Share

Chapter 2

Chapter 2

Nakita ko ang opisina at kaagad kong nailagay doon ang dala ko. Nandoon rin ang mga katulong na sinusundan ko kanina.

“Naligaw ka?” tanong ng isa kaya huminga ako ng malalim bago tumango.

“Opo,” sagot ko at napatango naman ang dalawa na parang normal iyon.

“Normal lang iyan dahil sa laki nitong mansyon. Tara na,” sabi ng dalawa at nauna na ulit lumabas habang ako ay nanatili pa para huminga ng malalim ulit. Sa narinig kong sinabi ni Sir Armiel ay bigla kong naalala ang mga habilin na Tita.

Aakitin ko siya para sa pera.

Pero paano?

Wala pa man akong ginagawa mukhang pera na kaagad ang tingin nito sa akin.

Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lumabas pero bago pa ako makaabot sa pinto ay pumasok si Don Frederick. Eighty years old na ito pero kung titingnan ang sobrang lakas pa rin. Isa ito sa dahilan kung bakit mayaman ang Laveda. Hindi matakaw sa pera at palaging nagdo-donate. Pero base sa nakita at narinig ko kanina ay ibang-iba ang ugali ng apo nito.

“Aalis na po ako. Salamat po,” sabi ko sabay yuko pero tinaas niya ang kamay niya para pigilan ako.

“Sandali, Hija. Ngayon lang kita nakita dito. Bago ka ba?” tanong niya at kaagad gumaan ang loob ko dahil sa mabait nitong tono.

“Opo, ito po ang unang araw ko dito,” magalang na sagot ko kaya tumango-tango ito bago umupo sa swivel chair niya.

“Ilang taon ka na? Anong pangalan mo?” muling tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako naiilang o kinakabahan dahil ang bait-bait ng awra niya.

“Yen po ang pangalan ko at dalampung taon na po ako,” sagot ko naman pero hindi na nasundan ang tanong ni Don Frederick dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina kaya kapwa kaming napatingin doon.

“Lo, I need some files here. I need to review. I have a proposed project for the company,” seryosong sabi ni Sir Armiel pero nang makita ako ay bumalik ang inis sa mukha niya.

“Just get the files in the drawer, Third,” sagot ni Don Frederick pero hindi gumalaw si Sir Armiel. Nakakatakot ang awra niya. Nakakakaba kaya napayuko kaagad ako.

“What are you still doing here?” tanong nito sa akin pero nanginig na ang mga kabi ko sa takot kaya hindi ako nakasagot.

“Third, just get the files,” sambit ni Don Frederick at nakarinig naman ako ng sarkastikong tawa mula kay Sir Armiel.

“We don’t need stupid maids, Lo. Now, get out because a maid isn’t allowed to stay here for too long. Know your place,” sambit nito dahilan para mas lalo akong makaramdam ng kaba.

“Sorry, aalis na po ako. Salamat po, Don Frederick,” dali-daling sabi ko at kaagad na lumabas habang dala ang puso kong mabilis ang tibok dahil sa nataranta at kaba. 

Mabilis akong bumaba at bumalik sa kusina sa likod ng bahay kung nasaan kanina si Manang Juanita. At naabutan ko nga siya doon kasama ang ilang katulong. Abala ang lahat kaya mabilis niya akong pinakilala sa mga kapwa ko katulong at pinakilala rin sila isa-isa pero dahil wala ako sa sarili ko ay wala akong natandaan kahit isa.

Ang sabi ni Tita Belcha ay madaling mainis si Sir Armiel. Pero bakit hindi lang siya madaling mainis? Bakit ang nakikita ko ay hindi talaga maganda ang ugali niya?

I won’t follow Tita Gina’s orders that I’ll try to seduced the Lizares’ heir. Pero sa ngayon kitang-kita ko at alam na alam ko na imposible talaga. 

Tumulong ako sa paglilinis at natapos naman ang araw na iyon ng matiwasay. Nang bumalik kami sa quarters naming mga katulong ay hindi ko maiwasang matuwa. May malambot na kutson at may locker para sa mga damit. Hindi ko ito naranasan sa bahay dahil sa sahig lang ako humihinga at isang manipis na banig lang ang gamit ko. Saka karton lang rin ang lagayan ng damit ko kaya sa simpleng mga bagay na ito ay masaya na ako.

Kinabukasan ay laking pasasalamat ko dahil si Helga, na isa ring katulong dito ay sinamahan akong libutin ang buong mansyon para maging pamilyar ako sa bawat sulok nang sa ganoon ay hindi na ulit ako maligaw.

“Twenty years old ka pa lang? Ang tangkad mo. Saka may lahi ka ba?” tanong niya habang nakatanaw ako sa malawak na dalampasigan. Tunay ngang sobrang yaman ng pamilyang ito.

“Sabi po ni Tita Russian daw ang Tatay ko. Iyong amo ng Mama ko dati. Hindi ko po alam kung totoo. Hindi ko po nakilala,” mahinang sagot ko kaya napanganga siya na tila manghang-mangha.

“Ang bait-bait mo namang magsalita. Nakakatakot ka tuloy hawakan dahil pakiramdam ko mababasag,” biro niya pa na marahan ko lang nginitian bago kami nagpasyang bumalik na para tumulong sa mga trabaho.

Dahil may tagaluto ay tanging pag-aayos lang ng dining hall ang pinagkaabalahan ko. Naiintindihan ko kung bakit araw-araw naglilinis kahit wala man lang mga alikabok. This mansion is great. So great that even a single dirt isn’t allowed. Hindi ako kailanman nangarap ng ganitong uri ng tirahan o ng buhay na ganito.

I know what I can reach and I couldn’t reach this. Kuntento ako sa mga gusto ko at hindi ako naghahangad ng sobra. Gusto ko lang makatapos ng pag-aaral kaya nandito ako ngayon. Kaya sana, sana payagan ako ni Tita.

“Where’s Lolo?” 

Natigil kami sa paglilinis at sabay-sabay na yumuko bilang paggalang nang pumasok sa dining room si Sir Armiel. Malamig ang awra at strikto ang mukha dahil sa magkasalubong na makakapal na kilay.

“Hindi pa po bumababa, Sir,” sabi ng katulong na kasama ko.

“Call me if the foods are ready. Sa garden lang ako,” sabi nito at kaagad na kaming tinalikuran kaya mangha ko siyang sinundan ng tingin.

I am not fun of handsome guys. Pero manghang-mangha ako sa mukha ni Sir Armiel. 

“Paiba-iba naman ang mood ni Sir. Hindi ko alam kung kailan mabait o hindi,” sabi ng mga kasamahan ko kaya napalunok na lang ako bago nagpatuloy sa paglilinis.

Ilang sandali pa ay nilabas na ang mga pagkain. At lahat kami abala. 

“Yen, pwede mo bang tawagin si Sir Armiel na handa na ang mga pagkain? Pababa na rin si Don Frederick,” sabi ni Helga. Nagulat ako noon pero alam kong hindi ako maaaring tumanggi kaya marahan akong tumango bago naglakad palabas.

Sa back door ako dumaan at umikot pa para makapunta sa malawak sa garden. At kaagad kong nakita si Sir Armiel na nakaupo sa isang lounger. Ngayon ko lang napansin ang simpleng suot nito. Nakasuot siya ng isang khaki na short at simpleng puting t-shirt. At ngayon ay tamad na tamad na nakaupo habang tutok na tutok sa cellphone.

“Sir, handa na po ang agahan,” mahinang sabi ko habang nakayuko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin. Matagal ang ginawad niyang tiningin bago siya umupo ng maayos pero hindi tuluyang tumayo.

“Gaano ka na katagal nagtatrabaho dito?” malamig nitong tanong kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin.

“Kahapon pa lang po ako nagsimula,” mahinang sagot ko.

“Are you here to work?” malamig na tanong niya at kaagad akong kinabahan. Kinabahan ako dahil naalala ko na naman ang mga sinabi ni Tita Gina. Namasa ang mga mata ko at gusto kong itago iyon pero mas lumala pa nang makita ang disgusto panghuhusga sa mga mata ni Sir Armiel.

“O-Opo,” nanginginig na sagot ko.

I am here to work. I am here to work for my studies. Hindi ko susundin ang gusto ni Tita.

“Or you’re one of the woman who’s trying to get into our family? By what? Maybe by getting my grandfather’s heart?” nanghuhusgang tanong niya na takot kong ikinailing.

“Hindi po, hindi po,” kaaagad na sabi ko pero umiling lang ito na tila hindi kumbinsido bago tumayo ng dahan-dahan. At nang maglakad ito palapit sa akin ay napaatras rin ako ng dahan-dahan sa takot. Kaaga nanuot ang bango niya sa ilong ko kaya mas lalo akong nataranta.

“My grandfather can’t blame me for thinking these. We don’t know what’s in the mind of poor people like you. Aren’t you desperate to be free from poverty?” mapanglait na tanong nito at sobrang lapit namin. Binabasa niya ang mukha ko sa paraan ng pagtitig niya na parang gusto niyang alamin kung may tinatago ba ako o wala.

“Nagtatrabaho lang po ako,” mahinang sambit ko. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin pero tila nahipnotismo na ako.

He has this judgemental look that I don’t know why.

“How old are you? Eighteen? Nineteen? Why would a little girl like you chose to work instead of f*cking studying? One reason is, you want an easy way,” he said before leaving me with my mouth open. 

Hindi ko maiwasang ma-guilty sa mga narinig. Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Tita Gina bago pa ako pumasok dito. At paulit-ulit rin na palang sirang plaka sa isipan ko ang mga sinabi ni Sir Armiel. Ang sakit-sakit para sa isang tulad kong hindi biniyayaan ng mga tinatamasa niya.

Ganoon ba kasama ang tingin niya sa mga mahihirap? Maraming mahihirap na desperado at mukhang pera kaya tama nga naman siya pero hindi naman lahat.

Napangiti ako ng malungkot saka pinili na lang na bumalik sa dirty kitchen para doon tumulong. 

“Yen, pakisuyo ng tubig sa loob. Maraming yelo tulad ng gusto ni Sir Armiel,” utos sa akin ni Manang Juanita kaya marahan naman akong tumango. Kinuha ko ang tubig na nakalagay na sa babasagin na pitsel saka ko dinagdagan ng maraming yelo bago ko pinasok sa loob.

Nang makapasok ako sa dining hall ay nakayuko ko lang na nilapag ang tubig sa lamesa. 

“Third, now that you are slowly taking over the company you need to start knowing your people who you can trust first,” dinig kong sambit ni Sir Frederick habang sinalaninan ng tubig ang mga baso nila.

“I know my ways, Lo,” malamig na sambit ni Sir Armiela. At ng baso na niya ang sasalinan ko ay kinabahan ako ng sobra-sobra. Ang presensya niya ay halos nagpapanginig ng buong katawan ko.

“And by the way, some locals here want to work in our warehouse. Take time to entertain them—”

“Lo, I told you not to be so good. They are taking you for granted! And why would they beg for work? It’s their fault why they are poor in the first place. They must work so hard to get the work they deserve,” masungit na sabi nito at muntik ko nang mabitawan ang pitsel dahil doon.

“Third, ayusin mo. We didn’t raise you to like that,” matigas na sambit ni Don Frederick at doon na ako lumayo.

“That’s why I hate going here, Lo. You are always into poors. Why can’t you let them live their life on their own? Hinahayaan mo silang kilkilan ka.”

Mabilis na akong nakalayo doon bago ko pa marinig ang buong sagutan ng maglolo.

Sa buong araw at sa sumunod pang mga araw ay naging maayos naman ang pagtatrabaho ko. Laking pasasalamat ko rin na hindi ako inutusan ng mga gawain kung nasaan si Sir Armiel dahil hindi ko talaga maipagkakaila na kinakabahan ako sa presensya niya. Nakakababa ang pagiging masungit at mapanghusga. Nakakababa dahil pakiramdam ko kahit wala naman akong ginagawang masama ay posibleng may masasabi siyang hindi maganda. 

Sanay akong palaging pinapagalitan dahil araw-araw naman akong nakakatanggap ng ganoon kay Tita Gina. Pero iba kasi dahil para may pinupunto si Sir Armiel. Pinupunto niya na mukhang pera ako.

And today is my fifth day here as a maid. Hating gabi nang nakaramdam ako gutom kaya dahan-dahan akong bumangon mula sa kama ko. Tiningnan ko ang mga kasama kong tulog na tulog. Muli sana ulit akong babalik sa pagtulog at titiisin na lang ang gutom pero tumunog ang tiyan ko kaya napangiwi ako at napilitang tumayo. May sarili kaming kusina dito sa quarters pero wala talagang laman ang refrigerator ng quarters ngayon.

Napahawak ako sa tiyan ko pero bigla kong naalala ang sinabi ni Manang Juanita na pwede naman kaming kumuha ng kahit anong pagkain sa mansyon kaya walang ingay akong pumasok doon. Dumaan ako sa back door at walang tunog akong dumiretso sa clean kitchen. Kaagag ko itong binuksan para kumuha ng kahit isang pirasong tinapay lang pero natigilan ako nang makarinig ako ng hakbang papalapit.

Nanigas ako at hindi nakagalaa lalo na nang ramdam na ramdam ko na mas lumalapit ang yapak.

“What are you doing?” 

Gulat ko iyong nilingon at nakita ko si Sir Armiel na kunot ang noo na nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong sinara ang fridge sa takot na baka mapagalitan niya. Ni hindi ko na binigyan pa ng pansin na tanging sweatpants lang ang suot niya ngayon at walang kahit ano mang pang-itaas dahil sa takot.

“You are not really stupid to stole something knowing that the whole mansion is surrounded by CCTVs, right?” malamig na tanong nito saka humakbang palapit sa akin.

Mabilis akong umiling habang umaatras para lumayo sa kanya.

“Sorry po, nagutom lang po ako at sabi ni Manang Juanita pwedeng kumuha ng pagkain dito. Sorry po,” nanginginig na sambit ko pero napasandal na ako sa nakasarang fridge at nasa harap ko na siya habang matalim ang tingin sa akin.

Sobrang lapit namin at mas dumagdag iyon sa kaba at takot ko.

“Alam mo ang dapat mong gawin kapag nakuha mo na ang sahod mo? You must buy your own foods so you won’t act like a thief during midnight,” he coldly said and I nodded like a little kitten.

Binuksan niya bigla ang kabilang pinto ng fridge at kumuha doon ng isang alak at kaagad rin akong tinalikuran. Kabadong at tulala na lang akong nanatili sa ganoong posisyon habang tinatanaw siyang umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status