All Chapters of Andrew Sebastian- The bastard billionaire: Chapter 11 - Chapter 20
58 Chapters
Chapter 11- His the dark plan
Kahit anong pagpigil ang gawin ni Elizabeth kay Andrew na huwag isama ng binata si Akie pabalik ng America, ay sa huli walang nagawa si Elizabeth dahil sa katigasan ng ulo ni Andrew. Kulang na lamang ay maglumpasay ang binata sa sahig nang tangkain ng ginang na ilayo si Akie at dalhin sa Baguio; sa pinsan ni Damien na si Drix, nang araw rin na pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid nito.Ang nangyari pa ay nagkasamaan ng loob ang binata at ang ginang. Pero dahil desido si Akie na sumama sa amo ay iyon rin ang pinanghahawakan ni Andrew kaya hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng madrasta. Sakay ng private airplane pabalik ng America, ay hindi maiwasang isipin ni Andrew ang ginang. Alam niyang nagkasamaan sila ng loob dahil kay Akie pero may sarili na siyang desisyon at katulad nga ng sinabi niya sa ginang, hindi siya sanay na may nangunguna sa mga desisyon niya sa buhay.Napabuntonghininga na lamang si Andrew, kapagkuwan ay binalingan ang dalaga sa kabilang upuan, mahimbing itong na
Read more
Chapter 12- Kasal
Hinihila siya ng amo patungong altar ngunit malakas siyang nanlaban. Hindi maaari, hindi siya magpapakasal sa amo!"Bitawan mo ako, Sir Andrew! Ayokong pakasal sayo!" singhal niya sa amo at pilit na kumakawala mula sa mahigpit nitong paghawak sa kaniyang braso. Ngunit malakas ito at mahigpit ang paghawak sa kaniya na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan."At sa tingin mo papayag ako sa gusto mo? No, never! Akin ka na!" balik-sigaw nito sa mukha niya sabay hila sa kaniya na tila ba isa siyang kaladkaring babae.No!Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari. Mahal niya si Eliseo at si Eliseo lang ang papakasalan niya!"Pumayag ka na, Akie, total hindi naman kita mahal." Napabaling naman siya sa biglang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya sapagkat ang mga salitang narinig niya ay mula mismo sa taong mahal niya."N-No, Eliseo! Huwag kang papayag! Mahal kita please! Ikaw lang ang gusto kong pakasalan." Pagmamakaawa niya sa lalaki subalit tawa lamang ang isinagot nito sa kaniya. Bum
Read more
Chapter 13- Tatakas
Naipikit ni Akie ng mariin ang kaniyang mga mata nang tuluyang matanggal ni Andrew ang suot niyang roba at ihagis iyon sa kung saan. Nanginginig siya sa takot at hindi magawang idilat ang mga mata. Ni ayaw niyang tingnan ang itsura ng lalaki. Ayaw niyang makita ang reaksyon ng itsura nito habang minamasdan nito ang hubad niyang katawan.'Ganitong Andrew ba ang nais niyang ipakilala sa akin?' Natanong niya sa isipan."Open your eyes," utos ng lalaki ngunit hindi niya sinunod.Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni Andrew.Maya't maya pa ay naramdaman niya ang mabibigat na paghinga ng lalaki, at sumunod niyon ay nagsimulang lumandas ang mga daliri nito sa balat niya. Lalo siyang nanginig at napa-iyak habang nakapikit. "Open your beautiful eyes, my wife," muling utos nito sa kaniya.Ngunit wala siyang balak na sundin ito. Takot siya, takot na makita ang mga mata nito."Hmp!" gulat siyang napasinghap nang sapuin nito ang kaliwang dibdib niya at imasahe iyon.Gustong niyang sumi
Read more
Chapter 14- Naliligaw
Palakad-lakad si Akie at hindi malaman kung saan ba siyang direksyon pupunta. Malalim na ang gabi at medyo napapalayo na siya sa karamihan. Hindi na nga niya alam kung saan siya naroon. Nasa isang daan siya at medyo madilim iyon dahil malalim na rin ang gabi. Wala rin halos dumadaan sa dinadaraanan niya. May mga sasakyang nadaan pero paminsan-minsan lang. Balak lang naman sana niya ay pumunta sa Tiyang Melba niya at isumbong ang ginawa ng kaniyang amo dahil hindi naman niya ito matawagan sa telepono sapagkat hindi niya kabisado ang landline number nito, at mukhang sinadya pa ng binata na itago iyon pati na ang sarili niyang cellphone nang hindi niya namamalayan. Iyon sana ang plano niya, ang magsumbong sa tiyahin at humingi ng tulong para makauwi ng Pilipinas, ngunit heto siya ngayon, naliligaw na yata at hindi malaman kung saan pupunta. Sa dami ng eskinita ay hindi na niya malaman kung saan siya dadaan. Sinubukan niya rin magtanong sa nakakasalubong na tao kung paano ang pagpunta s
Read more
Chapter 15- Teases and first date
Pakembot-kembot si Akie habang naglalakad ito papunta sa amo na nakaupo ngayon sa dining chair at nakaharap sa laptop nito. Bitbit niya ang isang tasa na may laman na kape na siyang iniutos ng lalaki na timplahan niya. Nagtataka man kung bakit hindi ito pumasok sa trabaho nito ngayong araw ay isinantabi na lamang niya iyon dahil ang iniisip niya ngayon ay ang akitin ang amo.Samantala, nagtaas naman ang sulok ng labi ni Andrew sapagka't napapansin niya ang galawan ng dalaga kahit hindi niya ito tingnan.'She's pushing it too much matigas naman ang katawan!' Komento ng lalaki sa isipan nito."Heto na po ang kape mo, sir!" Malambing na anunsiyo ni Akie habang inilapag nito sa ibabaw ng lamesa ang umuusok pang kape.Isinara ni Andrew ang laptop na hawak at kinuha ang kape. He takes a sip of it. Subalit napaubo siya at muntikan nang lumabas sa ilong niya ang kape nang makitang lumiyad ang dalaga at hinawakan nito ang magkabilang bewang na para bang sasali ito sa isang beauty pageant, haba
Read more
Chapter 16- Jealous and popcorn
Sakay sa kotse pabalik ng condo ay totoong ice cream na ang kinakain ni Akie habang wala itong tigil sa pagluha. Hindi pa rin maalis-alis ang anghang at init na nararamdaman nito at hanggang ngayon ay pulang-pula pa rin ang mukha kahit nakadalawang tub na ng ice cream ang naubos nito.Si Andrew naman ay napapailing na lang habang panay ang sulyap sa babae na ngayon ay kaawa-awa ang sinapit. Hindi rin mapigilan mapatawa ni Andrew sa tuwing sinasamaan siya ng tingin ng dalaga. Malamang pa sa alamang na siya na naman ang sinisisi nito."Hindi na ako ulit sasama sayo!" angil ng dalaga bago sumubo muli ng ice cream.Nagkibit ng balikat si Andrew. Binigyan niya ng tingin ang dalaga. Tingin na hindi siya apektado sa tinuran nito. "Wala kang magagawa sa gusto ko, Akie. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo," aniya."Bahala ka!" nagdadabog na sambit nito."Maanghang pa rin ba?" untag niya rito ng tumahimik ito.Masamang tingin na naman ang ipinukol nito sa kaniya. "Oo. Sa sobrang anghang ay
Read more
Chapter 17- Sampal
Nakahinga ng maluwang si Andrew nang sa wakas ay natapos rin ang kanilang meeting dito sa loob ng conference room niya sa Sebastian Company. Natapos ang meeting na ukupado ni Akie ang kaniyang isipan kaya naman hindi siya nakikinig sa mga pinag-usapan ng ilang kasosyo niya sa trabaho. Ang mahinhin nitong pag-ungol, ang pagbigkas nito sa pangalan niya na nahihirapan habang nasa bukana naman siya ng pagkababae nito ay hindi maalis-alis sa pandinig niya.Damn... it made him horny again!Tanghaling tapat pero heto siya at tinatayuan!"Mr. Sebastian?" Wala sa sariling napabaling siya sa tumawag sa pangalan niya."What?" masungit niyang tugon kay Loreen. Ang pinay niyang sekretarya.Kay ganda na ng pagmo-moment niya eh, nasira tuloy."Ito na po ang mga papeles galing kay Mr. Smith. Kailangan niyo lang po pirmahan ang mga ito," anang babae sabay lapag ng dukumento sa ibabaw ng lamesa niya.Walang gana niya itong kinuha at binuklad. "You can go," kapagkuwan ay utos niya kay Loreen.Mabilis
Read more
Chapter 18- Lunch bag
Pumasok si Andrew sa kwarto at dumiretso papasok sa banyo upang maghilamos ng mukha. Umiinit ang pisngi niya kung saan sinampal ni Akie. Damn!Hinaplos niya ang pisngi habang nakatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin.Ngayon lang siya nakatikim ng sampal na galing sa isang babae. No one dares to slap him even before, ngayon lang, at si Akie lang ang nakagawa niyon sa kaniya.Napaisip si Andrew kung ano kaya ang ganti na gagawin niya kay Akie? Nanggigigil siya sa dalaga dahil nagseselos siya sa kasama nitong lalaki kanina. Fuck!Kahit anong pagpigil ang gawin niya sa sarili ay talagang hindi niya mapigilan ang sariling emosyon. Gusto niya itong angkinin pero naga-alangan siya dahil hindi pa handa ang babae at malamang kasusuklaman siya nito kapag ginawa niya ang bagay na labag sa loob nito."Kailangan mong pigilan ang sarili mo, Andrew, dahil kung hindi maaangkin mo siya ng tuluyan at tuluyan ka na rin niyang kasusuklaman." pagkausap niya sa sariling repleksyon sa salamin.Hin
Read more
Chapter 19- revenge
Ang akala ni Andrew makakauwi siya ng maaga, pero hindi ito nangyari nang may bisita siyang dumating galing ng Pilipinas—si Enton Delavin. Kaya ang nangyari ay nag-ayahan silang dalawa na magpalamig sa labas, although malamig na talaga ang America pero ibang lamig ang hanap nila. Sa bar at mag-iinom."How are you, Kuya Drew?" tanong sa kanya ni Enton.Looking at this man, Andrew was amazed at how Enton transformed from a simple dude into a hunk one. Kung dati ay payatin ito, ngayon naman ay para itong sundalo kung tumindig dahil batak na batak ang mamasel-masel na katawan nito. Well, he knows that Enton wasn't just a plain nurse, alam niyang maliban sa pagiging nurse ay may iba rin itong trabaho ngayon."I'm good. I have a wife waiting for me at home," he replied.Nakitaan niya ng pagkagulat ang mukha ni Enton. Pinagkatitigan pa siya nito na tila ba inaaral pa ang kanyang mukha kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi."Kung titigan mo ako para naman akong panget na walang karapatan ma
Read more
Chapter 20- Yakap
Nakapasok si Andrew sa kuwarto gamit ang susi, pero kung kailan nakapasok na siya ay saka naman tumakbo palabas si Akie. Ang dalaga ay kumaripas ng takbo palabas ng condo unit at naghabulan ang mga ito sa hallway."Where are you going, Akie? Come back here, woman!" aniya ni Andrew habang hinahabol si Akie.Ang mga taong dumadaan sa hallway ay napaawang ang labi nang makita ang itsura nilang dalawa. Pero silang dalawa'y nawala sa isipan ang tungkol sa hena."Gotcha!" Hinuli ni Andrew ang bewang ni Akie at pininid ang dalaga sa pader ng hallway. Walang pakialam si Andrew kung pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan.Samantala, tumili naman nang tumili si Akie at nagpupumiglas mula sa bisig ni Andrew."Bitawan mo ako!" utos niya sa lalaki. But Andrew heard nothing. Ngumisi pa siya habang naglalaro sa isipan ang parusang gagawin kay Akie."Look what you've done to my pretty face, Akie. Sa tingin mo ba'y matatanggal pa 'to? Alam mo rin bang may meeting ako bukas? Paano ako makaka-att
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status