Share

Chapter 3

Chapter 3

Nang dumating ang araw ng linggo ay day off ko kaya nagpasya akong umuwi sa bahay. Naabutan ko si Tita Gina na nanonood ng tv. Wala si Jen dahil siguradong gumala na naman.

“Tita,” mahinang bati ko nang makapasok ako sa bahay kaya kunot noo niya akong nilingon.

“Bakit ka umuwi?” tanong niya kaagad at kitang-kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan na nandito ako ngayon.

“Day off po kasi Tita—”

“May sahod ka na ba?” pagputol niya sa pagsasalita ko.

“Wala pa po. Baka sa susunod na linggo ko po matanggap ang kalahati ng sahod ko,” sagot ko kaya mabilis siyang tumayo habang masakit ang tingin sa akin.

“Edi sana hindi ka na lang umuwi kung wala ka pang pera! Ano ginawa mo ba ang mga pinagagawa ko sayo? Baka nagtatanga-tangahan ka lang doon!” bulyaw niya kaya nagmamakaawa ko siyang tiningnan saka ako umiling.

“Tita, hindi ko po kaya—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil malakas niya akong hinawakan sa siko saka tinulak.

“Anong hindi kaya?! Tanga ka ba?!” galit na sigaw niya.

“Tita, magtatrabaho na lang po ako—”

“Hindi tayo maiaahon sa hirap ng pagiging katulong mo! Gamitin mo ang utak mo!” sigaw niya at napasinghap na lang ako nang lumagapak sa pisngi ko ang isang malakas na sampal galing sa kanya at nadagdagan pa ng dalawang pagtulak pero hindi ako nanlaban.

Yumuko lang ako habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong lumabas dahil sa pananakit niya.

“Tandaan mo, Yen! Palalayasin kita kapag hindi mo ginawa ang mga gusto ko! Gamitin mo ang utak ko! Hindi ba sabi ko kahit pagbukaka ay gawin mo! Gusto mo bang tumira sa kalsada?!”

Umiling ako ng ilang beses habang nakayuko.

“Tita, hindi ko po kasi kaya,” nanginginig na sambit ko at isa na namang sampal ang natanggap ko galing sa kanya.

“Kayanin mo! Kayanin mo dahil iyon na lang ang pag-asa natin! Gamitin mo ang katawan mo! Gamitin mo ang utak mo! Ang dali-dali ng pinagagawa ko sayo tapos hindi mo pa magawa-magawa?! Sa susunod na uwi mo at wala ka pa ring ginagawa ay itatapon ko sa labas lahat ng gamit mong nandito! Walang kwenta! Pabigat na nga nag-iinarte pa! Pwe! Nakakasuka!”

Nahulog ang mga luha ko nang tuluyan niya akong iwan kaya mabilis ko silang pinunasan. Hindi ko kaya ang pinagagawa ni Tita. Anong gagawin ko?

Dala ko ang mga iisipin na iyon kinabukasan nang bumalik ako sa mansyon para magtrabaho. At bago lumabas ng quarters para tumulong ay wala sa sariling napatitig ako sa mukha ko. 

Nakapusod ang mahaba kong buhok at ngayon ang lamya-lamya ng mga mata kong may naghahalong itim at brown na kulay. Sobrang nadedepina rin ang matangos kong ilong at ang pilikmata kong mahahaba na siyang dahilan kung bakit mas maganda lalo tingnan ang mga mata ko. My heart shaped lips are slightly pale because this is its natural color. 

Kung tama ang sinasabi ni Tita na isang Russian ang tatay ko ay siguradong namana ko sa kanya ang mga mata ko at ang ilong ko. 

Wala sa sarili akong napangiti ng malungkot at umiling na lang. Maraming nagsasabi na maganda ako pero hindi ko iyon nakikita.

Napabuntong hininga ako saka lumabas na para tumulong sa mga gawain. Hindi ako inutusan ni Manang Juanita ngayon na tumulong sa kusina kaya tumulong ako sa iba pa naming kasamahan sa paglilinis sa malawak na garahe ng mansyon kung nasaan ang maraming mga kotse.

Tinanghali kaming natapos at sa totoo lang ay mas gugustuhin ko pang tumulong sa kusina kasi hindi masyadong nakakapagod pero hindi naman ako pwedeng mamili ng trabaho dito. Nang bumalik ako sa loob ng mansyon ay nakita ko na naghahanda sila ng mga pagkain.

“Ikaw, Yen, halika. Ikaw na ang maghatid nito kina Sir Armiel at sa bisita niya. Nandoon sila sa dalampasigan. Bilisan mo at kanina pa niya ito hiningi,” mabilis na utos ni Manang Juanita. Gulat akong napatingin sa tray na may dalawang juice at mga pagkain na hindi ko kilala.

“Bilisan mo, Yen. Madaling mainis si Sir,” sabi ng isa pang katulong kaya mabilis akong tumango saka kinuha na ang tray na dadalhin.

Mga higit limang minuto ang lalakarin patungo sa dalampasigan at may hagdanan naman pababa sa mismong dalampasigan. Sobrang init ngayon at nang makatapak ako sa buhangin ay naramdaman ko kaagad ang sakit nito dahil sa init. 

May iilang cottages at may mga lounges dito kaya nagpalinga-linga ako para hanapin si Sir Armiel at ang bisita nitong sinasabi ni Manang Juanita. Nang hindi ko sila nakita ay naglakad ako sa pinakamalaking cottage para doon na lang sana ilagay ang dala.

Pero nang makalapit ako ay natigilan ako nang makarinig ng isang mahinang tawa.

Nasundan iyon ng ungol kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.

“Yes, yes, I want that. Yes, Third, please. Ohhh,” nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na napigilan pang tingnan ang nasa loob. Bukas na bukas ang cottage at may malaking upuan sa loob kung nasaan ang dalawang taong magkapatong ngayon.

Nawala ako sa sarili habang pinapanood silang nagpapalitan ng halik. Si Sir Armiel ay nasa pagitan ng dalawang hita ng babae. At sa nakikita ko ay tila wala ng suot na kahit ano ang babae habang si Sir Armiel naman ay mas suot pang shorts pero bahagya na rin itong nakababa.

Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko nagawa.

“Wider,” rinig kong paos na bulong ni Sir Armiel sa babaeng kahalikan niya.

Nakarinig pa ako ng malakas na ungol hanggang sa napasinghap ako ng malakas kaya napakita ako ng babae.

“Third! Someone’s watching!” malakas na sigaw ng babae saka nito inabot ang tuwalyang malapit sa kanila para takpan ang katawan niya.

Napaatras ako ng dahan-dahan nang lingunin ako ni Sir Armiel gamit ang galit na galit niyang mga mata.

“I-hahatid ko lang po sana ‘to. Pasensya na, pasensya na,” natatarantang sambit ko at kaagad akong tumalikod. Ni hindi ko na naisip ang dala kong ilagay at sinama ko na iyon patakbo pabalik sa itaas.

Pero bigla akong takot na napatili nang may biglang humablot sa akin bago pa man ako makaakyat ng tuluyan sa hagdanan. Nabitawan ko ang tray na hawak ko kaya rinig na rinig ang pagbasag ng mga baso dahil sa pagtama sa sementong hagdanan.

“What are you doing?” galit na galit na sambit ni Sir Armiel habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Napangiwi ako sa sakit saka umiling.

“Hindi ko po sinasadyang makita. Sorry po,” takot na sambit ko pero sa galit ng mga mata niya ay alam kong hindi niya ito palalampasin.

“Really? Hindi sinasadya pero nanood ka? You think I’m stupid?” inis na tanong niya saka mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ko. Pakiramdam ko bumaon na ang mga daliri niya sa balat ko sa sobrang sakit at kaunti na lang ay maabot na niya ang buto ko.

“S-Sorry po,” tanging nasabi ko na lang pero ngumisi lang siya na walang halong tuwa.

“Ang ayaw ko sa lahat ay pinapakialaman ako,” mariin na sambit niya kaya napapikit na ako sa takot.

“Sorry po.” Ramdam na ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha ko.

At mas lalo lang akong nataranta nang naramdaman kong mas lumapit siya. Pumasok sa ilong ko lahat ng amoy niya at naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko kaya gusto kong maiyak sa kaba at taranta.

“Hindi ko na po uulitin. Sorry po,” nanginginig na pagmamakaawa ko habang nakapikit pa rin ng mariin.

“Maybe you want to get f*cked, too?” malamig na bulong niya at doon ko tuluyang binuksan ang mga mata ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha kong naipon habang pilit akong umiiling sa kanya.

He looked shocked but he smirked afterwards.

“Sa susunod lumugar ka. Alamin mo ang pwedeng mong pakialaman,” matigas na sambit niya.

“O-Opo,” nanginginig na sagot ko kaya doon niya ako pabalyang binitawan dahilan para mapaupo ako sa isang apakan ng hagdanan.

“Magdala ka ng bago. Do your job properly,” malamig na sabi nito at kaagad akong tinalukuran. Para akong pusang binalibag pero wala akong magawa dahil alam kong kasama ang mapagalitan sa trabaho ko.

Nang makalayo siya ay doon ko pinulot lahat ng basong nabasag at mga pagkain na nagkalat saka patakbong bumalik sa mansyon. 

“Anong nangyari? Bakit ganyan?” gulat na tanong ni Manang Juanita at hindi na ako nakasagot dahil humagulgol na ako ng tuluyan.

“Anong nangyari?” tanong ni Helga nang makita ang nangyari pero umiling lang ako habang umiiyak.

“Napagalitan ka ni Sir Armiel?” tanong ni Manang Juanita at bumuntong hininga na lang bago muling nag-prepare ng pagkain na kapareho sa mga nasira.

“Sabi sayo mag-ingat ka. Hayaan mo na. Ayusin mo na ang sarili mo. Okay lang iyan,” sabi ni Helga na may marahan na ngiti kaya huminga ako malalim at nagpunas ng mga luha.

“Strikto talaga ang batang iyon. Hindi ko alam kung saan nagmana ngayong mabait naman si Sir Dos at Don Frederick. Ihatid mo na ulit ito doon. Huwag mo nang sirain dahil huli na iyan,” sabi ni Manang Juanita kaya tumango ako.

“Salamat po,” sabi ko saka maingat na bumalik sa dalampasigan.

May kaba pa rin sa loob ko at siguradong pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa pag-iyak.

Muli akong lumapit sa cottage kung nasaan sila kanina pero sobrang bagal ng paghakbang ko. At nang makita si Sir Armiel at ang babaeng kasama niya na nakaupo ng maayos ay napahinga ako ng malalim bago nakayukong dumiretso sa loob para ilagay ang dala ko sa lamesa doon.

“Third, let’s just go to your room. Ang dami namang istorbo dito sa inyo,” inis na sambit ng babae pero hindi sumagot si Sir Armiel.

Nang matapos kong ayusin ang mga pagkain nila napalingon ako kay Sir Armiel at nakita kong nakatitig siya sa akin gamit ang mapanghusga at malamig niyang mga mata.

“Maayos na po, babalik na po ako,” magalang na sambit ko.

“Third! Come on! I want us to finish what we have started!” sabi ng babaeng katabi niya kaya lumipat ang tingin ko doon. At halos masilaw ako sa kaputian nito na parang alagang-alaga ang balat.

“What’s your name?” tanong ni Sir Armiel kaya muli kong binalik ang tingin dito. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakatutok sa akin na para bang hinahalukay ang buong kaluluwa ko.

“A-ako po?” kabadong tanong ko.

“D*mn, stupid,” sambit ng babae sa tabi niya kaya napakurap ako at nakaramdam ng pagkapahiya.

“Yen po,” sagot ko na lang.

“Can you leave us alone?” inis na sabi ng babae kaya tumango ako at dahan-dahan nang lumayo doon dala ang tray na walang laman.

Sa sumunod na araw ay iyon pa rin ang eksena. Pero hindi kagaya kahapon na isang tray lang at dalawang juice dahil ngayon ay madami nang pinadala si Manang Juanita.

“Mag-ingat kayo,” bilin niya kaya napasulyap ako sa mga pagkain na hindi naman pamilyar sa akin bago ko unti-unting kinuha ang isang tray at sumunod pa mga kasama kong maghahatid sa baba.

Hindi pa kami tuluyang nakakababa sa dalampasigan ay rinig na rinig ko na kaagad ang tawanan at hagikgikan. At nang tuluyan kong makita ang mga nandoon ay hindi ko maiwasang mamangha.

“At last, foods! You must visit here more often, Third! Your house is our favorite hangout place,” natatawang sabi ng isang lalaki saka naglakad ito pasalubong sa amin.

Anim lahat ang mga lalaki at apat ang mga babae. Lahat sila nakasuot ng bikina at ang mga lalaki naman ay walang damit pang-itaas. 

Nang mailapag ko ang tray na hawak ko ay wala sa sariling hinanap ng mga mata ko si Sir Armiel. At nakita ko siya sa isang lounger na nakahiga at may kayakap na isang babae. Iyon na lang ang gulat ko nang makita ang mukha ng babae dahil iba ito sa babaeng kasama niya kahapon.

“Yen, tara na,” sabi ng mga kasamahan ko kaya tumango na ako at sumunod para bumalik.

Tama nga siguro ang mga nasa librong nabasa ko noon. Na kapag mayaman ay pwedeng makuha ang lahat. Kotse, pumunta sa iba’t-ibang lugar, negosyo, saka babae.

Nang makabalik sa mansyon ay inutusan ako ni Manang Juanita na dalhan ng meryenda si Don Frederick sa opisina nito na magalang ko namang sinunod. Mga prutas ang dala ko saka juice na gawa rin sa katas ng prutas. At ngayon alam ko na kung nasaan ang opisina ng Don ay hindi na ako nahirapan.

“Magandang hapon po, maghahatid po ako ng meryenda ninyo,” magalang na sabi ko nang makapasok at kaagad niya akong binigyan ng matamis na ngiti.

“Thank you. Just put it there, Hija,” mabait na sabi ni Don Frederick. 

“Maiwan ko na po kayo,” sabi ko nang maayos ko ang mga prutas.

“Yen, right?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ay kuryusong tumango.

“Opo,” mahinang sagot ko. At nangunot ang noo ko nang sinenyasan niya akong lumapit na ginawa ko naman.

“I am thinking of buying a new yacht. Now that I’m retired I just want to spend the rest of my life seeing the beautiful nature. What do you think? Alin ang mas maganda? You are young and I need your perspective,” marahan na sabi nito at napangiti naman ako ng malaki saka naglakad palapit kay Don Frederick.

Tinuro niya sa akin ang dalawang litrato ng magkaiba na yate. Lahat maganda kaya bahagya akong yumuko para mas makita iyon ng maigi.

“Pareho pong maganda, Don Frederick,” sabi ko sabay ngiti sa kanya na ikinatango niya naman.

“Alin ang nagugustuhan mo?” nakangiting tanong niya at akma ko sanang ituturo ang litrato ang yate na mas malaki pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Sir Armiel na kunot ang noo at mukhang hindi gusto ang naabutan.

“What the f*ck is going on?” galit na tanong nito kaya umayos ako ng tayo.

“Aalis na po ako. Salamat po, Don Frederick. Mauuna na po ako,” mahinang sabi ko saka nakayukong umalis doon at halos tumakbo na ako para mapadali.

Pagkalabas ko ng opisina ay kaagad akong nakaramdam ng malakas na paghablot sa akin.

“Sir!” malakas na sambit ko nang kinaladkad ako nito palayo at sinandal sa pader malayo sa opisina ni Don Frederick. Nanlilisik ang mga mata niya at nakakuyom ang mga kamaong nagkukulong sa akin sa pader kung saan ako nakasandal ngayon.

“What are you doing? Are you trying to brainwash my grandfather? What? You are a gold digger?” galit na galit na tanong niya at tila hindi pa nakuntento sa distansya namin kaya mas lumapit siya at mas lalo akong kinulong sa pader.

“Wala po akong ginagawang masama,” takot na sambit ko lalo na at sobrang nakakatakot ang mukha niya na parang hindi siya magdadalawang-isip na saktan ako ngayon.

“Wala pa, wala pa kasi naabutan ko. What are your plans, huh? Do you want my grandfather’s money? You are using your face and youth? Ano? Walang-wala ka na bang makapitan kaya desperado ka na?” pang-iinsulto niya habang umiigting ang panga.

Nanginig ang buo kong katawan sa sakit at takot pero wala akong ibang nagawa kung hindi tingnan siya gamit ang mga mata kong nagmamakaawa na alam kong walang magagawa ngayon.

“Magkano ang kailangan mo? Isang milyon? Dalawang milyon? O baka buong kayamanan ng mga Lizares?” dagdag niya at doon tumulo ang masagana kong mga luha.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status