All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 191 - Chapter 200
3501 Chapters
Kabanata 191
Ang House of Royals ay isang sobrang mahal na lugar sa Cansington.Subalit, kahit ang mga napakayaman ay hindi pwedeng pumasok sa loob ng House of Royals.Maraming mga bigatin ang gustong makita ang loob ng House of Royals matapos silang makatanggap ng imbitasyon mula kay Lex.Gumastos si Lex ng malaking halaga para lang mairaos ang party na ito.Nung una, meron siyang budget na 30 milyon, pagkatapos at dinagdagan pa niya ito ng 50 milyon.Sa suma total, ang buong pagdiriwang at nagkakahalaga ng 80 milyong dolyar.Sa labas ng House of Royals, may isang bakanteng lote.Sa lugar na ito, isang entablado ang itinayo na may artista na bumabanat ng kanta. Nagmumukha na itong isang Christmas event kung may mapadaan na walang alam sa kung ano ang nangyayari dito. Ang sala ng House of Royals ay ilang libong square kilometers ang lawak.Nakasuot ng pulang suit si Lex at marangal niyang hawak ang dragon niyang tungkod. Ang iba pang mga Callahan ay masigla at talagang masaya.Nagpakit
Read more
Kabanata 192
Si Gavin ay isang council member ng Five Provinces Business Alliance.Noong nakaraang araw, si Zack, isang miyembro ng Five Provinces Business Alliance, ay ginalit si Lex.Si Yacob, ang presidente ng business alliance, ay galit na galit at tinawagan niya si Gavin upang pagalitan siya, at sinabihan niya siya na humingi ng tawad.Ang dinig ni Gavin ay dahil ito sa may kilalang isang heneral ang mga Callahan.Upang pahupain ang galit niya, naghanda siya ng isang magandang regalo ngayong araw at personal siyang nagpunta upang ipagdiwang ang kaarawan ni Lex.Si Gavin ay isang low-profile na tao na bihirang pumunta sa mga event. Maraming tao ang naiinggit kay Lex dahil nagawa niyang personal na papuntahin si Gavin at napaghanda ng isang napakagandang regalo para sa kanya.Naintindihan ng lahat na ito ay ang pag-angat ng status ng mga Callahan. Si Lex, na nakasuot ng pulang suit, ay lumapit dala ang kanyang tungkod at mayroong ngiti sa kanyang mukha. "Mr. Watson, sapat na ang pagpunta
Read more
Kabanata 193
Nagpatuloy si Henry sa panonood sa mga tao. Sa House of Royals, sa may sala. Patuloy ang pagbati ni Lex sa mga bigating tao na dumadating sa kanyang birthday party. "Mula sa North Cansington Military Region, nandito si Chase Nolan at handog niya ang regalo na premium tobacco at alak." Umalingawngaw ang isang boses sa buong silid. Isa itong anunsyo na ikinagulat ng lahat. Agad na nanahimik ang buong silid na puno ng daan-daang tao, at ang lahat ay napalingon sa direksyon ng pinto. Naglakad ang dalawang tao papasok ng pinto. Pareho silang nakasuot ng uniporme. Ang lalaking nauuna ay nasa singkwenta na ang edad, na naka suot ng isang military cap at may isang makintab na medalyang hugis bituin sa kanyang balikat. Ang lalaki naman na nakasunod sa likod niya ay halatang isang tao na may mataas ding ranggo sa militar. "Nandito na siya! Nandito na siya! Dumating na ang tiyuhin ko kasama ang heneral." Ang sabi ni Brody. Agad niyang nilapitan si Chase Nolan at tumayo siya
Read more
Kabanata 194
‘Xara?'Yung Xara na kabit ng basurang live-in son-in-law ng mga Callahan? 'Sinong kasama niya? 'Si Scarlett? 'Yung Scarlett na bumili sa buong Transgenerational Group?' Agad na nanahimik ang maingay na silid. Nakilala sa buong Cansington ang pangalan at reputasyon ni Scarlett mula noong binili niya ang Transgenerational Group. Siya ay isang taong nasa pinaka tuktok ng tatsulok. Ano na nga ulit ang isang mayamang pamilya? Wala silang kwenta sa harap ni Scarlett. "Anong nangyayari, Thea? Hindi ba si Xara 'yub? Bakit kasama siya ni Scarlett? 'Yun yung bagong may-ari at chairman ng Transgenerational Group." Ang bulong ni David. Umiling si Thea. "Anong malay ko?" Pumasok sa silid si Scarlett, at lumibot sa buong silid ang magaganda niyang mga mata. Kinabahan ang mga taong napatingin sa mga mata niya. Maraming tao ang palihim na nag-usap tungkol dito. "Sinong malaking tao ba ang kinapitan ng mga Callahan? "Paanong nagpunta dito ang bagong may-ari ng Transgener
Read more
Kabanata 195
Tumingin si Lex kay Brody. Tumayo si Brody at sinabi na, "Uncle, hindi ba tinawagan kita kahapon tungkol sa pambubugbog sa'min ng mga Xenos?" Tumango si York. "Ata? Sa tingin ko nangyari nga 'yun."Tinawagan nga siya ni Brody kahapon, pero abala siya sa ginagawa niya at wala siyang panahon upang asikasuhin ang mga ganoong klaseng bagay, kaya pinagwalang bahala na lamang niya ito. "Oo. Pagkatapos, dumating si Mr. Watson kasama ang mga nambugbog sa'min upang humingi ng tawad at pinayagan nila kaming gamitin ang House of Royals upang idaos ang birthday party."“Huh?”Tumingin si Scarlett kay Gavin. Naguluhan din si Gavin. 'Anong nangyayari dito?' Humingi siya ng tawad dahil tinawagan siya ng presidente, at sinabi na nagalit daw ang heneral. Dahil si Chase lang ang tanging heneral na nandito, inisip niya na siya ang may kagagawan nito. 'Mali ba ako?' Nagdilim ang mukha ni Scarlett, at tiningnan niya ng masama ang mga naggagandahang dekorasyon sa loob ng House of Royals
Read more
Kabanata 196
Ang sekretarya ng heneral, si York, ay halos mahimatay sa takot pagkatapos niyang marinig ang utos mula sa Blithe King. Subalit, hindi makakatulong ang mawalan ng malay upang makatakas siya sa kapalaran niya. Upang mabilis na tumaas ang ranggo niya, siguradong may mga ginawa siyang ilegal. Siguradong mabibisto ang mga bagay na ginawa niya kapag inimbestigahan nila siya. Daan-daang tao ang nagtipon sa malawak na sala ng House of Royals, ngunit walang kahit isa sa kanila ang nangahas na magsalita. Napakabigat sa pakiramdam ng buong paligid. Stomp! Stomp! Stomp!Dalawang malaking sapatos ang nagdulot ng malakas na kalabog sa sahig. Dalawang armadong sundalo ang lumapit at dumakip sa walang malay na York. Samantala, si Chase, na may isang bituin sa kanyang balikat, ay namutla, at pinagpawisan ang kanyang noo. 'Anong… Anong nangyayari?' Naguluhan si Chase sa buong sitwasyon. Ang unang taong binisita niya sa Cansington ay ang Blithe King. Ayos lang naman ang lahat noon,
Read more
Kabanata 197
Akala niya ito na ang pinakamagandang araw ng buhay niya. Hindi niya inasahan na ito pala ang magiging pinakanakakahiya. Higit sa lahat, ang may-ari ng Transgenerational Group, si Scarlett, ay hinihingan siya ng 30 bilyong dolyar na kabayaran. 30 bilyong dolyar? Isa itong napakalaking halaga na hindi kayang bayaran ng mga Callahan. "Ano ba talagang nangyari?" Nagalit si Lex at winasak niya ang mga gamit at ilang mga antigo sa bahay. Maraming tao ang nagtipon sa malaking villa, ngunit walang sinuman sa kanila ang nagsalita. Alam ng lahat na kapag nagsalita sila habang galit na galit si Lex, mapapahamak lang sila. Pagkatapos niyang ilabas ang galit niya, huminahon si Lex at umupo siya sa sofa. Tumingin siya sa pamilya ni Gladys at nakiusap, "Gladys, ikaw lang ang makakapagligtas sa mga Callahan ngayon. Hindi ba sinabi mo na nagtatrabaho sa Transgenerational Group ang pamangkin mo? Hindi ba kasama siya ni Ms. Brooks? Ikaw lang ang tanging makakatulong sa'min ngayon.""Ako
Read more
Kabanata 198
Sumakay si James sa electric motorcycle niya papunta sa villa ng mga Callahan.Pagpasok niya sa bahay, nakita niya ang mga antigo at mga painting na nakakalat sa sahig.Nakaupo sa sofa si Lex at hinihithit ang kanyang tobacco. Maliban sa ilang mga pangunahing miyembro ng pamilya na nakaupo, nakatayo ang lahat ng ibang miyembro ng pamilya.Naglakad papasok si James at nagkunwari siya na nagulat. "Oh? Akala ko nagdiriwang kayo ng eightieth birthday mo sa House of Royals? Bakit nasa bahay kayong lahat? Anong nangyayari?" Nakita niya si Wendy na nakaupo sa sofa habang umiiyak. "Anong problema, Wendy? Nasaan ang asawa mong deputy captain, si Brody? Bakit hindi ko siya nakikita dito?" Nagsalita si James at sinadya niyang tumingin sa paligid. Napakasama ng mga ekspresyon ng mga Callahan. Nainis sila ng husto kay James. Gayunpaman, kailangan nila ang tulong ni James at hindi nila siya masita. Nagsalita si Tommy, "James, hindi ba may relasyon kayo ni Xara? Tutal nagtatrabaho siya
Read more
Kabanata 199
Nagulat ang lahat sa mga sinabi ni James. Paano nagkaroon ng ganitong kapangyarihan ang isang live-in son-in-law? Paano niya napapunta ang Blithe King? Pagkatapos silang matulala sandali, agad nilang napagtanto ang sitwasyon. Ginagamit ni James ang pagkakataong ito upang pagmukhain ang sarili niya na makapangyarihan. Sinong nilalang sa Cansington ang may kakayahan na personal na papuntahin ang Blithe King? Huminga ng malalim si Lex at sinabing, "James, anuman ang nangyari, isa ka na sa mga Callahan ngayon. Hindi mo naman kami hahayaan na masira ng tuluyan, hindi ba?" Nilakasan ni James ang kanyang boses. "Hindi ba gusto mo akong paalisin sa mga Callahan? Hindi ba gusto mong hiwalayan ako ni Thea?" "H-hindi na ngayon. "Hindi na kayo maghihiwalay. Parte ka pa rin ng pamilya namin."Sinubukang kumbinsihin ng mga Callahan si James. "Thea, anong masasabi mo?" Tumingin si Lex kay Thea at nagtanong. Nag-isip sandali si Thea at sinabing, "Basta't magagawa mong ayusin ang p
Read more
Kabanata 200
”Oo.”Hindi ito tinanggi ni James at nagmalaki siya, “Pagmamay-ari ko ang House of Royals ni Scarlett, at pwede akong pumunta doon kung kailan ko gusto. Ako rin ang nagpasok kay Xara sa Transgenerational Group. Makikinig si Scarlett sa lahat ng sasabihin ko.”Umirap si Thea.“Pinuri ka lang namin ng konti, kung anu-anong kasinungalingan nanaman ang sinasabi mo?”Galit na tumingin sa kanya ang mga Callahan.Hindi kapani-paniwala ang mga kasinungalingan niya.“Base sa mga sinabi mo, ibig sabihin nito asawa mo si Scarlett, at inimbitahan mo ang Blithe King sa House of Royals kanina?” Ang malamig na sinabi ni Tommy.Tumingin si James kay Tommy. “Oo.”“Sinungaling.” Suminghal si Tommy.Tumingin ng masama sa kanya ang iba pang miyembro ng pamilya ng mga Callahan.Ngayon, hindi na nila kailangang sumipsip kay James dahil hindi naman siya ang nakapag-ayos ng problema ng pamilya.Si Xara ay mula sa pamilya ni Gladys, ang mga Hill. Anong kinalaman nito kay James?Sinabi ni James ang
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
351
DMCA.com Protection Status