All Chapters of White Lies: Bud Brothers Series 2: Chapter 51 - Chapter 60
129 Chapters
Chapter 51
JILLIANNapakurap-kurap ako sabay tikom ng aking bibig. Wala sa sariling pinunasan ko pa 'yon na ikinatawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Binawi ko ang kamay kong hawak niya pero hindi niya 'yon binitawan. Napatitig na naman ako doon ng pagsalikupin pa niya ang mga daliri naming dalawa. Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na tumatagos sa aking balat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.He smiled at me. "Ilang taon ka na Jillian?""Bakit mo naman naitanong?""Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang?""Bakit pati edad ko gusto mong malaman?""Bakit bawal ba? Edad lang naman 'yan pinagdadamot mo pa talaga.""Pinagdadamot... alalahanin mo muna ang buong pangalan--""Sabihin mo na. 'Pag may naalala ako tungkol sa sarili ko ikaw mismo ang pinakaunang makakaalam.""Talaga lang ha.""Ilan nga?""Twenty-five.""Twenty-five lang?" gulat na ulit pa niya.I rolled my eyes. "Oo.
Read more
Chapter 52
MARCOIlang araw pa ang lumipas ay tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko. Natuyo na din at humilom na ang mga sugat sa aking buong katawan. 'Yung sa mukha ko nawala na rin lahat. Kahit visible pa 'yung mga pasa at peklat, hindi naman na masakit. Ang galing kasi mag-alaga ng ubod sungit kong Caregiver. Napangiti ako sa aking naisip.Though may mangilan-ngilan pang dumudugo dahil pilit kong pinagtatanggal 'yung mga itim-itim sa ibabaw ng mga sugat, still kaya ko na ang sarili ko. 'Yung bunganga lang ni Jillian ang hindi ko kaya. Araw-araw na lang ako sinesermunan. Mas maingay pa sa mga manok sa labas. Bigla ko tuloy namiss 'yong mga araw na para siyang maamong tupa. Tinatanong pa ako at sinusunod lahat ng gusto ko. Pamper na pamper ako sa kanya. Kaso no'ng medyo gumagaling na ako, unti-unti na rin lumalabas ang sungay niya. Iwan ko ba kung bakit laging mainit ang ulo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya maliban sa pagpupumilit kong lumabas ng kwarto. Bu
Read more
Chapter 53
MARCO"Marco, saan ka pupunta?" habol na tanong sa akin ni Jillian pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paghakbang."Pupunta muna ako sa opisina ni Dad, pero babalik ako mamayang hapon ha." narinig ko pang sabi no'ng lalaki."Ikaw bahala. Salamat ulit dito sa bigay mo.""No problem. Basta ikaw."Tss. Basta ikaw..Nagdadabog na ulit ko pa sa sinabi no'ng lalaki. Pagdating ko sa unahan nagpalinga-linga ako. Naghahanap ng pwede kong matambayan. Nakakita akong malaking puno. Humakbang ako palapit doon saka naupo sa malaking ugat nito. Sumandal ako sa katawan nito saka pumikit.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit ng may biglang sumundot ng anong bagay sa aking tainga. Kaagad akong napadilat at marahas na nilingon ang istorbo. Nakangising mukha ni Jillian ang sumalubong sa akin. Kinunutan ko siya ng noo saka muling bumalik sa pagkakasandal sa katawan ng punong kahoy."Pinapauwi ka na ni Inay
Read more
Chapter 54
JILLIAN"Kailan ka pa ba dumating Iho?" tanong ni Inay kay Kevin. "Mukhang nahiyang ka ata sa Manila ah."Kasalukuyan kaming apat kumakain ng agahan sa hapag-kainan. Nakaupo sa gitnang dulo ng mesa si Inay. Sa kanan si Marco at sa kaliwa naman ako naupo. Tumabi sa akin si Kevin. Tahimik at ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kahit si Inay nakahalata rin sa uri ng titigan ng dalawa kaya siya itong gumagawa ng paraan para lang magkaroon ng ingay sa harapan ng hapag.Hindi ko inaasahan na pupunta ngayong umaga si Kevin. Siguro dahil hindi siya nakabalik kahapon? I'm not sure. At wala ding kaso 'yon sa akin kung pumunta man siya dito o hindi.Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina at mukhang manok na isasabong itong dalawa. Nagulat pa nga ako paglabas ko ng bahay para sana tawagin si Marco na kakain na ay matiim na titigan nilang dalawa ang nabungaran ko. Nakakuyom pa ang kamao ni Marco samantalang chill lang si Kevin kahit matalim ang tin
Read more
Chapter 55
JILLIANNaitulos ako sa aking kinatatayuan matapos ko marinig ang tinawag sa akin ni Marco. Kaagad din uminit ang aking mukha ng sabay-sabay pang napaubo ang tatlo. Naibuga naman ni Kevin ang kinakain niya. Kaagad naman itong inabutan ni Inay ng tubig. Inabot nito iyon sabay inom."Naks kamahalan talaga." nakatawang kantiyaw pa no'ng dalawa sa akin matapos mahimasmasan."Tumigil nga kayong dalawa."Muli silang tumawa. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi man lang natinag ang mga bwesit na 'to. Sarap sipain palabas ng kusina."So kamahalan, pwede ba namin isama si Kuya Pogi sa bukid?" abot taingang ngiti na tanong sa akin ni Cheena.Sinimangutan ko siya sabay talikod. Bumalik ako sa aking upuan sa kabilang mesa. Nakasunod ang tingin nilang lahat sa akin.Pupunta lang pala ng bukid ganun ang ayos nila?Naka-yellow long sleeve si Cheena na tinernuhan ng above the knee na black miniskirt. Tapos si Blessie naman nak
Read more
Chapter 56
MARCOHindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Nagkakandahaba na rin ang leeg ko kakatanaw kung nasaan na ba sila. Kanina pa kami dito sa bukid nagha-harvest ng carrots pero ang bwesit na dalawang 'yon ang tagal dumating. Tapos hinayaan pa ni Nay Julie maiwan mag-isa sa bahay si Jillian kasama ang lalaking 'yon! Ganun ba kalaki ng tiwala nila kay Kevin? Sino ba kasi 'yon sa buhay ni Jillian?Umuusok ang ilong na tanong ko pa sa aking sarili habang kaliwat kanan na binubunot at tinatapon ang carrots.Pa'no kung gawan ng masama no'n si Jillian? F*ck... Lalaki siya. Magandang dalaga naman si Jillian. Tapos silang dalawa lang nandun!Hep... they've known each other for a long time and they're best friends.Bigla akong natigilan.Korek. Tsaka isa pa ano naman ang pakialam mo sa kanila? Boto naman sa lalaking 'yon si Nay Julie.Oo nga. Baka nga mag-dyowa sila e.Arrgh! Tinanggal ko ang bonnet na suot ko ng
Read more
Chapter 57
MARCO"Kamukha naman kasi ni Kuya Marco 'yong lead singer no'n e." sabi ni Blessie saka pinasadahan ako ng tingin. "Kung mahaba lang ang buhok niya tsaka may tattoo at earing, siyang-siya talaga 'yon e.""Pero napaka-imposible naman na mapadpad 'yon dito sa bundok. Ang sosyal no'n."Tumango-tango si Blessie. "Sabagay--HUY! Saan ka pupunta Kuya Marco?"Sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Malalaking hakbang na nilapitan ko si Jillian ng makita kong pumunta siyang mag-isa sa puno ng santol bitbit ang isang maliit na basket."Bakit ang tagal niyo ni Kevin pumunta dito sa bukid? Ano bang ginawa niyo?" bungad ko sa kanya paghinto ko sa likuran niya."Ayy-Kabayo ka!" tili niya sabay lingon sa akin. "Bakit ka ba nanggugulat diyan?!" singhal niya sa akin. Napahawak pa ang isang kamay niya sa kanyang dibdib sa subrang pagkagulat. Napatingin ako doon. Natigilan ako ng masilip ko ang kanyang itim na bra pero kaagad din
Read more
Chapter 58
JILLIANHaist... ano bang pumasok sa utak ko at pati 'yon sinabi ko pa sa kanya?Makailang ulit kong pinagtatampal ng kamay ko ang aking ulo bago pumasok sa aking kwarto. Lumapit ako sa drawer saka naghalungkat ng pwede kong ipalit sa suot ko. Nakakita akong isang malaking dilaw na t-shirt. Kinuha ko iyon pati ang isang maong shorts sa kabilang drawer. Nilapag ko iyon sa papag. Umayos ako ng tayo at akmang maghuhubad na sana ng damit ng malingunan ko si Marco na nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto ko. Bahagya pa akong napaatras sa subrang pagkagulat."Anak ng... anong ginagawa mo dito?!" sighal ko sa kanya.Pero hindi siya natinag. Ni hindi niya nga ako pinansin. Nakanganga at nanlalaki pa ang mga matang pumasok sa loob ng kwarto ko habang walang kurap-kurap na nakatitig sa mga ginupit kong larawan sa magazine na nakadikit sa dingding. Matagal niya iyon tinitigan animo'y gulat na gulat at hindi makapaniwalang meron ako ng mga ganun saka ako bi
Read more
Chapter 59
JILLIAN"W-What do you mean?""Akala ko kasi dati may sira ang utak--""What the..." bulalas na sabad ko sa kanya sabay tulak sa kanya. Nabitawan niya ako. Sabay pa kaming napaatras. "Inakala mo palang nababaliw na ako noon, ganun?"He laughed.Napikon ako sa kanya kaya malakas ko siyang sinuntok sa kanyang balikat. Aw! Daing niya habang hinihimas ang tinamaan ko. Pero ang lapad pa rin ng ngiti niya sa akin. Sinuntok ko siyang muli pero nasalo niya ito ng kanyang kamay. Hinatak niya ako palapit sa kanya saka muling niyakap. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan."Bitiwan mo ako. Bwesit ka.""Sorry na. Ito naman. I'm just being honest with you." sabi niya. "Inamin ko naman sayo na nagkamali nga ako diba.""Sabagay napagkamalan nga din naman kitang miyembro ng budol gang at manyak." nakatawang sabi ko. "Amanos na tayo."Hindi siya umimik sa sinabi ko. Napatingala ako sa kanya. Kaagad sumalubong
Read more
Chapter 60
JILLIANMabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan.Pagkatapos ng nangyaring iyon sa pagitan naming dalawa ni Marco ay sinikap kong iwasan siya. Ang kaso masyadong makulit kaya naglalagi na lang ako sa burol. Dumagdag pa si Kevin na araw-araw na lang nasa bahay. Bahala silang dalawa ni Marco magrambulan. Parehong may sapak.Hindi ko rin masyadong kinakausap si Inay at subra-subra ang hiyang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang makahulugang ngisi niya sa akin. Daig niya pa si kupido kung makapag-match. Dati si Kevin tapos ngayon sa aming dalawa naman ni Marco. E ang luko mukhang salawahan naman. May pa sabi-sabi pang gusto niya ako tapos kaliwa't kanan niya naman sina Blessie at Cheena. Balak ata kaming pagtutuhugin na tatlong magkakaibigan. Tapos ang mga kurdapya kung makakapit kay Marco akala mo mga pinaglihi sa tuko. Nakakabwesit!"O, ang aga ng gising mo Nak ah." nakangiting bati ni Inay sa akin paglabas ko ng kwarto.Humikab a
Read more
PREV
1
...
45678
...
13
DMCA.com Protection Status