Lahat ng Kabanata ng Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire: Kabanata 11 - Kabanata 20
54 Kabanata
Chapter 10
Alessia's POVNAPAPASIMANGOT ako tuwing naaalala ko na inirapan ako ni Sushi at hindi pinapansin. Hindi ko akalain na marunong pala itong magtampo. Hindi ko na talaga siya naalala dahil sa dami ng mga nangyari. Inaalala ko na ang buhay ko kanina.Kaya hinayaan ko na kang muna si Sushi. Kung hindi na siya nagtatampo, alam ko na lalapit din yan sa akin.Napatingin ako sa itaas at nakikita ko ang tila walang hangganang bulkan ng Eleftheria. Wala na ang mga winged baboons, at nandito kami ngayon sa isang matarik na daan. Wala itong trail, at halatang hindi ito daanan na parte. Pero wala naman dumadaan dito kung iisipin ko."We will hike from here." Saad naman ni Elijah sa lahat at naramdaman ko naman ang bibig ni Elijah sa aking tenga. "Sweetheart, they are all watching you clinging to me." Bulong niya sa akin. Tsaka ko naman naalala kung ano ang posisyon namin dalawa na hindi pa nagbabago simula nang nagkahabulan kami ng mga baboons.I am still straddling him, until now. Nakaramdam ako n
Magbasa pa
Chapter 11
Alessia's POVMAGTATANONG sana ako kung ano ang ikinagalit niya pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil narinig ko na ang halakhak ni Stefano na pababa mula sa butas."Woooaaaahhhh!" Nakita ko na sila pababa. Hawak hawak niya si Sushi na naging tuta ngayon na hindi pa rin ako pinapansin.Agad silang lumapag at nakita ko na dala nila ang lahat ng mga unisus kasama ang kay Elijah.Agad silang nagsibabaan sa kanilang mga kabayo at ako naman ay tahimik lang at kinakabahan. Lumapit sila sa amin at hindi nakaligtas sa aking mga mata na tumingin ang mga bagong dating sa akin. Nakita ko ang gulat na lumarawan sa kanilang mga mata pero agad din naman iyon nawala at parang wala lang nangyari."We will walk from here." Saad naman ni Elijah na nagpasya nang magsalita. "And I would like to say a reminder, whatever you saw and discover from here, will remain a secret." Saad niya at agad ko naman nakuha ang kanyang ibig sabihin. He wanted to hide the fact that they already know that I am a girl."Masu
Magbasa pa
Chapter 12
Alessia's POVYou know nothing about the beast's body...you can never heal my wounds."I might not be able to, but at least I tried. Only the ocean can heal your wounds." Saad ko sa kanya at natahimik ulit ito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng Basilisk, pero alam ko na napaisip siya sa sinabi ko.Oceans is a sacred water. We filthy beast has no right to touch the waters.Pakiramdam ko ay parang nilamukos ang puso ko. Bakit parang ang sakit ng mga sinabi niya? Hindi sila pwede? Ngunit sa pagkakaalam ko ay pinamamahayan ang dagat ng mga halimaw na hindi ko alam kung ano."Who says that a beast has no right to touch the ocean, when the ocean is filled with monsters? I might have no idea with the law of beasts, but I believe, if you need something, you need to obtain it even breaking the rules. You will only bathe in the sea and nothing else." Saad ko sa kanya at sana ay pumayag siya.How can I trust you?"You can see the sincerity of my heart. And I am with the king of Valeria, the
Magbasa pa
Chapter 13
Alessia's POVNILIPAD ulit ng Basilisk ang himpapawid. Kaparehong rota lang ang dinaanan namin. Napapapikit ako tuwing sinasalubong namin ang mga ulap dahil malamig at basa iyon.Natanaw ko ulit ang magandang tanawin sa itaas ng mga ulap. Pakiramdam ko ay hindi ako kailanman magsasawa sa lugar na ito. Alam ko na ito ang una at kahulihulihang araw na makikita ko ang tanawin na ito.Hindi ito lugar na pwedeng pasyalan. Pero kahit papaano, sa buong buhay ko ay nakita ko ang lugar ba ito. Kontento na ako doon at babaunin ko ito sa aking ala-ala.Nakita ko naman sa di kalayuan ang dulo ng bulkan. Kung titingnan mo ito, para lang itong isang burol. Pero dulo lang ito at hindi ang buong bulkan.Agad na pumasok na sa butas ang Basilisk at halos maiwan na naman ang kaluluwa ko sa ere dahil sa pabulusok na lipad nito. Muntik pa akong mapatili nang biglang nagwave ito at lumapagAgad na napatakbo sina Elijah palapit sa amin. Agad na tiningnan niya ako kung wala bang nangyaring masama sa akin."H
Magbasa pa
Chapter 14
Alessia's POVNAKABALIK kami sa palasyo na malalim na ang gabi. Ramdam na ramdam ko na rin ang matinding gutom dahil lahat kami ay hindi kumain simula kanina. Gutom na gutom kami at natitiyak ko na marami akong makakain ngayon.Tila binulabog naman ang buong palasyo sa pagdating namin. Lahat ng mga serbidora at mga sentinels ay sinalubong kami. Pilit kong kinukubli ang harapan ko gamit ang aking mga damit. Tinulungan naman ako nina Elijah at Stefano kaya hindi nila hinayaan na makalapit sa akin ang sino man serbidora, kahit na si Estrebelle na ipinagtaka niya.Nagmamadali akong pumanhik sa aking kwarto para maligo at makapagbihis. Sinarado ko ang pinto at nilock ko iyon upang hindi makapasok si Estrebelle ng basta basta.Papasok na sana ako sa banyo nang makarinig ako ng tila kinukuskos ang pintuan. Nagtaka naman ako kung ano iyon kaya bumalik ako sa pintuan upang buksan iyon.Pagbukas ko ay wala akong nakita nino man pero napatingin naman ako sa ibaba nang may naglakad papasok at nak
Magbasa pa
Chapter 15
Alessia's POVNAGISING ako na medyo sumasakit ang ulo. Kulang ang tulog ko at hindi iyon napunan ang pagod na naranasan ko sa paglalakbay na iyon. Wala si Estrebelle at si Sushi naman ay natutulog pa. Mukhang nagbantay ito magdamag dahil sa pangyayari kagabi.Bumangon na ako kahit nakakaramdam ako ng kirot sa sentido ko. Normal naman ito dahil kulang ako sa tulog. Naligo na ako ng mabilis upang makakain na. Mabilis lang din ang ginawa kong pagligo dahil naligo naman ako kagabi. Isinuot ko na lamang ang kulay itim na kimono na may kanipisan. Mahahaba ang manggas at maluwag iyon. Mabilis naman akong nagsuklay at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi man kapansin pansin, ngunit bakas sa ilalim ng mga mata ko ang kakulangan sa tulog.Sino ba naman ang mahimbing na makakatulog sa pangyayari kagabi? Nasa utak ko na baka bumalik iyon at kainin ang mga alaala ko habang tulog ako. Kahit isipin ko pa na nandyan si Sushi, nakabantay ay hindi ko magawang maging kalmado.Biglang bum
Magbasa pa
Chapter 16
Alessia's POVNATAPOS akong mag-agahan ay inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa hari. Ayokong makita niya ang bakas ng aking pag-iyak. Ayokong dumagdag sa kanyang mga isipin.Sinabi ko rin kay Estrebelle na huwag sabihin sa hari ang mga nakita niya. Malaki ang posibilidad na sasabihin niya iyon sa hari, kaya kinausap ko siya. Hangga't maaari, ayokong isipin ni Elijah na nag-uusap kami ng aking kapatid para hindi siya maghinala.Naglakad na ako ngayon patungo sa kanyang silid tanggapan. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kausapin. Naiisip ko na baka tungkol ito sa misyon, o sasabihin niya na hindi ako pwedeng sumama sa susunod.Maraming posibilidad pero mas napapaisip ako na baka wala sa mga naisip ko ang dahilan. Napagpasyahan ko na lang na kung ano man ang sasabihin niya ay tatanggapin ko, maliban na lang kung hindi niya ako pasasamahin sa misyon. Kailangan kong sumama, kailangan na kailangan.Nasa tapat na ako ng pintuan sa silid tanggapan ni Elijah. Yumukod naman sa a
Magbasa pa
Chapter 17
Alessia's POVNAGMULAT ako ng mata at sumalubong sa aking paningin si Elijah na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakakunot noo.Gusto ko naman mapasimangot dahil naaalala ko ang mga sinabi ni Ynna. Sinungaling! Gustong gusto ko siyang sigawan pero di ko ginawa. Wala ako sa lugar, at hindi ko rin dapat iyon gawin."Bakit kamahalan?" Pilit na kalmadong tanong ko sa kanya kahit yung kalamnan ko ay nanginginig dahil gusto kong malaman ang totoo."May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay napapansin niya na hindi maganda ang dating ko.Tumiim bagang naman ako. "Wala naman kamahalan." Sagot ko sa kanya kahit gusto kong isigaw na meron. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil magmumukha akong walang isip, kung magpapaalipin ako sa nararamdaman ko.Tinitigan naman ako ni Elijah na tila binabasa niya ako kaya mas lalong pinagbutihan ko ang pagpapanggap na maayos lamang ako."It doesn't look nothing to me, sweetheart. I already told you, I trust my instinct more th
Magbasa pa
Chapter 18
Alessia's POVNAGING magaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong maligo. Hindi na kagaya kanina na mainit ang pakiramdam ko dahil sa suot kong damit.Hindi ko rin gustong suotin ang mga damit na dala ko dahil alam ko na magiging mainit iyon. May mga damit na nakanda sa loob pero nahirapan ako sa paghahanap ng pwedeng maisuot dahil kadalasan, mga balloons pants at parang sleeveless blazers ang laman ng closet. Pero may natagpuan naman ako doon na isang sleeveless na sarado ang harapan. Kulay puti at ginto ito.Yun na ang kinuha ko at isang puti at gintong balloon pants. Siniguro ko na balutin muna ang dibdib ko ng tela para hindi halata ang dibdib ko.Isinuot ko na ang damit at hamak na mas madali itong suotin kaysa nakasanayan kong damit. Naging komportable ako at hindi mainit ang aking pakiramdam. Hindi din siya makati sa balat. Pero napapatingin naman ako sa aking mga braso. Masyadong payat ito para sa isang lalaki. Babaeng babae ang braso ko, wala man lang kalamanlaman. Mas tuming
Magbasa pa
Chapter 19
Alessia's POVMAKULAY ang ilaw sa kalangitan. Hindi na bago sa akin ang fireworks dahil laging may ganito sa Arada tuwing bagong taon. Fireworks display is something we look forward to watch every new year."Isang tradisyon yan, tuwing kaarawan ng hari." Turan naman sa akin ni Rafi na ikinagulat ko dahil nagsasalita na ito ng normal na lenguahe. Akala ko ay patuloy itong magsasalita ng ingles."Mas gumaan ang pakiramdam ko na hindi ka na nag-iingles. Hindi ako masyadong komportable doon." Saad ko naman sa kanya. "Hindi naman ako isang maharlika, kaya ganoon."Kumunot naman ang noo ni Rafi. "Wala naman problema sa ingles mo. You sound natural." Sagot naman niya sa akin.Hindi ko naman sinabi na hindi ako marunong, hindi lang ako komportable."Hindi lang ako komportable, kasi pakiramdam ko, nakikipag-usap ako sa isang may mataas na posisyon." Sagot ko sa kanya. Si Elijah, alam ko na hindi siya gaanong sanay sa normal na wika, pero tuwing nagkakausap kami, halos iyon ang gamit niya. Nag-
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status