All Chapters of Akin Ka Na Lang, Please: Chapter 21 - Chapter 25
25 Chapters
Twenty One
Hindi siya makakapayag na makuha ng lalaki ang anak niya. Nakita niya sa mga mata nito ang determinasyong makuha si Jabez. But NO! She will not allow it to happen. Nanginginig ang kamay na iniabot ang kopita ng alak sa bar counter ng bahay at mabilis iyong nilagok ng straight. Bahagya pa siyang naubo dahil sa tapang niyon. Hindi siya sanay uminom kaya pakiramdam niya kinabukasan ay siguradong magkakahung-over siya. Kanina pa nakaalis ang mga Mercado kabilang ang kapatid at kaibigan. Lumalalim na rin ang gabi ngunit hindi siya dalawin ng antok. Mag-isa na lang siyang gising at naglulunoy sa alak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa pagkikita ni Jacob at Jabez pero hindi niya hahayaang magtagumpay ang lalaki sa banta nito sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya nang magising kinabukasan. Awtomatiko naman niyang kinapa ang anak na katabi kagabi, pero napakunot ang noo nang walang makapa. Agad siyang napabalikwas ng bangon ngunit agad ring bumalik sa pagkak
Read more
Twenty Two
Isang malamig na bagay ang dumampi sa labi niya at nagpagising sa kanya. Pupungas-pungas niyang ibinuka ang mga mata. Nabungaran niya ang bagong paligo na si Jacob sa harap niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon dahilan para matanggal ang kumot na tumatakip sa kahubdan niya. Napasipol naman ang binata sa kagandahang nakahain sa harapan niya. She blushed because of it. Saka nagmamadaling takpan muli ang sarili." I hate to wake you up, sweetheart. But our son's been looking for you since this morning." May pilyong ngiti sa labi nito habang sinasabi iyon sa dalaga. Napakunot-noo si Yumi." Anong oras na ba?" " One pm and you need to get up now." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula rito." Bakit hindi mo ako ginising? Maagang naghahanap si Jabez sa akin tuwing umaga." She said worriedly. He chuckled." I figured, but don't worry sweetheart everything is under control." Kinindatan pa nito si Yumi. Nagtaka ang dalaga sa ikinikilos ng lalaki ngayon. Ano bang n
Read more
Twenty Three
" Hey! Umamin ka na kasi na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang kuya Jacob ko." Jillian teased her. Nasa bahay siya ng mag-asawa kasama ang anak na si Jabez. Alam na rin ng mga ito ang katotohanan tungkol sa anak niya. Muntik pa ngang suntukin ni Nathan ang binata pero napigilan niya lang. She explained to her big brother that it was all in the past now and admitted that it was her fault because she seduced Jacob. Hindi pa nga sana maniniwala ang kapatid kung hindi lang siya nakiusap rito alang-alang man lang kay Jabez.Hindi naman nagkalabuang muli ang pagkakaibigan ng dalawa dahil natanggap naman ng kuya niya ang lahat pagkatapos niyang ipaliwanang rito ang lahat.Napangiwi siya sa sinabi ni Jillian sa kanya." Umaasa ka pa rin ba na mahal ko pa ang kapatid mo?" Pilit itinatago ang panginginig ng boses. " Matagal na iyon, Jill. I've moved on. Mas mahalaga sa akin ngayon ay ang anak ko kaysa alalahanin ang nakaraan. Mas mabuting ibaon na lang iyon sa limot.
Read more
Twenty Four
"Natutuwa ako na okay ka na ngayon, daddy," simula niya sa kanyang ama. "Oo, pinahaba pa ng Panginoon ang aking buhay para makita ko pa ang mga apo ko nang matagal," nakangiting sagot nito. Nasa living room sila ng kanilang ancestral house sa kasalukuyan. Magkatabi ang mga magulang na nakaharap kay Yumi. "Tama ang sinabi ng daddy mo, hija. Masaya kami dahil kasama namin kayo ni Jabez," pagsang-ayon ng kanyang mommy. Matagal na rin silang hindi nagkasama-sama. Kung hindi lang nagkasakit ang ama, hindi pa sila babalik ng Maynila. Nahihirapan siyang sabihin sa dalawa na kailangan na nilang bumalik sa Tagum kasama si Jabez. Tumawag kanina si Cris, ang pansamantalang nag-aalaga ng farm niya dahil inatake sa puso si Aling Pacing. Tumikhim muna siya para alisin ang bara sa lalamunan." Mom, dad " Umpisa niya sa mga ito." Is something wrong, hija?" Tanong ng mommy niya." G-Gusto ko po sanang magpaalam sa inyo." Nakita niya ang pagkunot-noo ng mga magulang." Tumawag po kanina si Cris, iy
Read more
Twenty Five
"We're going with you to the shop." Pinal na wika ni Jacob sa kanya. " Hindi nga pwede di ba. Makulit si Jabez at ayokong naglalaro siya ng mga bulaklak doon. Mas mabuting dito lang kayo." Katwiran naman ng dalaga rito. " Bakit ba ayaw mo kaming makasama? May gagawin ba kayo ni James doon?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yumi sa narinig. " What? Wala kaming gagawin ni James sa shop. Ano ba 'yang iniisip mo. Trabaho ang pupuntahan ko doon." Napakadumi naman ng isip nito. Naisip ng dalaga. " Basta sasama kami sa ayaw at sa gusto mo." Parang sasakit ang ulong napahawak doon ang dalaga. Napakatigas din ng ulo nito. Humigit pa sa kaartehan ng anak nila. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Yumi ang di pamulahan ng mukha dahil buong akala ng mga taga-roon ay asawa niya si Jacob, Ngiting-ngiti naman ito sa tuwing binabati ng mga taong nakakasalubong nila. Enjoy na enjoy din si Jabez na ipakilala ang ama sa mga kapit-bahay nila. "
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status