Lahat ng Kabanata ng Beastly: Primo Hernani: Kabanata 31 - Kabanata 40
55 Kabanata
Chapter 30
Pagkatapos kumain ng dinner ay nagpahinga pa kami ro’n kasama si Attorney Marcus habang nagkukuwetuhan. Mamayang konti pa naman daw kasi ang lakad nila. Sa totoo lang ay hindi na ako makapaghintay na maka-uwi kami ni Primo. Hindi ko alam kung sa bahay ba o sa condo niya. Pero ayos lang kahit na saan. Basta gusto ko na kasama ko siya at excited na ako na mag-cuddle kami. “Aliyah?” sabay-sabay kaming napalingon nang marinig iyon. Bahagya pa akong nagulat nang makita si James Reynolds. Iyong Fil-Am na isa sa mga naging ex ko. “James,” gulat na wika ko. Bahagya pa akong napalingon kay Primo at napangiwi nang makitang tinaasan niya ng isang kilay si James kahit na wala pa itong ginagawa. “How have you been?” nakangiting tanong ni James na halatang masayang makita ako. “Never been better,” sagot ko. “Why are you here?” “I’m one of the shareholders of Lim Mobiles,” aniya na ang tinutukoy ay ang telco c
Magbasa pa
Chapter 31
“Baby, please! Let’s talk about this,” puno ng pagsusumamo na saad ni Primo habang naglalakad ako palabas ng hotel. Matapang ko naman siyang hinarap kahit na ang totoo ay sobrang nanlalambot na ang mga tuhod ko dala ng sakit na nararamdaman. “Kaya mo pinasok ang kumpanya namin dahil gusto mong makaganti?” hindi makapaniwalang tanong ko. “At first—” “Yes or no, Attorney! I don’t want to hear your excuses!” mahina pero madiin na pagputol ko sa sasabihin niya. “Yes…” nanghihinang sagot naman niya, bakas na rin sa mukha niya ang labis na pag-aalala. “So, making me fall in love with you was part of your plan all along, huh?” tanong ko. “Enjoy ka ba na paglaruan ako at gawing tanga?” dagdag ko pa. “Baby, no… it’s not like that, okay?” pagsusumamo ulit niya. “You know what? Just forget it! Pagod ako at gusto ko nang magpahinga,” nanghihinang saad ko at tatalikuran ko na sana siya pero mara
Magbasa pa
Chapter 32
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Sinabunutan ko pa ang sarili ko na akala mo ay may magbabago. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Agad naman akong nanlumo at napa-upo sa kama nang maalala ang lahat. Iyong sakit na nararamdaman ko kagabi ay biglang bumalik. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong ibang gawin ngayong araw kung hindi ang humiga na lang dito sa kama at magmukmok. Ayaw kong pumasok sa opisina at magtrabaho. Alam ko rin kasi na kung gagawin ko iyon ay baka magkita lang kami ni Primo ro’n. Hindi ko pa siya kayang harapin. Ayaw ko muna. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako bago nagpasyang tumayo, maligo at gumayak na rin. Wala namang magbabago kung mananatili lang ako rito. Mas maigi pa na ibaon ko na lang ang sarili ko sa trabaho para kahit na papaano ay ma-divert ko sa ibang bagay ang atensiyon ko. Alas onse na ng umaga at late na ako. Nang mat
Magbasa pa
Chapter 33
Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa subdivision. So I asked Youan and Alison to stop the car. Halatang gusto nilang magtanong kung bakit pero hindi na nila ginawa. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong pumara ng taxi at muling nagpahatid sa bahay. Sinabi ko lang ang mga hinanakit ko kay Dad, pero aminado ako na naging bastos ako sa kanya. After watching that video, I realized that he loves us. Madalas talaga ay hindi lang niya alam kung paano iyon ipakita at iparamdam sa amin. Pagkabalik sa bahay ay agad akong nagbayad at bumaba na, tapos ay nagmamadali akong pumasok sa loob. Naabutan ko naman sa sala sina mom at dad na parehong nakaupo sa sofa. Si Dad ay bahagyang nakayuko habang humihikbi, si Mom naman ay marahang hinahaplos ang likod ni Dad. And to see them that way was heartbreaking. “D-Dad…” mahinang pagtawag ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin nang makita ako. Pilit siyang ngumiti sa akin ba
Magbasa pa
Chapter 34
“Bes!” masaya at malakas na sigaw ni Luna pagkapasok ko sa bahay namin. Mahina pa nga akong natawa nang halos makipag-unahan pa siya sa pagsalubong sa akin at agad niya akong niyakap. “Kumusta, Luna?” nakangiting tanong ko at niyakap ko rin siya pabalik. “Okay na okay, bes! Naku, ang saya naman kasi nandito ka nang gaga ka!” sabi niya kaya napangiti ako, hindi ko alam kung gaano niya ako katagal na yakap. “Luna, kami naman! Masyado mo nang sino-solo ang anak ko, aba, hindi lang ikaw ang naka-miss sa kanya!” may halong pagbibiro na wika ni dad kaya natawa kaming lahat. Mabilis na lumipas ang tatlong buwan, at sa tatlong buwan na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-travel sa iba’t ibang bansa gamit ang ipon ko. Pinayagan naman ako ni dad kasi alam niya na iyon ang kailangan ko para makapag-isip sa kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Sa loob ng tatlong buwan ay hindi ako nagparam
Magbasa pa
Chapter 35
“Welcome back!” nagulat ako pero agad ding napangiti nang pagkapasok ko sa opisina ko sa WGC ay nakita ko ang head ng iba’t ibang departments, kasama rin nila si Lyn. May hawak na bouquet ang HR Manager habang si Lyn naman ay hawak ang isang chocolate cake. Tapos sa lamesita ay ang daming nakalapag na pagkain. Hapon na nang dumating ako. Kung tutuusin ay wala pa akong plano na pumasok ngayong araw, pero dahil wala naman akong jetlag at naiinip ako sa bahay ay nagpasya ako na magpunta na lang sa opisina ko. Alam ko naman na marami akong kailangang habulin na trabaho. Malamang ay si dad ang may sabi kay Lyn na darating ako kaya nakapaghanda sila ng ganito. “Grabe, nag-abala pa talaga kayo. Hindi naman ako matagal nawala, ah?” nakangiti pero may halong saya na wika ko. “Luh, ang tagal kaya ng tatlong buwan, ma’am! Na-miss ka namin!” masayang sagot nung HR Manager. Nang araw na iyon, imbes na magtrabaho ay nauwi
Magbasa pa
Chapter 36
“In fairness, medyo nakaka-ilang na ah! Ang daming nakatingin sa puwesto natin!” pabulong na wika ni Luna matapos ang ilang sandali. Tahimik kasi ang mesa namin na para bang nakikiramdam ang lahat. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan, pero parang ang awkward talaga ng sitwasyon. “Sorry!” ani Ara at pilit pang ngumiti. Nang sinabi nila sa akin kagabi na rumored girlfriend daw ni Primo sa Ara ay naging interesado ako sa babae. So, I made a little bit of a research about her, or maybe it’s right to say that I kind of stalked her. Nalaman ko na naging model at mukha na siya ng ilang malalaking local brands. Tapos ang latest video interview na nakita ko ay may offer siya sa isang kilalang network na bumida sa isang teleserye. She’s really beautiful, I give her that. Sobrang sweet ng boses at mukhang mabait pa. Bagay na bagay sila ni Primo kung tutuusin. Masakit sa puso isipin, pero iyon ang totoo. “Why are you
Magbasa pa
Chapter 37
The next few days just went okay. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho para ma-divert na rin sa ibang bagay ang atensiyon ko. Like I said, hindi ako galit kay Primo o ano. Maayos kaming naghiwalay kahit pa sinabi niya na maghihintay siya. And now, I just realized that I really couldn’t expect him to wait for me. After all, sobrang guwapo niya at successful na sa gano’ng edad. Nakakatuwa naman kasi naging maayos din sina Luna at Attorney Marcus. Nag-away pala sila dahil sa lalaking lumapit kay Luna at nakipagsayaw sa kanya. Attorney Marcus got jealous. Tapos ay lasing pa si Luna kaya nagkasabayan sila. Pero nakakatuwa kasi okay na sila ngayon. Ngayon naman, sa tuwing inaaya ako ni Luna na magkita kami o mag-night out ay hindi ako agad na pumapayag. Tinatanong ko muna kung kasama ba niya si Attorney Marcus. At alam ko na alam din niya ang dahilan. Kapag kasi kasama si Attorney Marcus ay alam kong may chance na susunod o sasama rin sina
Magbasa pa
Chapter 38
A lot of things had changed the next few days. Maybe it’s true after all, that change is the only thing that’s constant in life. Gaya nang sinabi ko noong nagkaroon ng board meeting, I tried to stepped down from my position. It actually became a very long discussion. Tapos ay nauwi sa botohan. Dahil ako pa rin ang pangalawang may pinakamataas na share sa WGC ay bumuto ang lahat na ako pa rin ang maging acting president. Mukhang hindi talaga masaya si Primo sa nangyayari. Ni halos hindi na nga siya nagpupunta sa WGC. Hindi ko na siya madalas makita doon, hindi gaya nang si dad pa ang major shareholder. But it’s fine. Sa tingin ko kasi ay mas maigi na iyong hindi kami laging nagkikita para tuluyan na rin akong masanay na wala siya sa tabi ko. Alam ko kasi sa puntong ito ay hindi na talaga siya babalik sa akin, na hindi ulit magiging kami. Kasi nga ay may bago na siya. Kasi may girlfriend na siya. Paulit ulit ko na lang sinasabi kahit n
Magbasa pa
Chapter 39
The next day, I woke up groggily. Pagkamulat ko sa mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Napangiwi pa ako nang maramdaman na sobrang sakit ng ulo ko. Kumikirot ito at parang hinahati sa dalawa. Oh, God… I’ll never drink alcohol again… Bulong ko pa sa sarili ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasi pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. Muli kong iminulat ulit ang mga ito pagkaraan ng ilang minuto, tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kuwarto para tignan ang oras sa wall clock. Kumunot ang noo ko nang mapansin na iba ang disenyo ng kuwarto. Mabilis akong napaupo sa kama at iginala ang paningin sa paligid. The room looks very familiar. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero pilit ko namang pinaka-isip. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na ito iyong kuwarto na tinuluyan namin ni Primo sa Isla Amara noon. I must be dreaming… Oo! Baka nananaginip lang ako. I mean, paan
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status