All Chapters of Entangled with Mr. Ruthless: Chapter 41 - Chapter 50
100 Chapters
KABANATA 41
Wala siyang sinayang na oras at agad na umalis ng mansyon. Mabilis ang pagana niya sa motorbike makarating lang sa ospital ni Gustavo. Walang siyang pakialam kahit ano'ng oras na, ang importante ay gising na si Lea. At last, after seven years in a coma, nagising na ito."Where is she?" agad na bungad niya kay Gustavo noong makarating."Chill. Kalma ka muna. Na-miss mo ba ng sobra?" tukso nito.Hindi siya kumibo at kinuha na lang ang ospital gown at hairnet na inabot nito."May sinabi ba siya tungkol sa kuwintas?" agad niyang tanong.Nangunot ang noo ni Gustavo at tinapik ang balikat niya, "Kagigising lang niya at iyan agad ang salubong mo? Mulat pa lang ang mga mata niya at hindi pa nagsasalita. Don't be harsh on her, Gray. She is still your wife," pagdidiin nito.F*ck, kasal nga pala siya pero kagagaling lang niya sa kama kasama ng ibang babae. Kapag si Sylvaine ang kaharap niya, nakakalimutan niyang may asawa siya."Alam kong nahanap mo na si Doktora, pero Gray, kalimutan mo na siya
Read more
KABANATA 42
Agad na napabangon si Sylvaine mula sa kama matapos magtantong mag-isa na lang siya doon. Napatigil pa siya sa maluwang na pajamang suot at t-shirt. At least naman binihisan siya di ba?Naiiling siyang bumaba sa kama, "Bwisit na, Gray," bulong niya sa sarili bago lapitan ang pinto.Ang malala, naka-lock iyon at hindi niya alam kung ano ang code. Nakipagtitigan siya sa pinto, nagdadalawang isip kung susubukan bang buksan iyon."Kailangan mong makalabas, Sylvaine," pagkausap niya muli sa sarili.May masamang pakiramdam siya, isa pa, kahit ibigay niya ang lahat kay Gray, malabong pakinggan siya nito.Kinagat niya ang hinliliit na daliri bago naningkit ang tingin sa digital lock. Siguradong hindi gagana ang dating code. Napailing siya. Nanginginig ang daliring nilapit sa touchpad at nagsubok ng mga numero."Sh*t!"Napaatras siya noong tumunog muli ang mansyon at malamang na may pulang ilaw na naman sa labas. Nasapo niya ang noo at muling lumapit. Bahala na kahit pa mabingi ang mga tao ng
Read more
KABANATA 43
"Tinatakot mo lang ako. Gusto mo lang na layuan ko ang anak ko," matigas niyang bigkas.Iyon pa rin ang usapan nila kahit pa nakabiyahe na sila. Hindi rin naman kasi siya nito sinasagot nang matino. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, ni wala siyang bitbit na kahit ano'ng gamit bukod sa sarili niya."In order for him to be the leader of the mafia, he should kill," malamig na sagot nito muli.Nanggagalaiti siya sa inis ngunit hindi ito magawang sampalin muli lalo pa't may tauhan ito sa passenger seat na may baril, ganoon din ang driver nito. Siniksik na lang niya ang sarili sa backseat huwag lang madikit dito."Four years lang si Gabriel at gusto mong pumatay na siya? Ano'ng klase kang ama?"Umigting ang panga nito, sumandal sa upuan at hin*god ang panga nito."That's the rule—""I don't care about your rule, Gray! Hindi papatay ang anak ko! Kahit hindi na siya maging leader—bitiwan mo ko!" angil niya noong haklitin nito bigla ang braso niya.Napalunok siya sa kaba matapos masalubo
Read more
KABANATA 44
"We're here."Napabalikwas siya ng upo at agad na napasilip sa bintana. Napakadilim sa paligid at maraming puno. Hindi niya sigurado kung saan siya dinala ni Gray pero alam niyang malayo na iyon sa siyudad o sa alin mang bayan.Napahawak siya sa seatbelt noong sumulong pa ang sasakyan papasok sa looban na mas maraming puno."Gubat ba 'to?" wala sa loob na tanong niya."Yeah, so don't try to escape. I am sure there are a lot of wild animals out there."Dumiin ang hawak niya sa seatbelt. Walang lugar yata ang safe kapag si Gray ang kasama niya."Fix yourself. Remember our deal. Katulong ang ipapakilala mo kay Gabriel," paalala nito noong tuluyang tumigil ang sasakyan.Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay natulala siya sa malaking bahay—mali, mansyon din iyon na nasa gitna ng kagubatan. Nasa limang palapag pero kakaunti lang ang tauhan na nasa labas.Napasinghap siya matapos maramdaman ang pagkalas ni Gray sa seatbelt niya."Let's go, it's already late."Wala sa loob na napatang
Read more
KABANATA 45
Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Gray at ngumiti nang malawak kay Gab."I am your only mother, Baby. Huwag kang makinig sa iba. Ako lang ang Mama mo, tandaan mo iyan, hm?" malambing niyang bigkas sa anak.Bahala na kahit pa parusahan siya ni Gray o kung saktan siya muli nito. Ang importante ay mananatili siyang Mama ni Gab kahit pa malayo siya sa tabi nito.Rumehistro ang kalituhan sa mukha ni Gabriel, "Of course, Mama. Ikaw lang po ang Mama ko, may iba po ba akong Mama?"Nangingilid ang luha niyang umiling, "Wala na. Ako lang ang mama mo, hm. Do you want to eat or sleep? I miss you so much."Balewala niyang binitiwan si Gray kahit pa sobrang talim ng titig nito sa kanya. Mabilis niyang binuhat si Gab at dinala sa nakita niyang kwarto roon. Dalawa iyon pero sa pinaka-una ang binuksan niya."Mama, bakit mukha kang takot kay Daddy? He won't bite you," natatawang komento nito.Tinikom niya ang bibig sa takot na makapagsalita ng masama tungkol kay Gray. Bata pa si Gab at ayaw naman ni
Read more
KABANATA 46
"Kaya na niyang magsalita, Gray. Kailangan mo na siyang dalhin sa mansyon. Mas tumatagal siya sa ospital, mas nagiging delikado ang buhay niya," si Gustavo na sinalubong siya sa harap ng ospital.Kahit walang pahinga ay dumiretso siya rito. Nagtagis ang ngipin niya. Hindi pa siya handang iuwi ito sa mansyon."Hinarang kami ni Don Manuel at Brylle. Gusto nilang kunin si Sylvaine," wala sa loob na kwento niya.Tumigil si Gustavo sa paglalakad kaya't tumigil din siya."Hindi mo pa siya pinatay?" malamig nitong tanong.Marahas siyang huminga, "She is still Gabriel's mother. Hindi ko siya pwedeng basta lang patayin. Kailangan ko munang ihanda si Gabriel."Naningkit ang mga mata ni Gustavo, "Sigurado ka? O baka ayaw mo lang talagang patayin. Gray, gising na si Lea. Wala na dapat sa isip mo si Sylvaine. Ang asawa mo ang isipin mo," sermon nito bago nauna sa ICU.Nasabunot niya ang sariling buhok. Sinusubukan naman niyang hindi na isipin si Sylvaine—mali, hindi naman talaga niya ito iniisip,
Read more
KABANATA 47
"Mama, labas tayo sabi ni Uncle Dimitri!" sigaw ni Gabriel mula sa pinto.Mabilis niyang pinunasan ang mga kamay mula sa paghuhugas ng mansanas. Isang linggo na o higit na yata sila ni Gabriel sa mansyon na iyon pero hindi pa rin bumabalik si Gray. Hindi rin siya makahanap ng paraan kung paano lalabas sa gubat kaya naman na-alerto siya ngayong nagyayang lumabas si Dimitri. Minsan kasi ay kinukuha nito si Gab para maglaro.Sumilip siya mula sa kusina at nakitang nasa sala na si Dimitri at kausap ni Gabriel."Oh hi! B-awal yata kaming lumabas. Sabi ni Gray ay bawal kaming lumabas ng mansyon," kunwaring pa-inosenteng bigkas niya pero ang totoo ay kating-kati na siyang lumabas."Sinabi niya iyon? Hindi naman tayo lalabas sa safe place na ito. I know a small waterfall inside the forest. Let's catch some fish. Or you can stay here if you want—""Sasama ako! Wala pa naman si Gray. Hindi mo naman kami isusumbong di ba?"Pinagkrus niya ang mga daliri at nanalangin na pumayag ito. Kampon ito ni
Read more
KABANATA 48
Malakas siyang napasinghap matapos marinig ang putok ng baril nito. Literal na tumigil ang tibok ng puso niya at napaluha. Kaya lang ay wala siyang naramdamang sakit sa ulo niya, bagkus ay napamulat siya ng mga mata matapos marinig ang malakas na pagbagsak sa harapan niya."Sabi ko namang huwag kang gagalaw," bigkas ni Gray.Hindi siya nakakilos at lalo lang yatang nanginig ang mga tuhod niya sa malaking ahas sa harapan niya."Come here. Let's go home," utos nito.Para siyang hiningal at napadausdos ng upo sa gilid ng puno. Napalunok siya at hindi kayang tingnan sa mata ang malaking ahas."Tss. Now you're scared? Stubborn woman. Sinabi na kasing huwag kang tatakas—""H-indi ako tumatakas. N-aligaw lang," pagsisinungaling niya.Matiim siya nitong tinitigan bago lumapit. Muntik pa siyang mapasigaw noong basta lang nitong kunin sa isang kamay ang ahas."Iluluto ni Dimitri." Sinuri pa nito ang bigat ng ahas.Nalukot ang mukha niya dahil doon, "Kumakain kayo ng ahas?"Nangunot ang noo nito
Read more
KABANATA 49
"G-ray," mahinang usal niya.Hindi niya alam kung tama ang narinig niya sa bibig nito pero ang nakikitang pamumungay ng mga mata nito ay nagsasabing totoo iyon.Napalunok siya at hindi maiwasang titigan ang mga mata nito. Kita niyang inaantok ito pero kita niya rin ang kagustuhan nitong makasama siya. Nagbaba siya ng tingin noong makita ang pag-alon ng adams apple nito. Nahiya siya bigla dahil h*bad siya sa harapan nito habang ito ay naka-t-shirt at boxer short na."Maliligo ka ba? Lalabas na ako—"Hindi niya naituloy ang pag-alis noong humarang ang kamay nito. Tinukod nito iyon sa pader upang makulong siya sa katawan nito."I'm done taking a shower," paos na bulong nito.Bumigat lalo ang paghinga niya. Ayaw niyang umasa na talagang na-miss siya nito kaya ito nandito o baka katawan lang niya ang habol nito."Bumalik ka na sa baba, baka hinihintay ka na nila—""I don't want to."Pumikit siya nang mariin, "Matulog ka na lang, please. Kailangan mo ng pahinga."Pagharap niya para sana itu
Read more
KABANATA 50
Puno na ng luha ang mukha niya at halos nahalughog na ang buong bahay ngunit walang Gabriel o Gray na lumitaw sa harapan niya."G-ab, please, m-agpakita ka kay Mama," muling pagtawag niya ngunit wala pa rin.Sobrang sakit na ng d*bdib niya, kanina pa rin siya hinihingal dahil sa pag-iyak. Daig pa niya ang pinagtaksilan sa ginawa ni Gray.Muli siyang humikbi at dumausdos ng upo sa gilid ng pader. Nanginginig ang kamay niya at nanlalambot na rin ang mga tuhod."G-ab, baby, nandito pa si Mama," nanghihinang bigkas niya, nagbabakasaling laro lang ang gusto ni Gray at tinago lang sandali si Gabriel.Napakurap siya matapos marinig ang mahinang tahol ni Tuti. Agad itong lumapit sa kanya at dinilaan ang kamay niyang nakalaylay sa sahig. Kahit hindi malinaw sa mata niya ay napatitig siya rito. Doon siya natauhan, walang mangyayari kung iiyak lang siya sa loob ng bahay lalo pa't mukhang siya na lang ang tao roon.Mabilis niyang kinuha si Tuti at lumabas. Maga man ang mga mata niya ay sinubukan
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status