All Chapters of Back In Your Arms: Chapter 11 - Chapter 20
20 Chapters
KABANATA 11: PREPARASYON
SABRINA’S POV “ Oh, nandito ka na pala. Pero bakit parang ang haggard mo?” Bungad sa akin ni Sheryl pagkaupo ko pa lang sa pinareserve niyang pwesto dito sa isang Chinese-Filipino restaurant. “Well, di naman titigil ang mundo dahil lang sa ikakasal ako. Syempre bukod sa preparasyon sa kasal ay nagtatrabaho ako,” hapong sagot ko sa kaniya. Inabutan naman niya ako ng tubig. “Eh ayaw mo naman kasing tanggapin yung suhestiyon ni Aiden na magleave muna sa opisina para makapokus ka diyan sa preparasyon ng kasal niyo,” wika naman ni Sheryl. “Duh, ayaw ko naman na magpa-special treatment sa opisina dahil lang sa ikakasal na kami. Isa pa, maraming trabaho ang kailangan gawin bago ang kasal namin. Aba’t ayaw kong magtrabaho habang naghohoneymoon kami no,” biro ko sa kaniya kaya naman natawa ito. “Honeymoon na pala agad ang pinaplano mo,” pang-aasar niya sa akin kaya naman tila umakyat ang dugo ko sa katawang papunta sa aking mukha. “Excuse me, Ma’am, are you ready to order na po?” Gusto ko
Read more
KABANATA 12: REBELASYON
SABRINA’S POV“Aiden ang aga----” Napahinto ako sa pagsasalita ng ang bumungad sa akin ay hindi mukha ni Aiden.“Anong ginagawa mo dito?” Nakakunot ang noo ko ng makilala ko kung sino ang kumakatok.Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa, “I thought I will see a beautiful maiden. Such a shame na isang hampas lupa lang pala ang makikita ko,” aroganteng wika niya sa akin.Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, “Excuse me, are you pertaining to me? Hindi kasi ito mental hospital, hindi ako tumatanggap ng bisitang katulad mo,” inis na singhal ko sa kaniya at akmang isasara na ang pinto ko ng magsalita siya“You are Aiden’s girlfriend, right?” Napahinto ako dahil sa sinabi niya.“Yes, at ano naman sayo?” tanong ko sa kaniya ng biglang may magsink in sa utak ko, “Oh, ikaw ba yung wedding organizer na kinuha ni Aiden?”Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi ko, “are you kidding me? Sa ganda kong ito, wedding organizer mo lang?” saad niya saka nagpunas ng luha sa gilid ng mata niya.“Th
Read more
KABANATA 13: PAGKALITO
SABRINA’S POV Matamlay akong naglalakad papasok ng opisina. Kahit na ayaw kong pumasok ay kinailangan ko sapagkat may dapat akong gawin. Pagdating ko sa working station ko ay agad ko na ring ginawa ang dapat kong gawin dahil ayaw ko ng magtagal dito. Nagtaka ako ng biglang tumahimik ang paligid kaya naman ini-angat ko ang aking ulo. Agad ko naman itong pinagsisihan ng magtama ang mata namin ni Aiden. “Miss Cruz, see me in my office,” wika niya saka naglakad papunta sa opisina niya. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa opisina. Pagkatapos ay agad kong tinungo ang printer upang kunin ang prinint ko saka bumalik sa upuan ko upang pirmahan ito. Inayos ko muna ang aking sarili bago magmartsa papunta sa opisina niya. Tatlong beses muna akong kumatok bago ko pinihit ang doorknob at buksan ito. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Aiden habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak niya. “With all due respect, Sir, huwag niyo po akong hinahamon. I get what I want!
Read more
KABANATA 14: PAGLISAN
SABRINA’S POV Tahimik kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa parke kung nasaan ako. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil ang lugar na ito ang naging saksi ng pagmamahalan namin ni Aiden. Ito rin ang magiging saksi ng pagtatapos ng istorya naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit madaya ang tadhana. Bakit pa kami pinagtagpo kung hindi din naman pala kami sa dulo? “Love.” Nagmamadali kong pinunasan ang mga luha sa mata ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig ni Aiden sa beywang. “Are you crying?” nag-aalalang tanong sa akin ni Aiden saka pinilit akong iharap sa kanya. “N-nope, napuwing lang ako,” pagpapalusot ko saka ngumiti sa kanya. Tila naman nabunutan ng tinik si Aiden sa naging sagot ko, “akala ko umiiyak ka, eh. By the way love, bakit gusto mo akong makausap? Aayusin na ba natin yung relationship natin? Pag-uusapan ba natin yung kasal natin?” sunod – sunod na tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang bisig niya saka siya pinaupo sa bench na nasa gilid namin. Pagkatap
Read more
KABANATA 15: PAGBUBUNTIS
SABRINA’S POV Halos dalawang buwan na din ang nakakaraan mula ng dumating ako rito sa Canada. So far so good naman dahil nag-eenjoy ako sa trabaho ko lalo pa at ito naman talaga ang pangarap kong gawin simula pagkabata. Dalawang buwan na din ngunit wala akong anumang balita kay Aiden. Nang mga unang linggo ko dito sa Canada ay sinusubukan niya pang tumawag ngunit hindi ko ito sinasagot. Pero isang araw ay hindi na ito muling nagparamdam pa. Unti-unti ko na rin namang tinanggap na hindi na kami pwede, pero siguro deep inside umaasa pa din ako na may gagawin siya para magkabalikan kami. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Sheryl kaya nabalik ako sa katinuan. Si Sheryl ay kasama ko rito sa Canada at magkatrabaho na kami ngayon. “Oo naman. Kulang lang ako ng tulog,” wika ko saka muling hinawakan ang sentido ko. Ilang araw na din kasing sumasakit ang ulo ko na hindi ko alam ang dahilan. “What if magday off ka muna? Namumutla ka na, eh,” suhestiyon niya saka lumapit sa akin. Inilapat ni
Read more
KABANATA 16: PAGKATAPOS NG LIMANG TAON
SABRINA’S POV >>> 5 YEARS AFTER " Ladies and gentlemen, Happy Airlines extends a warm greeting to you as we arrive in Manila. It is currently 8:11 p.m. local time. Please keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate and remain seated with your seat belt fastened for your protection and the safety of those around you. Thank you! " anunsyo ng flight attendant kaya napaayos na ako ng upo. “Mommy we are here in the Philippines?” tanong sa akin ni Hope, limang taong gulang kong anak. Ngumiti naman ako sa kaniya, “yes, baby.” sagot ko. Ngumiti naman siya at umayos na rin ang upo. Maya-maya pa ay bumukas na ang mga pintuan ng eroplano kaya tumayo na rin ako at si Hope. Pagbaba namin sa eroplano ay pumunta na kami sa arrival lane para makuha ang mga maleta ko. Binuksan ko na rin ang cellphone ko upang tawagan ang susundo sa amin para malaman ko kung nasan ito naroroon. “Hope, kalabitin mo ako kapag nakita mo na ang mga maleta natin, okay?” bilin ko sa kaniya. Tumango naman it
Read more
KABANATA 17: SABRINA WILSON
SABRINA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz. Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin. “Good morning, mommy.” Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya. “Good morning, sweetie,” bati
Read more
KABANATA 18: BUSINESS BALL
SABRINA'S POV“For my competitors, I don’t feel threatened at all. As I’ve said, I work hard for this, so I’ll never back down. So, to you, prepare yourself because I will win this game with flying colors…” tugon ko saka ngumiti sa kanila.Sunod-sunod na flash naman mula sa camera ang tumapos ng interview ko. Nagpasalamat lamang ako sa mga miyembro ng press na pumunta pati na rin sa mga crew at spectators pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumalik na rin sa office ko upang balikan si Hope. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Sheryl.“You really did well, girl,” namamanghang komento niya habang mabagal niya akong pinapalakpakan.Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya saka ko sinara ang pintuan, “great job ba?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Mas great pa sa great,” mabilis niyang sagot saka kami sabay na natawa.“Where is hope pala?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong wala ang anak ko dito sa loob.“Nasa labas kasama ang secretary mo. Gusto daw mag-tour, eh,” sagot nam
Read more
KABANATA 19: MULING PAGKIKITA
SABRINA'S POV“Sorry…”Hindi ko na pinansin yung nagsalita saka nagmamadaling dinampot ang laman ng purse ko na nalaglag dahil sa pagbangga niya sa akin. Ghad, bakit sa ganitong paraan pa kami magkikitang muli? I played different scenario kung paano ko siya makikita pero bakit naman ganito.“Here, let me help you,” wika niya saka ako tinulungang damputin ang mga gamit ko.“No thanks, I can handle,” mabilis kong sabi saka nagmamadaling kinuha sa mga kamay niya ang gamit ko.“Okay?” hindi siguradong wika niya at hinayaan na lamang niya akong gawin ang ginagawa ko.Nakita ko rin sa peripheral vision ko na tumayo na siya. Jusko, bakit ayaw niya pang umalis? Can he just leave me alone?! Natapos ko na ang pagdampot ng mga gamit ko pero nandiyan pa rin siya.“Come on,” rinig kong wika niya saka ko nakita ang kamay niya na nakalahad.“I can handle myself,” pagtanggi ko saka tumingala at sinubukang tumayo.Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya napapikit na lamang ako ng mata
Read more
KABANATA 20: BAGONG KARAKTER - CLINTON CUEVAS
SABRINA'S POV“Hmm…” mahina kong ungol nung maramdaman ko na may pumipindot ng pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang malawak na ngiti ni Hope ang bumungad sa akin.“Good morning, Mommy!” masiglang bati nito sa akin na sinundan ng halik sa aking pisngi.“Good morning, baby,” bati ko pabalik dito habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga. Agad ko siyang ikinulong sa aking mga braso at niyakap ng mahigpit.“Mommy, did you go home too late last night?” tanong nito sa akin habang yakap-yakap ko siya.Bahagya muna akong humikab bago sumagot sa kaniya, “almost 1am na baby ko. You’re auntie Sheryl kasi,” paliwanag ko.“That’s too late. Maybe you should get some sleep pa po,” suhestiyon ni Hope sa akin.“I have work pa, baby eh,” tugon ko sa kaniya after kong tiningnan yung oras sa orasan na nasa side table. “Just take the day off, Mommy,” suhestiyon nito sa akin saka nagpa-cute.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at marahang pinisil ang kaniyang pisngi. “I’m sorry young
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status