All Chapters of Meant to be Yours : Chapter 11 - Chapter 20
95 Chapters
Chapter 11
“Fien Montagne!?”Kanina lang ang mukha nito ay laman ng isip niya. May isang bahagi ng puso niya ang lihim na nagsasaya sa mga sandaling iyon. Sumasabay ang kakaibang tibok ng puso niya sa pagkakapit ng kamay niya sa seradura ng pinto.‘Ano ba kasing mayroon ka at ganito na lang ang epekto mo sa akin huh?’ ang mga tanong na hindi kayang maisatinig ng labi niya. Sinasaway na siya ng isang bahagi ng utak niya pero ang puso niya ay handang ipagkanulo siya.‘Calm down, Tracy!’“Kakain ako, give me the menu,” bossy na utos ni Fien kay Tracy pagka-okupa nito sa isang table. Dumiretso kaagad ito ng pasok sa loob ng restaurant matapos niyang pagbuksan ito ng pinto. Sa hindi malamang dahilan ay nagawa niya itong pagbuksan.Naguguluhang nilapitan niya ang binata. “Pero Mister, nabasa mo naman siguro sa sign ng pinto na close na kami. Saka, mag-aalas diyes na ng gabi.”Isang seryosong tingin ang ibinigay nito sa kanya. Tiningala pa siya nito. “This is how you treat your customer, Miss?”“Miss T
Read more
Chapter 12
BAGO pa ganap na tawirin ni Fien ang nalalabing pagitan ng mga mukha nila ni Tracy ay biglang nag-angat ang isang kamay nito. Naramdaman ng dalaga ang biglang pagpahid nito sa may gilid ng labi niya gamit ang tissue.“May dumi ka lang sa mukha mo, Miss Alcantara,” walang emosyong sabi nito matapos ilayo ang sarili sa kanya. “Hindi mo lang napansin dahil kahit ikaw ay nasarapan sa sariling luto mo.”Napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras. “A-Ahm, thank you. Ganito talaga ako, hindi nagiging aware sa sarili ko kapag napasarap ako ng kain.” Napatawa siya ng mahina kasunod ang pagpilig niya ng ulo.Nanatiling seryoso ang badya ng mga chinitong mga mata nito. “No worries, hindi naman kita masisisi dahil sadyang masarap ka magluto.”Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya sa papuri nito. Malungkot tuloy niyang naalala ang isang bahagi ng nakaraan niya. Excited siya sa pagdating ng Mama niya noon kahit pagod na pagod siya sa pagluluto.Flashback.“Ma, happy birthday po!” ang
Read more
Chapter 13
“CONFIRMED nga na kamukha ko ang artista na ‘yan. Akala ko ay nama-malikmata lang ako,” aniya na may hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa dibdib niya.“Ikaw huh, hindi mo sinabi sa akin na nag-artista ka pala noong 90’s,” nagbibirong sabi nito. Nagawa pa nitong ngumisi sa kabila ng pagkamangha.“Sir ka!” natatawang sabi niya dito. “Hindi pa ako tao ng mga taong ‘yan. Pero bigla akong na-curious sa artistang ‘yan. Siguro s’ya ang tinutukoy ng dalawang babaeng kumain sa restaurant na kamukha ko raw na artista.”“Tingnan nga natin ang pangalan nitong kamukha mo.” Sinipat nito ang cover ng lumang magazine. “Maristela Alonzo.”“Maristela Alonzo, parang narinig ko na nga before ang pangalang ‘yan,” amused niyang sabi. “Hindi ko lang matandaan kung saan.”“Ang mabuti pa ay search natin sa internet at baka may mga existing data siya,” ani Frank na nauna nang nagpunta sa sofa at saka naupo doon. Napasunod na rin siya sa kaibigan.“Oo nga, search natin ang name niya,” naupo siya sa
Read more
Chapter 14
“PAKATATAG ka hija, basta lagi mong tandaan ay lagi kang may lugar dito sa puso ko. Mananatiling apo kita at lola ako sa’yo anuman ang mangyari, Tracy.” Hinaplos-haplos pa ni Lola Meding ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo ng abuela sa sofa sa loob ng salas. Muli silang bumalik sa naturang lugar matapos ang pamamahiya ni Consuelo sa kanya.“Maraming salamat po, Lola,” naluluhang sabi niya sa matandang babae na puno ng pagmamahal sa kanya. Humupa na rin ang damdamin niya na natamo niya kanina. “Kayo ang malaking dahilan kung bakit inisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang kinamulatan ko.”“Isipin mo na muna ang sarili mo sa pagkakataong ito hija,” payo nito sa kanya. “Live at your own at huwag na munang bumalik kina Hernando. Ayoko na mabalitaan kong muli na inaapi ka ni Consuelo. Tama na ang nangyari kanina.”Tumango siya. “Ang Papa lang at kayo po ang aking kakampi sa pamilyang ito, Lola. Siguro kung wala po kayo, ay hindi ko mararanasan ang magkaroon ng isang pamilya.”Bagama’t m
Read more
Chapter 15
BIGLANG naalala ni Tracy, may isang naging customer ang Zenai’s Diner na inireklamo ang kanilang restaurant. Isang ina na pinaratangan sila na-food poison nila ang anak nito. Ang laki ng takot niya dahil maapektuhan ang negosyo. Nagsama-sama ang stress, fear at anxiety noon. Tiwala siya na malinis ang mga pagkaing isini-serve nila sa kainan. Mabuti na lang na negatibo sa anumang contaminated germs of toxic ang mga pagkaing iniluto nila sa araw na iyon. Na-diagnos rin na may ibang sakit sa tiyan ang anak ng nagreklamong customer. Na-clear ang pangalan ng restaurant sa sanitation at maging sa bayan. Akala niya iyon ang magpapabagsak sa ipinundar na negosyo ng kanyang yumaong amo na si Ma’am Zenaida. Isang malaking pagsubok na nalagpasan niya pero nag-iwan ng trauma pa rin sa kanya.“Excuse me po Ma’am, ahm, kayo po ba ang nagluto ng mga tindang ulam dito?” untag na tanong sa kanya ng isang babae. Ipinilig niya ang ulo saka binalingan ito. Isang babaeng nasa kalagitnaan ang edad. Kay-ta
Read more
Chapter 16
GANAP na ngang nadala si Tracy sa dalampasigan ng lalaking sumagip sa muntikan niyang pagkalunod. Ngunit hindi kaagad ito umalis sa tabi niya. Napapitlag pa siya nang marahan nitong iunat ang kalamnan niya sa binti niyang pinulikat.“Enough na Fien! Kayo ko na ito,” pagpigil niya dito. Oo, ang mayamang binata nga ang naging hero niya sa hapong iyon. Kaya hindi siya makapaniwala na magkikita pa sila dito sa bandang dulo ng Pilipinas. Para yatang lumiliit ang mundo sa pagitan nilang dalawa.“No, lubus-lubusin ko na ang pagtulong ko sa’yo,” seryosong sabi nito na ayaw papigil. Minamasahe na nito ang naninigas pa rin niyang binti. Halatang may alam ito sa ginagawang first aid sa injured na bahaging iyon ng katawan niya.Hindi siya nakapagsalita pa. pinipigilan niya ang mapasinghap sa bawat pagdampi ng balat nito sa balat niya. May kakaibang init na gumagapang sa bawat himaymay niya. Nakadarama siya ng kaginhawahan. Awtomatikong napatunghay ang mga mata niya sa gwapong mukha nito. Nabubuha
Read more
Chapter 17
NAPABANGON bigla si Tracy sa pagkakahiga niya sa kama. Pawisan ang kanyang mukha. Saka niya napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. Akala niya ay totoo na nag-donate siya ng dugo at dinukot daw siya ng mga armadong kalalakihan. Tumambad sa kanya ang apat na sulok ng kuwarto na kinaroroonan niya. Ang ipinagamit sa kanya ni Tita Adora sa tinutuluyang bahay niya dito sa Pagudpud.‘Pero halos bangungot na iyon ah, mabuti na lang at nagising ako.’ pumapanatag ang paghingang sabi niya sa sarili. Kinapa niya ang cellphone niya sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang oras, mag-a-ala-singko na ng umaga.Sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya sa litrato sa panaginip niya. Malinaw pa sa alaala niya ang lahat at minsan pang naging pamilyar sa kanya. naisipan niyang buksan ang gallery ng cellphone niya at may partikular na picture siyang hinanap. At nakita rin niya kaagad.Lumakaas ang kabog ng dibdib niya. Gumitaw ang butil ng pawis sa noo niya. Hindi siya makapaniwala sa pinagmam
Read more
Chapter 18
NAGULAT pa si Tracy nang bigla siyang hawakan ni Fien sa magkabilang balikat niya. May pagbabanta ang mga tingin nito sa kanya. Iyong tipong nagpapahiwatig na wala siyang kawala dito. “At siguro naman ngayon ay hindi mo na ako matatanggihang ipagluto muli.”Tinabig niya ang kamay nito at nagtagumpay siyang makawala sa pagkakahawak nito. “Okay fine, basta isipin mo na ang may-ari ng Zenai’s Diner ay walang word of honor.”“Okay good, Miss Alcantara, sige mamili na muna kayo ni Zela. Ipapahatid ko kayo kay Berto sa palengke,” tinalikuran na sila ng binata saka naglakad papasok ng magandang beach house nito.“Himala yata Ma’am na biglang nagbago ang isip ninyo,” ani Zela nang silang dalawa na lang ang tao sa paligid. May pagkamahang pinagmamasdan nito ang mukha niya.“No choice na ako eh,” medyo natigilan pa siya sa sunod sana niyang sasabihin. Gusto lang niyang isalba ang sarili dahil obvious na nahuli na siya ni Fien na pinapanood ito ng lihim sa paglangoy sa pool. Naipilig niya ang u
Read more
Chapter 19
ISANG malakas na halakhak ang naging reaksyon ni Tita Adora pagkakita nito sa picture. Samantalang si Tracy ay naiintrigang nakatingin sa tiyahing iyon ni Frank. Maging si Janeth ay nagtataka pa rin pero maya’t maya ang tingin sa kanya. Halatang nagku-kumpara ito sa mukha niya.“Buhay pa pala itong album na ito,” kapagdaka’y kinuha ni Tiya Adora mula sa anak ang nasabing bagay. “Saan mo ba nakita ito Janeth?”“Sa lumang aparador sa taas, Nanang.” Naupo na rin sa Janeth sa tabi niya. “Naghahanap po kasi ako ng mga lumang damit at ayan nakita ko nga po ‘yan.”“Ngayon ko na lang ulit nakita ang picture na ito, ang tagal na nito ah.” Hinaplos pa ni Adora ang picture saka tumingin sa kanya. “Alam mo Tracy, noong bagong dating ka dito sa amin. Sa unang kita ko pa lang sa’yo, sabi ko ay may kamukha ka at parang matagal na kitang nakita.”Maging siya ay nagulat sa sinabing iyon ng matandang babae. “T-talaga po Tiya?”“Pero Nanang, kamukhang-kamukha talaga ni Ate Tracy ‘yung babaeng kasama po
Read more
Chapter 20
“ARE you crazy, Mr. Montagne?” nangagalaiti sa inis na tanong ni Tracy sa binata. Ang bilis ng pangyayari na nagaw siya nitong buhatin at isakay sa land rover nito. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Tila labag pa sa loob niya na nakaupo na siya sa front seat.Nilingon siya nito saka nginisian pa siya. “Calm dowm Miss Alcantara. Hindi naman siguro ako masamang tao sa paningin mo dahil sa ginawa ko.”“Napaka-unpredictable mo talaga, you are always using your authority to me,” sinadya pa niyang arkuhan ito ng kilay. Gusto niyang iparamdam dito na hindi niya gustom ang ginawa nito.“Okay sorry,” biglang mababang tono na saad nito. “Gusto ko lang naman na may kasama akong mamasyal ngayon. Pasalamat ka nga at ikaw ang napili kong companion.”“Naku, ewan ko sa’yo,” mariing napailing siya. “Ayaw na ayaw mo talaga na iniri-reject ka ano? Gusto mo talaga na makuha lagi ang kapritso mo.”“Exactly, mabuti at alam mo ‘yan.” Kinindatan pa siya nito nang nakakaloko. Inalis na ang tingin sa
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status