Lahat ng Kabanata ng Loving you is Complicated: Kabanata 51 - Kabanata 60
131 Kabanata
Chapter 49
Layla Bigla naman na nangunot ang noo ni Vexana dahil sa ginawa ko at mabilis na hinaplos nito yung braso na kinurot ko. "Ano ba kasi yang nakain mo at kinurot mo yang sarili mo hmmm?" masuyo na tanong nito sa akin. Habang patuloy lang ito sa pag haplos sa aking braso. Halos mahimatay naman ako sa kilig dahil sa ginawa niya. Tangina, ganito ba mag lambing ang isang ito shit lang hindi ako sanay na ganito siya ka sweet sa akin. Dahil nasanay ako na masungit at masama ang ugali na ipinapakita niya sa akin at hindi ang ganito siya na napaka hinahon niya pagdating sa akin. "Yung tanong ko kung pwede na ba kitang ipag damot sa iba. Yung hinihingi ko na karapatan na maging akin ka na pag aari na kita?" tanong naman nito sa akin habang masuyo na naka tingin pa rin ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ako maka paniwala kung totoo ba talaga ang lahat ng ito. Pero wala na talaga akong magagawa pa kung nahulog na ito ng tuluyan sa charm ko. Kawawa naman siya kung hindi ko siya sa sag
Magbasa pa
Chapter 50
Layla Naka simangot pa rin ako kahit na sinabi niyang para naman sa akin ang pag papa sexy niya na yun. E ayaw ko nga na may ibang makakita na ganyan siya bakit ba. Basta ako lang dapat. Tsaka hindi nito ako kailangan na akitin pa kasi naman kahit wala siyang ginagawa ay naaakit na ako kaagad sa kanya. "Ah basta ayaw ko na mag suot ka pa ng ganyan. Subukan mo lang talaga Vexana. Sinasabi ko sa iyo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta ko naman dito. Natatawa naman na tumango na lang ito sa aki. habang pinanggigilan naman ang aking pisngi at pinisil pisil pa yun na mabilis ko naman na tinabig. "Opo hindi na mauulit hmmm kaya ngiti kana dyan ha. Sa kaka ganyan mo baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at mahalikan kita dyan." naka ngiti na sagot naman nito at ngayon nga ay naka titig na ito sa aking labi ngayon. Kaya naman mabilis na hinila ko na ito at niyaya na siyang umalis na kami dahil dumidilim na nga at baka abutan na nga kami ng gabi kapag nag lampungan pa ka
Magbasa pa
Chapter 51
VexanaPansin ko lang na ilang linggo na akong iniiwasan ni Layla at hindi ko nagugustuhan ang bagay na yun. At ang mas ikinaiinit pa ng aking ulo ay ang pagiging malapit nito sa pinsan ko na si Ate Alice. Malakas ang pakiramdam ko na may gusto talaga itong si Ate Alice kay Layla kaya hindi pwede yun. Baka tuluyan ng mahulog ang loob ni Layla dito na hinding hindi ko mapapayagan na mangyari. Aamin na ako na unang kita ko pa lang kay Layla noon nung inaya ako ni Hanabi na pumunta sa kanilang bahay 1st year college pa lang kami that time tapos alam ko na may kapatid pa siya at yung Layla nga ang pangalan. Hindi naman ako interesado dito kahit na panay ang kwento ni Hanabi sa kanyang kapatid na ang talino nga daw nito pero tamad na sumali sa mga organization na ganyan kahit na ito na mismo ang nilalapitan ng mga guro para lang sumali siya pero tinatanggihan lang daw nito. Kaya naman pag punta ko sa kanila ay sakto naman na nasa sala kami non tapos yung kapatid niya ay papasok galing
Magbasa pa
Chapter 52
Vexana Kaya naman ng malaman ko na dito sila kakain ng agahan ay mas nauna na ako sa table na pina prepare nito. para naman mas lalo lang mainis sa akin ang pinsan ko. Alam ko naman na inis na inis na ito sa akin e. Hindi nga lang ako mapa kitaan nito ng masamang ugali niya kasi nga ay kaharap namin si Layla pero kung wala lang ito ay malamang na mag aaway na kaming dalawa ngayon. Pero Hindi naman ako papayag na basta basta na lang mag papatalo sa kanya no. Kahit mas matanda siya sa akin ay papatulan ko din siya. Hindi na ako yung batang lampa noon na kayan kayanin lang nito na paiyakin ako. Lahat ay nag babago at isa na ako doon kaya naman alam ko na kunting kunti na lang talaga ako sa kanya. Pero hindi ako takot dito. Mas takot pa ako na baka mabaling dito ang pagka gusto ni Layla sa akin. Nang maka upo na ang mga ito ay agad naman na hinawakan ko ang mga kamay ni Layla sa ilalim ng lamesa alam ko na hindi ito gagawa ng iksena na ikasasama nito. Kaya naman kahit na pilit na hin
Magbasa pa
Chapter 53
Vexana Mas lalo ko lang inilapit ang sarili ko sa kanya na mas lalo naman nag papula sa mukha nito at ngayon nga ay hindi na ito maka tingin sa akin ng diritso kaya naman ang bu bunyi ang loob ko dahil doon. Patunay lang kasi na may effect pa rin ako sa kanya. Hindi naman halata na may gusto pa rin siya sa akin. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at hindi ko na rin mapigilan pa ang aking sarili ay hinalikan ko ito sa noo. Para naman. mawala ang effect ng pag halik ni Ate Alice dito kanina. Tsaka niyakap ko na rin siya ng mahigpit sabay bulong dito ng "Hindi pa tayo tapos mag usap." pagka sabi ko nun ay agad na rin akong umalis. Baka kasi hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at hindi lang halik sa noo ang magawa ko sa kanya. Lalo pa nga at amoy na amoy ko na siya ngayon pati na rin ramdam na ramdam ko ang napaka lambot nitong katawan na nag papainit lang lalo sa akin. Sama mo pa ang napaka bago nitong amoy na nanonoot sa kalob loban ko. Kaya naman kahit labag sa loob
Magbasa pa
Chapter 54
Vexana Pag baba ko ay dumiritso na kaagad ako sa kusina upang uminom sana ng tubig pero bago pa ako makapasok sa loob ay nadinig ko na kaagad ang pakikipag usap ng pinsan ko kila Manang. "Ako po ngayon ang mag luluto pwede na paki assist na lang po ako. Sabi ko kasi kay Layla na ako ang mag luluto ngayon e." sabi nito kila manang. Kaya naman ipinag paliban ko na muna ang pag pasok sa kusina. Mamaya na lang siguro ako papasok para naman isipin nito na wala akong alam sa plano niya. Kaya dumiritso na muna ako sa may garden upang mag palamig doon pansamantala. Nag palipas muna ako ng isang oras bago ko naisipan na bumalik na sa loob at dumiritso na nga ako sa may kusina. Sakto naman na sila manang na lang ang nandoon kasi tapos na daw mag luto si Ate Alice. Kaya naman ang ginawa ko ay nag luto din ako para naman makita kung anong luto ang magugustuhan ni Layla. Marunong naman ako mag luto kasi yan na lang ang libangan ko kapag nasa bahay ako at wala masyadong ginagawa. Nag papaturo
Magbasa pa
Chapter 55
VexanaKumakain na kami pero panay ang tingin ko kung ano ang ulam na kinakain nito at lihim naman na napapangiti ako paano ba naman kasi at halata naman dito na yung niluto ko na ulam ang madalas na sandukin nito. Gusto ko sana na humalakhak sa tuwa dahil kitang kita ko ang medyo pagka bad trip na ni Ate Alice ngayon. Lalo na ng di sinasadya ay tumingin ito sa akin. Na sinabayan ko naman ng kindat dito sabay nguso pa sa pagkain. Paano naman kasi ay siya lang naman halos ang kumakain nung niluto niya. Kahit nga ako ay hindi na nag tangka pa na tikman man lang pang yung luto nito. Aba alam ko naman na hindi ito magaling mag luto. Baka kung ano pa ang mga nilagay nito sa pagkain. Mabuti na nga lang at hindi din trip ni Layla ang niluto nito. Hayst alam ko naman kasi na hindi masyado sa masasabaw na pagkain ito kaya nga hindi ganun ang niluto ko e. Akala ko pa naman ay nag research na ito ng tungkol kay Layla. Hindi pa naman pala. Natutuwa naman na ipinag patuloy ko na lang ang pagka
Magbasa pa
Chapter 56
Vexana Pag labas ko ng room ko at sakto an padaan ako sa room ni Ate Alice ay narinig ko na may kausap ito sa kanyang phone. Medyo naka open kasi ang pinto nito at medyo malakas din ang kanyang boses kaya dinig na dinig ko ang pag sa salita ni Ate. Wala naman sana akong balak na makinig sa usapan ng mga ito dahil unang una ay wala naman akong pakialam dito pangalawa ay hindi ako si marites na lahat na lang ay gusto pakialamanan at gusto e broadcast ang kanyang mga nalalaman na may dagdag bawas pa. Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang sumunod na sinabi nito sa kanyang kausap. "Wala na bang ibang choices kung hindi ang kailangan na pumunta na kaagad ako dyan? Hindi ba yan kayang ayusin na hindi kailangan ng presensya ko?" sunod sunod na tanong nito sa kanyang kausap. Natigilan naman ako dahil doon. So ibig sabihin ay aalis siya ngayon at ma so solo ko ngayong araw na ito si Layla. Dahil doon ay hindi ko naiwasan na mapangiti ng malaki. Ito na ba ang sign upang gawin
Magbasa pa
Chapter 57
Vexana "Wala si Ate Alice at umalis kaya ako ang kasama mo mamaya mamasyal pupuntahan kita dito bago mag 4 kaya mag ready ka na kaagad sa ayaw at sa gusto mo." inis na sabi ko naman sa kanya. Kahit na ang gustong gusto ko ng gawin ngayon ay ang halikan ito at yakapin dahil matagal ko ng gustong gawin sa kanya yun pinipigilan ko lang ang aking sarili. Nakita ko naman ang pag ismid nito kaya lihim na lang akong napangiti dahil doon. Ang cute lang kasi niya kapag nag ga ganyan siya. Hayst wala naman yatang hindi cute dito e. Lahat na lang ng gawin niya ay cute sa paningin ko. Matapos kong masabi ang salita na yun ay mabilis na akong umalis sa harapan niya at baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at kahit hindi pa kami nito ay mahalikan ko na siya kaagad. Nang maka alis na ako sa room nito ay dumiritso na akong muli sa baba upang e sure kung okay na ba yung pinapalinis ko na ATV na siyang gagamitin namin sa pamamasyal ni Layla mamaya. Nang makita ko na tapos na itong linisa
Magbasa pa
Chapter 58
Vexana Nang maka sakay na ako ay agad na kinuha ko ang kamay nito at ipinilupot yun sa bewang ko. Mag po protista pa sana ito pero agad na sinamaan ko ito ng tingin kaya naman wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sundin na lang nito ang gusto ko. Takot din yata na baka kung ano ang gawin ko sa kanya. Wala kasi dito ang kanyang tagapag tanggol na si Ate Alice kaya hindi yan pwede na mag inarte sa akin baka halikan. ko siya pag nag inarte pa ito na sana ay gawin niya para may dahilan ako na gawin sa kanya ang bagay na yun. Hinihintay ko nga din na tawagin a ko nitong Ate Vexana e. Nang maka halik na ako dito. Yun kasi ang panakot ko sa kanya dahil inis na inis na ako dito na panay ang Ate nito sa akin. Feeling ko tuloy ang layo masyado ng Agwat ng edad namin na dalawa. Parang tuloy ang tanda tanda ko na e 4 yrs lang naman ang agwat namin sa totoo lang. Maya lang ay naramdaman ko na lang ang pag sandal ng ulo nito sa likod ko at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa aki
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status