All Chapters of Marrying the Tyrant Cowboy: Chapter 111 - Chapter 120
189 Chapters
Chapter 98
CHAPTER 98 Shopping by herself is relaxing. Ginamit niya na talaga ang blackcard ni Kien Massimo kahit pa nag-away sila kanina. Hindi na siya nagpasama sa sekretarya nito. She felt so alive with her new smooth skin and curly hair. Ibinalik niya ang buhok niyang natural na kulot-kulot. Namana niya sa ina ang kulot na buhok. May picture pa nga siya noon na bagay na bagay ang kanyang buhok sa matambok niyang pisngi. “Hindi bagay sa ‘yo.” Natigilan siya sa pagsusukat ng napiling bag. Nilingon niya si Mrs. Rodriguez na mapang-insulto na naman ang tabas ng mukha sa kanya. “It costs millions. Hindi mo ‘yan kayang bayaran. Unless, may ambon na naman ng pera ang asawa ko.” Oh, God! Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin tapos si Mrs. Rodriguez sa paratang nito sa kanya? “Tell me, magkano ang allowance na ibinibigay sa ‘yo ng asawa ko buwan-buwan? Isang milyon? Dalawang milyon kapag maganda ang performance mo sa kam
Read more
Chapter 99
CHAPTER 99 Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Kismo. Kung siya man ang nasa katayuan nito ay pipiliin niya ring protektahan ang taong nagligtas sa buhay niya. “I’m sorry, Amy. I promise to do everything to protect you from the Rodriguez. But I’ll keep Lea’s secret as long as I can.” Bumuntong-hininga siya bago nagdisisyon na hayaan na lang. Kinuha raw ni Tita Joana si Quin kanina at doon na rin matutulog ang bata. Sanay na sanay na talaga ito sa Lolo at Lola nito. Selfish man pakinggan pero hinihiling niya na sana kung bumalik man si Lea ay huwag na nitong kunin sa kanya si Quin. Hindi niya ibibigay ang batang pinalaki at minahal niya sa loob ng apat na taon. Paniguradong malulugmok ulit siya kung sakali man mawala sa kanya ang baby niya ng ganun-ganon na lang. Quin helped her so much forgetting the sadness of her divorce. Nabaling ang atensyon niya sa pag-aalaga rito na namalayan niya na lang na wala na
Read more
Chapter 100
CHAPTER 100 Kismo is like a rigid and hard rock while sitting beside her. Sa backseat sila pareho nakaupo upang alalayan ang isa’t-isa. Kahit may tama, ramdam na ramdam pa rin ni Amelia ang tensyon sa katawan ni Kismo. Nagpapabalik-balik ang tingin niya kay Tita Jonelyn na nasa driver seat at sa anak nitong nag-iigtingan ang mga panga. Agad silang sinalubong ng doctor at ilang nurse nang makarating sila sa bahay ng mga Revamonte. Hindi magkandauga si Tita Joana sa pag-alalay sa anak. Tanong nang tanong kung kaya ba nito o ano kahit ang laki-laking tao ni Kismo. Siya naman ay inalalayan ni Tito Castiel pataas katulong ang ilang bodyguards na naroroon. Nakita niya si Tita Jonelyn na titig na titig lamang sa anak habang pinagtutulungan itong akyatin ng mga bodyguards. Hindi lumalapit pero bakas naman ang pag-aalala sa mukha. Bakit hindi nito nilalapitan si Kien Massimo kahit nabaril na ang sariling anak? Hindi malala
Read more
Chapter 101
CHAPTER 101 “I miss you too, Mom,” nanunubig ang mga mata ni Amelia habang kausap ang ina sa kabilang linya. Mag-iisang taon na rin nang huling beses niyang nakita ang kanyang mga magulang. Kasama ng mga ito sa Isla Molave ang dalawa pa niyang kapatid. Si Terrence na sumunod sa kanya at kasalukuyang nagpapatakbo ng resort. Ang bunso naman na si Kieshel ay nasa college na sa Molave State University. Matagal na siyang pinatawad ng kanyang mga magulang pero ang sarili niya ay hindi pa. Idinadahilan niya lang talaga na may negosyo siya sa Maynila at nag-aaral si Quin kaya hindi siya makauwi-uwi sa isla. Pero ang totoo, hiyang-hiya siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay hindi sapat na pinatawad siya ng mga ito sa kabila ng pagsira niya sa sarili niyang buhay. “Miss na namin si Quin. Ibinalita sa amin ni Joana ang nangyari. Ayos ka lang ba?” “Yes, Mom. Dumating po si Kismo. Iniimbistigahan na rin ng mga pulis ang nangyari. I’m sta
Read more
Chapter 102
CHAPTER 102 “Naku, Ma’am. Huwag niyo na pong alalahanin ang shop na ‘to. Mag-relax lang kayo ni Baby Quin sa hometown niyo. Ito na nga lang ang kaisa-isang beses na magbabakasyon kayo eh,” ani sekretarya niya nang sabihin ni Amelia na makikipag-coordinate pa rin siya sa mga ito kahit nasa Isla na siya. “Medyo magtatagal kasi kami doon ni Quin.” “Sige, Ma’am. Siya nga po pala, may nagpa-appointment sa ‘yo for lunch. VIP po.” “Okay. Basta hindi ako pagbibintangan na nangabit ng asawa,” pabiro niyang wika. May trauma na yata siya. Natawa ito at sinabing lalaki raw. Ibinigay sa kanya ang address ng restaurant na ang VIP mismo ang nagpa-reserve. Pagdating sa restaurant, ay agad siyang iginiya ng waiter sa private room matapos niyang banggitin kung anong shop siya galing. Wala pa ang ka-meeting niya kaya inilabas niya na muna ilang magazine na naglalaman ng mga sample furniture niya. Sa tuwing may VIP client siya ay sinisiguro niyang malinaw ang usapan hindi lang pagdating sa mga
Read more
Chapter 103
CHAPTER 103 Sinalubong ni Amelia ng mahigpit na yakap ang anak nang pumasok ito sa front door ng mansion. Ilang minuto lang ang nakalipas matapos nilang makita kung sino ang tumangay kay Quin ay may tumawag na kay Kismo. Nagbigay ng impormasyon na nasa pinakamalapit raw na parke si Quin. Agad naman iyong pinuntahan ni Kien Massimo kasama ang mga nagpapatrolyang pulis. “Mommy, ba’t ka po iyak?” Lito ang inosenteng bata nang magtanong. “Sinaktan ka ba niya? Saan masakit? Saan?” Pinagsisipat niya ang katawan ng bata. “Si Tita po? Hindi niya naman ako iha-hurt, Mommy. Sabi niya kasi punta raw kami sa ‘yo kasi bukas pa raw ikaw uuwi.” Kanda-iling siya. “Di ba sinabi ko naman sa ‘yo, huwag kang basta-basta na lang sasama.” “Know ko po si Tita Giuseppe, Mommy ko. Kakarga pa nga niya ako dati.” “Baby.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para mapirmi ang mga mata sa kanya. “Hindi ka na sasama kay Tita Giuseppe. Kapag nakita mo siya, hindi mo siya lalapitan. Magsusumbong ka
Read more
Chapter 104
CHAPTER 104 “Happy ka ba?” nakangiti niyang tanong kay Quin matapos niyang ilapag ang huling tray ng spaghetti sa mahabang buffet table. Nagniningning ang mga mata ni Quintano nang sumagot sa kanya. “Opo. Thank you.” “Aw. Say thank you rin kay Daddy at sa Lolo’t Lola mo.” “Sa dalawa ko pong Lolo at Lola? Tapos Tito at Tita pa?” Mahina niyang kinurot ang dulo ng ilong nito. “Opo. Oh, sige na. balik ka na sa mga visitors mo. Bigay ko mamaya ang gift ko sa ‘yo kasi special yon. Happy birthday, Baby ko.” Isa pang h alik ang ibinigay sa kanya ni Quintano bago ito nanakbo pabalik sa mga batang bisita. Nagsisigawan at naghahalakhakan ang mga bata na kaklase lang din ni Kismo. Enjoy na enjoy sa mga laro na hinanda ni Nadia. Sa isa sa mga property ng mga Revamonte idinaos ang birthday party ng bata. Malapit kasi iyon sa eskwelahan ni Quin at para madali makapunta ang mga kaeskwela nito.
Read more
Chapter 105
CHAPTER 105 Ilang beses ng tinapakan ni Dominic ang pagiging babae niya. Gigil na gigil talaga siya. Patawarin siya ng mga matitino at mababait na lalaking may maliit na p-gkalalaki, sa pagkukumpara niya. Nagdadabog na lumayas si Dominic sa bakuran nila. Naiiyak sa natamong insulto na tinuro-turo pa siya. “So…” “Don’t ever say a word,” sita niya agad. Nag-iinit ang mga pisnging tinaliman niya ito ng tingin. Sumagot lang ito ng naaliw na tawa kaya mabibigat rin ang kanyang mga hakbang na bumalik sa party ng bata. Patapos ng kumain ang mga ito. Nagbibigay na ng mga prize para sa mga nanalo sa laro kanina. Lahat din ay binigyan nila ng take home chocolate and candies na nakabalot pa sa paper bag. Bago magsiuwian ang lahat ay kinantahan pa ng mga ito si Quintano ng ‘happy birthday’. Proud na proud naman ang bata habang nakakapit sa kanya. Hyper na hyper pa rin si Quin kinagabihan. Dinadaldal
Read more
Chapter 106
CHAPTER 106 “Ate Amy, hanap ka na ni Kuya.” Tinapik-tapik ni Keshiel ang kanyang pwet nang gising siya nito. “Sabihin mo sa kanya, puyat ako,” sagot niya rito habang pipikit-pikit pa ang mga mata. “Ate, hindi pwede. Hindi niya ako bibigyan ng baon.” Kakamut-kamot sa ulong bumangon siya. Nakahanda na papasok sa eskwela ang kanyang bunsong kapatid. Bahagyang nakabusangot ito habang pinagmamasdan ang sabog niyang buhok. “Bangon ka na, Ate. Sige na. Maawa ka naman. Gusto kong kumain ng pizza mamaya.” “Sabihin mo sa Kuya mo na pepektusan ko siya. Kapag hindi ka niya binigyan ng baon, ako ang magbibigay sa ‘yo.” “Pati allowance ko sa out of town seminar namin?” “Oo.” Napanguso ang si Keshiel. “Ate naman, wala ka naman pera.” “Hoy!” tinuro niya ang kapatid habang nanlalaki ang mga mata. “Papagalitan ako ni Mommy kapag nalaman binigyan mo pa ako.” “Si
Read more
Chapter 107
CHAPTER 107 Hindi na nagulat si Amelia nang makita niya si Nikolai Zacharias. Ngunit nawindang siya nang mabistahan ang iba pa nitong kasama sa malaking mesa ng isa sa mga restaurant ng hotel nila. It’s the Nortshire Town Gang. Hindi kompleto pero halos nandoon. Nagtaas ng paningin ang babaeng nasa tabi ni Nikolai Zacharias. Binigyan siya ng nakakaintimidang tingin ng babae bago ito may ibinulong kay Nikolai Zacharias. Kapagkuwan ay kumaway sa kanya. Ngayon niya na naman ulit nakita si Vitoria Alexi, ang sigang pinsan nina Vioxx at Asher Almeradez. “Ate Amy,” tawag niyon at mas kinawayan pa siya. “H-Hi,” atubili niyang bati sa mga ito at inilapag ang mga pagkain na dala niya. “Anong ginagawa niyo rito?” She felt weird. Bibihira lang kasi magtipon-tipon ang mga ito. Lalo pa’t ang alam niya ay ipinapadala sa bundok si Vitoria Alexi para maki-gyera. May importanteng mangyayari kaya napauwi ito
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
19
DMCA.com Protection Status