Lahat ng Kabanata ng Tamara, The Mafia's Gem : Kabanata 41 - Kabanata 50
106 Kabanata
CHAPTER 40
Hinabol ni Andrei si Gen. Gomez. Subalit mabilis na sumibad ito sakay ng kaniyang sasakyan. Panay ang mura niya habang naglalakad pabalik sa kan'yang sasakyan. Sinipa pa ng binata ang gulong ng kaniyang sasakyan at saka sinuntok ang gilid nito. "What is he doing here?" tanong ng binata sa kaniyang sarili. "Posible kayang alam niya ang mga ikinikilos ko? Sino kaya ang spy niya?" Habang nagmamaneho pabalik ng mansion ng mga magulang niya sa Quezon City, naging malikot ang mata ni Andrei. Pinakikiramdaman din niya kung mayroong sumusunod sa kan'ya. Pagdating sa bahay nila ay naabutan niyang naghihintay si Rod. Ang malawak na bakuran ay nagsilbing training ground ng kaibigan ni Andrei habang wala siya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas silang mag-ensayo ni Rod sa harapan ng mansion. Ang mga carabao grass roon ay magsisilbing proteksyon nila kung sakaling matumba sila sa tuwing may sparring sila. "Kanina ka pa ba?" tanong ni Andrei. "Wala pang thirty minutes ako rito. Pasen
Magbasa pa
CHAPTER 41
"Don't go. Please, don't leave me," pakiusap ni Andrei kay Tamara. Lasing na lasing ang lalaki at hindi halos makatayo. Mahigpit din nitong hinawakan ang kamay ni Tamara. Itinapat ni Andrei ang likod ng kamay ni Tamara sa kaniyang mukha, habang nakapikit ito. Naantig naman ang puso ng dalaga. Gusto niyang umupo at yakapin ang binata subalit umiyak ang kanilang anak. Mabilis na hinila ni Tamara ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak ni Andrei at parang may sariling isip ang kaniyang mga paa nang humakbang ito patungo sa living room. "Baby, bakit ka umiiyak?" tanong ng dalaga kahit alam niya na hindi pa siya kayang sagutin ng kan'yang anak. Dinampot niya ito at saka dinala sa tapat ng kan'yang dibdib. "Don't tell me na hindi ko siya anak, Tamara, dahil dama ko na ako ang daddy niya. Kamukha ko nga siya," sabi ni Andrei na susuray-suray na sumunod pala sa dalaga. Hindi umimik si Tamara. Umupo siya sa couch at saka nahihiyang pinadede ang sanggol. Wala na siyang choice kung hindi gawin i
Magbasa pa
CHAPTER 42
Hindi nakasagot si Tamara sa tanong sa kan'ya ni Kaizer. Napatingin siya sa kan'yang kaibigan na para bang humihingi siya rito ng payo. "What is your decision, Tamara? Gusto mo bang dukutin natin si David Montillano?" tanong ulit ni Kaizer. "Iyon na lang ang naiisip kong paraan para mabawi natin ang anak mo. Makikipagpalitan tayo kay Lt. Andrei Montillano." "Hindi ba pwedeng sumugod na lang tayo sa mansion nila, boss? Baka kasi naroon ang anak ko. Baka peke lang ang text na natanggap ko bago ako pumunta rito. Maaari na si Andrei lang ang nagpadala noon para malinlang niya ako. Sabi kasi ni Rod kanina sa text, pinaplano ni Andrei na dukutin ang anak ko. Hindi dahil sa gusto nitong gumanti sa akin kung hindi gusto rin ng lintik na lalaking iyon na alisin sa mundo natin ang baby ko. Ang ibinigay niyang dahilan ay ang kawalan ko ng memory sa nakaraan. Ilalaban daw ni Andrei sa korte na wala akong kakayahan na mag-alaga ng bata."Tumingin si Kaizer sa asawa niya. Nais niyang tuwirang sis
Magbasa pa
CHAPTER 43
Sa mansion nina Kaizer at Kryzell sa Maynila, panay ang lakad ni Tamara sa kaniyang silid. Hindi siya mapakali habang naghihintay sa muling pagtawag ni Allan. Kanina lang kasi ay nakausap niya itong muli at narinig niyang umiiyak ang kaniyang anak. Nababagalan ang dalaga sa aksyon ni Allan. Limang araw na kasi ang nakalipas simula nang nalaman niyang hawak ng lider ng Triangulo ang kan'yang baby. Isang katok sa pinto ang bahagyang nagpakalma kay Tamara. Si Kryzell ang naroon at gusto raw siya nitong makausap. Mabilis namang pinagbuksan ng pintuan ng dalaga ang kaniyang kaibigan. "Kumusta ka na? Hindi ka pa kumakain simula pa kaninang umaga. Tanghali na kaya kumain ka na. Kailangan mong maging malakas, Tamara." "Wala akong gana, Kryzell. Naiinip na ako. Habang tumatagal ay alam kong lalong nalalagay sa panganib ang buhay ng anak ko." "Huwag kang masyadong mag-isip. Ginagawa ni Kaizer ang lahat para mabawi ang anak mo." Umupo si Tamara sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang picture n
Magbasa pa
CHAPTER 44
Binuksan ni Andrei ang flashlight na dala niya. Hinanap niya si Tamara. Subalit isa pang putok ng baril ang narinig niya. Parang tinatambol ang dibdib na bumaba siya ng hagdanan na walang railings. Natagpuan niya si Tamara na nakahandusay sa ibabaw ng mga basurang nakatambak. Walang malay ang dalaga at puro dugo ang hita, balikat at ulo nito. Napapikit si Andrei at pigil hiningang nilapitan niya ang dating kasintahan. "Honey, honey," tawag ni Andrei kay Tamara. "Honey, it's not me. Someone is here with us tonight. He is probably trying to kill us both."" Umungol ng bahagya si Tamara. Kinuha naman ni Andrei ang cellphone niya. "Rod, pumunta kayo ng team sa address na ibinigay ko sa 'yo kaninang hapon. May tama si Tamara at nahulog siya sa hagdan mula sa itaas," wika ni Andrei. "Kailangan siyang madala sa hospital. As soon as possible ito, buddy.""Dämn! Ano ba ang ginagawa n'yo riyan? Don't tell me na pinatay mo siya, Andrei." "No. Hindi ako ang may kagagawan nito. Someone is tryin
Magbasa pa
CHAPTER 45
Dahan-dahan na iginalaw ni Tamara ang katawan niya. Alam niyang kilala niya ang mga nasa paligid pero 'di niya masyadong matandaan kung sino ang mga ito. Nalilito siya sa mga nakikita at naririnig niya dahilan para sumakit ang kan'yang ulo. "Bakit ganito na ang itsura ko? Ang huling tanda ko ay isa akong teenager na napunta sa mafia world para patayin ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. My God, I can't believe this," bulong ng isip ni Tamara. "And why these mafia members are here? They seems so nice. What happened?" Nang pumasok ang doctor at ipinaliwanag ang kondisyon ni Tamara, tahimik na nakinig ang dalaga. Marami siyang tanong pero hindi n'ya magawang magsalita dahil wala siyang tiwala sa mga kasama niya sa silid. "Maaaring magdugtong din ang mga alaala mo, hija. Sa ngayon, huwag mo munang pwersahin ang sarili mo. Kusang magbabalik ang lahat," wika ng manggagamot.Hindi pa nakalalabas ang isang doktor ay dumating na naman ang isa pa. Tiningnan naman nito ang mga sugat ng
Magbasa pa
CHAPTER 46
“Oh, ano, Andrei? Paano ito ngayon? Hindi pala pinatay ni Nicole ang daddy mo.” Hinawakan ni Polan ang kwelyo ng suot na puting polo shirt ng binata. Namumula ito sa sobrang galit. Nanginginig ang mga kamay nito dahil sa tindi ng emosyon. Hindi nakakibo si Andrei. Shocked pa rin siya sa mga narinig niya. Sa kaibuturan ng kan’yang puso ay umaasa siya na sana totoo nga ang sinabi ni Tamara. Si Rod naman ay biglang napainom ng malamig na tubig na dapat sana ay para kay Polan. Ang huli kasi ang bumili noon nang lumabas sila. “‘Wag nga kayong mag-away. Wala kayong dapat pag-awayan. Hindi ko talaga pinatay si Sir Jeff Montillano lalo na at hindi ko alam kung kanino nanggaling ang utos na patayin siya,” wika ni Tamara. "Pumunta ako sa bahay niya sa Quezon City para iligtas siya." "Bakit mo siya tinutukan ng baril?" tanong ni Andrei sa dalaga. "Hindi kasi sinasadyang nakita niya ako habang tumatakbo siya. Paraan ko iyon para depensahan ang sarili ko pero hindi ko siya binaril. May ibang g
Magbasa pa
CHAPTER 47
Kahit naguguluhan sa tunay na nangyari sa kaniyang ama, buong tapang pa rin si Andrei na sumama sa grupo ni Ruel. Ang mga ito kasi ang inutusan ni Kaizer na pumasok sa loob ng malaking bahay ni Allan. Para silang mga maliliit na langgam na umaakyat sa mataas na pader, sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Karamihan sa mga gamit nilang baril ay may silencer para hindi nila mabulabog ang grupo ng Triangulo. Planado ang lahat lalo pa at baby ang ililigtas nila. Isa si Andrei sa mga nagpresenta na pumasok sa loob ng malaking bahay. Habang si Rod naman ay nasa loob ng van at nanonood lang sa monitor. Bawat isa kasi sa sampung pumasok ay may mga dalang camera, at si Kaizer Gerzon ang nakaisip noon. Lahat din sila ay may contact sa mga nasa labas gamit ang isang device na nakakabit sa katawan nila. Napapailing na lang si Andrei habang patakbong pumasok ng bahay. Never in his entire life kasi ay naisip niyang makakasama niya sa isang operasyon ang mga taga underground world. "Buddy, sobrang ta
Magbasa pa
CHAPTER 48
"Lt. Montillano, kumusta na?" Parang isang mabait na kaibigan ang dating ni Gen. Gomez. Subalit sa labi nito ay nakaukit ang isang nang-iinsulto na ngiti. "Pwede ba tayong mag-usap sa labas, general?" tanong naman ni Andrei sa kaniyang dating kasamahan sa trabaho. "Yeah, sure. No problem." Hinawakan ni Gen. Gomez ang balikat ni Tamara at katulad noong bata pa ang dalaga, kita ang pagiging malapit nila sa isa't isa. "Gusto pa sana kitang makausap, hija, pero may mga kailangan kaming pag-usapan ni Lt. Montillano. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho, hindi ba?""Go ahead, tito," sagot ng dalaga. Hindi man lang siya naapektuhan sa galit na nakita niya sa mga mata ni Andrei. Subalit gumagana na agad ang isip ni Tamara. Batid niyang hindi simpleng usapan lang ang magaganap sa pagitan ng dalawa. Sa labas ng gusali ay lihim na nagtatalo sina Gen. Gomez at Andrei. Mula sa malayo ay walang makapapansin sa totoong nangyayari sa pagitan nila. Pero sa malapitan, kita at dinig
Magbasa pa
CHAPTER 49
Sakay ng isang makabagong chopper, sinamahan ni Andrei si Tamara papuntang Tagkawayan Quezon. Nanlalamig ang mga kamay ng binata at nakararamdam siya ng matinding selos habang pasulyap-sulyap siya sa babaeng katabi niya. Sapagkat inakala ni Andrei na ang pinag-usapan nina Tamara at Kryzell na makakatagpo ng una ay si Samuel kaya hindi na niya pinag-isipan pa ng kung anu-ano ang dalaga. Pagdating sa Quezon, masayang sinalubong si Tamara ng mga kapatid at ama ni Kryzell. Noon lang nalaman ni Andrei na ang nasabing pamilya ang umampon kay Kryzell Torquero Gerzon. Hindi man sila maalala ng dalaga, masaya pa rin itong nakisalamuha sa kanila. Panay ang hingi ng tawad ni Tamara sa buong mag-anak dahil hindi niya matandaan ang mga ito. Naiintindihan naman siya ng pamilya lalo pa at nauna nang nabanggit sa kanila ni Kryzell ang tungkol sa kalagayan ni Tamara. Nang dumalaw silang dalawa sa puntod ni Samuel, parang dinudurog ang puso ni Andrei. Kahit pakiramdam niya ay ang tanga niya sa pagban
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status