All Chapters of Eternal Love (Tagalog Version): Chapter 51 - Chapter 60
71 Chapters
Cincuenta y uno
Nagtataka ako sa mag-ama nakikita ko ngayon sa harapan ko nabaling pa ang tingin ko sa dalawang kasama nila na naka-simangot ang mukha. Nilapitan ko silang tatlo napansin nila ako ng huminto ako sa kanilang harapan."Amir—" tawag ko ng sumabat si Leo sa pagsasalita ko at natigilan naman ako sa lumabas sa bibig nito."Hindi Amir ang pangalan niya kundi, Heiley." bulalas ni Leo napatingin tuloy ako kay Eireen na naiiling kaya tumaas naman ang kilay ko.Hinila ako ni Eireen at may binulong sa akin na kinabigla ko naman tinuloy pa rin nila ang planong 'yon?"Clone ni Leo ang kasama natin, and all the information from the real person or creature that the clone imitated will be transferred to it like it happened to you." pahayag sa akin ni Eireen naramdaman kong nakatingin sa amin si David."Ginawa pa rin nila ang kanilang balak?" seryoso kong pagtatanong sa kanila lalo na kay Amire na bumaling ang tingin sa akin."Oo, para ayusin ang nakaraan at alamin kung sino ang dahilan ng war doon." s
Read more
Cincuenta y dos
Hindi ako inaasahan na ang naging kaibigan ko kasabwat ng mga kalaban namin hindi nakaka-bigla malaman pero, nakapanghihinayang dahil para kami ginamit para maitago nito ang ginagawang masama."Putang inang 'yon kalaban pala ang damuhong 'yon ang galing mag-panggap pwede na siya ipasok sa showbiz may napansin ba kayong kakaiba sa kanya mga pre?" narinig namin sa mga kaibigan ko nabaling naman ang tingin ko sa unahan na walang reaksyon pagkatapos ng kaguluhan."May kakaiba ba? Parang normal lang ang galawan niya kapag magkasama tayo ang hindi natin alam ang ginagawa niya kapag hindi natin 'yon kasama," bwelta kaagad ng mga kaibigan namin nakikinig lang ako sa kanilang pag-uusap."Baka, doon niya ginagawa ang alam nyo na grabe para tayong niloko ng girlfriend natin sa ginawa niya naging malapit pa naman tayo sa kanya may kine-kwento ba kayo sa kanya na tungkol sa private life nyo?" pagtatanong ng isa sa kaibigan namin lahat sa kanila tumahimik bago nagmumura ng malutong.Tumitig ako kay
Read more
Cincuenta y tres
Sa nakalipas na araw, naging busy na kaming lahat sa misyon na binigay sa amin nina Señior Dracula at Maria Irene sila ang nag-dedesisyon sa binubuong plano sa pag-sugod ng kalaban sa amin. Tumulong na rin ang clan ko sa amin ng dahil sa ginawang pag-tataksil ni uncle Rufus sinabi ko sa magulang ko ang nalaman ko sinabihan nila akong tumahimik pati ang mga kapatid ko pinag-sabihan ang pinsan ko na anak ni uncle Rufus sumang-ayon na huwag ipagsasabi ang nalaman namin. "Sa palagay mo, pre babalik pa sa dati ang ama mo?" tanong ng kaibigan namin sa pinsan ko nang mag-pahinga kami katatapos lang namin mag-ensayo ulit hindi namin kasama si Amire dahil may pinapagawa sa kanya ng dalawang nakaka-taas.Walang nagsalita naghihintay lang kami sa sasabihin ng pinsan ko na walang sinabi kundi bumutong-hininga na lang. Inakbayan ko na lang ito dahil, iba pa rin ang sinasabi ng puso niya ng mamatay si daddy sa laban galit ako sa mga pumatay sa kanya pero, pinamulat sa akin ni Mama bago man mawala s
Read more
Cincuenta y cuatro
When I go back to my current time I find that the virus is still spreading causing more and more infected people, and non-humans like them.Nasa lobby kami ng hospital ngayon para makapag-pahinga lang sandali tumulong ako sa kapwa kong doctor na busy sa ibang pasyente. Ang hospital na ito konektado sa kastilyo kung saan madalas namin nakakausap ang Elders at iba pang namumuno kalahi ng anak ko, nina Harold, David at iba pang nilalang may daanan sa ilalim kaya nang dalawin ko si Sheena sa dungeon mula sa hospital lumabas ako sa kastilyo.Nag-text ako sa anak ko nandito ako sa hospital para tulungan ang mga doctor. May misyon na inutos si Erika kasama nito si Drake at David mamaya maghahanap kami ng futuristic human tube makikipagkita kami sa isa sa kakilala nina Eireen at Heiley na scientist na gumagawa ng futuristic human tube. Nalaman ni Harold at ng anak ko kaya hahanapin namin nakatira ito sa siyudad ng Australia dahil natawagan ito ni Eireen noong nakaraang linggo.Si Harold ang s
Read more
Cincuenta y cinco
Si Harold na ang kumatok sa pintuan nagtanong ako sa kanya kung anong klaseng nilalang ang kakausapin naming dalawa."Bakit kabado ka ba?" pagbibiro naman niya sa akin nailing na lang ako sa kanya."Hindi, baka mabigla ako sa makikita ko sanay na ako sa inyo at sa ibang nilalang pero sa kakausapin natin hindi," pag-amin ko na lang sa kanya at seryoso akong humarap sa kanya.Inakbayan na lang niya ako sa balikat na dahilan para itulak ko siya palayo ng bumukas ang pintuan bumungad sa akin ang may kahawig ni Amire at Heiley."Harold," tawag ng taong kaharap namin natigilan naman ako dahil para ako nakakita ng multo sa harapan ko."Krista," tawag pansin ni Harold kaya bumalik ako sa realidad ng banggitin ang pangalan ng kaharap namin."Kamusta?" tanong nito sa kasama ko na hindi tumitingin sa akin."Mabuti na hindi, Krista kailangan namin ng tulong mo." panimula ni Harold at nagbago ang mukha bago tumingin sa akin."Sino siya?" pagtatanong nito kay Harold at muling bumaling sa akin."Asaw
Read more
Cincuenta y seis
"Libre na 'yan, Harold ngayon lang 'to kapag naulit may bayad na sabihan nyo ako kapag may hindi magandang nangyari doon tutulong ako kahit hindi na ako bahagi ng association," banggit sa amin ni Krista walang nagsalita sa aming dalawa ni Harold may malasakit pa rin siya sa kanila."Concern ka pa rin sa amin kahit malayo ka," sagot ni Harold sa kanya nang balingan ko sila ng tingin."Hindi ako concern kundi, naranasan ko na ang sitwasyon na ito noon ayoko nang maulit ang nakaraan." bulalas ni Krista sa amin nagtanong ako kung paano namin dadalhin ang futuristic human tube nasa harapan namin."Ipapa-deliver ko sa Baguio gamit ang helicopter ng association tawagan nyo na ang piloto nyo bago dumilim makarating na ito sa association nyo kaagad hindi natin pwede ipa-deliver thru van," sabi ni Krista sa amin tumango na lang ako sa kanila.Kapag binyahe ang futuristic human tube gamit ang truck hindi posibleng sitahin ng mga pulis at enforcer ang driver at konduktor nito sa higway, dahil hind
Read more
Cincuenta y siete
Nagising ako nang makarinig ako ng kaluskos ang huling natatandaan ko buhat ako ni Papa at ginamot ang mga natamo kong sugat. Bumangon ako at hinawakan ang mga gasa nakadikit sa buong katawan ko si Papa ang nagpalit sa akin huminga na lang ako ng malalim.Pumilit akong bumangon at natumba ako sa sahig napangiwi ako sa kirot na dumaloy sa katawan ko natingin ako sa pintuan na bumukas bumungad sa paningin ko si David. Lumapit kaagad siya sa akin at inalalayan akong tumayo humawak ako sa braso niya para hindi ako matumba ulit."Igaganti ko ang sarili k—" putol na pagsasalita ko ng magsalita siya."Gaganti ka sa lagay na 'yan? Huminahon ka nga, Amire pwede kang gumanti kapag magaling na ang mga sugat mo, sa ngayon magpahinga ka muna." tugon niya at sinabi kong dalhin ako sa banyo nagulat naman ako sa ginawa niyang pag-buhat sa akin.Hindi na ako nag-reklamo dahil mahihirapan akong gumalaw nailang lang ako unang beses na may nag-buhat sa akin na ibang tao maliban sa grandparents ko. Sinabi
Read more
Cincuenta y ocho
Nakikiramdam ako sa mga nag-babantay na agents sa dungeon kailangan kong makatakas at para mabawi ko si Leo sa babaeng 'yon. Naghanap ako ng pader na malambot na pwedeng masira kaagad. Hindi madaling malason ang isip ng mga agents na nandito sa dungeon hindi sila katulad ni Leo na isang tao."May nakita ka bang pader," bulong ko sa kasabwat ko na kaibigan ni David naka-sandal ito sa kabilang pader na katabi ng kulungan ko."Mamayang gabi ako maghahanap dahil mapapansin nila ang galaw natin," bulong nito sa akin lumingon ako sa mga agent na masama kung makatingin sa amin.May lumapit sa amin na agent na makatingin para kaming papatayin."Grabe kayong dalawa nakapanghihinayang ang powers nyo gagamitin nyo lang sa kasamaan at nasa mataas na posisyon pa kayo nangmula," sabi ng agent sa amin walang sumagot sa aming dalawa kaya tumalikod na ito.Kinausap ito ng kasamahang agent huminga na lang ako bago sumandal sa pader.Miss ko na si Leo para akong mababaliw nang hindi ko man lang siya maki
Read more
Cincuenta y nueve
Nang makalayo kaming dalawa sa mga humahabol sa amin nag-sisigaw ako bigla."Yesss!!! Makikita ko na ulit si Leo my darling!" sigaw ko na lang nang hindi tumatayo sa carpet baka mahulog pa ako."Ang ingay mo! Imposibleng makita mo si doc Leo dahil alam na niya kung sino ka, Sheena inalis mo ang alaala niya para saan? Para mapa-sa'yo siya kahit hindi ka niya mahal at may sarili na siyang pamilya na dahil sa obsession mo sa kanya hindi mo naisip na may masisira kang pamilya." sigaw niya at inismiran na lang niya ako inirapan ko na lang siya ng matalim."Masama bang magmahal?" sigaw kong pabalik sa kanya humalukipkip na lang ako ng kamay."Hindi masamang magmahal pero pumili ka naman ng hindi pamilyado na nakasira ka ng pamilya at ayon oh...may anak na at saka nandito ang asawa." pahayag nito sa akin ng katabi karibal ko pa ang dumating.Inagaw ko na sa babaeng 'yon naagaw ulit niya sa akin aagawin ko na lang ulit doon at hindi na magiging kanya pa. Humiga na lang ako sa pwesto ko at ngu
Read more
Sesenta
Magkasama kami na nagpunta sa supermarket para bumili na stocks nang pagkain sa bahay namin bumalik na si David sa hospital ng ipatawag siya ni Erika. Sina Drake at Eireen naman may misyon na ginagawa na inutos sa kanila ni Maria Irene. Kumuha si Papa ng cart at basket bago siya lumapit sa akin tahimik ang buong mall para na itong haunted dahil wala na ang dating nakabukas na boutique at mga tao na namamasyal sa loob ng mall.Kakaunti na lang ang mga taong nakikita namin sa loob ng mall. Inakbayan ako ni Papa sa balikat habang tulak ko ang cart."Pa, pumayag si Erika na magpanggap ako ng dalawang katauhan." sabi ko hindi naman ako tumitingin sa kanya."Hindi ka ba mapapahamak?" tanong ni Papa sa akin."Mas priority ko ang katauhan ni Mama, Pa dahil sa kanya na-focus ang atensyon ng kalaban." bulong ko na lang may naramdaman akong presensiya ng kalaban sa paligid namin.Huminto kami sa may tapat ng mga pamlasa sa pagkain nang sabay kami lumingon sa nilalang nakatayo sa likuran namin."
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status