Lahat ng Kabanata ng The Girlboss Begs for Remarriage: Kabanata 571 - Kabanata 580
598 Kabanata
Kabanata 571
Napanganga ang bawat isang estudyante sa gulat habang si Hal, na inutusan ng sarili niyang kapatid, ay humingi ng tawad kay Frank.Paglingon nila sa kalmadong si Frank, lahat sila ay biglang nagtaka kung sino ba talaga ang lecturer nila. Lalo na ang mga babae na may kinang sa mga mata nila. Samantala, nakahinga nang maluwag si Jean nang nakita niyang mataas ang respeto ni Bravo kay Frank, at mas lalo siyang nagkainteres sa kuya ni Winter. Nagmamalaki si Winter sa kung anong dahilan, at pinalobo pa niya ang maliit na dibdib niya. “Winter, di ba sabi mo kapatid mo siya? Sige na, ipakilala mo siya sa'min.”“Tama ka… at ngayong tinignan ko siyang maigi, di ba ang gwapo-gwapo niya?”“Sige na, Winter. Sabihan mo siya para sa'min, ha?”Nataranta si Winter sa interes ng ibang mga babae at napuno siya, “Tigilan niyo yan. Ang kuya ko ay hindi ang klase ng lalaking naglalaro ng mga babae.”“Hoho… Base sa reaksyong yan, wag mong sabihing di kayo magkadugo?”“Hey. Binabantayan niya la
Magbasa pa
Kabanata 572
Tumango si Bravo. “Oh, syempre. Hihintayin kita.”Hindi siya nagmamadali, tumingkayad siya habang naghintay sa hallway at nagsindi pa nga ng sigarilyo. Hindi siya pinalayas ni Frank at bumalik siya sa podium sa lecture hall.Tiyak na nakuha niya ang respeto ng bawat isang estudyante, at hindi lang ang mga babae—kahit ang mga lalaki ay nagpasalamat at sumamba sa kanya. Kahit na ganun, naputol ang tahimik na lecture hall ng isang matinis at sarkastikong boses. “Hmph. Tignan mo siya, ang yabang niya dahil may ilang makapangyarihang kaibigan siya. Malay mo kung marunong talaga siya sa medisina?”Lumingon si Frank at nakita niyang ito ang babaeng nakakulay ng blonde ang buhok mula kanina na sumugod sa tabi ni Hal pagkatapos siyang pabagsakin ni Frank. Para bang nainis siya kay Frank nang dahil kay Hal.“Kung ganun, pinagdududahan mo ang kaalaman ko sa medisina?” Nanatiling hindi apektado si Frank na nakatayo sa podium nang magkasalikop ang mga kamay sa likod niya habang ngumiti si
Magbasa pa
Kabanata 573
Sa kabilang banda, kakaiba ang pagiging protektibo ni Winter sa kabila ng mahinhing pagkilos niya at hinarangan niya si Frank habang nagsabing, “M-Maraming ginagawa si Frank.”Nadismaya ang mga kaklase niya. “Ang tuso mo, Winter!”“Oo nga, di ba gusto mo lang siyang angkinin?”“Ayos lang yan, Winter.”Tinapik ni Frank ang ulo niya at ngumiti siya—hindi siya nakatanggap ng pormal na edukasyon at kung kaya’y hindi siya naiinis sa kagustuhang matuto ng mga estudyante. “Kung interesado kayong lahat, susubukan kong maglaan ng oras sa isang lecture kada isang buwan.”“Isang beses sa isang buwan…?”Dismayado ang lahat ng mga estudyante, ngunit mas maganda na iyon kaysa sa wala. Namula si Winter habang hinanda niya ang sarili niya sa matatalim na tingin ng ibang mga babae. “Marami na yun! Marami talagang ginagawa si Frank!”Naging seryoso ang mukha ni Frank. “Sige, tapos na ang klase.”Habang matapat siyang pinasalamatan ng lahat ng mga estudyante para sa leksyon niya, naalala na n
Magbasa pa
Kabanata 574
Gayunpaman, bakit magkakaproblema ang mga Salazar ng Sunny City kay Kurt, na ang operasyon ay nakabase sa Riverton?Nang makita ang pagtataka sa mukha ni Frank, bumuntong-hininga si Bravo. “Hindi mo yata to alam, pero may kasunduan ang mga Salazar sa'min. Kukuha kami ng isang piraso ng lupa at gagamitin namin ang impluwensya namin sa buong Riverton, habang magtatayo ang mga Salazar ng pharmaceutical factory, na sinasabi nilang makakatulong sa kanilang makakuha ng monopolyo sa pharmacy business ng Riverton.”Kumunot ang noo ni Frank. “Sa pagkakaalala ko, nalason si Kurt bago pa lumabas sa merkado ang Beauty Pill ng mga Salazar.”Seryosong tumango si Bravo. “Oo. Hindi nila nagustuhan ang asking price namin at hindi naging maganda ang usapan. Baka doon nalason si Mr. Stinson… Pero bumalik din sila pagkatapos at madali silang kausap noon. Wala pa nga silang problema na tinaasan ni Mr. Stinson ang presyo nang dalawampung porsyento, pero nakita mo mismo ang kinalabasan nito—natalo ang Bea
Magbasa pa
Kabanata 575
Pagkatapos, habang gulat na tumingin sina Bravo sa kanya, matalim na nagbago ang tono ni Frank nang nagdeklara siya, “Hindi sa huling hininga niyo—Ililigtas ko kayo kahit huminto kayo sa paghinga.”“Puta!”“Ang galing!”“Ang arogante niya!”Lahat sila, kabilang si Bravo, ay nagulat na magpapakumbaba si Frank, iyon pala ay idedeklara niya ang matinding kumpyansa niya. Dahil dito ay nabuhayan ng loob ang mga tauhan at biglang wala na sa kanila ang natakot sa lason ng mga Salazar. Sumisigaw pa nga sila, handa na silang turuan ng leksyon ang mga Salazar!“Wala nang maduduming taktika! Wala tayong dapat katakutan!”“Tara na! Pabagsakin natin ang mga Salazar!”“Tara!”Maingay silang sumakay sa MPV nila pagkatapos ay nagmaneho sila sa kalsada, na nakagawa ng isang malaking convoy at nakatawag ng maraming atensyon. -Ang totoo, napatunayang totoo ang pag-aalala ni Bravo. Kahit matagal nang sarado ang pabrika ng mga Salazar, naroon si Jaud White na mayabang na tinatawagan si Do
Magbasa pa
Kabanata 576
"Naghanda ng patibong ang mga Salazar!” Sumigaw sa galit si Bravo. "Nahulog na sana tayo sa patibong nila kung hindi natin kasama si Mr. Lawrence!”Pagkatapos, lumingon siya kay Frank, at nagtanong, “Mga sinulid ba ‘yun…?”Tumawa ng malamig si Frank nang tingnan niya ito ng maigi. “Ang mga ito ang bumubuo sa pinakalabas na layer, at binahiran ang mga ito ng dagta ng Araneus Floret. Kapag nahawakan mo ito, mawawalan ka agad ng malay bago mo pa ito mapansin, ngunit hindi ka kayang patayin nito.”"Madali lang ‘to,” dagdag niya. “Itutok niyo lang ang mga patalim niyo sa harap at iwasiwas niyo ito. Siguraduhin niyo na hindi didikit ang dagta sa balat niyo. Magiging ligtas kayo sa ganoong paraan.”"Narinig niyo siya, mga bata!” Lumingon si Bravo sa mga tauhan niya at sumigaw, "Huwag niyong hayaang dumikit sa balat niyo yung mga sinulid!”Pagkatapos nun, pinangunahan niya ang daan, winasiwas niya ng walang tigil ang kanyang machete sa harap niya upang putulin ang mga sinulid.-"Hmmm…?
Magbasa pa
Kabanata 577
”Atras na!” Sigaw ni Bravo, alam niya na hindi ito ang oras para magtapang-tapangan sila pagkatapos magsalita ni Frank.Nandoon lang ang lupa nila at hindi ito tatakbo, at kaya naman umalis siya, inalalayan siya ng mga tauhan niya habang tumatakbo sila palabas ng pabrika.Doon lamang nila nakita ang manipis na asul na usok sa hangin, halos hindi ito makita ng ordinaryong mga mata.“Nakita ‘yun ni Mr. Lawrence bago natin ‘yun mapansin.” Bumuntong-hininga ang isa sa mga goons, pakiramdam niya ay maswerte siya na nakaligtas sila. “Talagang kahanga-hanga siya!”“Talaga? May mga moves din siya—pinabagsak niya si Mr. Lambert sa loob lang ng ilang sandali, at napakalinis ng kilos niya!”“Sige na, tumahimik na kayo!” Sigaw ni Bravo.Namumula siya habang medyo kinikilabutan siya na napabagsak siya ni Frank.Bilang pinakamahusay na fighter ni Kurt, binuo niya ang reputasyon niya sa nakalipas na mga taon. Natural, medyo hindi madaling tanggapin para sa kanya na madali siyang napabagsak ni
Magbasa pa
Kabanata 578
Naglakad si Frank palapit kay Jaud, tumalim ang kanyang mga mata.“H-Hindi…”Nagsimulang pagpawisan ang mga kilay ni Jaud, matagal na niyang sinukuan ang ideya na labanan si Frank ng harapan.At ngayong nakita niya si Frank, ang unang naisip niya ay tumakbo—mas malayo, mas mabuti!‘Bwisit! Hindi ba nangako si Chaz Graves na dadalhin niya dito ang mga Lionheart at papatayin nila ang hayop na ‘to?! Ang tagal na nun, pero heto siya, buhay na buhay pa rin!’Habang nagmumura si Jaud sa isip niya, mayroong ngiti sa mukha niya na mistulang nakasimangot. “Ah, hello, Mr. Lawrence! Matagal tayong hindi nagkita…”Nagpatuloy sa paglalakad si Frank, bumubugso ang nakakatakot niyang aura. “Matagal tayong hindi nagkita, ano? Totoo nga ‘yun, dahil hindi ko pa natapos ang away namin ng mga Salazar.”“Ah, hindi, hindi, hindi…” Mabilis na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay, mabilis siyang nag-isip ng plano. “Ano ka ba, Mr. Lawrence?! Mula noong mamatay ang anak niya, nagsisi na si Donald Salaza
Magbasa pa
Kabanata 579
Nakilala ni Jaud ang mga kilos ni Frank. “Ang Five-Peat Archaeus… ng Mystic Sky Sect?!”“Hindi inasahan na alam mo ang tungkol sa’min.” Lumapit si Frank, nakahanda siyang tapusin ang buhay ni Jaud.Agad na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay sa pagkataranta. “Hindi, pakiusap! Huwag mo akong patayin, Mr. Lawrence… Tama, sasabihin ko sayo ang isang sikreto ng mga Salazar kapalit ng buhay ko!”Nakahanda na ang kamay ni Frank upang atakihin si Jaud ngunit huminto siya. “Isang sikreto ng mga Salazar?”“Oo.” Umubo si Jaud habang nakahiga siya sa sahig. “Gusto ka pa ring patayin ng mga Salazar. Hayaan mo akong mabuhay, at sasabihin ko sayo ang sikreto nila.”“Magsalita ka na,” sabi ni Frank, malamig ang kanyang ekspresyon.“Kung ganun… Masisiguro mo ba na mabubuhay ako?”“Papatayin kita ngayon kapag hindi mo sinabi sa’kin!”Muling bumugso ang vigor ni Frank, at nanlaki ang mga mata ni Jaud sa harap ng napakalakas na pressure na nagmumula kay Frank.Kahit na nagmamakaawa siya, tinat
Magbasa pa
Kabanata 580
Sumimangot si Frank habang ginagamit niya ang kanyang purong vigor. Gumawa siya ng isang martilyo mula sa hangin, at winasiwas niya ito papunta sa dibdib ni Jaud!”“Hindi maaari!”Biglang tumalon sa ere si Jaud, iniwasan niya ang martilyo ni Frank.Malinaw na wala siyang intensyon na labanan si Frank habang tumatakas siya palabas ng pabrika.Base sa kung gaano kabilis ang kilos niya, malinaw na nagpapanggap lang siyang sugatan kanina.“Tatakas ka ngayon? Huli na para dyan!”Konektado pa rin sa kanya ang purong vigor ni Frank kahit na pagkatapos niya itong palabasin—isa itong natatanging kakayahan ng Five-Peat Archaeus.At sa isang kumpas ng kamay niya, pinabalik ni Frank ang martilyo na lumampas kay Jaud pabalik sa kanya.“Ano?!”Inakala ni Jaud na ligtas na siya noong naiwasan niya ang martilyo kanina at hindi niya inasahan na kontrolado pa rin ito ni Frank!Nang lumiko ang martilyo pabalik sa kanya, tumama ito sa dibdib ni Jaud sa pagkakataong ito, dahilan upang tumilapon s
Magbasa pa
PREV
1
...
555657585960
DMCA.com Protection Status