All Chapters of Dirty Game (Book 1-3): Chapter 81 - Chapter 90
137 Chapters
Chapter 27
REESE' POVNakasakay ako sa kotse ni Austin. Mukha siyang hindi mapakali at dire-diretso lang ang pagmamaneho niya. Dahil sa naweweirduhan na ako sa inaasal niya ay hindi ko maiwasang magtanong."Austin? Ayos ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali?" Tanong ko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti saka binaling na ulit ang tingin niya sa daan."Ayos lang. Don't mind me." Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.Naalala ko kanina na gusto akong makausap nina Lian at Jedus pero dahil sa hinahanap raw pala ako ni Kuya Red ay hindi ko na sila nakausap. Sa susunod ay babawi na lang ako sa kanila. Paminsan-minsan ko na lang rin kasi sila nakakausap at nakakasama."Ano kaya ang sasabihin sa atin ni Kuya Red?" Ani ko at napatingin sa labas ng bintana ng kotse.Pag-uusapan na ba ang annulment na ifa-file ko laban kay Sky? Napag-isipan ko na rin kasi na kailangan ko siyang makausap ng personal para marinig ang side niya. Kahit na
Read more
Chapter 28
IVO'S POVDahil sa kanina pa ako nagugutom at hindi pa umuuwi ang magaling kong mudrakels na mas inuna pa ang paglalakwatsa kaysa pakainin ang anak niya ay lumabas muna ako at nagpunta sa pinakamalapit na convenience store. Sinigurado ko munang maganda ako at presentable bago humarap sa mga madla sa labas. Baka kasi ay may mabighani sa aking isang gwapong fafable at alukin akong magpakasal. Aayaw pa ba ako kung chance ko na iyon?Hindi ako yung tipo ng baklang kailangan pang magsuot ng damit pambabae at magpahaba ng buhok para lang gumanda. Kahit bakla pa ako ay nagsusuot pa rin ako ng mga panlalakeng damit dahil mas doon ako komportable. Ang puso ko lang naman ang naging babae at hindi ang physical appearance ko.Nang makarating ako sa convenience store ay pumasok na ako sa loob at leche santisima nga naman! Ang haba pa ng pila sa counter. Kahit nagwawala na ang aking belly ay pumila pa rin ako sa pinakadulo para lang makabili ng pagkain. Napansin ko nama
Read more
Chapter 29
NICCOLO'S POVNalulungkot ako sa tuwing nakikita kong nalulungkot si Ailah. Sobra siguro siyang naaapektuhan sa nangyayari ngayon sa relasyon nila Sky at Reese. Kaibigan namin silang pareho at pati ako ay manghihinayang kung maghiwalay man silang dalawa. Nakita ko ang mga sakripisyo at paghihirap nila bago sila umabot sa puntong naging sila na at nagpakasal. Mahal nila ang isa't-isa at maging ako ay hindi rin makakapayag na masisira lang iyon ng mga taong makasarili at pansariling interes lamang nila ang iniisip. Nung minsan na nagpunta kami sa bahay nila Sky at Reese para surpresahin silang dalawa ay napansin ko na ang pagkabalisa at pagkatuliro ni Reese sa harapan namin. Marahil ay dahil iyon sa problema nila ni Sky na kung saan ay involve do'n si Austin.Hindi ko ipinaalam kay Ailah ang plano kong puntahan si Austin sa kompanya nilang pinagtatrabauhan niya at komprontahin siya. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan at para na rin itigil na niya ang mga plano ni
Read more
Chapter 30
REESE' POVI look at the Sky in the balcony of my room and gently close my eyes. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang sinasabi ba ng utak ko o ang isinisigaw ng puso ko? Lahat ng mga taong nasa paligid ko ay sinasabi na tama ang sinasabi ni Austin patungkol kay Sky pero bakit sa kaloob-looban ko ay lamang na mas dapat kong pakinggan at paniwalaan si Sky? Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko silang paniwalaan na nagawa akong lokohin ni Sky ay malaking parte pa rin sa pagkatao ko ang mga ipinangako niya sa akin bago kami ikasal na ako lang ang mamahalin niya at hindi niya ako magagawang lolokohin. Para bang hindi pa sapat sa akin ang makitang may hinahalikan siyang ibang babae dahil mas nangingibabaw pa rin ang paniniwala ko sa mga pangako niya. Bakit ba kasi mahal na mahal ko si Sky at bakit para bang.. gusto ko na siyang makasama at patawarin sa nagawa niya? Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ang makakausap ko pero basta na lang ako
Read more
Chapter 31
REESE' POVI can't control my emotions right now. Naiinis ako na nagagalit sa sarili ko. Sana nung umpisa pa lang ay si Sky na ang pinaniwalaan ko. Sana ay hinayaan ko muna siyang magpaliwanag sa nagawa niya. Sana ay hindi na ako nakipaglapit pa kay Austin dahil sa mga ginagawa niya sa akin noon. Niloko niya ako at pinaikot sa mga kasinungalingan niya. He even used his cousin to get me. How cruel he is? Hindi ba niya matanggap na si Sky lang talaga ang mahal ko? Bakit ba pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin? Maraming babaeng nagkakandarapa para sa kanya pero bakit sa akin pa siya nagkagusto? Sa akin na may mahal nang iba at iyon ay si Sky?Walang pag-aalinlangan na sinugod ko si Austin mula sa mansyon nila. Mabuti na lang at pinapasok kaagad ako ng security guard nila at mukhang nakilala na niya ako dahil nakapunta na rin ako sa mansyon nila. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko naman ang isang kasambahay nilang papalapit sa akin."Ma'am Rees
Read more
Chapter 32
REEVO'S POVReevo, Please come here in my unit. I need to talk to you.-Tina.Napahigpit ang hawak ko sa basong iniinuman ko ng wine nang makatanggap ako ng text mula kay Tina. May ideya na ako kung anong gusto niyang sabihin sa akin. Hindi. Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari."Jed, ikaw na muna ang bahala sa ibang mga pasyente. Pupuntahan ko lang si Tina sa condo unit niya." Paalam ko kay Jed. Kapwa ko doktor.Tumango naman siya at nginisian ako. "In loverboy ka na nga talaga dude. Pero pare, 'wag kang masyadong magpaalipin kay Tina ha? Napapansin kasi namin na medyo kulang na 'yong oras niya para sayo. Lahat na lang ng gusto niya ay sinusunod mo kahit parang hindi na tama. Ilang araw na rin siyang absent. Parang iniiwasan ka niya." Seryosong sabi nito.Totoo ang sinabi ni Jed. Simula nang makita ko ang kahayupan na ginagawa nina Tina at Red sa loob ng kwarto ko ay naging malamig na ang pakikitungo ni Tina sa akin. Mahig
Read more
Chapter 33
AUSTIN'S POV"Papaano mo nagawa 'yon kina Reese at Sky? They are fucking married tapos gusto mong sirain ang relasyon nila? Nagalit pa ako kay Sky na hindi naman dapat! What's wrong with you? Hindi ka gusto ni Reese kaya tigilan mo na siya." Pagkompronta sa akin ni Red habang nakatingin lang ako sa kanya.Natawa lang ako sa sinabi niya saka napailing."What's funny? Akala mo ba ay nakikipagbiruan ako sayo?" Tila galit na galit niyang tanong at tinitigan ako ng masama.Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko saka lumapit sa kanya. "Wala naman tayong pinagkaiba, Red. Akala mo ba hindi ko alam na dine-date mo ngayon 'yung girlfriend ng kapatid mong si Kuya Reevo? Pareho lang tayo, gusto nating manira ng isang relasyon makuha lang ang gusto natin." Nginisian ko siya at bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko."Ano? Sumagot ka." Nakangiti kong sabi.Kumuyom ang mga kamao niya dahil sa sinabi ko at tinitigan ulit ako ng masama. "Yes.
Read more
Chapter 34
REESE' POVBago pa ulit masaktan ni Sky si Jayden ay pinigilan ko na siya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Sky nang makita niyang niyayakap ako ni Jayden. He's jealous and I knew it. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa akong puntahan ni Jayden dito sa bahay namin at aminin sa akin na gusto niya ako. Hindi ba niya naisip na kasama ko sa bahay si Sky at higit sa lahat ay asawa ko na siya? Hindi ba niya alam na sa pag-amin niya nang nararamdaman niya para sa akin ay magkakagulo lang? Hindi ko alam ang iniisip ni Jayden. He looks so cold and mysterious. Hindi ko nga akalain na sa tipo niya ay magugustuhan niya ako na may asawa na."Sky, tama na please." Pagmamakaawa ko at niyakap na lang siya.Huminga naman ito ng malalim bago ulit bumaling kay Jayden. "You confess that you love my wife? Are you nuts? At nagtapat ka pa talaga ng nararamdaman mo dito mismo sa bahay namin? Wala kang kahihiyan e, no?" He said sarcastically.
Read more
Chapter 35
THIRD PERSON'S POVNakangiti ang batang si Austin habang pinagmamasdan niyang naglalaro ng manika ang kaibigan niyang si Riri. Nakukuntento na siyang pagmasdan ang maganda at maamong mukha nito. Nagkakilala sila sa parke kung saan mismo naglalaro ang magandang bata. Mag-isa itong naglalaro at ayaw nitong maglaro sa loob ng bahay nila dahil hindi ito makasabay sa mga kapatid niyang lalake na iba ang hilig at gusto. Ang batang babae ay limang taong gulang pa lamang samantalang siya naman ay nasa siyam taong gulang na. Gayunpaman ay kahit kuya lang ang turing sa kanya nito ay hindi niya maiwasang humanga at magkagusto sa batang babae. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman pero sigurado siya na sa murang edad nila ay mahal na niya ito.Bigla namang lumungkot ang mukha ni Riri at napatingin sa kanya. Parang maiiyak na ito na ipinagtaka niya."Bakit Riri? May problema ba?" Tanong ng batang si Austin.Tumango si Riri at pinunasan ang mga luha
Read more
Chapter 36
REESE' POVNandito ang mga kaibigan namin ni Sky sa bahay namin dahil binisita nila kami. Ang mas nakakagulat pa ay nang malaman ko na may relasyon na sila Raven at Serene at pati na rin sina Ivo at Cyndi. Hindi na ako magtataka kung paano naging sina Serene at Raven dahil alam ko namang mahal nila ang isa't-isa pero sina Ivo at Cyndi? Ivo is a gay and Cyndi likes my husband pero paano naging sila? Mas minabuti ko na lang na hindi magtanong at natutuwa pa nga ako dahil isang ganap na lalake pa rin naman pala si Ivo at si Cyndi naman ay kay Ivo na ibinabaling ang atensiyon niya at hindi na kay Sky. Cyndi and I are in good terms naman. Nagsorry na siya sa kasalanang ginawa niya sa amin ni Sky at okay na sa amin iyon."Talaga? Nagpunta pa talaga 'yung Jayden na 'yon dito sa bahay niyo para lang umamin ng nararamdaman niya para kay Reese?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ailah nang ikwinento ni Sky sa kanila ang pagpunta ni Jayden sa bahay namin at ang pag-amin nito ng
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status