Chapter 15Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nananaginip. Gusto kong isipin na hindi ito totoo. Parang pinaglalaruan lang ako ng isip ko.I was about to close my eyes but I heard his low chuckle. At doon ako unti-unting nakaramdam ng hiya. “Cute,” iyon lang ang sinabi niya bago niya ako talikuran para lumapit sa lamesa kung saan ko nilagay ang pagkain dala ko kanina. Halod uminit ang pisngi ko sa sobrang hiya na gusto ko na lang sana na hingin sa kinatatayuan ko na kainin na ako.Napapikit ako ng mariin at mahigpit na napahawak sa unipormeng suot ko. Gusto ng isip kong tumakbo ng sobrang bilis at huwag nang lumingon pa pero ang katawan ko ay hindi na makagalaw. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung paano ulit ako makakagalaw.Sobrang hiya ang nararamdaman ko. Ano ba ang iniisip ko kanina? Bakit balak ko pang pumikit? Nabingi na ako kanina. Nabaliw na rin ako. Nakakahiya.Sir Armiel started to eat. Nakamasid lang ako na parang tuod. Matapos ang unang subo
Chapter 16Is he advance thinking? Ako ba ang iniisip niyang mabubuntis?“Sir—”“Stop calling me Sir!” Napasiksik ako sa pinto ng kotse dahil sa galit niyang pagsigaw. Pilit kong pinakalma ang paghinga ko dahil ayaw kong makagawa pa ng ibang rason para mas magalit siya lalo. Ilang sandali pa ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umigting ang panga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.Walang nagsalita sa amin. Nanatili akong tahimik at ganoon rin siya hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nang huminto ang kotse ay mabilis siyang bumaba at hindi ko inaasahan ang pagbukas niya ng pinto mula sa labas para sa akin. Pero nandoon pa rin ang inis sa mukha niya.“Bring me a beer inside my room after five minutes,” he ordered before turning his back at me. Napalunok na lang ako saka napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga pinamili bago dahan-dahan na dumiretso sa kusina sa likuran. Kaagad akong humingi ng paumanhin kay Manang Juanita dahil hindi ko nabili lahat ng pinabibili niya
Chapter 1Kasalukuyan akong nagwawalis sa bakuran namin nang bigla kong maisip ang sinabi ng isa sa mga kapitbahay namin na naghahanap daw ng isang katulong ang mga Lizares. Dati kasi siyang katulong dito at noong nakaraan lang umalis dahil magtatrabaho sa ibang bansa. Wala sa sariling napatingin ako kay Tita Gina na abala sa paglilinis ng kuko niya sa maliit naming balcony. Kung papayagan ako ni Tita at gusto kong magtrabaho doon. Lalo na at may plano akong bumalik sa pag-aaral sa susunod na taon. Malaking tulong ang magiging sahod.Unti-unti kong tinabi ang walis na hawak saka ako lumapit kay Tita. Kaagad niya akong binalingan ng may inis sa mga mata.“Tita, nasabi kasi sa akin ni Tita Belcha na naghahanap daw ng katulong ang mga Lizares. Gusto ko po sanang subukan,” mahinang sabi ko pero natawa lang siya ng sarkastiko at umiling ng ilang beses.“Magtrabaho ba talaga o gusto mo lang lumandi ngayong usap-usapan sa buong Laveda na umuwi na tagapagmana nila? Wala ka talagang pinagkaib
Chapter 2Nakita ko ang opisina at kaagad kong nailagay doon ang dala ko. Nandoon rin ang mga katulong na sinusundan ko kanina.“Naligaw ka?” tanong ng isa kaya huminga ako ng malalim bago tumango.“Opo,” sagot ko at napatango naman ang dalawa na parang normal iyon.“Normal lang iyan dahil sa laki nitong mansyon. Tara na,” sabi ng dalawa at nauna na ulit lumabas habang ako ay nanatili pa para huminga ng malalim ulit. Sa narinig kong sinabi ni Sir Armiel ay bigla kong naalala ang mga habilin na Tita.Aakitin ko siya para sa pera.Pero paano?Wala pa man akong ginagawa mukhang pera na kaagad ang tingin nito sa akin.Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lumabas pero bago pa ako makaabot sa pinto ay pumasok si Don Frederick. Eighty years old na ito pero kung titingnan ang sobrang lakas pa rin. Isa ito sa dahilan kung bakit mayaman ang Laveda. Hindi matakaw sa pera at palaging nagdo-donate. Pero base sa nakita at narinig ko kanina ay ibang-iba ang ugali ng apo nito.“Aalis na po ako. Sala
Chapter 3Nang dumating ang araw ng linggo ay day off ko kaya nagpasya akong umuwi sa bahay. Naabutan ko si Tita Gina na nanonood ng tv. Wala si Jen dahil siguradong gumala na naman.“Tita,” mahinang bati ko nang makapasok ako sa bahay kaya kunot noo niya akong nilingon.“Bakit ka umuwi?” tanong niya kaagad at kitang-kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan na nandito ako ngayon.“Day off po kasi Tita—”“May sahod ka na ba?” pagputol niya sa pagsasalita ko.“Wala pa po. Baka sa susunod na linggo ko po matanggap ang kalahati ng sahod ko,” sagot ko kaya mabilis siyang tumayo habang masakit ang tingin sa akin.“Edi sana hindi ka na lang umuwi kung wala ka pang pera! Ano ginawa mo ba ang mga pinagagawa ko sayo? Baka nagtatanga-tangahan ka lang doon!” bulyaw niya kaya nagmamakaawa ko siyang tiningnan saka ako umiling.“Tita, hindi ko po kaya—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil malakas niya akong hinawakan sa siko saka tinulak.“Anong hindi kaya?! Tanga ka ba?!” galit na sigaw n
Chapter 4“Hindi po, t-tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” nanginginig na sambit ko habang patuloy ako sa pag-iyak pero wala lang siyang naging reaksyon. Patuloy lang niya akong pinanood sa pag-iyak. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.Pinaghalong galit, at gulat sa patuloy na pagragasa ng mga luha ko.Ilang sandali pa ay umatras siya. Pero hindi ako tuluyang nakahinga ng maluwag dahil doon. Mas nanghina ang mga tuhod ko at gustuhin ko mang punasan ang mga luha ko ay wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.“Leave,” matigas na sambit niya habang diretso sa akin ang tingin.Hindi ako nakagalaw kaya mas lalong umigting ang panga niya. Kita ko rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya na tila sobrang nagtitimpi ng galit.“I said leave!” Dumagundong ang boses niya sa buong palapag. At doon ako nagkaroon ng lakas para tumakbo palayo habang hindi inaalintana ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.Tumakbo ako pababa at tuloy-tuloy na tumungo sa maid’s quarter.“A
Chapter 5Kung pwede lang mamili ng trabaho ay gagawin ko. Sobrang takot na takot ako kay Sir Armiel na kung sakali mang uutusan ako ni Manang Juanita na may gawin para kay Sir Armiel ay gustong-gusto kong tanggihan. Sa nangyari kahapon ay nabuhay lalo ang kaba ko at takot ko. Nanginginig ako dahil baka dumating ang oras na hindi na lang masasakit na salita ang marinig ko.“Maayos na ba ang kamay mo?” tanong ni Helga nang makita akong nakatingin sa sugat kong maayos na nababalot ng band aid sa umaga. Marahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Doon naman siya napatitig sa akin ng matagal na tila manghang-mangha. At nang bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka ay tumawa siya ng mahina.“Yen, ang ganda-ganda mo talaga! Para kang inosente na walang alam sa hirap ng mundo. Ang ganda mo!” sabi niya kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya.“Hindi naman po,” nahihiyang sabi ko saka tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa kama ko para makatulong na sa labas kaya umayos na rin ng tayo si Helga. Masy
Chapter 6 Money rules everything. Iyon ang totoo. Hindi man ako nag-aaral ngayon ay mulat ako sa mga nangyayari sa paligid. Hindi ko masisisi si Sir Armiel kung ang tingin niya sa mga mahihirap ay mapagsamantala. Tumatak sa isipan ko iyon. Parang mali ang pagiging mahirap pero wala naman kaming magagawa.Sa gabing iyon ay hindi ko magawang makatulong. Tulog na ang mga kasamahan ko habang ako ay nakatulala lang sa kisame. Gusto ko ng bagong buhay. Iyong hindi mayaman pero iyong hindi ako mapipilitan na huminto sa pag-aaral.Nagawa kong makatulog pero umaga na pero kinabukasan ay maaga pa rin akong nagigising para magtrabaho. At doon lang umikot ang oras ko sa mga sumunod na araw. Tulog, kain, trabaho, at wala ng iba. Laking tuwa ko lang dahil sa mga araw na iyon ay kulong si Sir Armiel sa kwarto at hindi ako ang napag-uutusan para dalhan ito ng meryenda kaya hindi ako nakarinig ng kahit ano mang pagsusungit sa kanya.At sa sumunod na linggo ay sobrang tuwa ang naramdaman ko nang makuh