All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 71 - Chapter 80
2148 Chapters
Kabanata 71
Umalis si Maisie sa ward at hindi na lumingon pa.Patakbong lumabas si Willow sa ward at hinabol si Maisie. Naabutan siya nito sa entrance ng elevator. “Maisie Vanderbilt, tumigil ka!”Tiningnan siya nang masama ni Maisie. “Bakit ko gagawin iyon? Dahil lang hindi mo ako kayang takutin, sinadya mong isama ang tatay natin sa Blackgold Group para pabalikin ako sa Vaenna?”‘Nahimatay si Dad dahil sa sobrang galit. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil kay Willow?’Pait ang nararamdaman ni Willow. “Si Dad ang nagsabi na dapat siyang sumama para kausapin ka, at ikaw naman ang gumalit sa kaniya kaya siya nahimatay!”“Maisie, sa mga mata ni Dad, magka-relasyon kami ni Nolan. Kaya mabuti ng bumalik ka na sa katinuan at umalis ka na sa Blackgold. Kung hindi, sisiguraduhin kong ang dalawa mong bastardo—Ugh!”Sinakal ni Maisie si Willow at tinulak ito sa pader. Napakatalim ng mga mata niya. “Subukan mo lang!”“Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang gawin iyon? Subukan mo akong patayin sa
Read more
Kabanata 72
Suminghal si Nolan. “Pwede mong isipin na banta iyon kung iyon ang tingin mo. Sa tingin mo ba, makakatakas ka pa rin sa akin?”Hindi nakapagsalita si Maisie.Kinabukasan…Katulad nang nakagawian ay maagang pumasok si Maisie sa kumpanya at bigla niyang nakita sina Nolan at Quincy na papunta sa direksyon niya,Mayroon pa rin marka sa nakagat na labi ni Nolan, medyo tuyo na ang sugat nito. Maitatago ang marahas na reaksyon niya kahapon.Gusto niyang iwasan ang dalawa, pero huli na.Umiwas ng tingin si Maisie dahil ayaw niyang isipin ang nangyari kahapon. Walang emosyon siyang ngumiti. “Good morning, Mr. Goldmann.”Sandali siyang tinitigan ni Nolan at binuka ang manipis na mga labi at puting mga ipin. “Akala ko ay iiwasan mo ako.”“Sa iisang lugar lang tayo nagtatrabaho, kaya hindi maiiwasang magkita tayo. At saka, wala akong ginawang imoral at kahiya-hiyang bagay, kaya bakit naman kita iiwasan?” Ngumiti si Maisie.Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan. “Peke kahit ang ngiti n
Read more
Kabanata 73
Pagkatapos ng ilang minutong pagdurusa, nakalabas na rin lahat ngs staff members. Walang emosyong tinaas ni Maisie ang kamay na hawak-hawak ni Nolan at saka sarkastikong nagtanong, “Mr. Goldmann? Sabik ka ba sa mga exciting na agenda?”Sandali siyang tiningnan ni Nolan, medyo matalim ang tingin niya. “Kung ganoon, gusto mo bang makaranas ng mas exciting pa?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie.‘Hindi niya iyon…’Biglang umikot si Nolan, inunat ang kamay, at nilapat ito sa pader, niyakap niya si Maisie.“Mr. Goldmann, huwag mo akong subukan!” Nagngalit ang mga ipin ni Maisie, tinaas niya ang kaniyang hita, tinupi ang kaniyang tuhod, at tinapat ito sa ibabang parte ni Nolan, pero hinawakan kaagad ni Nolan ang hita niya at dinikit ito sa kaniyang katawan. Kahiya-hiya ang posisyon nilang dalawa ngayon!“Nolan Goldmann, bitawan mo ako!” Mayroong bakas ng galit sa mga mata ni Maisie.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan, pagkatapos huminto ng elevator, bigla siyang
Read more
Kabanata 74
Senior designer of Hailey & Co. Jewelry, Freddy Fuller.Alam rin nito na si Willow ang girlfriend ni Nolan, kaya naman natuwa siya rito.‘Oo, alam ng lahat sa Bassburg na mayroong girlfriend si Nolan. Malaking kumpanya ang Hailey & Co, at siguradong tataas ulit ang tingin sa akin ni Dad kung makaka-collaborate sila ng Vaenna.’Pagkatapos mag-usap ng mga sampung minuto, inabutan siya ni Fred ng ilang design sketches. “Heto ang mga alahas na dinisenyo ko, ito rin ang theme ng ginagawa kong “The Light of Life”. Ito ang unang beses kong pagdi-disenyo ng mga alahas na mayroong retro Gothic language.”Makikita sa ekspresyon ni Willow ang pagka-surpresa habang tinitingnan ang mga design drawings.‘Kung mayroong ganitong mga designs ang Vaenna, hindi sana ito magdurusa nang ganito ngayon! Heh, mayroon bang ganitong kakayahan si Maisie? Kaya pa rin siyang lampasuhin ni Freddy!’Nagpunta si Willow sa kaniyang ama pagkatapos nilang pumirma ng kontrata ni Freddy. Gusto niyang ipakita a
Read more
Kabanata 75
‘Ito pala ang dahilan.’Hindi mapigilang maningkit ng mga mata ni Nolan,‘Hindi lang tinatanggi ni Maisie na siya ang babae nang gabing iyon, pero iniiwasan niya rin ako. Lahat ng ito ay dahil kay Willow?‘Hindi na nakapagtataka kung bakit matindi ang galit niya kay Willow noong una pa lang. Na-frame siya ni Willow noon. Kung hindi nagkamali ang hotel manager sa room card nang gabing iyon, sa tingin ko’y si Sergio Baldwin ang lalaking makakasama ni Maisie.’Bahagyang tumalim ang mga mata ni Nolan nang maisip ito.“Oo nga pala, Sir, inimbestigahan ko rin ang insidente kung saan nilagyan ng droga ang inumin ni Ms. Vanderbilt nang gabing iyon. Si Ms. Willow ang nagdala sa kaniya roon, at ang taong kinausap nila ay si Sergio Baldwin.”Alam ni Quincy na akala ni Nolan ay walang kwenta ang role ni Sergio, pero inimbestigahan na rin ni Quincy ang buhay ni Sergio bilang pag-iingat.Hindi sana malalaman ang lahat ng ito kung hindi inimbestigahan ni Quincy si Sergio, ngunit nagulat
Read more
Kabanata 76
Namula si Maisie. Naisahan siya!Tinabig niya ang kamay nito at sinabing, “Hindi iyon masaya.”Tumalikod siya para umalis, pero hinila siya ni Nolan at sinandal siya sa pader.Ang mga kamay niyang sinusubukan na itulak ang lalaki ay naipit. Tiningnan niya si Nolan, naalarma siya. “Nolan Goldmann, kapag hinawakan mo ako—-”“Hindi ba’t gusto mo ng lessons?” Lumapit si Nolan sa kaniya, at ang kamay niyang nasa likod ng baywang ni Maisie ay gumalaw at hinawakan ang likuran nito saka niya binitawan.Nang dumampi ang malamig na palad sa balat niya, kinilabutan si Maisie at nag-igting ang kaniyang panga. “Nolan!”Yumuko si Nolan para halikan siya, hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita.Huwag! Nagpumiglas si Maisie. Wala na sa tamang ayos ang damit niya, pero ang mas malala ay hindi ito tinatanggihan ng katawan niya.Tila naramdaman niya na kakagatin siya ni Maisie, nilayo ni Nolan ang mga labi niya na muntik ng maging dahilan para makagat ni Maisie ang sarili niya
Read more
Kabanata 77
Sabi ni Daisie, “Paano niyo ito nagawang itago sa amin!? Hmph!”Hindi nakapagsalita si Waylon.Tinaas ni Ryleigh ang kamay para hinaan ang mga boses nila. “Hindi ko iyon tinatago. Kung sinabi ko sa inyo, papatayin ako ng nanay niya!”Naintindihan iyon ni Colton. ‘Siguradong magagalit si Mommy kay ninang.’“Huwag kayong mag-alala. Mabait kayo sa amin. Hindi namin hahayaang mayroong gawin sa inyo si Mommy,” Sabi ni Daisie.“Ayaw ba ni Mommy na malaman namin ang tungkol dito?” Kalmadong tanong ni Waylon.Tumango si Ryleigh at sinabing, “Walang magagawa ang nanay niyo. Alam niyo ang tungkol kina Mr. Goldmann at Willow. Ang totoo, tinutulak palayo ng nanay niyo si Mr. Goldmann dahil kay Willow.”Tumango ang tatlo. Iyon din ang iniisip nila.‘Hindi matanggap ni Mommy si Daddy dahil sa babaeng iyon.’Iyon ang dahilan kung bakit nila kailangang kidnapin ang tatay nila, kung hindi ay itutulak lang ito palayo ng nanay nila.Nag-vibrate ang smartwatch ni Colton. Hinila niya ang
Read more
Kabanata 78
“Click!”Nataranta si Willow sa tunog ng camera shutters mula sa kabilang pinto. Lumingon siya at nakitang bahagyang nakabukas ang pinto.Hindi, nakuhanan siya ng litrato!Nag-igting ang panga ni Willow, sinuot niya ang kaniyang damit, at lumabas para tumingin. Sino ang kumuha ng litrato!?Kung kailan nalagyan niya ng gamot ang inumin ni Nolan at malapit na niya itong maangkin, mayroon naman umistorbo sa kanila!Nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa hagdanan. Maabutan na niya ito.Pumasok siya sa emergency exit pero wala siyang nakita. Bigla naman mayroon tumama sa batok niya, at bumagsak siya sa sahig.Binaba ni Colton ang stick, pumalakpak at sinabing, “Hindi karapat-dapat ang babaeng ito kay Daddy.”Isang masamang ideya ang sumagi sa kaniyang isipan nang maalala niya kung paano nagawang i-frame ng babaeng ito ang nanay niya. Tumakbo siya palapit sa isang server at sinabing, “Mister, nahimatay ang tita ko dahil mababa ang blood sugar niya. Pwede niyo ba siyang tulung
Read more
Kabanata 79
Nang maalis nila ang huling piraso, napanganga sina Waylon at Colton.“Bakit ang liit ng atin?”“Baka kapag tumanda na rin tayo.”Sa ingay. Unti-unting dumilat si Nolan. Init at lamig ang nararamdaman niya. Nang unti-unti niyang madilat ang mga mata niya napagtanto niyang nakaupo siya sa isang bathtub na mayroong palutang-lutang na mga rubber ducks.Naningkit ang mga mata niya at nakita ang dalawang batang nasa gilid ng tub.“Waylon?” Nasurpresa si Nolan.Napalingon sa kaniya ang dalawang bata.Sa sandaling nakita sila ni Nolan, hindi niya mapigilan ang kaniyang gulat.Magkamukhang-magkamukha ang dalawa, at wala siyang makitang pagkakaiba. Napansin niyang nag-iiba ang personalidad ni ‘Waylon’, at alam niya na ang dahilan ngayon.‘Triplets sila!‘Hah, ang galing talaga magtago ng babaeng iyon.’“Gising na kayo?” Masayang tanong ni Colton.Si Daisie na nasa labas ay binuksan ang pinto at sumilip. “Gising na siya!”Tinulak palabas ni Waylon ang ulo niya. “Huwag k
Read more
Kabanata 80
Hindi siya sisisihin ni Nolan, pero hindi niya rin ito palalampasin.Late na nang umalis si Maisie sa Blackgold. Nang ilabas niya ang kaniyang phone, nakita niya ang message ni Daisie na isang oras na ang nakalipas.Nagulat siya sa sandaling nabuksan niya ang text.“Mommy, kinidnap namin si Daddy at dinala siya sa bahay. See you soon~’Nagmamadaling umuwi si Maisie at dumiretso sa kwarto ng mga bata nang makita niyang walang tao sa living room. Naka-lock ang pinto.“Kayong tatlo, pauwiin niyo siya!” Kumatok si Maisie. Hinaharangan ng tatlo ang pinto, ayaw itong buksan.Ayaw talagang tanggapin ng nanay nila ang kanilang tatay. Umaasa silang makukumbinsi siya ng tatay nila ngayong araw.“Hindi kayo lalabas, ano? Sige, gagamitin ko ang spare key ko.” Tumawa si Maisie.Sige, tinago ng tatlong bata ang lalaki sa loob!Galit niyang dinala ang spare key niya sa kwarto, ngunit natigilan siya nang makita ang lalaking nakaupo sa kama.Sinubukang umalis ni Maisie, pero isang k
Read more
PREV
1
...
678910
...
215
DMCA.com Protection Status