All Chapters of NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY: Chapter 21 - Chapter 30
115 Chapters
CHAPTER 21
KATATAPOS lang maligo ni Amanda nang marinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa screen ay isang unknown number ang tumatawag sa kanya. Kunot-nuong sinagot niya iyon. “Hello?” Alanganin pa ang tono ng boses niya nang magsalita. “Amanda!” very friendly ang tonong sagot ng nasa kabilang linya, “This is Carina, remember? Nagmeet na tayo kagabi.” “C-Carina. N-napatawag ka?” “Sorry kung kinulit ko si Genis na ibigay ang phone number mo. Wala kasi akong mayayang magmalling. Samahan mo naman ako, oh. . .” anang babae sa kanya. Tatanggi sana siya dahil parang ang awkward naming makipagkaibigan sa ex ng asawa niya lalo pa at ramdam niyang may pagtingin ba ditto si Genis. Ngunit hindi na niya ito napahindian nang magsumamo ito sa kanya at mukha naming sincere ito sa pakikipagkaibigan nito. “Thank you! At huwag ka sanang mailang sa akin ha? Past na kami ni Genis at although inamin nyang may nara
Read more
CHAPTER 22
LAHI sila ng magaganda at guwapo, iyon kaagad ang naisip ni Amanda pagkakita sa pinsan ni Carina na si Tom. Naghihintay na ito sa kanila sa loob ng isang mamahaling restaurant nang dumating sila. Clean cut ang buhok nito. Plantsadong-plantsado ang suot na polo shirt at pantalong maong. Kulay neon green ang mamahaling rubber shoes nito. At ang bango-bangong tingnan. Mistula itong greek god at waring hinulma ang features at pangangatawan nito. Obvious sa ayos nito na may pagka-vain ito. Hindi nalalayo ang kaguwapuhan nito kay Genis. Hindi niya matiyak kung sino ang mas nakakalamang. Siguro ay pareho lang bagama’t magkaiba ng kaguwapuhan ang dalawa. Si Genis ay morenong-moreno ang kulay, bilugan ang itim na itim na mga mata habang ito naman ay mestisong-mestiso na waring may lahing foreigner. “Natulala ka ba sa pinsan ko?” Bulong ni Carina sa kanya nang mapansin ang paghanga niya sa lalaki, “Binata pa ‘yan. Patay na patay nga si Wendy dyan. Si Genis at si Tom ang
Read more
CHAPTER 23
“OKAY, YOU CAN GO BACK TO WORK now Genis, huwag mo na kaming alalahanin pero pwede bang ipahiram mo na muna sa amin si Amanda maghapon okay?” Malambing na sabi ni Carina kay Genis matapos silang mag-lunch, bahagya pa nitong hinawakan sa braso ang lalaki. Tiningnan ito ni Genis na puno ng concern sa mukha, “Magdinner tayo mamaya. Hindi ko lang talaga pwedeng ipaubaya sa iba iyong next meeting ko,” anitong kay Carina lang talaga nakatingin, “Promise, I’ll make it up to you tonight,” naglalambing na sabi pa nito sa dalaga na parang ni hindi man lamang nito naiisip kung ano ang mararamdaman niya sa ginagawang ito ng lalaki? Sabagay, gusto naman talaga nitong saktan siya. Ngunit ramdam niyang hindi iyon sinasabi ni Genis kay Carina para lang masaktan ang damdamin niya. Talaga lang hindi nito mapigilang ibubulalas kung gaano kaespesyal para dito ang dalaga. At mas doble ang hatid na sakit niyon sa kanya unlike iyong selos na nararamdaman niya kapag si Wendy ang kausap nito
Read more
CHAPTER 24
“BY THE WAY GENIS, ako ang sumundo kanina kay Amanda. Napansin kong isa lang ang maid mo? Ang laki-laki ng bahay mo tas isa lang ang maid mo?” sabi ni Carina kay Genis habang kumakain sila ng dinner. Sasabihin sana niyang si Wendy ang nagpaalis ng mga katulong sa bahay ngunit baka mainis lang ito sa kanya. “Ipapadala ko iyong isang maid ko para naman may katulong iyong maid mo at si Amanda dun. Don’t worry, mapagkakatiwalaan si Yaya Sally. Remember her? Alam mo naman kung gano ko kamahal ng matandang yun dahil sya na nag-alaga sakin simula pa pagkabata.” “Pero pano ka?” “Oh, I live in my condo remember? Hindi ko kailangan ng stay in helper. Besides, mas madalas namang out of the country ako kaya okay lang.” paliwanag nito sa kanya. “Ikaw ang bahala,” kibit balikat na sagot niya rito. Napangiti ito saka ginagap ang isang kamay niya. “Hindi ka pa rin nagbabago Genis. Oo ka pa rin ng oo sa bawat sabihin ko s
Read more
CHAPTER 25
“What’s bothering you, Genis?” Nagtatakang tanong ni Carina sa kanya nang mapansing waring balisa siya na hindi mapalagay. Bigla siyang natigilan. Ano nga bang inaalala niya? Hindi ba dapat ay ini-enjoy lamang niya ang sandaling kasama niya ang dalaga? Ngunit naiisip niya si Amanda na kasama si Tom. Kilala niya ang pinsan ni Carina. Matinik talaga iyon sa babae at wala itong pinalalampas na pagkakataon kapag gusto nito ang isang babae. Naiinis siyang alam na ni Tom na asawa niya si Amanda pero pansin niya kaninang lunch na waring nagpapahaging pa ito ditto. Hah, at ito pa talaga ang nagprisintang ihatid pauwi ang kanyang asawa, at pumayag naman itong magpahatid sa lalaking iyon? Nayayamot siya. Hindi dahil sa nagseselos siya. Nayayamot siya dahil ayaw niyang maging close si Amanda ditto o sa kahit na sino pa mang lalaki. Parang nahulaan naman ni Carina ang tinatakbo ng isipan niya, “Don’t tell me inaalala mo si Tom at ang. . .ang
Read more
CHAPTER 26
NAGULAT SI AMANDA nang madatnan si Carina na nagluluto ng breakfast kinabukasan. Napansin rin niyang nakasuot ito ng red pajama. Mukhang pambabae ang pantulog, wala naman siyang nakitang damit na dala nito kagabi kaya pinagtatakhan niya kung saan nito iyon nakuha. “Good morning. Pinakialaman ko na itong kusina. Nag-request kasi si Genis na ipagluto ko sya ng breakfast. Favorite kasi nyang ginagawan ko sya ng toasted bread with. . .” natigilan ito nang mapansing nakatingin siya sa suot nito, “Oh, may mga naiwan pa kong damit ditto nuon, hindi naman nagbago ang sukat ng katawan ko kaya kasya pa rin. Nakita ko lang to sa closet ni Genis. Mabuti hindi pa nya tinapon.” Hindi siya umimik. Tumango lamang siya. Ngunit naisip niyang nang pumasok siya sa kuwarto kagabi, bumalik ito sa kwarto ni Genis para maghanap ng maisusuot nito? Ano pa bang nangyari pagkatapos nuon? Nahihiya naman siyang mag-usisa lalo pa at mukha namang walang malisya para ditto ang ginaw
Read more
CHAPTER 27
MUNTIKAN pang magsabunutan sina Wendy at Carina sa harapan ni Genis, mabuti na lamang at naawat ang mga ito ni Genis saka pinagsabihan ang dalawa na umuwi na lamang muna ng bahay at gusto niyang magpahinga. Nakita pa niyang nagdadabog di Wendy nang sumakay sa kotse nito. Si Carina naman ay tahimik na tahimik lang na sumakay sa kotse nang ipahatid ito ni Genis kay Mang Doy sa bahay nito. Masaya ba si Genis na pinag-aagawan ito ng mga babae? Napapikit siya. Naalala niya nuong sinusuyo pa lamang siya nito at napaka-sweet nito sa kanya. Ni wala nga itong tinitingnan na ibang babae kundi siya lamang. Kahit nga minsan ay nagta-tantrums na si Wendy ay di nito pinapansin. All eyes ito sa kanya nuon. Palabas lamang naman pala ang lahat ng iyon. Naglilinis siya sa kusina nang tumunog ang kanyang phone. Nagulat siya nang makita ang hindi pamilyar na number sa screen. Nang sagutin niya iyon ay nalaman niyang si Tom ang tumatawag sa kanya. Si Carina ra
Read more
CHAPTER 28
“SINO SYA?” Nagtatakang tanong ni Amanda nang madatnan ang isang matandang babae na naglilinis ng salas. “Bagong maid daw po na makakasama natin ditto,” bulong ni Imee sa kanya, “Inihatid ditto ni Mang Doy kanina. Nasa banyo kayo kaninang dumating siya.” Tumango na lamang siya saka nilapitan ang matandang babae na kaagad namang ngumiti nang makita siya, “Magandang hapon po,” bati niya rito. “Magandang hapon ho Ma’m. . .” sabi nitong tumuwid ng tindig, “Kayo ho pala ang asawa ni Sir,” anitong huling-huli niya nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa saka muling ngumiti, “Ako nga ho pala si Sally.” Muli nitong ibinalik ang atensyon sa paglilinis, “Sabi ni Sir linisin ko raw itong maige pati na rin ang kwarto nya.” Tila nagpapasaring pa ito na hindi kuntento si Genis sa pagkakalinis nila ni Imee sa bahay. Sabagay, sa laki naman ng bahay na iyon ay hindi nga nila kakayaning silang dalawa lang ditto ni Imee kaya nagpapasalamat siy
Read more
CHAPTER 29
HINDI MAKAPANIWALA si Amanda na pinayagan ni Genis na ayusin ni Sally ang kuwarto nito habang siya ay bawal pakialam ang ayos niyon. Ngunit mas lalong nagpanting ang tenga niya nang malaman mula mismo sa maid na si Carina raw ang nag-utos kay Genis na papalitan nito ang pagkakapwesto ng mga gamit nito. Kahit naman sinong asawa ay masasaktan sa sitwasyon niya. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pasensya niya ngunit pakiramdam niya ay malapit na rin niyang marating ang sukdulan niyon Kaya naman naisipan na lamang niyang lumabas ng bahay para makapag-unwind. Ang balak lang sana niya ay magmall ngunit nang tumawag ang Kuya Efren niya para kumustahin siya ay naisipan na lamang niyang bisitahin ang mga ito sa Bulacan. Nagulat pa siyang madatnan duon si Errald. Napag-alaman niyang madalas palang bumibisita duon ang binate para lang makipag-inuman sa Kuya Efren niya since isang bayan lang naman ang pagitan ng tinitirhan ng mga ito. “Mabuti na lang p
Read more
CHAPTER 30
HINDI ALAM NI AMANDA kung nanaginip lang siya ngunit masarap sa pakiramdam na buhat buhat siya ni Genis habang papasok sa kwarto. Namumungay ang kanyang mga mata na napangiti siya rito. “Make love to me, Genis,” halos paanas lang na sabi niya ditto nang ilapag siya nito sa kama. Bahagya pang natigilan sa sinabi niya ang lalaki. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito at siniil ito ng halik saka muli itong tiningnan, “Angkinin mo kong muli kahit sa panaginip lang,” sabi niyang nagsusumamo rito. Akala talaga niya ay panaginip lang ang nangyayaring ito. Muli niya itong hinalikan hanggang sa maramdaman niyang tinutugon na nito ang mga halik niya. Ipinasok pa nito sa loob ng kanyang bibig ang dila nito at ginalugad ang bawat sulok ng kanyang bibig saka waring nakipag-espadahan sa dila niya habang ang mga kamay nito ay kinakalas ang zipper sa likod ng suot niyang bestida. Napasinghap pa siya nang ibaba nito ang damit niya at tanggalin an
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status