Lahat ng Kabanata ng I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]: Kabanata 151 - Kabanata 160
175 Kabanata
Chapter 151 [Book 5 of Hiltons family]
Matuling pinatakbo ni Xavien ang sasakyan habang sa tabi nito ay tahimik lang na nakamasid sa labas ng bintana ang dalagang si Miles. Halata sa mukha nito na masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa ni Xavien. Maya-maya ay lumalim ang gatla sa noo ni Miles ng mapansin niya na iba na ang daang tinutumbok ng kanilang sasakyan.“Where are we going?” Nagtataka na tanong ni Miles ngunit wala siyang natanggap na anumang sagot mula sa binata, basta patuloy lang ito sa matuling pagmamaneho. “Xavien, saan mo ako dadalhin? Answer me!” Matigas na tanong ni Miles na ang tinig nito ay kababakasan mo ng pangamba. Nagsimula na siyang magpanik dahil sa kakaibang ikinikilos ng binata. “Stop the car, now!” Matigas niyang utos ngunit parang wala itong narinig habang diretsong nakatingin sa unahan ng kotse.“Kapag hindi mo itinigil ang sasakyan ay tatalon ako!” Banta niya dito ngunit nagkibit balikat lang ito na lalong ikinainis ng dalaga. Kumilos ang kamay ni Xavien, habang nagmamaneho ang isang k
Magbasa pa
Chapter 152 [Book 5 of Hiltons family]
Miles Point of view“Ilang beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa malawak na salas, naikot ko na kasi ang buong Isla at halos wala akong makitang paraan na makaalis pa sa islang ‘to. Tanging chopper lang ang tanging paraan para makalabas sa isla o di kaya ay isang bangka. Kasalukuyan na nasa ikalawang palapag si Xavien at basta na lang akong iniwan nito dito sa salas. Kampante ang loob nito na iwan akong mag-isa dahil alam niya na hindi ako makakaalis ng Isla. Iniisip ko ngayon ang mga responsibilidad at trabaho ko na naiwan sa lungsod. Hindi ako pwedeng mawala ng matagal dahil siguradong hahanapin ako ng aking mga kliyente, at baka pati ang talyer ko ay mawala din sa akin. Natigil sa paghakbang ang aking mga paa ng napansin ko si Xavien na kasalukuyang bumababâ ng hagdan. Huminto siya sa tapat ko na may limang hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan. Galit na hinarap ko s’ya at isang nakamamatay na tingin ang ibinigay ko dito.“Hindi mo ako pwedeng ikulong sa Islang ito
Magbasa pa
Chapter 153 [Book 5 of Hiltons family]
Naalimpungatan ako ng malanghap ko ang mabangong aroma ng matapang na kape, pikit mata na kinapa ko ang kabilang bahagi ng kama. Mukhang maagang nagising si Miles and I’m sure nagluluto na ito sa kusina. Hindi talaga ako kumuha ng kahit isang katulong, maging ang mga bodyguard ko ay pinaalis ko rin. Kaming dalawa lang ni Miles ang nandito sa Isla, para malaya naming magawa ang lahat ng gusto naming gawin, oh, should I say, lahat ng gusto kong gawin? Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at masiglang bumangon dahil ngayong araw ay sisimulan kong binyagan ang bawat parte ng islang ito. Kaagad na pumasok sa loob ng banyo para ayusin ang aking sarili. Suot ang white t-shirt at boxer shorts na lumabas ng silid, ngunit, pagdating ko sa dining room ay tanging ang nakahandang pagkain sa lamesa ang nadatnan ko. Kunot noo na nilibot ko ang buong kabahayan ngunit hindi ko nakita si Miles. Lumabas na ako ng bahay dahil marahil ay nasa paligid lang lang ito.Pagdating sa labas ay napatd
Magbasa pa
Chapter 154 [Book 5 of Hiltons family]
Miles Point of view“Pwede ba lumayo ka nga sa akin.” Naiinis kong sabi bago hinawi ang mga kamay nito na mula sa likuran ko ay nakayakap ito sa aking baywang. Nakasimangot na lumapit ako sa sofa at pabagsak na umupo. Ngunit, ang magaling na lalaki ay nakasunod sa likuran ko ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa mga labi nito. Nabubwisit ako sa kalandian ng lalaking ito dahil wala na siyang ginawa kundi ang dumikit at yumakap sa akin. Halos araw-araw na lang ay ang mukha nito ang nakikita ko na kulang na lang ay magpalit na kami nito ng mukha.“Hindi ka ba kinikilig kapag kasama ako? Your so lucky dahil nasa iyo ang buong atensyon ko.” Anya sabay baon ng mukha nito sa pagitan ng aking leeg, eto na naman s’ya, nagsisimula na naman ang gago na ‘to. Isa ito sa ikinaiinis ko ang maya-maya na lang akong gagamitin na parang akala mo ay laging nagmamadali. “Tama ka, kinikilig ako, dahil naiihi ako! Ano ba lubayan mo nga ako!” Asar-talo kong sabi saka tinabig ang kamay nito na nagsisimula
Magbasa pa
Chapter 155 [Book 5 of Hiltons family]
Ilang minuto na nakatitig si Xavien sa naka saradong pintuan ng kwarto habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Batid niya na naging totoo lang ang dalaga sa kung ano ang nararamdaman. Ngunit, hindi pa rin maiwasan na masaktan siya sa mga salitang binitiwan nito. Pakiramdam niya ay tila nagkapira-piraso ang puso niya at halos hindi na niya kayanin ang bigat ng kanyang dibdib. Bagsak ang mga balikat na tumungo siya sa kabilang kwarto para maligo at upang makapag bihis. Pagkatapos ay tahimik niyang nilisan ang Isla. Halos mag-i-isang linggo na silang namamalagi sa isla pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya na mabuksan ang puso nito para sa kanya. Makalipas ang ilang oras ay nasa tapat na siya ng kanilang Mansion. Mula sa salas ay nagulat si Summer at ang ina nito na si Mrs. Hilton, dahil sa biglaang pagdating ni Xavien. Sabay pa na kumunot ang kanilang mga noo ng hindi man lang sila pinansin ng kapapasok lang na si Xavien. Dumiretso kaagad ito sa counter ng kanilang mini
Magbasa pa
Chapter 156 [Book 5 of Hiltons family]
Nang tuluyang makaalis si Xavien ay napako naman ang tingin ni Summer at ng ina nito sa mukha ni Storm. “What?” Inis na tanong ni Storm bago muling tinungga ang laman ng kanyang baso. “Nag-away ba kayo ni Misaki, Storm?” Tanong ni Mrs. Hilton habang si Summer ay tahimik lang na nakamasid, naghihintay sa paliwanag ng kanyang kapatid. Ngunit, nanatili na tahimik lang si Storm na akala mo ay walang narinig. Makikita sa mukha nito na irritable siya at halatang may kinakaharap na problema. Ito ang mahirap kay Storm, hindi basta naglalabas ng sama nang loob at madalas ay sinasarili ang problema. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone nito na nasa kanyang harapan. Pagkatapos itong sulyapan ay isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sinagot ang tawag.“Nasaan na ang pangit na ‘yun!? Sabihin mo sa kanya na umuwi siya dito!” Nagulat ang mag-inang Lexie at Summer ng marinig ang galǐt na boses ni Misaki mula sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. Para i
Magbasa pa
Chapter 157 [Book 5 of Hiltons family]
“S-Sweetie…” hindi maiwasan ni Storm ang humanga sa mala anghel na mukha ng kanyang si Mio ng sumalubong sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Ganito ang sistema nila araw-araw na parang akala mo ay hindi nag-away. Dahil pagkatapos siyang palayasin nito kanina ngayon naman ay naglalambing ito na akala mo ay isang taon na hindi sila nagkita.“Hm?” Malambing na sagot ni Misaki habang patuloy na hinahaplos niya ang mabatong katawan ng kanyang asawa. Hindi na nakapagpigil si Storm at kaagad na sinibasib ng halik ang mga labi ng kanyang asawa. Mapusok na tinugôn ni Misaki ang mga halik nito habang ang malambot niyang palad ay dumausdus pababa. Napasinghap si Storm ng tuluyang pumasok ang palad ng asawa sa loob ng kanyang pantalon. “Hmmmm…” impit niyang ungol ng hawakan ng mainit nitong palad ang kahabaan ng kanyang kargada. “F**k…” daing ni Storm ng masuyong haplusin si Misaki ang naninigas niyang sandata sabay sapo sa kanyang i***g, “I miss you…” naglalambing na bulong ni Misaki sa p
Magbasa pa
Chapter 158 [Book 5 of Hiltons family]
“Anong niluluto mo?” Napaigtad ako dahil sa biglang pagsulpot ni Xavien mula sa aking likuran. Pumulupot ang mga braso nito sa maliit kong baywang saka ibinaon ang mukha nito sa pagitan ng aking leeg. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa matinding kiliti, humigpǐt din ang pagkakahawâk ko sa sandok. “A-adobo…” halos mautal ako sa pagsasalita at hindi ko alam kung paanong kikilos sa harapan nito dahil naiilang ako sa matigas na bagay na siyang tumutusok sa bandang puwitan ko. “Mabango…” ani nito na batid kong hindi ang niluto ko ang tinutukoy nito dahil walang tigil ito sa kakasinghot sa aking leeg. “X-Xav… stop it…”. Nahihirapan kong saad, “do you really want me to stop?” Malambing niyang tanong sa tapat ng tainga habang ang pangahas nitong kamay ay gumapang na sa loob ng suot kong short. Sinapo ng kanyang mainit na palad ang pagitan ng aking mga hita kaya biglang nagulo ang buong sistema ko. Dumiin ng husto ang pagkakabaon ng mga ngipin ko sa aking ibabang labi dahil sa
Magbasa pa
Chapter 159 [Book 5 of Hiltons family]
“Blag!” Isang malakas na lagabong ang pumukaw sa aking atensyon kaya natigil ako sa aking ginagawa mula sa hood ng sasakyan. Umalis ako sa aking pwesto at umikot sa gilid nito upang makita ko ang gate kung saan nanggaling ang ingay. Maging ang aking kapatid at si Harold ay napalabas ng opisina kasama ang ng ilang empleyado ko. Naging seryoso ang ekspresyon ng aking mukha ng makilala ko ang tatlong lalaki na naka engkwentro ko noon. Ngunit, sa pagkakataong ito ay marami na sila. Sa tingin ko ay nasa sampung katao, at ang ilan pa sa kanila ay hindi pa lumalabas ng kotse. “Maurine, kailangan mong sumama sa amin dahil ipinapasundo ka na ni Boss.” Ani ng isang mayabang na lalaki at bahagya pang hinawi ang suot nitong polo. Batid ko na sinadya nitong gawin iyon upang ipakita sa amin ang baril na nakasuksôk sa tagiliran ng baywang nito. Nilingon ko ang aking kapatid at kita ko kung paanong namutla ang mukha nito. Halatang takot ito sa mga armadong lalaki.“Hindi n’yo pwedeng isama ang asaw
Magbasa pa
Chapter 160 [Book 5 of Hiltons family]
Tahimik akong nakasunod sa mga lalaking naglalakad sa unahan ko habang pasimple kong pinag-a-aralan ang buong gusali na pinagdalhan sa akin ng mga lalaking ito. Mula sa nakaawang na pintuan ng isang silid na aming nadaanan ay nakita ko ang isang babae na halos hubo’t-hubad habang kinukunan ito ng larawan sa iba’t-ibang anggulo. Halos ang lahat ng silid na aking madaanan ay puro may mga kababalaghan na ginagawa kaya nagpupuyos ng husto ang kalooban ko dahil sa labis na sama ng loob. Paanong nasadlak ang kapatid ko sa nakakasukang lugar na ito? Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang lantarang pagbebenta ng laman para lang sa isang video na pinakakakitaan ng kumpanyang ito. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at pakiramdam ko ay para na akong isang bomba na anumang oras ay maaaring sumabog. Sumasagi pa lang sa isip ko na ginagawa ng kapatid ko ang ginagawa ng mga babaeng ito ay parang gusto ko ng magwala o maglupasay sa sahig habang pumapalahaw ng iyak. “I said I don’t like it
Magbasa pa
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status