All Chapters of My Gay Best Friend Impregnate Me (Impregnate Series 1): Chapter 11 - Chapter 20
29 Chapters
Chapter Nine (Part two)
Dalawang araw ng inihahanda ni Nizar ang kanyang proposal para kay Celeste. Deimos is helping him, pero ang naging tulong ng kaibigan ay ang parati nitong pang-aasar sa kanya. Kumuha na rin ang binata ng event organizer para sa proposal niya. Kaya lang ay mas gusto ni Nizar na maging on hand sa preparation.Halos gabi na nga siyang umuuwi na labis na ipinagtataka ni Celeste.“Ilagay mo ang red roses sa gilid. Oo. . . Like that.” Utos ni Nizar sa babaeng may hawak na pulang rosas.“Ganito po ba, sir?” tanong ng babae kay Nizar.“Yes. Tapos dapat nasa gitna ang malaking hugis heart. Kailangang spacious ah, ‘yong kakasya kaming dalawa sa loob. How about the customize words ng will you marry me? Handa na ba? Kailangang malinaw na mababasa ‘yon. Hindi dapat puro ilaw ang makikita. Maliwanag ba?” patuloy na saad ni Nizar.Ipinalibot niya ang buong tingin sa paligid. It's almost perfect, the ambience are very romantic. Isa na lang ang kulang, si Celeste na lang.Malakas na nag-ring ang cellp
Read more
Chapter Ten (Part one)
Dahil sa panlalamig ni Celeste kay Nizar ay mas naging pursigido pa ang binata.Isang gabi ay hindi makatulog si Celeste kaya bumaba siya sa kusina para uminom ng gatas.Nagulat ang dalaga nang makita si Nizar sa loob ng kusina nila.“Nizar, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Celeste.“I can't sleep. Dito na kasi ako pinatulog ni Ninang Luna eh,” sagot ng binata. Tumango lang ito sa binata at nilagpasan ito. “Celeste,” tawag ni Nizar sa dalaga. Hindi lumingon si Celeste at tuloy-tuloy lang sa ginagawa. “Bakit? May kailangan ka ba?” malamig na tanong ni Celeste rito.Malalim na napabuntonghininga si Nizar.“I want to explain myself to you. ‘Yong nakita mo sa amin ni Ivana, it's nothing.” Paliwanag ni Nizar sa kanya.Matapos makapag timpla ng gatas ay hinarap ni Celeste ang binata. Seryoso niya itong tiningnan.“You don't have to explain yourself to me, Nizar. Mga magulang lang tayo ng mga anak natin. Wala tayong relasyon na dalawa. So, wala akong pakialam kung may relasy
Read more
Chapter Ten (Part two)
Inilibot ng paningin ni Nizar ang buong paligid. Everything is perfect. Isa na lang ang kulang, at iyon ay si Celeste. Sa gitna ng malaking hugis puso ay doon luluhod si Nizar para mag-propose. Ito na ang pangalawang proposal ng binata para sa dalaga. Sana lang ay hindi na ito tanggihan pa ng dalaga.Nasasabik na siyang maging asawa si Celeste. Nasasabik na rin ang binata na maramdaman ang loob nito. Napasabunot ito sa kanyang buhok nang muling umukilkil sa utak niya ang masayang hitsura ng dalaga kasama si Yasir. Napapaisip tuloy si Nizar kung may gusto ba si Celeste sa binata. Dahil Kitang-kita ni Nizar sa mga mata ni Yasir na mahal na mahal nito si Celeste. Katulad kung gaano niya kamahal ang dalaga.Muling kumuyom ang kamao ng binata. Hindi ito makakapayag na maagaw sa kanya si Celeste. Matagal na niyang mahal ang dalaga, sadyang manhid lang si Celeste.Dahil wala ng magawa si Nizar ay bumalik ito sa kanyang opisina. Kailangan niyang magtrabaho para mawala sa isipan niya ang mukha
Read more
Chapter Eleven (Part one)
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Celeste habang nasa opisina ito sa bagong branch nila sa Pilipinas. Natuloy kasi ang pakikipag-deal nila sa kompanya nina Nizar. Kaya balak agad nilang magtayo ng new branch sa Pilipinas. Si Celeste ang mamamahala niyon. Kahit na nga ba pina-renovate ni Nizar ang dati nitong restaurant, ay mas pinili ng dalaga na mas pagtuunan ng pansin ang Deliciouso restaurant. Besides, si Twyla naman ang namamahala sa dati niyang negosyo. And speaking of Twyla ay hindi pa ang dalawa nakakapag-usap ng sila lang dalawa. (Twyla reads as Tuwayla)“Someone’s happy,” nakangiti na wika ni Yasir nang pumasok ito sa office ng dalaga. Mahinang natawa si Celeste sa tinuruan nito.“Am I?” tanong pa nito sa binata.“A thousand percent sure. Para na ngang mapupunit ang labi mo kakangiti at ang mga mata mo, they are sparkling lika a star in the night. And I think, I know the person that makes you like that,” may bahid na lungkot sa huli nitong tinuran. Nawala ang ngiti sa labi ni C
Read more
Chapter Eleven (Part two)
Niyaya ni Nizar si Celeste na kumain sa isang restaurant. Pero hindi inaasahan ni Celeste na muli siyang dadalhin ng binata sa dati niyang restaurant.“Why are we here?” nakangiti nitong tanong sa binata.“Because for many years, this restaurant will always be the best for me. Lalo na at ikaw ang nagluluto rito. Mabuti na lang at na-manage ng maayos ni Twyla ang negosyo mo at mas lalo pang lumago ito.” Sabi ni Nizar.“Ikaw talaga, gusto mo bang ipagluto kita ng mga paborito mo?” tanong ni Celeste sa binata.“Oh! I will love it!” masayang sabi ni Nizar. Hinila na ito sa kusina ni Celeste. Nagulat pa si Twyla ng makita ang dalaga.“Oh my goodness! It's really you, Celeste!” tili ng kaibigan ng dalaga. Sandali silang nagyakapan at nagkumustahan.“Twyla, pwede ko bang gamitin muna ang kusina? Magluluto sana ako eh,” paalam nito sa kaibigan.Hinampas ni Twyla sa braso si Celeste.“Ano ka ba! Bakit kailangan mong magpaalam sa akin. Eh, sa ‘yo ang restaurant na ito.” Sabi ni Twyla.“Hindi na
Read more
Chapter Twelve (Part one)
Matapos mag-lunch sina Nizar at Celeste ay inaya muna ng binata na magpahinga silang dalawa. May private room sa second floor ng restaurant ni Celeste. Sadya iyong pinagawa ni Nizar. Pumayag naman ang dalaga na magpahinga muna sila. Nakaramdam na rin kasi ng antok ang dalaga.Pagdating doon ay agad na humiga si Celeste sa kama. Itinapon niya lang ang suot na sandalyas sa kung saan.“Can I hug you while you're sleeping?” may pakiusap sa boses na tanong ni Nizar sa dalaga.Nagulat man sa tanong ng dating kaibigan ay tumango na lang si Celeste. Ang totoo niyon ay nami-miss din naman ng dalaga ang dating matalik na kaibigan. Noon ay magkayakap sila kung matulog, walang malisya para sa kanilang dalawa. Pero simula noong may mangyari sa kanila, ay naging ilag na ang dalaga sa kaibigan.Nakita ni Celeste kung paano lumapad ang ngiti ni Nizar. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.“Bakit ang lapad-lapad niyang ngiti mo? May balak ka bang gawin sa akin no?” biro niya rito. Malakas na tumawa si N
Read more
Chapter Twelve (Part Two)
“Mauna ka na sa may grocery, may bibilhin lang ako. Saglit lang ako. And I want to say thank you for your gift. I will treasure this, Celeste.” Nakangiti na wika ni Nizar sa dalaga. Matamis na nginitian naman ni Celeste si Nizar.“It’s nothing, Nizar. Ama ka ng mga anak ko at isa pa, dati tayong magkaibigan. Masama ba kung bigyan kita ng regalo?” pahayag ng dalaga.Umiling-iling agad si Nizar.“It’s not bad. Masaya nga ako dahil naisipan mo akong bigyan ng regalo. Sige na, magpunta ka na sa grocery para makapamili ka na ng mga paboritong pagkain ng mga anak natin. Susunod kaagad ako, okay?” wika ulit ng binata.“Sige, bilisan mo lang okay?” sabi ni Celeste bago tuluyang iniwan ang binata at nagpunta sa grocery ng mall.Nang masiguradong nakababa na ang dalaga ay agad na humarap si Nizar sa jewelry store. May nakita siyang kwintas na hugis bituin, at bagay na bagay iyon kay Celeste. Gold chain iyon at ang bituin naman ay isang ginto rin pero ang gitna nito ay isang diamond.“Miss, I wi
Read more
Chapter Thirteen
“Daddy! Mommy!” malakas na sigaw ni Cygnus nang makita ang kanyang mga magulang. Nagsisunod naman sina Pegasus at Perseus sa kapatid.Mabilis na nagpakarga si Cygnus kay Nizar. Pinugpog ni Cygnus ang mukha ng kanyang ama.“Daddy! I love you so much! Kayong dalawa ni Mommy at ang mga kapatid ko!” malambing na sabi ni Cygnus.“At mahal na mahal ko din kayo, katulad ng pagmamahal ko sa Mommy niyo.” Nakangiti na wika ni Nizar sa anak. Habang si Celeste ay bigla na lang lumakas ang pagkabog ng dibdib nang marinig iyon mula sa binata.“Dad! Pakarga rin!” sigaw ni Pegasus sa ama. Kinarga naman ni Nizar ang anak, kaya dalawang bata na ang karga-karga nito.“Nizar! Ibaba mo nga ‘yang mga anak mo! Mabibigat na ang mga ‘yan!” saway ni Celeste sa binata. Ngunit hindi nakinig si Nizar.“They are still a baby for me. Come here Perseus, sa likod ka ni Daddy!” utos ni Nizar sa anak na agad namang sinunod ng bata.“Nizar!” malakas na saway ni Celeste sa binata.“What? They are my kids. And I can still
Read more
Chapter Fourteen (Part one)
Hindi na nakapalag pa si Celeste nang sakupin ni Nizar ang kanyang labi. Nag-iinit ang katawan ng dalaga dahil sa halik ni Nizar. Katulad noon ay ganoon pa rin ang nararamdaman ni Celeste para sa binata. Kailanman ay hindi ito nakaramdam ng ganoon sa ibang lalaki. Kakaiba ang epekto ni Nizar sa kanya, lalo na sa kanyang katawan.Napakapit si Celeste sa batok ng binata. Wala ng pakialam ang dalaga kung hubad man ito habang magkalapat ang mga labi nila ni Nizar.Naglakbay ang mga kamay ni Nizar sa katawan ni Celeste. Napasinghap naman si Celeste sa kakaibang kiliting nararamdaman sa kanyang kaibuturan.Bago pa nila mapalalim ang kanilang ginagawa ay sunod-sunod na katok ang narinig nila sa labas ng silid ni Celeste.Napaigtad pa si Celeste sa gulat. Naitulak niya si Nizar at mabilis na pumasok sa walk-in closet. Malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib.“Damn it!” malakas na mura ni Nizar. Nabitin ito sa kanyang ginagawa kay Celeste. Malakas siyang napabuntonghininga. Humakbang si
Read more
Chapter Fourteen (Part two)
Panay ang sulyap ni Nizar kay Celeste. Parang hindi mapakali ang dalaga. Kanina nga ay nagulat ang binata nang mahigpit siya nitong yakapin. Para bang ayaw nitong mawala ang binata sa kanya?Pagkatapos kumain ay niyaya muna ito ni Nizar sa may pool area. Agad naman itong pumayag. Ang mga bata naman ay nakipaglaro sa kanilang Lolo at Lola. Hahakbang na sana sila papuntang pool area nang harangan sila ni Deimos. Kumunot ang noo ni Nizar habang nakatingin sa kanyang kaibigan. Si Celeste naman ay kinabahan kaagad. Nasa utak pa rin nito ang sinabi ng kanyang kapatid. Kaya mabilis na hinarang nito si Deimos. She's protecting Nizar to her brother. “A-anong kailangan mo K-kuya?” halata ang pagkautal sa boses ng dalaga.Nakita ni Celeste kung paano ngumisi ang kanyang kapatid. Nakita na rin niya kung paanong bugbugin si Nizar nang malamang ito ang ama ng kanyang mga anak.“Protecting someone? Afraid that I might hurt him?” he's teasing her little sister. Nakita ni Deimos kung paanong namula
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status