Share

CHAPTER SIX : DISC JOCKEY TURNS INTO CEO

MATAPOS akong kausapin ng binatilyo ay nagmamadali akong dumiretso sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng gusto kong pagkain ay nagmasid ako at hinanap ang lamesang inookupa nina Jenniecah at Khloe. Nakita ko naman agad ang mga ito dahil kinakawayan ako ng mga ‘to para matawag ang aking pansin.

"Ang akala namin wala ka ng balak bumaba para kumain." Napansin kong hindi pa nila nagagalaw ang pagkain nila kaya napakunot ang noo ko.

‘Hinintay ba nila ko?’

"Bakit hindi pa nababawasan 'yang mga pagkain niyo? Kanina pa kayo rito ah…"

"Malamang, hinihintay ka namin diyaan. Mamaya kapag kumain agad kami, magtampo ka kasi hindi ka hinintay." Pairap na sabi ni Khloe kaya napangisi na lang ako. Inismiran lang ako ni Jenniecah. Umupo na ko at saka lang sila nagsimulang kumain kasabay ko.

"Thank you sa paghihintay. Kaya rin ako natagalan kasi may biglang humarang na lalaki sa ‘kin kanina doon sa hallway." Pagbibigay alam ko sa kanila at natigilan naman sila sa pagsubo. Nabaling ang tingin nila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status