse ang naroon bukod sa kanyang sasakyan.“I should get home as soon as possible. It’s not a good idea to leave Eunice
Read more
Chapter 83: Face-Off
NABALOT nang kakaibang tensyon ang buong k’warto nang sandaling iyon ngunit hindi iyon dama nina Gretta at Astolfo dahil sa pagnanasa nilang magagawa nilang manalo at mapasakanila ang kompanya sa mismong araw na iyon. Pinagmasdan ni Gretta ang mga shareholder na naroon kung saan kitang-kita niya ang ilan na naroon doon ay hindi gusto na makita silang dalawa ng kanyang kapatid. Ngunit, hindi niya iyon dinamdam at ibinaling ang kanyang mga tingin sa mga taong nakausap niya ng mga nakaraang araw.Hindi na pinatagal ni Gretta ang tensyon na bumabalot sa kanilang lahat at binasag ang katahimikang iyon. “Something unpleasant happened in our company a few months ago when our sister Divina was murdered by our daughter-in-law, the wife of our grandson Stefan,” panimula niyang sabi na siyang ikinasinghap ng lahat at pag-iling.Samu’t saring bulong-bulungan ang naging reaksyon ng mga taong naroon. Hindi sila makapaniwala na ang manugang ni Divina ay siyang papatay sa kanilang chairman. Buong aka
Read more
Chapter 84: Twist Off
“HOW can you say that is fabricated when it is the one which is real?” ngising tanong ni Stefan.Namumutlang napatingin si Astolfo kay Stefan. “Kalokohan! Ginagawa mo lang ang lahat ng ito para ibunton sa amin ang sisi! Wala kaming kasalanan ni Gretta! Ang tunay na mamamatay tao ay ang asawa mo!”Hindi nagsalita si Stefan at ngumisi. “Let’s see which of us telling the truth,” paghahamong saad nito saka ibinaling ang kanyang tingin sa bodyguard na nasa may pinto. “Let him in.”Nang sabihin iyon ni Stefan ay binuksan ng bodyguard ang pinto ang ng k’wartong iyon dahilan para maibaling ang lahat ng tingin ng mga naroon sa pinto para makita kung sino ang taong pinapatawag ni Stefan.Nagkaroon ng maliliit na bulong-bulungan ang mga taong naroon. At nang sandaling pumasok na ang taong pinapatawag ni Stefan ay napakunot ng mga shareholders liban na lamang kina Astolfo at Gretta na gulat na gulat sa kanil
Read more
Chapter 85: Conflicts
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang
Read more
Chapter 86: Awaken
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
Read more
Chapter 87: Prayer
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
Read more
Chapter 88: Face-Off Pt. 2
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Read more
Chapter 89: Puzzle Pieces
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status