All Chapters of The Omega's Destiny (English): Chapter 31 - Chapter 40
65 Chapters
Chapter 31
Zeph PovPagkatapos ng nangyari sa akin ay mas hinigpitan ni Alpha Hunter ang mga alipin niyang lumalapit sa akin at nakikipag-usap. Para raw hindi na maulit ang ginawa sa akin nina Verly at Marga. Hindi ka maiwasan ang mailang lalo na kapag tinatapunan ako ng kakaibang tingin ng mga kandidata at katulad ko namang alipin. Para kasing napakahalaga kong tao dahil sa mahigpit na pagpoprotekta sa akin ni Alpha Hunter samantalang isa lang naman akong alipin. Minsan naman ay naririnig kong ako ang topic ng kanilang usapan ngunit kapag nakikita nila akong palapit ay agad silang humihinto sa pagsasalita o di kaya ay iniiba nila ang kanilang topic. Siguro ay natatakot sila na baka magsumbong ako kay Alpha Hunter. Ngunit hindi ko gagawin iyon dahil alam ko kung gaano katindi kung magparusa ang aming alpha."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Zeph? Hindi ka ba natatakot na baka bigla ns lamang may umatake sa'yo sa bahaging ito?" tanong ni Alpha Hunter matapos akong lapitan. Naupo siya sa aking t
Read more
Chapter 32
Zeph PovBiglang napatayo si Alpha Hunter nang marinig ang sinabi ko. Nagpaalam kasi ako sa kanya na aalis na ako sa bahay niya. Ayoko kasi na mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya hanggang sa hindi ko na makayang kontrolin ang aking sarili. Kaya habang maaga pa at kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ay makabubuting umalis na lamang ako at lumayo."Ang sabi ko ay magpaalam na ako sa'yo, Alpha Hunter. Malaki na ang naitulong mo sa akin at hindi naman ako forever na mananatili rito sa bahay mo kaya napagdesisyunan kong umalis na sa bahay mo," pag-uulit ko sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung hindi niya ako naintindihan kaya pinaulit niya ang sinabi ko o baka iniisip niyang nagkamali lamang siya ng dinig."Alam mo ba ang sinasabi mo, Zeph? Alam mo na nasa panganib ang buhay mo kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo nais umalis sa bahay ko," tila inis ang boses na sagot niya sa akin. Kahit ang tatlo niyang kaibigan ay nakalarawan din sa kanilang mukha ang pagtut
Read more
Chapter 33
Zeph PovNakahanap ako ng pansamantalang matitirahan sa loob ng gubat. Isang maliit na bahay na gawa sa palapa ng niyog. Kumpleto ng mga gamit ang bahay mula sa pagluluto, gamit sa banyo at gamit sa pagtulog. May maliit pang poso sa tabi ng bahay. Parang sinadya para sa akin ang bahay na ito. Ngunit naisip ko na siguro ang bahay na ito ang pahingahan ng mga mangangaso kapag nangangaso sila ng mga hayop sa gubat lalo na kapag naaabutan sila ng gabi sa loob ng kagubatan. Sino man ang may-ari ng maliit na bahah na ito ay malaki aang pasasalamat ko sa kanya. Ngayon ay may matitirahan na ako habang nag-iisip pa ako ng aking susunod na hakbang. At kapag maabutan naman ako ng may-ari ng bahay ay makikiusap na lamang ako sa kanya na kung maaari ay hayaan niya akong manatili sa bahay niya ng mga ilang araw.Lumipas ang mga araw ngunit wala namang mangangaso na nagmamay-ari ng maliit na bahay ang dumating kaya labis akong natuwa. Mga pagkaing nakukuha sa gubat ang pinagkukuhanan ko ng makakain
Read more
Chapter 34
Zeph PovMabilis kong nilapitan ang lalaking nasa ibabaw ng katawan ni Duffy at binigyan ito ng malakas na sipa sa tagiliran. Tumilapon ang nagulat na lalaki ngunit agad ding nakatayo. Galit na tinapunan niya ako ng tingin."Sino kng babae ka? At bakit ka nakikialam sa ginagawa ko? Sawa ka na bang mabuhay?!" galit na singhal ng lalaki sa akin. In-stretch nito ang kanyang mga braso pati leeg na tila ba naghahanda ito para makipaglaban. Matangkad ang lalaki at malaki ang bulto ng katawan ngunit hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya o pagka-intimidate man lang. Ngunit kung noon ko pa siya nakaharap nang wala pa akong kapangyarihan at hindi marunong makipaglaban ay tiyak na nanginginig na ngayon ang katawan ko sa matinding takot. Ngunit hindi na ngayon. Ang pagkakaroon ko ng kapangyarihan at ginawa kong pagsasanay sa aking sarili sa pakikipaglaban ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob."Ikaw ang sawa na bang mabuhay? Alam mo na kamatayan ang parusa sa sino mang susuway sa batas ni Alpha
Read more
Chapter 35
Zeph PovNanatili sa tinitirahan kong bahay si Duffy dahil ayaw pa niyang umuwi sa bahay nila. Ayaw niyang makita ang kanyang stepmother lalong-lalo na ang stepbrother niyang si Hernan kaya nakiusap siya sa akin na kung maaari ay dito na lang muna siya kasama ko. Agad naman akong pumayag dahil mabuti nga na nandito siya para may kasama ako at kausap. Nang sa gayon ay hindi lamang ang aking sarili at kung ano-anong insekto sa paligid ang madalas kong kinakausap. Kahit sinong makakita sa akin habang nagsasalita ngunit wala namng kausap ay tiyak na iisipin nilang nasisiraan na ako ng bait.Noon akala ko ay talagang perpekto ang buhay ni Duffy. Ang totoo pa nga niyan ay kinaiinggitan ko ang buhay na mayroon siya. Anak siya ng isang mayaman at sa eda na labinlima ay kaya na niyang mag-shift ng kanyang katawan into wolf kapag sumasapit ang kabilugan ng buwan. May mga kaibigan siya na palagi niyang kasama lalo na kung binu-bully niya ako. Kaya naman nagulat ako nang malaman ko na may problem
Read more
Chapter 36
Hunter PovMag-isang umiinom ako ng alak sa aking silid nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan. Agad kong ibinaba sa lamesita ang hawak kong kopita na may alak bago ko binuksan ang pintuan. Inaasahan ko nang ang tatlo kong kaibigan ang makikita ko sa labas ng pintuan at hindi ako nagkamali. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng aking silid kahit na hindi ko pa sila sinasabihang pumasok na. At iyon ay dahil sanay na sila sa akin at sanay na rin ako sa kanila. Parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa kaya kapag kaming magkakaibigan lamang ang magkakaharap at walang ibang tao ay hindi isang alpha ang trato nila sa akin kundi isang matalik na kaibigan."Umiinom ka na naman, Hunter? Magmula nang umalis si Zeph sa bahay mo ay madalas ka na naming nakikitang umiinom. Hindi naman ganyan ang Hunter na kilala namin noon," agad na sermon sa akin ni Ruyi nang makita niya ang kopitang may alak sa aking lamesita. "Kahit na hindi mo sabihin sa amin ang dahilan kung bakit madalas ka
Read more
Chapter 37
Zeph PovNakumbinsi ako ni Duffy na bumalik sa bahay ni Alpha Hunter at ipaglaban ang nararamdaman kong pag-ibig sa kanya. Kaya pagkalipas ng ilang araw matapos niya akong kausapin ay nagdesisyon akong umalis na sa tinitirahan ko samantalang si Duffy naman ay nakahanda na ring harapin ang kanyang stepmother na siyang nag-utos kay Hernan na dukutin siya at gawan ng masama. Ngayon ay malakas na ang aking loob dahil hindi na hadlang sa aming dalawa ang pagiging omega ko. "Kapag ginawan ka ulit ng masama ng iyobg stepmother ay sabihin mo lang sa akin at parurusahan ko siya agad," bilin ko kay Duffy habang hawak ko ang kanyang mga kamay. Magkakahiwalay na kasi kami dahil magkaiba ang daan na dadaanan namin."Tatandaan ko iyan. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi na ako magpapatalo pa sa kanya. Ngayon pa na may kaibigan na ako na isang diyosa at makapangyarihan," nakangiting biro niya sa akin pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha. "Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin, Zeph. Nga
Read more
Chapter 38
Zeph PovLumukso ang puso ko nang makita ko si Alpha Hunter sa aking harapan. Hindi ko na kailangan makipaglaban o gumamit ng aking kapangyarihan laban sa tatlong lalaking ito na nangbabastos sa akin. Ayokong malaman muna ni Alpha Hunter at ng ibang mga tao na may taglay akong kapangyarihan. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila nang hindi nila ako paghihinalaan na isang mangkukulam. "Si Alpha Hunter!" takot na bulalas ng tatlong lalaki. Pagkatapos ay mabilis silang nagsipagtakbuhan palayo para tumakas."Habulin ninyo ang tatlong iyon at patayin," mariing utos ni Alpha Hunter sa kanyang mga tauhan. Agad namang tumango ang kanyang mga tauhan at mabilis na sinundan ang tatlong lalaking nais tumakas.Nang makaalis ang mga tauhan niya ay muli niya akong hinarap. Blangko ang expression ng kanyang mukha kaya hindi ko mabasa kung ano ang kanyang damdamin sa muli naming pagkikita. Gusto kong panghinaan ng loob ngayong nasa harapan ko na siya ngunit kailangan kong itulo
Read more
Chapter 39
Hunter PovHindi ako mapakali habang palakad-lakad ako sa loob ng aking silid. Nag-aalala ako na baka bigla na lamang umalis si Zeph nang hindi ko nalalaman. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kanina. Dahil ang totoo ay natutuwa ako na nagbalik siya rito sa bahay ko. Ngunit Kailangan kong gawin iyon dahil nasa harapan si Ashley. Kapag nakita niya ang magandang pagtrato ko kay Zeph ay iisipin niyang may nararamdaman ako para sa aking dating alipin. Ngunit ang mas inaalala ko ay ang mga taong nasa paligid ko at lihim na nanunuod sa magiging reaksiyon ko sa muli naming pagkikita ni Zeph. Alam ko na kahit inalis ko na ang mga espiya ni Keiver mula sa aking mga alipin ay hindi naman ako nagtagumpay na maalis sa aking bahay ang nga espiya ng ibang taga-north council kagaya na lamang ng ama ni Ashley.Kapag makarating sa ama ni Ashley kung paano ko tratuhin si Zeph ay baka maghinala siya na isa lamang palabas ang mabuting pagtrato ko sa kanyang anak. Tiyak na pagdidiskitahan na naman nila
Read more
Chapter 40
Zeph PovMaganda ang aking panaginip. Katabi ko ngayon sa kama si Alpha Hunter at hinahalikan niya ako sa aking mga labi. Alam ko na panaginip lamang ang nagaganap, hindi gagawin ni Alpha Hunter na halikan ako dahil may ibang babae siyang mahal. Ngunit parang totoo ang nangyayari at hindi lamang isang panaginip. Tila totoo ang kanyang mga yakap at halik sa akin. Nang saglit siyang huminto sa paghalik ay nagmulat ako ng aking mga mata at napangiti ako nang makita ko ang guwapo niyang mukha. Umangat ang isa kong kamay at hinaplos ang kanyang pisngi."Bakit hanggang sa panaginip ay nakikita pa rin kita, Alpha Hunter?" tanong ko sa kanya. Ang bigat ng aking mga mata ngunit ayoko pang ipikit ito dahil ayokong maglaho siya sa aking harapan. "Zeph," mabigat ang paghinga na sambit niya sa pangalan ko. Isang mahinang ungol lamang ang isinagot ko sa kanya. Kahit ang kanyang boses ay parang totoong-totoo. Mukhang sa sobrang pag-iisip ko sa kanya ay napapaniginipan ko na siya."Halikan mo ako, A
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status