All Chapters of Marrying the Tyrant Cowboy: Chapter 71 - Chapter 80
189 Chapters
Chapter 64
CHAPTER 64 “What do you mean my kids are missing?” bulyaw ni Castiel sa telepono nang ibinalita sa kanya ng dalawang bodyguard na nawawala ang mga anak niya. “Hindi na namin, Sir nakita. Nagpasama lang naman si Kismo sa CR kay Delia.” “S-Si Delia,” puno ng pagpa-panic ang sistema niya. “T-angina, si Delia. Nasaan?” “Hindi na rin po bumalik, Sir.” “P uta! Hanapin niyo. Sh-it, motherf uckers! Hanapin niyo ang mga anak ko. Huwag kayong babalik dito hangga’t wala ang mga anak ko!” Nanginginig ang kanyang mga kamay at halos mabasag na ang screen ng kanyang cellphone nang pinindot ang end button. Oras na para sa uwian ng mga bata nang tumawag ang bodyguard na nakatokang bantayan ang mga ito habang nasa eskwela. Malalaki ang kanyang hakbang na pumanhik siya sa taas. Namamawis ang kanyang noo at gusto sanang magdabog sa pagkabalisa nang makita niyang mahimbing ang tulog ng kanyang asawa.
Read more
Chapter 65
CHAPTER 65 Nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang ibinigay niya kay Castiel ang SD card na matagal niya na ring itinatago. Nire-respeto niya ang disisyon ni Jonelyn na huwag iyong ibigay kina Riguel. Ngunit sa pagkakataong iyon, mas matimbang si Kismo sa kanya. Mas matimbang ang inosenteng bata na nadamay lang sa lahat ng kahayupan ng sarili nitong ama. Nakialam na sina Riguel sa kidnapping. Tauhan ni Donatello si Delia. Plantsado ang planong pagtanim ng babae sa buhay nina Kismo at Castiel. Nanggigil si Joana dahil kahit katiting ay hindi man lang sumagi sa isip niya na traydor pala ang babae. Ang bait-bait nito at parang anak na kung ituring si Kismo. “Please, ibalik mo si Kismo,” puno ng pagsusumamong wika niya kay Castiel. “Baka takot na takot na siya.” Sinapo ni Castiel ang kanyang magkabilang pisngi at siniil siya ng malalim na h alik. “I will. Bukas nandito na ako ulit, kasama ko na siya.”
Read more
Chapter 66
CHAPTER 66 Halos masiraan ng ulo si Castiel habang pinapanood ang mga nagkakagulong doktor sa loob ng ER sa pag-revive kay Kismo. Ilang beses na nag-flat line ang aparato at literal na pinanginigan siya ng tuhod nang makitang nawalan ito ng hininga. Mabibilis ang kilos ng mga doktor at halos hindi siya humihinga sa bawat pagtama ng de-kuryenteng aparatong iyon sa maliit na katawan ng bata. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang walang tigil sa pagbuhos ng luha sa kanyang mga pisngi. Hindi galing sa kanya si Kismo pero nang oras na nagdisisyon siyang kunin ito at patirahin sa poder niya, anak niya na ito. Pinangako niya na sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ang bata katulad ng mga ginawa ni Luis. Si Luis. Hindi lang isang beses nitong pinatunayan sa kanya na kahit anak si Kismo nang taong bumababoy sa babaeng mahal na mahal nito ay inaari nitong sarili ang bata. Kasama nila si Luis nang p
Read more
Chapter 67
CHAPTER 67(EXTRA CHAPTER) “Manahimik ka, Bata!” bulyaw ng balbas saradong tauhan ni Donatello na nakabantay kay Kismo. Kanina pa ito naririndi sa batang hindi nito alam kung bakit pinag-iinteresan ng pinuno ng sindikato. “Ayaw ko sa ‘yo. Ibalik mo ako sa Mama ko. Bad ka talaga!” hagulhol ni Kiso habang nakasalampak siya sa sahig ng kwartong pinagdalhan sa kanya. “Sinabing manahimik ka! Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa ‘yo! Anong gusto mo, ha?” Napasigaw siya at mas lumakas ang iyak nang daklutin ng lalaki ang kanyang buhok at gigil na sinabunutan. “Huwag kang aastang boss dito dahil wala ka sa inyo.” “B-Balik mo na ako sa mama ko. Lagot ka sa mama ko at sa daddy ko.” “Lagot? Ang nanay mo ang lagot sa akin. Walang-wala iyon kay Boss,” sagot nito at dinuro pa ang bata. “Kapag nakuha na namin ang kailangan ni Boss sa kanya, ididispatsa ka na rin namin.” “Bad ka!” Mas lalong n
Read more
Chapter 68
CHAPTER 68 (UNCLEARED SCENES—JONELYN’S POINT OF VIEW) Namumulang napayuko si Jonelyn nang magtama ang mata nila ni Luis na nakaupo sa sulok ng cafeteria kasama ang mga kaibigan nito. They’re having a mutual understanding for a month now and she can’t still can’t get used to his stares. Ang hilig-hilig kasi nitong titigan siya at purihin na ang ganda-ganda niya. Madalas naman niya iyon marinig sa kanyang mga ka-eskwela at sa ibang tao ngunit iba pa rin kapag mula sa bibig nito niya naririnig. Kinse pa lang ay may hubog na ang kanyang katawan at nangingibabaw na ang ganda nila ng kanyang kakambal. Madalas nga ay napagkakamalan silang anak ng foreigner dahil sa pagiging mestisa. “Jo, ang kakambal mo!” napalingon siya sa kaibigang si Loeline nang hangos na dumating ito. “Nakikipagbasag-ulo na naman.” “Ano?” Napatayo siya sa narinig. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at nauna pang lumabas sa cafeteria para punta
Read more
Chapter 69 (Part 1)
CHAPTER 69 (PART 1) Walang ideya si Jonelyn kung bakit ganon na lang kadaling makuha niya si Castiel. Sinadya niya lang banggain ito at nagtuloy-tuloy na ang pagkikita nila. Masydo rin papansin at hindi sa paga-asume ngunit alam niyang sinusundan siya nito palagi upang kunin lang ang kanyang atensyon. Niligawan siya nito ng tatlong araw na agad niya namang sinagot. Nahihiya siya sa sarili niya dahil sa panloloko rito. Ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang huwag makaramdam ng sakit ng katawan dahil mabibigyan niya ng pera ang kanyang mga magulang—hindi na siya pag-iinitan ng mga ito. “I have something for you,” nakangiting wika ni Castiel nang magkita sila kinahapunan sa pinakamalapit na restaurant ng unibersidad. Ibinigay nito sa kanya ang paper bag na may pamilyar na logo. “Oh my!” kunwaring gulat niyang bulalas nang makita ang mamahaling kwintas na tinitingnan niya noong isang araw. Sinadya niya talagan
Read more
Chapter 69 (Part 2)
CHAPTER 69 (PART 2)Namula man sa pagkapihiya sa konklusyon nito ay hindi na siya umangal pa. Walang lingon-likod na nilisan nila ang restaurant. Katulad ng sinabi nito ay binilhan nga siya ng gamot at alcohol. Hindi lang mayaman at gwapo si Revamonte, maalaga rin at malambing. Nandito na ang lahat ng katangian ng isang lalaking madalas pinapangarap ng mga babae. Swerte na niya sana at kinaiingitan siya subalit hindi naman ito si Luis. Para sa kanya, walang-wala ito sa lalaking mahal niya. Kahit bigyan pa siya nito ng mga material na bagay at halos ito na ang gumastos ng lahat ng pangangailangan niya, hindi pa rin nito mapapantayan si Luis. There’s no butterfly in her stomach, no heat nor safety whenever Luis is around. Isang linggo niyang hindi nakita si Luis sa unibersidad. Nag-aalala siya rito dahil nang tinanong niya ang mga kaibigan nito ay hindi raw pumapasok ang lalaki. Scholar si Luis ng unibersidad at alam niyang mah
Read more
Chapter 70
Chapter 70 Takot siya sa banta ng kaniyang ama ngunit mas nangingibabaw ang kapasukan at pagkagusto niyang makasama si Luis. Rinig niya ay nagte-training na si Castiel sa pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya nito sa Maynila kaya ay madalas itong sumama sa mga magulang sa Maynila. Iyon ang kinukuha niyang tyempo para makipagkita kay Luis. Ilang beses ng may nangyari sa kanila at pakiramdam ni Jonelyn ay ayaw na niyang matapos pa iyon. Gusto na niyang tapusin ang panloloko niya kay Revamonte para tuluyan ng maging buong-buo siya kay Luis. Subalit, hindi niya magawa dahil sa konsekwensyang kanyang kahaharapin. Minsan, naiisip niya na kung nasa tabi kaya niya ang kakambal ay malalagay kaya siya sa sitwasyon niya ngayon? Mas naging tago ang pagkikita nila ni Luis. May mga pagkakataon pa na sa mismong unibersidad sila nagnanakaw ng sandali. “Ipapakilala mo ako sa mga magulang mo?” paulit na bulala ni Jonelyn sa sinabi ni Castiel. Sa
Read more
Chapter 71
CHAPTER 71 Ilang araw pa ang nakalipas bago siya kinontak ni Luis. Magkita raw sila sa bahay nito. Dala ng excitement ay hindi na niya naisip pa si Castiel. Pumara siya ng dumaang taxi at nagpahatid sa bahay ni Luis. Nang makarating ay agad siyang nagpaliwanag kay Luis. Tama nga ang hula niyang binugbog nito si Reynald dahil bakas pa ang sugat sa kamay ng lalaki Hindi niya alam kung naniniwala ba ito sa kanya dahil nanatili pa rin mariin magkalapat ang mga labi habang matiim ang titig sa kanya. Ang paliwanagan ay nauwi na naman sa mainit na sandali sa pagitan nila ni Luis. Ramdam niya ang panggigigil nito sa kanya sa bawat h alik at haplos nito. Maging nang hiniga siya nito sa kama ay madiin ang pagkakadagan sa kanya. Kinuha pa nito ang mga kamay niya at ipininid sa kanyang ulunan habang hawak-hawak ang kanyang mga palapulsuhan. “Akin ka lang, Jonelyn. Akin lang,” tila hibang ang nanga-angkin nitong tinig habang p
Read more
Chapter 72
CHAPTER 72(SPG!!! CONTAINS VIOLENCE) Nanginginig ang kanyang kalamnan habang tulala si Jonelyn sa madilim na seldang kanyang kinaroroonan. Parang kahapon lang ay masaya pa sila ng kakambal na nagkekwentuhan at tumatawa siya sa mga biro nitong hindi niya alam kung saan nito nakuha. Parang kahapon lang ay naroroon pa ang mga kilig sa tuwing nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang lalaking matagal na siyang gusto at natutunan niya na ring mahalin—si Luis. Parang kahapon lang ay parang prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang dahil matataas ang grado niya sa eskwela, palagi siyang may inuuwing medalya… Sa isang kisap-mata, naglaho lahat ng iyon. Simula ng umalis si Joana, ay sinalo na niya ang lahat ng kamalasan na pwede niyang saluhin. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita ang sariling darating ang araw na malalagay siya sa literal na impyerno. May mga alagad ng d emonyo at ang s atanas ay si Donatello. D
Read more
PREV
1
...
678910
...
19
DMCA.com Protection Status