CHAPTER 35 “Seb, wait for me!” Napalingon si Neshara kay Janech na tumatakbo pababa sa hagdan, suot ang maikling denim shorts at tube top na pinatungan ng three-fourth jacket. Lumalagatak ang takong heels nito sa marmol na sahig ng hagdan. “Hija, kay Mang Rene ka na lang,” mahinahon na wika ni Mrs. Rocc nang mahulaang sasabay sa kanila ang babae. “I don’t trust Mang Rene, Tita. I’ll ride with Sebastian na lang.” “They’re going to King Royale School,” si Tita Florence ulit. Ang simpleng pagbanggit nito sa eskwelahan ng kanyang anak ay sapat na mensahe, na sila lang dapat ni Sebastian ang magkasama. “It’s okay, Tita. I’ll wait for Sebastian na lang to take me to the Mall.” Sumulpot si Hettie Rocc at ibinigay sa kanya ang ipapadalang dokumento sa foundation para kay Ms. Villanueva. “Iba ang direksyon ng mall sa King Royal. Matatagalan ka.” Tumamis ang ngiti ni Janech. “That’s fine, Tita Hettie. Pero if ayaw akong kasama ni Nesh, kay Mang Rene na lang siya. Me and
Magbasa pa