Share

Chapter 4

Chapter 4

“Hindi po, t-tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” nanginginig na sambit ko habang patuloy ako sa pag-iyak pero wala lang siyang naging reaksyon. Patuloy lang niya akong pinanood sa pag-iyak. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

Pinaghalong galit, at gulat sa patuloy na pagragasa ng mga luha ko.

Ilang sandali pa ay umatras siya. Pero hindi ako tuluyang nakahinga ng maluwag dahil doon. Mas nanghina ang mga tuhod ko at gustuhin ko mang punasan ang mga luha ko ay wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

“Leave,” matigas na sambit niya habang diretso sa akin ang tingin.

Hindi ako nakagalaw kaya mas lalong umigting ang panga niya. Kita ko rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya na tila sobrang nagtitimpi ng galit.

“I said leave!” Dumagundong ang boses niya sa buong palapag. At doon ako nagkaroon ng lakas para tumakbo palayo habang hindi inaalintana ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.

Tumakbo ako pababa at tuloy-tuloy na tumungo sa maid’s quarter.

“Anong nangyari?” tanong ni Helga dahil siya ang naabutan ko doon.

Sumalampak ako sa sahig at doon humagulgol sa ingak. Kaagad niya akong dinaluhan at tinanong kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko pero umiiling lang ako. Hindi na siya nagtanong pa ng marami at hinayaan na lang akong umiyak hanggang sa ako mismo ang kusang tumigil.

“Okay ka lang?” tanong niya nang kumalma ako.

Mahina akong tumango saka ngumiti ng kaunti bago ko pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi ko. Dahan-dahan niya rin akong tinulungan na tumayo hanggang sa tuluyan akong makaramdam ng kaunting lakas.

“Okay na p-po. Salamat,” mahinang sambit ko na ikinabuntong hininga niya.

“Napagalitan ka ba ulit ni Sir Armiel?” mahinang tanong niya at marahan na ngiti lang ang sinagot ko bago ako umiling.

Napabuntong hininga ulit siya bago ako tinapik sa balikat.

“Parte ito ng trabaho natin, Yen. Kailangan mo lang talagang lakasan ang loob mo,” mahinang sambit niya na siyang ikinatango ko.

“Sorry po sa abala,” mahinang sabi ko saka ko marahang pinasahan ng mga daliri ko ang nakapusod kong buhok na magulo na.

“Sige na, mauna na ako sa labas. Sasabihin ko na lang kay Manang Juanita ang nangyari para huwag kang pagsabihan. Basta sumunod ka kaagad,” sabi niya na ikitango ko naman at ipinagpasalamat.

Nang makalabas si Helga ay mabilis kong inayos ang sarili ko. At nang tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay doon ko nakita ang namumula kong mga mata pati na rin ang ilong ko. Huminga na lang ako ng malalim saka pilit kong nilunok lahat ng nangyari at lumabas na para magtrabaho ulit.

“Nasabi sa akin ni Helga na umiyak ka raw,” bungad kaagad ni Manang Juanita nang makita ako.

“Okay na po ako. Pasensya na po,” mahinang sambit ko.

“Strikto talaga si Sir Armiel. Huwag ka na lang ulit gumawa ng rason para magalit siya,” mahinang sabi niya na ikinatango ko ng dahan-dahan. Kahit alam kong wala naman akong ginagawang masama ay hindi ko dapat sabihin iyon dahil katulong lang ako dito.

At pagiging katulong lang ang gagawin ko.

Natapos ang araw na iyon ng matiwasay kaya laking pasasalamat ko. Tumulong lang ako sa paglilinis sa mansyon kaya hindi ko ulit nakita si Sir Armiel na lubos ko ring ipinagpasalamat dahil sobra-sobra ang kaba at takot ko sa kanya.

Sa sumunod na araw ay pinasama ako ni Manang Juanita sa pamamalengke kaya tinanghali na kaming nakauwi sa mansyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong maglabas-masok sa ganitong uri ng bahay na kahit kailanman alam kong hindi ko makakamit.

“Yen, mag-agahan ka na dahil ikaw ang uutusan ko ngayong maglinis ng library,” sabi ni Manang Juanita na mabilis ko namang sinunod.

Sa dirty kitchen na ako kumain at matapos ko ngang kumain ay nagtungo na ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang library. Hindi pa ako nakakapasok sa library kaya nang mabuksan ko ang malaking pinto nito ay napasinghap ako ng malakas. Ang daming libro at ang lawak. 

Kaagad na pumasok sa ilong ko ang amoy ng mga libro at imbes na maglinis kaagad ay excited lang akong lumapit sa mga bookshelves. Masaya kong pinadaan ang kamay ko sa mga librong nakaayos at gusto kong magtatalon sa tuwa dahil gusto kong basahin lahat ng iyon.

Libo-libo yata ang mga librong nandito.

Ilang minuto kong sinuyod ng mga mata ko ang mga bookshelves na puno ng libro bago ko ako nagpasya na tumuloy sa trabaho. Walang gaanong dumi dito dahil araw-araw naman nililinisan kaya nag-mop lang ako saglit.

Matapos kong mag-mop at magpunas ay hindinko na napigilan ang sarili kong kumuha ng mga libro. I scanned the books that I got and I got even more excited. I don’t like reading a lot but these books excites me. Ang kakapal ng mga libro na hindi ko alam kung magagawa kong makatapos ng isa. 

Patuloy ako sa pagkuha at pagbalik ng mga libro hanggang sa nakuha ng isang magazine ang atensyon ko. The cover of the magazine was a huge photo of Sir Armiel. Mabilis ko iyong kinuha at dinala sa isang maliit na lamesa. 

Tinitigan ko ang mukha ni Sir Armiel sa cover ng magazine at wala sa sariling napangiti ako. His face looks so serious. Itsura palang ay halatang masungit na siya.

Unti-unti kong binasa ang nasa magazine. At hindi ko mapigilang mamangha sa bawat salitang nababasa. Doon ko napatunayan na sobrang laki ng mundo. Ang dami-dami kong hindi alam.

“Armiel Frederick Lizares, twenty-three years old, graduated from Enderun Colleges. He’s six foot tall and he plays chess. One of the eligible bachelors of Asia,” mahinang pagbasa ko.

I traced his photos and I got even more curious.

Chess?

I was about to flip the page when I heard a footsteps. Mabilis kong nilingon kung sino ang pumasok at iyon na lang ang pagtayo ko ng tuwid nang matanaw si Sir Armiel na naglalakad papasok.

Hindi niya pa ako nakikita kaya dali-dali kong kinuha ang magazine para sana ibalik kung saan ko kinuha pero bigla na siyang napatingin sa direksyon ko. His thick brows furrowed when he saw me and I immediately got so nervous.

“Magandang umaga po,” mahinang bati ko saka marahan na yumuko.

Dumapo ang mga mata niya sa magazine na hawak ko kaya dali-dali ko iyong tinagk sa likuran ko kahit alam kong nakita na niya.

“What are you doing here?” malamig na tanong niya.

“Naglilinis—”

“You are not cleaning.” He cut me off.

“Tapos na po,” kabadong sagot ko habang pilit na iniiwasan ang mga titig niya.

“Then you should leave if you’re done,” he coldly said and I nodded a lot of times.

“Aalis na po ako,” nagmamadaling sambit ko at kaagad na naglakad pero napatigil ako nang hulihin niya ang kaliwang palapulsuhan ko.

“Sinong nagsabi sayo na pwede kang makialam ng mga gamit dito? Are you that stupid?” inis na sambit ko niya habang nakatingin sa magazine na hawak ko.

Bahagya na iyong nalukot dahil sa paghigpit ko ng hawak at nadagdagan pa dahil ang higpit rin ang hawak niya sa palapulsuhan ko kaya mas lalong hindi ko makontrol ang kamay ko.

“I-Ibabalik ko po,” mahinang sambit ko pero nilipat niya lang ang tingin sa mukha ko. Ngayon ay sobrang inis na niya.

“Stop stuttering. It’s pissing me off,” inis na sambit niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang mga labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagsasalita. At dahil doon ay napatingin siya sa mga labi ko at mas lalo pang nainis.

I tried pulling my wrist from his hold but I couldn't.

“What character are you playing? Innocent little maid who wants her master’s attention?” 

My eyes widened. I saw the rage in his eyes. Natakot ako.

“Answer me,” he demanded. Pinakawalan niya ang palapulsuhan ko pero hindi ako tuluyang nakaalis dahil lumapit siya sa akin. Imbes na tumakbo ay napaatras lang ako hanggang sa tumama ang likod ko sa isang shelf. At dahil doon ay nahulog ang iba’t-ibang klase ng mga libro na nagbigay sa akin ng mas malaking kaba.

Tiningnan lang niya ang mga libro pero kaagad ring binalik ang galit na tingin sa akin.

“Answer me!” Dumagundong ang boses niya sa buong library kaya bahagya akong napatalon.

“Wala po, wala po,” gulat na sagot. I heard him chuckled without humor.

“Fix your mess. Kung may masira man dito ay ibabawas ko sa sahod mo. Stop being stupid. If you still do I won’t even blink to fire you. I don’t care about my grandfather’s opinion,” malamig na sambit niya saka na naglakad paalis doon dala ang isang libro na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

Nang makaalis siya ay doon ko naramdaman ang puso ko na tila hinahabol sa sobrang bilis ng tibok. Napabuga ako ng hangin saka napatingin sa mga librong nagkalat.

Isa-isa ko iyong binalik sa shelf pati na rin ang magazine na kanina ko pa hawak bago tuluyang bumaba.

“Yen, mabuti at tapos ka na. Pakihatid ito kay Sir Armiel. Nandoon siya sa pool. Siguraduhin mong huwag kang gagawa ng ikaiinis o ikagagalit niya,” sabi ni Manang Juanita na wala naman akong choice kung hindi sundin.

Kinuha ko ang tray na may lamang isang basong kristal kung saan nandoon ang kape na may gatas na may maraming yelo saka may isang tinapay rin na hindi ko alam ang tawag. 

Dahan-dahan akong naglakad patungong pool at malayo pa lang ay nakita ko na kaagad si Sir Armiel na nakaupo sa isang lounger at nasa hita niya ang isang laptop habang katabi niya naman ang libro. Buong akala ko ang may kasama siya kaya bahagya akong nagpalinga-linga at nang makitang wala siyang kasama ay mas lumapit ako.

He immediately felt my presence so his eyes left his laptop to look at me.

Dahan-dahan kong nilapag ang dala sa isang babasagin na lamesa.

“What’s that?” malamig na tanong niya.

“Pinadadala po ni Manang Juanita,” sagot ko. Kaagad niya namang kinuha ang kape saka iyon ininom. At iyon na lang ang pag-atras ko nang bigla niya iyong tinapon sa harap ko mismo habang kunot ang noo.

“That’s too sweet. Palitan mo,” malamig na sambit niya saka mabilis ring binalik ang mga mata sa laptop.

Bumalik ako sa kusina at sinabi kay Manang Juanita ang nangyari kaya nagtimpla siya ng bago. Muli ko iyong dinala kay Sir Armiel pero tinapon niya lang ito ulit pagkatapos niyang tikman.

“I want more coffee. That tastes like milk,” he coldly said.

Muli ko iyong sinabi kay Manang Juanita kaya pinalitan niya ulit. Pero kagaya ng dalawang nauna ay tinapon niya ulit ng may inis sa mukha.

“Did you even put milk? The coffee is too strong!” sigaw niya saka tinapon ang baso ng malakas dahilan para mag pira-piraso iyon.

“Sasabihin ko po kay Manang Juanita—”

“Stupid!” sigaw niya kaya dali-dali kong pinulot ang mga basag na baso ng hindi nag-iisip. At napasinghap na lang ako sa sakit ng masugatan ang kamay ko at dumugo iyon ng marami.

“Papalitan ko po,” sabi ko habang pilit na pinupulot ang mga basag na piraso pero narinig ko lang ang pagmumura niya.

“Stand,” he coldly said but I didn’t. 

Ipinagpatuloy ko lang ang pagpulot sa mga bubog kahit pa masugatan ako ng husto.

“I said stand up!” sobrang lakas na sigaw niya kaya bigla ako napatayo.

Nanlilisik na ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin. He towered me and his jaw is clenching. Mas lalo lang nanlisik ang mga mata niya nang makita ang mga dugo sa kamay ko.

“Why are you so stupid? Hindi ka ba marunong makinig? Don’t you have a brain?” mahina ngunit puno ng galit na sambit niya habang diretso ang tingin sa akin. 

“Papalitan ko na lang po ang inumin niyo,” kabadong sambit ko pero umiling na siya saka sarkastikong natawa.

“You know what? Why don’t you put your blood on a glass and add a lot of ice on it?” sarkastikong sambit niya.

Napalunok naman ako saka dahan-dahan na yumuko dahil sa insultong narinig.

“The f*ck, the most stupid person is indeed you,” malamig na sambit niya saka tuloy-tuloy na umalis doon na tila nawalan ng gana dahil sa akin.

Napatingin na lang ako sa kamay kong dumudugo. This should be painful. Pero mas nasasaktan pa ako sa mga salitang binitawan ni Sir Armiel.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kaye-Rose Key
bka mahulog ka sir Armiel Kay yen, at pag umalis yan hanap hanapin mo......
goodnovel comment avatar
Kaye-Rose Key
Sir Armiel, maxado mo sinasaktan si yen.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status