All Chapters of Love Me Angel [Filipino]: Chapter 11 - Chapter 20
44 Chapters
Chapter 11
Ivy"Ivy aalis na ako." Mula sa pagva-vacuum ay nilingon ko si sir Jeiz na pababa ng hagdan. Bahagya pa akong napanganga habang pinagmamasdan syang pababa. Lagi naman akong napapanganga tuwing umaga kapag nakikita syang bihis na bihis papasok sa trabaho. Para kasi syang modelo na lumabas sa magazine o kaya hollywood action star. Ang lakas ng dating nya sa suot nyang pantalong maong na blue na pinaresan nya ng combat shoes. Itim na v-neck t-shirt naman ang pang itaas nya. As usual nakasabit sa neckline ang aviator nya. Namumutok din ang naglalakihang masel nya sa braso pati na rin ang dibdib na hakab sa suot na damit. Bitbit nya ang jacket nya. Naalala ko maraming jacket sa closet nya at puro branded pa. Lahat naman ng damit nya, ultimo brief at boxer shorts nya ay branded. Pati na rin ang mga sapatos nya. Sana all lang talaga. "Ivy." Untag nya sa akin. "Po?" Parang tangang tanong ko. Kumunot ang noo nya. "Ayos ka lang? Para kang namatanda dyan." Nakangising sabi nya. Naitikom ko
Read more
Chapter 12
Jeiz Ekasaktong alas onse na ako nakarating ng bahay. Pinatay ko ang makina at bumaba ng raptor bitbit ang isang box ng pastries at isang malaking bilao na puro prutas na galing sa kasal ni Yñigo Alejos. Dapat ay mamaya pa ako uuwi dahil nag aya ng inuman si Yñigo kasama ang pinsan nyang si Edward. Nagpumilit lang akong umuwi dahil nag aalala ako kay Ivy. Mabuti na lang nandun si mayor at sinabing may naghihintay sa akin sa bahay kaya nakatakas ako. Yun nga lang inulan ako tukso. Dinukot ko ang susi sa slacks ng pantalon at sinuksok sa pinto. Binilinan ko kasi si Ivy na kapag sya lang mag isa dito sa bahay ay lagi nyang ila-lock ang pinto. Mahirap na baka masalisihan ng masasamang loob at sya lang ang nandito. Pagbukas ko ng pinto ay dinig ko ang ingay mula sa tv. Pero si Ivy ay nakahiga na sa sofa. Mukhang tulog na. Sinarado ko ang pinto at ni-lock. Dumiretso muna ako ng kusina para ilagay ang mga bitbit ko. Pinatay ko ang tv at dahan dahan akong umupo sa sofa habang hindi inaali
Read more
Chapter 13
Ivy Manghang mangha ako ng makapasok na ako sa loob ng farm. Malawak pala talaga ito sa loob. Dati ay nadadaanan lang namin to sa labas sakay ng tricycle. Private property kasi ito kaya bawal pumasok. Pero ngayon heto nakapasok na ako kasama ang may ari. Para akong nakawala sa hawla paglabas ko ng sasakyan. Halos tatlong linggo din akong hindi nakalabas. Panatag naman ako na walang makakakilala sa akin dito sa loob. Paglingon ko kay Jeiz ay nakatingin pala sya sa akin. Bahagya akong nailang pero ng nginitian nya ako ay nginitian ko na rin sya. Maya maya ay may lumabas na mga tao sa parang bahay. Lumapit ang mga ito sa amin na mga nakangiti. Puro sila may mga edad na. "Sir Jeiz magandang umaga ho." Bati ng isang matandang lalaki. "Magandang umaga naman ho Mang Teofilo. Magandang umaga sa inyong lahat." Bati din ni Jeiz sa kanila. "Aba'y kasama mo pala ang nobya mo. Kay gandang dilag." Ani ng matanda na tinawag ni Jeiz na Mang Teofilo. Nakangiti sya sa akin. Nakaramdam naman ako
Read more
Chapter 14
Ivy Kasal? Kasal ang kapalit ng pagtulong nya sa akin? Naikuyom ko ang kamao at hirap na lumunok. Bigla ay parang nag iba ang tingin ko sa kanya. Bakit sa dami ng pwede nyang hinging kapalit ay kasal pa? Bakit? Dahil wala naman akong perang pambayad? Akala ko ay iba sya sa mga lalaking yun. Pero mukhang nagkamali ako. Nagngingitngit na padarag akong tumayo at lalabas ng pinto pero hinawakan nya ako sa braso. "Ivy wait!" "Bitiwan mo ko!" Asik ko sa kanya."Makinig ka muna sa akin! Mali ka kung ano man yang inaakala mo." Wika nya. Naniningkit ang matang nilingon ko sya. Bumibigat na rin ang paghinga ko sa galit. Bakas ang pangamba sa kanyang mukha."Talaga? Mali ang isipin ko na mapagsamantala ka kagaya ng iba?" Inis na sabi ko at pumiksi sa hawak nya. Napasuklay sya ng buhok at nagpamewang. May gumuhit na sakit sa kanyang mata. Ngunit hindi ko na binigyan ng pansin yun dahil nananaig ang galit sa dibdib ko."Sa loob ng halos tatlong linggo na nasa bahay kita, may natandaan ka ba
Read more
Chapter 15
IvyMatulin na lumipas ang araw. Hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal. Nasa harap kami ngayon ng judge saksi ang ilang mga taong malapit sa amin. Si manang Sol, si Mang Teofilo at ilang mga kasama sa cacao farm at ang dalawang staff ng judge."..it is my honor and delight to declare you husband and wife. You may seal this declaration with a kiss." Anang judge. Nagharap kami ni Jeiz. Bumundol ang kaba sa dibdib ko ng gawaran nya ako ng halik sa gilid ng labi sabay ngiti. Nininerbyos na ngumiti naman ako. "I am pleased to present the newlyweds, Mr. and Mrs. Natividad!" Anunsyo ng judge kasabay ng palakpakan ng mga naroon. Kasal na ako. May asawa na ako. "Congratulations iho, hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa biglaan mong pagpapakasal, para kang may hinahabol. Pero nang makita ko itong nobya mo na misis mo na ngayon ay naiintindihan ko na. Dapat mo na ngang itali dahil baka maagaw pa ng iba." Bating may kasamang komento ng judge. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya
Read more
Chapter 16
Ivy Para akong itinulos sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Bumundol ang kaba at takot sa dibdib ko. Nakita na nila ako! "Ivy! Wag kang lumabas tumakas ka na -- ah!" "Sige subukan mo! Tutuluyan ko tong matanda!" Nahigit ko ang hininga ng sakaling ng braso ni tiyong Oca si manang Sol at tinutukan pa nya ng kung anong matalim na bagay sa leeg. "Manang Sol!" Tawag ko kay manang. Nanginginig ang katawan ko sa takot kay tiyong Oca at tiyang Linda pati na rin kay manang na baka tuluyan nila."Lumabas ka na dito Ivy! Lukaret kang bata ka, kung saan saan ka na namin hinanap dito ka lang pala sa bahay na to nagtatago. Lumabas ka na dyan!" Sigaw ni tiyang Linda. May ilang kapitbahay na, na nakikiusyoso. "Ay jusko si manang Sol! Sakal sakal at may nakatutok na kutsilyo!" Bulalas ng isang kapitbahay na may hawak na walis tingting."Wag kayong lalapit! Wag kayong mangengealam kundi madadamay kayo! Pamangkin ko to!" Pananakot sa kanila ni tiyong Oca at tinutukan sila isa isa ng hawak na kut
Read more
Chapter 17
Seb Mahigpit ang hawak ko sa manibela at tiim ang bagang habang humahagis sa bilis ang patakbo ko sa raptor kasing bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti na lang ay inalam ko na ang address ng bahay ng tiyahin ni Ivy. Kaya mula sa San Agustin ay dito na ako dumiretso sa Santa Martina sa baranggay kung nasaan ang bahay ng tiyahin nya. Paniguradong nandoon sya at kailangan kong bilisan bago pa mahuli ang lahat. Masama ang kutob ko.I'm coming angel, wait for me! Hinding hindi ko sila mapapatawad kapag sinaktan nila ang asawa ko. Baka mapatay ko sila. Nang makapasok na ako sa baranggay ay inabot ko ang baril ko sa dashboard compartment at sinuksok sa loob ng jacket.Kumalabog ang dibdib ko ng sa malayo pa lang ay nakita ko ang tatlong lalaking nakaabang na mukhang mga armado. Nakita ko rin ang pamilyar na pigura ng babae na nagpupumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa kanya at halos kaladkarin sya papasok sa nakabukas na sasakyan. Ivy! Mas binilisan ko pa ang patakbo sabay tapak sa pr
Read more
Chapter 18
Ivy "Ay jusko Ivy! Salamat sa Diyos at ligtas ka!" Bulalas ni manang Sol pagbaba ko ng sasakyan. Agad nya akong sinalubong ng yakap. Naiiyak na yumakap din ako sa kanya. Salamat din sa Diyos at ok lang sya. Tiningnan ko ang ilan naming kapitbahay na narito pa rin pala, nakangiti sila sa akin at bakas sa mukha ang tuwa na makita ako. Nginitian ko din sila at nagpasalamat dahil hindi nila pinabayaan si manang Sol. "Pumasok muna tayo sa loob para magamot yang mga pasa mo." Untag ni Jeiz at magaang hinawakan ako sa braso. Inutusan na rin sya si manang na kunin ang ilan kong gamit na naiwan sa loob ng sasakyan habang dala dala naman nya ang malaking bag ko na naglalaman ng mga damit ko at ilang personal na gamit. Nag paalam na rin ang mga kapitbahay namin na naroon. Pinasalamatan naman sila ni Jeiz. "Manang, pakuha naman ako ng cold compress at medicine kit. Paakyat na lang ho sa kwarto ni Ivy." Utos ni Jeiz kay manang. "Sige iho, isusunod ko na." Inakay naman ako ni Jeiz paakyat
Read more
Chapter 19
Jeizhiro "Ginulat mo naman ako Jeiz, bigla bigla may asawa ka na. Ni hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal mo. Tapos ngayon hihingi ka ng leave." Ani Mayor Rodolfo ng ipatawag nya ako sa library nya na nagsisilbing opisina rin nya sa mansion. Napakamot naman ako sa ulo. "Pasensya na ho mayor, biglaan ho talaga ang plano naming kasal." Bumuntong hininga sya at sumandal sa leather chair nya. Iminuwestra pa ang kamay sa akin. "Ano pa bang magagawa ko? Sa hitsura mo pa lang ngayon mukhang patay na patay ka sa asawa mo." Aniya sa seryosong mukha pero bakas ang biro sa tono nya. Napangisi na lang ako. "Di bale ho, kapag kinasal kami sa simbahan ay hindi ko ho kayo kalilimutan. Kukunin ko pa ho kayong ninong." Tinuro nya ako. "Aba'y dapat lang!" Nagtawanan naman kami. Pero naputol ang tawanan namin ng tumunog ang cellphone nya. Nagpasintabi naman sya para sagutin ito. Sumandal naman ako sa backrest ng visitor chair at ginala ang mata sa loob ng library habang hinihintay matapos s
Read more
Chapter 20
JeizhiroHalos basa kami ni Ivy pagpasok namin ng bahay. "Dito ka lang Ivy, bubuksan ko lang ang generator." Paalam ko sa kanya. "Sama na ako sa'yo, b-baka kailangan mo ng tulong." Presinta nya. "Hindi na kaya ko na." "P-Pero natatakot ako, ang dilim eh." Pamimilit nya at lumapit pa sa akin sabay hawak sa braso ko. Ramdam ko ang malamig nyang kamay. Napangiti na lang ako at kinuha ang kamay nya. Tumungo kami sa likod bahay kung saan nakalagay ang generator. Buti na lang ay may stock akong gasolina. Inilawan ako ni Ivy habang pinapagana ko ang generator. At wala pang ilang minuto ay gumana na ito. Bumalik kami sa loob at binuksan ang ilaw. Nagtawanan pa kami ng makita ang hitsura namin dahil para kaming mga basang sisiw. "Pa'no yan? Basang basa na tayo lalo ka na." Tila namomroblemang sabi nya. "May mga damit naman ako sa taas. Pwede mo munang ipamalit ang t-shirt ko." Inaya ko sya taas kung nasaan ang kwarto ko. Ibinigay ko sa kanya ang isang t-shirt ko na dalawang beses ko pa
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status