All Chapters of WHEN I FOUND YOU MY LOVE: Chapter 21 - Chapter 30
78 Chapters
CHAPTER TWENTY ONE
SA TULONG ng mag-asawang Meldy at Toto, mabilis na nagkaroon ng sariling bahay at lupa si Andrea sa lugar na iyon. At halos wala pang tatlong buwan buhat nang dumating sila roon, mayroon na rin siyang maliit na grocery store na kadikit lamang ng pinagawa niyang maliit pero presentableng bahay na angkop lamang para sa kanila ng magiging anak niya.Nakabili siya ng lote na may sukat na fourty square meters sa isang barangay doon, sa Barangay Mamangal. Tila paraiso ang lugar na iyon. Kaygandang pagmasdan ng dalampasigan na maituturing din na tourist spot lalo na kapag papalubog na ang araw. Tila ba nakakawala ng stress habang nakatunghay ka sa isang bahagi na iyon ng kalikasan.Bagama’t sinasabi na ang probinsiya ng Catanduanes ay ‘tahanan ng bagyo,’ dahil lagi itong dinadalaw ng masamang panahon, sa kabila naman noon ay nanatili itong nakatindig at napreserba ang kagandahan ng isla na ika-labingdalawa sa pinakamalalaking isla sa Pilipinas.Ani Andrea sa sarili, hindi niya pagsisisihan n
Read more
CHAPTER TWENTY TWO
“WELCOME BACK!” halos sabay-sabay na bigkas ng mga kaibigan ni Vincent nang masaya siyang salubungin ng mga ito matapos siyang lumabas sa arrival area sa airport ng araw na iyon. Agad niyakap ng mga ito si Vincent nang buong kasabikan na animo’y napakatagal na panahon nilang hindi nakita.Sobrang saya rin ang nararamdaman ng binata nang mga sandaling iyon dahil makalipas ang mahigit isang taon, nakita niyang muli ang mga kaibigang itinuturing niyang bahagi ng kan’yang buhay. Iba pa rin talaga ang pagkikita-kita at usapan sa personal kesa sa madalas nilang pagbi-video call sa social media.Parang mga batang dinaluhong nina Roy, Fael at Gino si Vincent.“At last! Nandito na uli ang bachelor ng tropa!” sabi pa ni Gino. Ngumuso pa ito at hinalikan si Vincent sa pisngi.“Bachelor ka diyan, eh baka kamo natalian na ‘yan sa Japan no’ng Haponesa niya!” Sabi naman ni Roy na kinuha ang isang maleta sa kamay ni Vincent.“Ipapuputol ko ang isang daliri ko kung nagpatali na ‘yan, pare!” birong ham
Read more
CHAPTER TWENTY THREE
ISA sa driver ng Team Vincent ang sumundo sa binata buhat sa restobar ni Fael. Habang daan kinumusta niya ang mga tauhan at ang takbo ng kompanya habang siya ay nasa ibang bansa.Bagama’t halos araw-araw naman niyang mino-monitor ang maliit niyang negosyo maging ang kan’yang mga tao sa pamamagitan ng pakikipag-usap niya sa mga ito thru video call, at malaki naman ang tiwala niya sa kan’yang mga tauhan na hindi pababayaan ng mga ito ang trabaho kahit hindi nila siya personal na kasama, mas kampante pa rin siya kung mapapakinggan ng personal ang updates sa Team Vincent. At sa dami ng mga napakinggan niya ngayon, nasiyahan siya sa mga narinig. Napatunayan niya, nasa Pilipinas man siya o wala, hindi babagsak ang Team Vincent. Maaasahan at mapagkakatiwalaan niya talaga ang kan’yang mga tauhan.Gabi na nang makarating ng bahay sina Vincent dahil sa mga dinaanang traffic pero gising pa si RJ na mat’yagang naghintay sa kan’yang papa.Halata ang kasabikan sa ‘ama’ sa naging reaks’yon ni RJ nan
Read more
CHAPTER TWENTY FOUR
“DALAWA na ang anak natin, Dan! At tatlo na sana kung hindi ako nakunan noong una. Hindi pa ba sapat ‘yun para matigil ka na sa kaseselos mo kay Vincent? For God’s sake!” Hindi na napigil ni Trina ang sarili na pagtaasan ng boses ang asawa nang mga sandaling ‘yun.Umagang-umaga kinabukasan ay nagtalo sila dahil lang sa nahuli siya nito na pinapanood sa f&b ang katuwaan nina Vincent nang nagdaang gabi.“You want me to stop being jealous of that man? So get him out of your life forever! Remove all your connections with him!” galit na galit si Dan. Inagaw pa nito ang cellphone ni Trina at ibinato ito.Nahintakutan si Trina sa inasal ng asawa. Hindi agad ito nakahuma at maya-maya’y umiyak na lamang. “You’re acting like a kid, Dan. Na para bang inaagawan ng laruan…!”“Hindi ba? Hindi ba parang ganoon na nga, Trina? But then, masisisi mo ba ako? Noon pa man, kaagaw ko na sa puso mo ang Vincent na ‘yun!” niyuko nito ang asawa na nakaupo sa kama na humahagulgol ng iyak. Itinaas niya ang baba
Read more
CHAPTER TWENTY FIVE
NAGING maramot na kay Vincent ang antok nang gabing iyon matapos siyang bumalik sa kan’yang higaan.Samo’t saring mga alalahanin na ang nagsalimbayan sa utak niya na hindi na nagbigay uli ng pagkakataong makabalik siya sa pagtulog.BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi siya maka-move on sa una niyang pag-ibig sa katauhan ni Trina?Tanong iyon ni Vincent. Ilang beses niya ba ‘yong itinanong sa sarili? At muli, siya rin ang nagbigay ng sagot sa tanong na iyon. Binigyang katuwiran niya ang kan’yang mga dahilan.Siguro dahil, nang maulila siyang lubos, si Trina lang ang nakita niyang magpapasaya na muli sa puso niya. Na itinuring niya ngang sandigan sa mga panahong naghahanap siya ng pamilya na papawi sa mga kalungkutan niya.Hindi biro ang mga pinagdaanan niya. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng ina habang siya ay lumalaki dahil maliit pa lamang siya nang mamatay ito sa panganganak sa kapatid niya na sinamang palad din at hindi nakaligtas.Binatilyo naman siya nang masawi ang tatay ni
Read more
CHAPTER TWENTY SIX
KINABUKASAN NG UMAGA…Bumangon na rin ng maaga si Vincent kahit hindi sapat ang naging tulog niya nang nagdaang gabi. Siguro’y talagang naninibago lang siya makaraan ang isang taon na inilagi niya sa Japan.Doon kasi, tila nasanay na siya na may katabi siya lagi sa pagtulog. At sa paggising niya, nasa tabi pa rin niya ang presensiya ng kinakasama roon na si Yuri.Lumabas na siya ng kuwarto matapos maghilamos at mag-toothbrush sa sarili niyang banyo. Magkakape na siya para maalerto na nang tuluyan ang kamalayan niya pagkatapos ay pupunta na siya ng opisina at uumpisahan uling tutukan ng personal ang kan'yang negosyo.Gising na rin pala si RJ at hindi nito namalayan ang paglapit ni Vincent sa likuran niya nang mga sandaling iyon.Seryoso ito sa pakikipag-usap sa kan’yang telepono sa mahinang boses. Parang sadyang hinihinaan lamang talaga ang boses niya para hindi siya marinig ng kung sinuman o hindi siya marinig ng Papa Vincent niya.Pero nang malingunan na nito ang ama, para bang bigl
Read more
CHAPTER TWENTY SEVEN
UMALIS si RJ na masamang-masama ang loob. Kay Vincent, kay Liz, sa nalaman nitong katotohanan. Kayhirap tanggapin ng natuklasan niya.Sa loob ng labingsiyam na taon, ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na may mali sa pagkatao niya. Sa isip, sa puso, itinimo niya na dugo’t laman siya ni Vincent. Na ito ang pinagmulan niya. Na ito ang tatay niya.At si Liz? Bakit iyon nagawa sa kan’ya ng sarili niyang ina? Ang ipagkaila siya nito, ang ituring lang siyang ‘anak-anakan’ gayong ito pala ang tunay niyang pinagmulan?Napakasakit…Lalo at dinanas niya sa piling ni Liz at ng asawa nito ang hirap ng katawan. Para siyang naging trabahador lang ng mga ito. Ngayon niya higit na naramdaman ang kawalan niya ng lugar sa poder ng mga ito. Ikinahiya siya ng sarili niyang ina! Mas inisip at mas pinaboran nito ang asawa kesa sa kan’ya na sarili nitong anak.PILIT namang sinansala ni Vincent ang pakiramdam na nagsisisi siya sa pagsasabi kay RJ ng totoo. Tama lang ‘yun, aniya sa sarili. Para magising din
Read more
CHAPTER TWENTY EIGHT
“S-SORRY…” Isang salita lang iyon na binigkas ni Vincent sa anak-anakan pero nagmula iyon sa kaibuturan ng kan’yang puso.Buong pagmamahal na niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinararamdam dito na kahit isinambulat niya na rito ang katotohanan, walang magbabago. Mananatili siyang ama para rito. Mananatili siyang nagmamalasakit at nagmamahal dito. Pinagmasdan niya si RJ matapos itong ihiwalay sa kan’yang bisig. Isang araw pa lang ang lumipas matapos ang naging argumento nila, pero heto ito ngayon. Hapis ang anyo. Nangangalumata. Indikasyon na hindi ito napalagay at nakatulog nang nagdaang gabi.“U-umuwi na tayo?” aniya rito. Naniniyak ang damdamin ni Vincent kung mapapahinuhod niya ba uli itong sumama sa kan’ya. Kung pipiliin ba siya nito sa pagkakataong iyon kumpara kay Liz na tunay nitong ina.Hindi sumagot si RJ. Iniwas nito ang mga mata sa kan’ya.Maagang-maaga pa kanina nang sadyain niya na agad ito kina Roy. At okay lang kahit hindi na siya mag-report sa opisina, ilalaan niya an
Read more
CHAPTER TWENTY NINE
“VINCE! Naku naman, anak! Bakit ba kaylikot-likot mo?!” ani Andrea na nahawakan ang damit ng anak na magda-dalawang taong gulang na sa kasalukuyan.Agad niya itong nahila bago pa nakatakbo patungo sa dalampasigan. Kinarga niya ang bata at inilapag sa mesa ng kamalig na malapit sa dagat. Iyon ang nagsisilbing pahingahan nila nina Meldy pag ganoong dapithapon na. Doon sila tumatambay lalo pag ganoong weekend na walang pasok kinabukasan ang kan’yang kaibigan.“Ang tigas naman talaga ng ulo ng baby ko na ‘yan, ah? Gusto mo ng palo, ha? ‘Di ba sabi ko, behave ka na lang at huwag nang pupunta ng dagat? Bukas tayo maliligo, anak. Okay?"Humagikgik si Vince. Sa halip na sumagot, pinupog nito ng halik ang pisngi ng ina na para bang iyon ang paraan nito nang paghingi ng ‘sorry.’“Hays! Paano ba ako magagalit pa sa baby na ‘yan pag gan’yang hinalikan na si Mama?” si Andrea naman ang pumupog ng halik sa anak na ikinahagikgik uli ng bata.Tumunog ang cellphone niya pagkuwan. Ang katiwala niya sa g
Read more
CHAPTER THIRTY
“TEAM VINCENT ba kamo, ‘To?” Ulit ni Meldy sa binigkas ng asawa. “Sigurado ka? Ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon sa abaka?”Napamaang din si Andrea sa pagkakatitig kay Toto. “A-ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon?” paniniyak rin ni Andrea na inulit lang ang sinabi ni Meldy. Hindi makapaniwala ang tono at anyo nito.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Toto sa magkaibigan. “Narinig naman ninyo, ‘di ba? Ang Team Vincent ang bagong susuplayan ko ngayon ng abaka. Na ang may-ari ay si Mr. Vincent Valderama. Bakit? Anong problema ninyong dalawa? Pamilyar ba kayo sa kompanyang iyon? Kilala ninyo ang may-ari? Paano naman nangyari?” Sunod-sunod tuloy nitong tanong nang buong pagtataka.Nagkatinginan uli ang magkaibigan. “A-ah eh, kasi noong nasa Laguna pa tayo nakapag-order kami ni Andeng doon. Nakita kasi namin sa face&book ang mga produkto nila.” Sabi ni Meldy na siya namang tunay.Napatango na lang si Toto. Pero may bahagyang pagka-diskumpiyado ang rumehistro sa mukha. Hindi siya kumbin
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status