All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 81 - Chapter 90
439 Chapters
Kabanata 81
Mabilis na lumapit si Bernie sa lalaki. “Uncle…. Ah, Mr. Coop! Ang cafe na ito ay nabigo sa kanilang hygiene inspection, kaya pumunta ako para sabihin sa kanila na tumigil sa pagpapatakbo. Pero, hindi nakinig ang may ari sa akin at pinabugbog niya kami sa mga kaibigan niya! Tingnan niyo! Sira ang mga ngipin ko ngayon.”Gumulong ang mga mata ni Harrod Coop, tumingin siya ng masama sa pamangkin niya. Alam niya kung anong klase ng tao ang pamangkin niya, at na hindi nito sinasabi ang katotohanan.Gayunpaman, hindi niya pwedeng hayaan ang pamangkin niya na bugbugin ng wala siyang ginagawa, kung hindi ay ang malupit na nanay ng pamangkin niya ay pahihirapan siya.Kaya naman, tinaas niya ang boses niya na may puno ng awtoridad. “Sino ang nanakit sayo?”Tumuro si Bernie kay Wilbur. “Siya yun!”Lumapit si Harrod kay Wilbur. “Binugbog mo ba ang mga taong ito?”“Yun ang ginawa ko,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Si Harrod ay tumingin sa walang pakialam na ekspresyon ni Wilbur at agad siy
Read more
Kabanata 82
Maliban dito,kapag si Mr. Brigado mismo ang nag inspection kay Harrod.. Ang lahat ng mga ginawa niya nitong mga nakaraang taon ay mabubunyag.Nanginig ang mga binti ni Harrod habang iniisip ito.Hindi alam ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin nang makita siya na ganito.Ngunit, wala pa ring alam si Bernie. “Mr. Coop, sige na! Kunin niyo na siya!”Walang ibang gustong gawin si Harrod kundi ang sampalin sa mukha ang tanga na pamangkin niya.Gayunpaman, ang mahalaga ngayon ay ang maligtas ang sarili niya.Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon siya ng ideya at sumigaw siya, “Bernie Doebrook, ano ang nangyari dito?”Nabigla si Bernie. Tumingin siya kay Harrod at sinabi niya, “Uncle Harrod, sinabi ko na sa inyo ang lahat sa phone.”“Wala kang sinabi sa akin! Sir, kung pwedeng pumunta ka muna dito saglit,” Tinawag ni Harrod ang may ari ng cafe.Nalito ang may ari ng cafe, nanginginig siya habang naglalakad siya patungo kay Harrod.Sinabi ni Harrod ng may mabait na tono, “Sir, sa
Read more
Kabanata 83
Yun ang taong ito!Si Gordon Grayson, ang anak ng isa sa mga bayani ng bansa na si Benjamin Grayson!Sigurado ang lahat na si Gordon ay magiging isa sa pinakamahalagang tao sa bansa sa darating na panahon.Pagkatapos, handa nang mamatay si Harrod. Ang mga binti niya ay nanginig habang bumagsak siya sa sahig.Hindi alam ni Bernie kung ano ang nangyari at mabilis niyang tinulungan ang uncle niya. “Uncle Harrod! Ano ang problema mo?”Ngumiti si Gordon at kinamayan niya si Chase. “May oras ako ngayong araw at nagkataon na nakita ko na ang isa sa mga tao mo ay inaapi ang may ari ng isang maliit na cafe. Hindi ko ito natiis, kaya tumawag ako sayo.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Chase.Ang mga tao na tulad ni Gordon ay may tiyak na paraan sa pakikipag usap tungkol sa mga bagay.Kahit na may malaking bagay na nangyari, madalas ay malabo niya itong sinasabi at hinaharap ito sa pribadong lugar upang ang mga tao ay pwede pang magkaroon ng dignidad.Ang sabihin ni Gordon ang ganitong b
Read more
Kabanata 84
“Opo…” Imposible para itanggi ito ni Harrod at tinanggap niya na lang ang kapalaran niya.Dumilim ang ekspresyon ni Chase. “Suspended ka na mula sa posisyon mo simula sa sandaling ito. Kayo ng pamangkin mo ay sasailalim sa imbestigasyon, at ako ang personal na titingin dito at hindi ako magpapakita ng awa.”Halos mahimatay si Harrod sa mga sinabi ni Chase.Nang maisip na malalaman ni Chase ang mga pakana niya noon at ang mga kahihinatnan nito, sobra na ito para kay Harrod. Dahil dito, bumagsak siya at nawalan ng malay.Napagtanto na ni Bernie na isang malaking pagkakamali ang nagawa niya ngayon, at nanginig ang mga binti niya.Isang tao lang ang dala ni Chase, ngunit ang kapangyarihan ng taong ito ay hindi maitatanggi.Sa paraan ng pagtingin ni Harrod, alam ni Bernie na ang pagdating ng lalaking ito ay nagpapahiwatig na tapos na siya ngayon.Pagkatapos, ang secretary sa likod ni Chase ay tumingin sa mga officer na kasama ni Harrod. “Ano pa ang hinihintay niyo? Dalhin niyo na ang
Read more
Kabanata 85
“Anong regalo?” Lumapit si Faye kay Wilbur. Nakita niya na gumamit si Wilbur ng ilang piraso ng papel, ngunit hindi malaman ni Faye kung ano ang sinusulat ni Wilbur.Sinabi ni Wilbur, “Wag kang tumingin, hindi mo rin ito maiiintindihan. Hindi ako kakain ng hapunan sa tahanan. Kailangan mo mag dinner ng mag isa. Pupunta ako sa mga Grayson.”“Tahanan.” Ngumiti si Faye sa mga salitang ito, at bumilis ang tibok ng puso niya.Ngunit, hindi naiintindihan ni Wilbur ang kahihinatnan ng sinabi niya kay Faye at mabilis siyang pumunta sa pinto habang hawak ang mga piraso ng papel.Kasabay nito.Sa bahay ng mga Grayson, ang chef ay naghanda ng isang mesa ng mga pagkain, at si Benjamin ay nilabas din ang kanyang pinakamagandang wine.Sina Benjamin, Gordon, at Susie ay nakaupo sa sofa, naghihintay siya ng tahimik para sa bisita nila.Pagkatapos, nag ring ang doorbell. Mabilis na pumunta si Susie sa pinto.“Nandito na kayo, Sir! Pumasok po kayo.” Tila nagbago ang pagtrato ni Susie kay Wilbur
Read more
Kabanata 86
Sa recommendation ni Benjamin, ang pagpasok sa national system ay madali lang.Ngumiti ngumiti lang si Wilbur at sinabi niya, “Master Grayson, sanay na po ako sa tahimik na buhay ngayon. May mga sariling problema po ako na kailangan harapin. Sana ay wag niyo po akong ipilit dito.”Nagbuntong hininga ng mahina si Benjamin. “Ang bawat tao ay may kanyang layunin, at hindi kita papahirapan. Sana lang ay ang puso mo ay maging tapat sa bayan.”Kumunot ang noo ni Wilbur, at naiintindihan niya ang pahiwatig sa mga salita ni Benjamin. “Wag po kayong mag alala, Master Benjamin. Lagi po akong tapat sa bayan.”Pagkatapos ay lumingon siya para umalis, naglakad siya patungo sa sarili niyang bahay. Pinanood ni Benjamin na umalis si Wilbur habang naglaho ito sa paningin niya bago siya tumalikod at bumalik sa loob.Bumalik sa bahay si Wilbur nang makita niya na nakasandal si Faye sa sofa na may suot na seki na nightgown. Nakatulog na si Faye.Ang neckline ng nightgown ay nakabukas, at masyado ito
Read more
Kabanata 87
Agad na sinabi ni Nancy, “Hoy, mag ingat ka sa tono mo.”“Ano? Mali ba ako?” Ang sagot ni Cindy, nagalit siya. “Isang walang kwentang lalaki siya na walang trabaho! Diyos ko, sana ay hindi ka niya iscam.”Umiling si Nancy. Mukhang wala pa ring alam si Cindy kung gaano kalaki ang kapangyarihan ni Wilbur mula sa paraan ng pagsasalita niya tungkol kay Wilbur.“Siya? Iscam ako? Imposible yun. Hindi mo alam ang tinutukoy mo,” Ang tanging sinabi ni Nancy.Gayunpaman, umupo si Cindy sa tabi ni Nancy. “Nabalitaan ko na isa ka nang general manager sa Willow Corp?”“Uh, ako lang ang general manager ng isa sa mga department doon.”Tumawa si Cindy. “Yun lang ang kailangan ko malaman. Isang manager ka na ngayon, ang tangang si Wilbur ay wala man lang trabaho! Ginagamit niya ang relasyon niyo bilang dating classmate para mapunta kayo sa isang relasyon. Hindi ba’t halata ito?”Natulala si Nancy. Hindi niya maintindihan kung paano tumakbo ang utak ni Cindy para tumingin ng mababa sa isang tao.
Read more
Kabanata 88
Klaro na pinapahiwatig niya na oras na para umalis si Cindy.Gayunpaman, tila hindi naiintindihan ni Cindy ang kahulugan ng tingin ni Nancy. Sa halip, pinaupo din ni Cindy ang boyfriend niya. “Dahil nagkataon lang na nagkasalubong tayo, kumain tayo ng tanghalian ng magkasama.”“Uhm… Ayaw kong abalahin kayo ng kaibigan mo,” Ang sabi ni Nancy ng may mahinang boses.Tumawa si Cindy. “Ah, hindi ito abala! Mas masaya kapag mas marami!”Hindi alam ni Nancy kung ano ang sasabihin niya, yumuko siya ng tahimik.Sa katotohanan, ayaw niya makita si Cindy o makasama itong kumain.Gayunpaman, hindi niya magawa na tumanggi.Sinabi lang ni Wilbur, “Sige. Mukhang kakaiba talaga ang tadhana.”Sumingit si Cindy. “Wilbur, nabalitaan ko na inimbita ka ni Nancy para mag tanghalian dito?”“Oo, inimbita niya ako,” Ang sabi ni Wilbur.Tumawa ng mapanglait si Cindy. “Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga pagkain dito?”“Hindi ko alam. Minsan lang ako kumain sa mga ganitong lugar.”Ito ang katotohan
Read more
Kabanata 89
Mayabang na tumingala si Cindy. “Siya ay isang higher-up ng isang global investment group, at siya ang magiging CEO ng Dasha branch. Ito ang mga klase ng lalaki na nararapat para kay nancy, hindi isang walang kwentang tulad mo.”Walang masabi si Wilbur. Paano naman bigla siya naging walang kwenta?Totoo na naaalala niya na si Cindy ang pinakasikat na babae sa school noon. Ang lahat ng mga lalaki ay gustong makasama si Cindy, ngunit tinanggihan niya ang lahat ng ito, at binigyan siya ng palayaw na ‘Ice Queen’ dahil dito.Pagkatapos ng lahat ng ito, sa huli ay papalit palit siya ng boyfriend na parang wala lang ito… Isang malaking pagbabago talaga ito.Nakita ni Cindy na nanatiling tahimik si Wilbur at mas naging mayabang siya. “Alam mo ang pagkakaiba. Tandaan mo, wag mo nang isipin na manligaw kay Nancy. Kuha mo?”Hindi na ito matiis ni Nancy at mabilis niyang sinabi, “Cindy, nagkakamali ka. Hindi talaga ito tulad ng iniisip mo.”“Ah, ikaw talaga,” Ang sabi ni Cindy, tumingin siya
Read more
Kabanata 90
Kumain si Wilbur, tumingin siya sa lalaking mula sa ibang bansa.Parang may mali sa lahat ng sinabi ni cindy.Paano niya nakasama ang isang impluwensyal na lalaking mula sa ibang bansa ng basta basta?Pinag isipan ito ni Wilbur at nagpanggap siya na kinuha niya ang phone niya. Palihim siyang kumuha ng litrato ng lalaking mula sa ibang bansa at sinend niya ito sa top hacker at kaibigan niyang sniper, si Layla. Nilagyan niya ng caption ang litrato gamit ang pangalan ng lalaki—Ricardo Licorica.Pagkatapos isend ang text, hindi mapigilan ni Wilbur na tumawa. Kakaiba ang apelyido ng lalaking ito.Sa loob ng sampung minuto, nakatanggap siya ng reply mula kay Layla.Mayrooong Waller Street Investment Group, ngunit walang tao na may pangalan na Ricardo Licorica. Ang tunay na pangalan ng lalaki ay Santiago Tivella, isang sikat na scammer na may kinalaman sa maraming scam at may warrant para hanapin siya. Higit sa isang taon na siyang nagtatago.Umiling si Wilbur. Mukhang si Cindy ang pun
Read more
PREV
1
...
7891011
...
44
DMCA.com Protection Status