Chapter 6
Money rules everything. Iyon ang totoo. Hindi man ako nag-aaral ngayon ay mulat ako sa mga nangyayari sa paligid. Hindi ko masisisi si Sir Armiel kung ang tingin niya sa mga mahihirap ay mapagsamantala.Tumatak sa isipan ko iyon. Parang mali ang pagiging mahirap pero wala naman kaming magagawa.Sa gabing iyon ay hindi ko magawang makatulong. Tulog na ang mga kasamahan ko habang ako ay nakatulala lang sa kisame. Gusto ko ng bagong buhay. Iyong hindi mayaman pero iyong hindi ako mapipilitan na huminto sa pag-aaral.Nagawa kong makatulog pero umaga na pero kinabukasan ay maaga pa rin akong nagigising para magtrabaho. At doon lang umikot ang oras ko sa mga sumunod na araw. Tulog, kain, trabaho, at wala ng iba. Laking tuwa ko lang dahil sa mga araw na iyon ay kulong si Sir Armiel sa kwarto at hindi ako ang napag-uutusan para dalhan ito ng meryenda kaya hindi ako nakarinig ng kahit ano mang pagsusungit sa kanya.At sa sumunod na linggo ay sobrang tuwa ang naramdaman ko nang makuha ko ang unang sahod ko. Tuwing kalahating buwan at katapusan ng buwan ang sahuran kaya halos manginig ako habang nakatanaw sa mga bughaw na papel sa loob ng sobre.“Anong bibilhin mo? Unang sahod mo?” masayang tanong ni Helga at doon unti-unting nawala ang saya ko. Naalala ko na lahat ng ito ay kukunin ni Tita.“Wala,” mahinang sagot ko saka marahan na ngumiti.“Bumili ka kahit isang t-shirt o short lang. At pinapasabi pala ni Manang Juanita na asikasuhin mo na raw ang mga accounts mo tulad ng SSS at philhealth. Malaking tulonh iyon. Sagot naman ni Don Frederick ang lahat. Siguradong may makukuha ka kapag naisip mong huminto na sa pagiging katulong,” sabi niya at kita ko sa mukha niya ang tuwa dahil sa sahod na natanggap namin.Sobrang laki na nito para sa akin. Gustuhin ko mang bumili ng kahit isang damit lang ay alam kong hindi pwede. Makikusap ako kay Tita na baka pwede kong kuhanin ang limang daan man lang para may ipon ako kahit paano.At alam siguro ni Tita na eksaktong ngayong araw ang kalahati ng sahod ko kaya mabilis itong tumawag. Malungkot kong binasa ang huling mensahe niya sa cellphone kong may pindutan na pinaglumaan lang ng pinsan ko.Pinapauwi ako ni Tita para maibigay ko ang sahod.At sa sumundo na araw na dahil day off ay umuwi ako. At iyon kaagad ang unang hinanap ni Tita na dahan-dahan ko namang inabot kaya ngumiti siya ng malaki.“Mabuti naman!” masaysang sambit niya habang nagbibilang ng pera habang ako nakatanaw lang.“Tita, baka pwede po akong humingi kahit limang daan lang—” naputol ang pagsasalita ko nang abutan niya ako ng singkwenta pesos.“Ayan, pamasahe mo pabalik sa mga Lizares. Iyong pinagagawa ko sa’yo, Aryen. Huwag mong kalimutan,” banta niya saka ako tinalikuran habang patuloy parin sa pagbibilang ng perang ibinigay ko.Malungkot naman akong napatingin sa singkwenta pesos na binigay niya at kalaunan ay wala na akong nagawa kung hindi ilagay iyon sa bulsa ko para may pamasahe ako pabalik sa mansyon.Pagkabalik ko sa mansyon ng mga Lizares ay mas malaking kaba ang dala ko. Bago kasi ako umalis ng bahay ay paulit-ulit na inihabilin ni Tita ang pang-aakit ko dapat sa nag-iisang tagapagmana. Na alam kong hinding-hindi ko magagawa. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan dahil kapag sinabi ko kay Tita ang totoo na ayaw ko ay hindi siya magdadalawang-isip na saktan at palayasin ako.Wala akong mapupuntahan.Tulala akong naglilinis ngayon sa ikalawang palapag at mag-isa lang ako ngayon dito. Nasabi ni Helga kanina na may pupuntahan sina Don Frederick at Sir Armiel kaya wala na siguro sila dito ngayon. Nagpupunas ako ng mga frames na nakasabit nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sir Armiel sa likuran ko.Nilingon ko siya kahit pa nasa alanganing posisyon ako. Nakatingkayad ako habang hawak ang frame at iyon ang naabutan niya. At hindi ko mabitawan ang frame kahit pa nakita ko ang paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Wala pa siyang sinasabi nang mamataan ko si Don Frederick na naglalakad palapit. Kaagad akong nataranta kaya nabitawan ko ang frame at nahulog iyon ng tuloy-tuloy. Pero mabuti at gawa iyon sa matibay na kahoy kaya hindi nabasag.“Third,” tawag ni Don Frederick sa apo na kunot ang noo. Halata ang inis sa mukha ni Sir Armiel na parang kung pwede niya akong alisin sa paningin niya ngayon ay ginawa na niya.“Lo, I want her out of here,” malamig na sambit nito kaya napabaling rin sa akin si Don Frederick.“Yen, please—”“I want her fired,” dagdag ni Sir Armiel na siyang ikinailing ni Don Frederick. Natakot ako at hindi ko alam ang gagawin pero ng bahagya akong nginitian ni Don Frederick ay nakampante naman ako na hindi ako mawawalan ng trabaho.“Third, I am the one who will decide about my maids here,” matigas na sambit ni Don Frederick kaya sarkastikong tumingin sa akin si Sir Armiel. Nang-iinsulto iyon at tila nandidiri.“Hindi ako magtataka kung isang araw ikakasal ka sa isang katulong, Lo. I hate your principles. I hate it,” Sir Armiel said. At naglakad siya paalis pero bago siya lumampas sa akin ay sadya niya akong binangga sa balikat kaya muntik na akong mapaupo.Napabuntong hininga naman si Don Frederick at tumingin sa akin na tila humihingi ng tawag. Don Frederick is the kindest. Walang namana si Sir Armiel kahit katiting sa kabaitang iyon.“I’m sorry, Hija. Please continue your work and be a little bit careful,” sabi niya.“Sorry po, Don Frederick,” mahinang sabi ko saka mabilis kong pinulot ang frame na nahulog. Hindi na niya ako sinagot at bumaba na sa hagdanan habang ako ay pikit na pinakalma ang sarili saka muling bumalik sa pagpupunas.Gabi na nang umuwi si Don Frederick kasama ang driver at maraming mga bodyguards. Wala si Sir Armiel kaya at isa ako sa napag-utusan para ihatid ang mga gamit ni Don Frederick sa kwarto niya. Kasama ko ang dalawang katulong pero umalis sila kaagad pagkalapag ng mga gamit habang ako ay inayos ko pa ang higaan ng Don.“Yen, can you help me with this, Hija? I am getting older. I can’t do the things I used to do alone,” sabi niya at paglingon ko sa kanya ay nakita kong nahihirapan siya maghubad ng coat na itim.“Tulungan ko na po kayo,” magalang na sambit ko at dahan-dahan siyang tinulungan para mahubad iyon ng maayos. At hawak-hawak ko ang coat ni Don Frederick at nakatingin siya sa akin habang bahagyang taas ang kamay nang bumukas bigla ang pinto.At namutla ako nang makarinig ng malakas na mura.“So am I right? You are a wh*re?! F*ck, Lo! You stoop this low! Disgusting!” galit na sigaw ni Sir Armiel habang nanlilisik ang itim na itim na mga mata.“Hindi po—”Hindi ko natapos ang pag-depensa ko sa sarili ko nang malakas akong kaladkarin ni Sir Armiel.“Third!” sigaw ni Don Frederick pero malakas akong dinala ni Sir Armiel sa labas ng kwarto at tuloy-tuloy na kinaladkad pababa ng hagdanan. Mabilis na tumulo ng masagana ang mga luha ko habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa akin pero sobrang lakas niya.“Yen!” sigaw ni Helga nang makita akong kinakaladkad ni Sir Armiel pero kagaya ng ibang katulong ay wala rin siyang ibang magawa.Tuloy-tuloy akong kinaladkad hanggang sa labas ng mansyon. At sa pagtulak niya sa akin sa damuhan ay doon bumuhos ang ulan. Kaagad akong nabasa at ganoon rin si Sir Armiel pero hindi siya tumigil. Nanlilisik ang mga mata niya at kaagad niya akong dinuro.“You will get out of here! This house doesn’t need a wh*re! Disgusting! Dirty! Desperate!” sigaw niya.Mabilis akong umiling at hindi na makapagsalita sa lakas ng hagulgol ko.Hindi siya nakuntento. Bahagya siyang lumuhod para mahigpit akong hawakan sa panga. Sobrang sakit pero wala akong magawa kung hindi umiyak at magmakaawa.“Wala po akong ginagawa—”“Sh*t the f*ck up!”Malakas niya akong binitawan at doon ako gumapang. Gumapang ako hanggang sa tuluyan akong lumuhod sa harap niya. Kusang huminto ang ulan pero patuloy pa rin ang mga luha ko sa pagtulo. Lumuhod ako sa paanan ni Sir Armiel at unti-unting kong tinakpan ang mga mata ko ng mga palad ko.“Maawa po kayo, wala akong ginagawang masama. Tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” humahagulgol na sambit ko at doon ko siya tininghala. Nakita ko ang galit niyang mga mata pero may halong gulat iyon.“Liar,” matigas na sambit niya kaya unti-unti kong inabot ang mga paa niya pero mabilis siyang umatras na tila napapaso.“Huwag niyo po akong tanggalan ng trabaho. Maawa po kayo. Wala na po akong papasukan. Malinis po ang intensyon ko. Trabaho lang po ang ipinunta ko dito. Maawa po kayo,” nagmamakaawang sambit ko pero wala siyang sinabi na kahit ano. Tiningnan lang niya ako at hindi ko na mabasa ang ekspresyon niya sa sobrang pag-iyak.“Third!”Dumagundong ang boses ni Don Frederick pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Sir Armiel. Sa patuloy na pagtulo ng mga luha ko at paglabo ng paningin ko ay bigla kong nangiti ang bahagyang awa sa kanya na mabilis ring napalis.“Sorry po, sorry po,” humahagulgol na sambit ko ng paulit-ulit habang nakaluhod pa rin.Umatras siya ng ilang hakbang.“Third!” muling sigaw ni Don Frederick habang ako ay mas natakot sa posibleng mangyari sa akin. Posibleng mawalan na ako ng trabaho.“Get up, fix yourself,” malamig na sambit niya at doon ako tuluyang tinalikuran kaya mas lalo akong umiyak. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko para pilit na ikulong ang hagulgol at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang tuwalyang bumalot sa akin at nang lingunin ko iyon ay nakita ko ang naaawang mga mata mata nina Manang Juanita at Helga.Chapter 7Tinulungan ako ni Manang Juanita at ni Helga na tumayo. Inalalayan rin nila ako pabalik sa maid’s quarter at kahit doon ay hindi pa rin matigil ang paghikbi at panginginig ko.“Pasensya ka na, Yen. Okay lang bang magtanong kung anong nangyari?” marahan na sambit ni Manang Juanita nang kumalma ako ng bahagya.Mahina akong umilong dahil ayaw kong pag-usapan ang mga nangyari. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako kay Sir Armiel.“Baka po paalisin na ako ni Sir Armiel?” takot na tanong sa kanilang dalawa pero marahan akobg inilingan ni Manang Juanita.“Naniniwala ako na wala kang ginawang masama. At hindi hahayaan ni Don Frederick mawala ang isang katulong basta-basta hanggat wala itong ginagawang masama,” marahan na sabi niya pero hindi pa rin ako nakampante at dala ko pa rin ang takot at kaba hanggang sa makatulog ako.Kinaumagahan ay nagdadalawang-isip akong lumabas dahil kinakabahan ako. Pero pinalakas ni Manang Juanita at ni Helga ang loob ko kaya nakayuko akong tumungo sa k
Chapter 8Hindi matanggal sa isip ko na muntik na akong malunod. Hindi ko lubos maisip o maalala kung ano ang eksaktong nangyari. Ang alam ko may malambot na dumampi sa mga labi ko na parang may s********p at iyon ang dahilan kung bqkit buhay pa rin ako hanggang ngayon.Inabot ako ng hating gabi sa pag-iisip sa bagay na iyon. At saktong alas dose ng hating gabi ay bumangon ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako sa quarters. At nang wala akong makitang kahit isang biscuit man lang ay nagpasya akong pumunta sa mansyon. Pero nang sinubukan kong buksan ang pinto na nasa dirty kitchen ay naka-lock na ito kaya napabuntong hininga na lang ako.Plano kong bumalik na lang sa quarters at matulog pero bigla kong nagustuhan ang pagdampi ng malamig na hangin sa akin kaya unti-unti akong naglakad hanggang sa makarating ako sa parte ng mansyon kung nasaan ang swimming pool.Naghahalo ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nagmumula sa swimming pool at mula rin sa mansyon mismo. Nagpatuloy ako s
Chapter 9Kinabukasan ay maaga pa rin akong umuwi sa bahay kahit pa nakuha na ni Tita ang sahod ko. Sobrang aga akong nakarating doon at naabutan ko silang kumakain ng agahan. Inis na tingin ang iginawad sa akin ni Tita pero natuon lang ang tingin ko sa lechon manok na ulam nila at may softdrinks pa.“Oh? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Bumalik ka doon sa pinagtatrabahuhan mo at gawin mo ang pinagagawa ko!” sigaw ni Tita at inis na binato sa akin ang buto ng manok na kinakain niya.Napaatras naman ako saka yumuko.“Ma, nagtitiwala ka ba diyan? Sigurado ako na nagtatanga-tangahan lang iyan doon,” nakaismid na sabi ni Jen habang patuloy na kumakain ng pagkain na siguradong binili nila galing sa sahod ko na kinuha ni Tita.“Umalis ka, Aryen! Huwag kang babalik dito hangga’t hindi umuusad ang pinapagawa ko sa’yo!”“Tita—”“Sabing alis eh! Bingi ka ba?!” malakas na sigaw niya kaya mabilis akong lumabas ng bahay para hindi na makatikim ng kahit anong pananakit. Gusto ko lang naman
Chapter 10“Massage my back, Yen. Don’t worry. I won’t think that you are pervert. I just need some pressure on my back,” mahina at medyo paos na sambit niya habang nakadapa pa rin.Nanuyo ang lalamunan ko at nanginginig man ang mga kamay ko ay maayos kong nailagay ang mainit na kape na dala ko sa bedside table.“Hindi po ako marunong,” mahinang sambit ko at halatang-halata sa boses ko ang kaba.“Diinan mo lang,” sagot niya at doon ako napalunok saka dahan-dahan na pinatong ang kamay ko sa likuran niya. Dahan-dahan ko iyong hinagod at hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o mali.“D*mn,” daing niya kaya mabilis akong huminto sa ginagawa sa takot na magkamali.“Hindi po ako marunong,” tarantang sambit ko at doon ko narinig ang mahina niyang pagtawa.“Just put a little more pressure. But you are doing good,” he said. Bahagya niyang tinuro ang parte ng likod niyang gusto niyang masahehin ko.I then again slowly put my palms on his back. Ang init na dala ng balat niya ay nagiging dah
Chapter 11Pumasok siya sa isang kotse. Nagdadalawang-isip akong pumasok rin pero nang bumusina siya ng dalawang beses ay dali-dali kong binuksan ang pinto sa likod ng driver’s seat para doon umupo. Pero nang makapasok ako ay nilingon niya ako gamit ang inis niyang mga mata.“Am I your driver?” inis na tanong niya kaya hindi ako nakapagsalita sa sobrang pagtataka.Mas lalong nakitaan ng inis ang mukha niya kaya lalo akong hindi nakagalaw. At hindi ko rin alam ang gagawin ko.“Lumipat ka dito sa harap,” inis na sabi niya ulit kaya doon ako biglang natauhan at dali-dali na lumabas para lumipat sa harap.His jaw clenched so I slightly cleared my throat. Napatingin ako sa kamay niyang nasa manibela ng kotse at napahanga ako dahil nakita kong alam na alam niya iyon. Ito ang isa sa maganda kapag pinanganak na mayaman. Hindi magiging mangmang sa mga bagay-bagay.Nang mapaandar niya ang kotse ay napahawak ako sa inuupuan ko.“Your seatbelt,” biglang sabi niya at bahagyang lumingon sa akin per
Chapter 12Mabilis siyang pumasok sa mansyon nang hindi lumilingon pagkarating namin habang ako ay medyo wala sa sarili dahil sa chichirya na bigay niya. Ang hirap na ngang lunukin ang tubig na galing sa kanya tapos may chichirya pa.Wala sa sarili akong naglakad patungo sa quarters namin at naabutan ko doon si Helga na kaagad akong nginitian ng malaki.“Saan kayo galing? Wow! Pahingi!” Hindi ko na napigilan pa si Helga sa pagkuha niya ng malaking chichirya mula sa akin. At sumunod na lang ang mga mata ko sa walang ingat niyang pagbukas doon ay sunod-sunod na pag kain. Inalok niya ako at sa huli ay hindi ko naman napigilang matawa dahil halos tatlong piraso lang ang nakain ko kumpara sa kanya.Masarap ang chichirya.Nang maubos ang laman ay maingat kong tinupi ang plastic saka tinago kasama ng mga gamit ko. Wala sa sarili akong napangiti pero nang ako mismo ang nakapansin ay mabilis ko ring binura ang ngiti sa mukha ko ay tumikhim. Paiba-iba ang ihip ng hangin. Pero sana, sana payap
Chapter 13We accidentally kissed. Napapikit ako at muli kong naalala ang nangyari. Kahit pa nandito na ako sa quarters namin ay hindi pa rin maalis sa isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko.That was just one second. Isang segundo lang pero parang halos mabaliw na ako.Nakakahiya.Matapos ang nangyari kanina ay pumasok sa loob ng mansyon si Sir Armiel na parang walang nangyari at ako pinabalik ni Manang Juanita dito sa quarters. At mula kanina ay hindi pa ako nakakalabas dito. Nahihiya at natatakot rin ako. Nawala ako sa pagkakatulala nang makarinig ako ng malakas na tikhim. Kaagad ko iyong nilingon at nakita ko si Helga na malaki ang ngisi.“Ang swerte naman ng babaeng ito,” biro niya saka ako marahang niyugyog.Napalunok ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Muli pa sanang manunukso si Helga nang pumasok si Ate Ana.“Ang daming trabaho sa labas tapos nandito lang kayo nag-iinarte. Pare-pareho tayo ng sahod kaya umayos naman kayo,” sabi niya saka padabog na kumuha ng
Chapter 14“Sir!” sigaw ko at mabilis akong lumayo sa kanya. Mahina siyang natawa dahil doon saka dahan-dahan na humiga ng maayos.“I need some meds,” pag-ulit niya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Napako na ako sa kinatatayuan ko at kung hindi niya ako nilingon muli ay hindi ako makakagalaw.Mabilis akong tumakbo palabas dala ang nagwawala kong puso. At hingal na hingal ako nang makababa na halos mabangga ko na si Manang Juanita.“Anong nangyari?” gulat at nag-aalala na sambit niya na mahina kong ikinailing.“Masakit daw po ang ulo ni Sir Armiel. Nanghihingi po ng gamit,” hingal na hingal na sambit ko.“Ang batang iyon naman. Walang pasabi kung dumating. Ano pa ba ang kailangan niya? Nanghihingi ba ng pagkain?” sunod-sunod na sambit ni Manang Juanita at tanging pag-iling lang ang sinagot ko.Nang makuha ko ang gamot na sinamahan ko na rin ng tubig ay maingat na akong bumalik sa taas. Alam kong posibleng tulog si Sir Armiel pero kumatok pa rin ako. At nang walang umimik sa loob a