6 YEARS AGO…“I CAN’T BELIEVE THIS. YOU JUST HUMILIATED ME, MS. SY. YOU HUMILIATED US.”Kusang nabura ang mga ngiti ko nang sabihin iyon ni Mr. Saavedra sa seryosong tono.Hindi pa man ako tapos sa pagpapaliwanag ng presentation na inihanda ko ay may ganoong komento na akong natanggap agad. And yes, I am already taking it as a negative comment. A sign na maaaring hindi maganda ang kahinatnan ng ginagawa kong ito.“W-What do you mean by that, S-Sir? Hindi niyo na po ba ako… papatapusin muna before you make your decision?” kinakabahang tanong ko.“No, no. Hindi na kailangan. I… Together with my constituents right here, already made our decision,” diretsang sagot nito.Nanghina ako. “I-Is that a no? Ibig po bang sabihin noon na hindi kayo mag-iinvest sa amin six months from now?”Hindi agad sumagot si Mr. Saavedra. Tiningnan niya lang ako ng mataman, tsaka siya tumingin sa dalawang kasama niya na tumango naman.“Maupo ka muna, hija,” utos niya na sinunod ko naman.Sa pagkakataong ito ay
Read more