Chapter 1
Kasalukuyan akong nagwawalis sa bakuran namin nang bigla kong maisip ang sinabi ng isa sa mga kapitbahay namin na naghahanap daw ng isang katulong ang mga Lizares. Dati kasi siyang katulong dito at noong nakaraan lang umalis dahil magtatrabaho sa ibang bansa. Wala sa sariling napatingin ako kay Tita Gina na abala sa paglilinis ng kuko niya sa maliit naming balcony. Kung papayagan ako ni Tita at gusto kong magtrabaho doon. Lalo na at may plano akong bumalik sa pag-aaral sa susunod na taon. Malaking tulong ang magiging sahod.Unti-unti kong tinabi ang walis na hawak saka ako lumapit kay Tita. Kaagad niya akong binalingan ng may inis sa mga mata.“Tita, nasabi kasi sa akin ni Tita Belcha na naghahanap daw ng katulong ang mga Lizares. Gusto ko po sanang subukan,” mahinang sabi ko pero natawa lang siya ng sarkastiko at umiling ng ilang beses.“Magtrabaho ba talaga o gusto mo lang lumandi ngayong usap-usapan sa buong Laveda na umuwi na tagapagmana nila? Wala ka talagang pinagkaiba sa Nanay mo. Ang landi-landi. Matapos magpabuntis sa kano ayon pinasa sa akin ang responsibilidad. Kung pwede ka lang itapon noong bata ka ay ginawa ko na!” bulyaw niya kaya napalunok ako ng mariin.Sanay na ako sa mga masasakit niyang salita pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Mula bata pa ako ay ganito na ang parati niyang sinasabi at nilunok ko lahat ng iyon dahil wala naman akong magagawa. “Umalis ka nga sa harap ko! Naiinis ako! Magluto ka na sa loob! Babagal-bagal!” sigaw niya kaya mabilis naman akong pumasok sa loob para sundin ang mga inutos niya para hindi na muling madagdagan ang galit niya sa akin sa araw na ito.Mabilis akong pumunta sa kalan para magsiga ng apoy nang tumabi sa akin si Tita. Nakahalukipkip siya at taas ang kilay na sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa na nagbigay sa akin ng kaba. May panghuhusga sa mga mata niya at tuwa na hindi ko alam kung para saan.“Pabigat ka lang rin naman sa akin ay pakikinabangan na kita,” sabi niya kaya napaawang ang mga labi ko sa gulat.“Tita—”“Papayagan kitang magtrabaho sa mga Lizares,” sabi niya na siyang nagpasinghap sa akin sa gulat.“Talaga po?” tuwang sambit ko pero sa mukha niya ay kita ko pang may idadagdag siya kaya kaagad rin akong natahimik.“Sa isang kondisyon. Gawin mo ang lahat para maakit ang tagapagmana nila. Balita ko ay wala pang asawa iyon at nagpapalit-palit pa ng mga babae. Kagaya ka lang rin naman ng Nanay mong makati ay gamitin mo na sa mapapakinabangan. Akitin mo hanggang sa bigyan ka ng milyon-milyon na pera o mas maganda kung pakakasalan ka niya,” dire-diretsong sabi niya at parang nabingi ako doon sa gulat. Kaagad akong umiling dahil ayaw ko pero malakas lang niyang hinawakan ang braso ko habang nanlilisik ang mga mata sa galit dahil sa pag-iling ko.“Tita, magtatrabaho lang po—”“Kung hindi mo susundin ang gusto ko ay palalayasin kita! Wala akong pakialam kung saang kalye ka manirahan! Sundin mo ang gusto ko! Sawang-sawa na akong maging mahirap!” sigaw niya kaya namasa ang mga mata ko dahil sa pagbuo ng luha.“Tita—”“At sa akin mo ibibigay ang sahod mo! Lahat ng sahod mo mapupunta sa akin! Mabayaran man lang ang mga pinalamon ko sayo mula noong bata ka!” bulyaw niya saka marahas akong binitawan at tinalikuran.Hindi ko gusto ang mga pinagagawa niya pero ayaw ko ring mapalayas lalo na at wala rin akong mapupuntahan. Wala na akong kamag-anak dito kung hindi siya lang. Mula pagkabata ay nandito na ako. Ni hindi ko nakilala ang Nanay ko na sinasabi niya dahil namatay ito pagkapanganak sa akin. Kaya kahit gaano kasama si Tita sa akin ay tinitiis ko dahil kahit paano ay nagpapasalamat ako sa pagkupkop niya sa akin.Napatunayan kong seryoso si Tita sa mga sinabi niya sa akin dahil siya mismo ang kumausap sa kapitbahay namin na papasukin ako bilang katulong sa mga Lizares. At dahil magaling si Tita sa pakikipag-usap ay kaagad kaming sinabihan na pwede akong pumunta bukas sa mansyon ng mga Lizares na isa sa pinakamayaman dito sa buong Laveda para makapag-simula na.“Natatandaan mo ba ang mga bilin ko, Yen? Huwag kang tatanga-tanga doon! Gamitin mo ang utak mo! Gamitin mo iyang katawan mo! Kung kailangang bumukaka ka ay gawin mo!” muling pagalit na sabi sa akin ni Tita nang gumabi. “Tita, baka po paalisin ako—”“Kaya nga gamitin mo ang utak mo! Tanga ka talaga! Landiin mo! Akitin mo hanggang sa mahulog sayo!” Gusto kong tumanggi pero ayaw kong dumating sa punto na dumapo na ang palad niya sa pisngi ko dahil sa galit tahimik ko na lang na inayos ang mga gamit na dadalhin ko sa luma kong bag.“Magtatrabaho ka, Yen? Mabuti naman,” Natigil ako sa pag-aayos ng mga gamit saka tininghala ang pinsan kong kauuwi lang galing na naman siguro sa mga kaibigan niya. Maikling-maikli ang short saka naka-sleeveless lang.“Oo, mamasukan akong katulong, Jen,” mahinang sagot ko na siyang ikinahalakhak niya ng husto.“Wow! Bagay nga sayo ang maging katulong! Sige! Push mo iyan!” natatawang sambit niya kaya tumahimik na lang ako. Magkaedad kaming dalawa at kuhang-kuha niya ang ugali ni Tita na mapanglait at mapanakit.Hinahayaan ni Tita sa mga gusto niyang gawin kaya nasa pasyalan siya araw man o gabi. Minsan hindi na umuuwi pero hindi ko kailanman nakita na pinapagalitan siya ni Tita. Nakakainggit. Kung ako ang nasa katayuan ni Jen ay magpapatuloy ako sa pag-aaral lalo na at hindi naman siya pinipigilan ni Tita kagaya ko. Kinabukasan ay handa na akong pumunta sa pagtatrabahuhan ko. Nang makalabas ako sa bahay ay kausap na ni Tita si Tita Belcha na siyang nagpapasok sa akin na katulong sa mansyon ng mga Lizares.“Yen, nasabihan ko na ang mayordoma na darating ka. Huwag kang masyadong gumawa ng mali lalo na at doon si Sir Armiel. Mainitin ang ulo ng batang iyon pero mabait naman,” bilin niya sa akin na marahan kong tinanguan bago ako bumaling kay Tita na nanlalaki ang mga mata sa akin na parang nagsasabi na huwag kong kalimutan ang mga bilin niya.Mahina na lang rin akong tumango saka ako sumakay sa traysikel na naghihintay na. Sobra ang kaba ko nang maisip ko ang lahat ng mga sinabi ni Tita. Natatakot ako kaya napalingon ako sa bahay ng medyo malayo na ang distansya ng sinasakyan kong traysikel. Nakatanaw sa amin si Tita, Tita Belcha saka si Jen kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko na tila pasan ko ang buong mundo.Nasa bundok na parte ng Laveda ang bahay namin kaya nang makababa sa patag ay hindi ko maiwasang magpalinga-linga. Isang taon na akong huminto sa pag-aaral kaya minsan na lang ako kung bumaba at hindi ko maiwasang mamangha. Maraming mga mayayaman dito sa Laveda kaya hindi ko maiwasang titigan ng husto ang malalaking bahay na nadadaanan namin.At nang unti-unting bumagal ang takbo ng traysikel ay mas lalo akong kinabahan at napatin sa mansyon kung saan ako magtatrabaho. Napanganga ako sa mangha. Minsan ko lang ito maikita dahil malayo sa main highway. Pero sa tuwing nakikita ko ito ay parang ayaw ko nang alisin ang mga mata ko. Ang ganda-ganda. Ang laki-laki. Parang ang lawak ng loob.“Salamat po,” mahinhin na sabi ko sa driver bago ako bumaba. Nanginginig akong lumapit sa gate saka nanlalamig ang kamay kong pinindot ang doorbell. At hindi nagtagal ay bumukas ang isang maliit na gate at isang giwardiya ang nakita ko.“Magandang umaga po. Ako po pala ang bagong katulong,” mahinang sabi ko.“Pasok ka, bilisan mo. Nasabi na ni Manang Juanita na darating ka,” sabi ng guwardiya kaya mabilis akong pumasok sa loob.At mas lalo kong nakita ang ganda at lawak ng mansyon nang makapasok. Para akong duwende sa sobrang laki nito. Nakanganga akong naglakad papalapit at hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil sa lawak ng lugar ay marami ring daanan at may mga kotse pa. Mabuti na lang at may nakita akong matanda na nakasuot ng uniporme ng mga katulong na nakatingin sa akin na mukhang ako nga ang hinihintay.“Ikaw pa ang sinasabi ni Belcha na papalit ka kanya?” tanong nito kaya marahan akong ngumiti.“Opo, ako nga po. Yen nga po pala ang pangalan ko,” sabi ko na siyang ikinatango niya.“Tara na sa loob. Pasensya ka na dahil magsisimula ka kaagad ngayon. Namalengke kasi ang dalawang katulong at naglilinis ang iba pa. Ako nga pala ang Mayordoma dito. Tawagin mo na lang ako Manang Juanita. Sampu tayong lahat dito at mamaya ko na ipapakilala ang iba pa. Ngayon ay magbihis ka muna ng uniporme,” sabi niya at sa likod kami dumaan. Isang quarters ang pinasukan namin na para sa mga katulong at kaagad ko ring sinuot ang unipormeng binigay niya bago kami tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. At kung nakakamangha sa labas ay mas nakakamangha ito sa loob. Halos ginto lahat ng gamit. Nakakatakot hawakan dahil baka mabitawan ko.“Tulungan mo ang mga kasamahan natin na dalhin sa opisina ni Don. Frederick ang mga prutas. Mag-ingat ka. Sumunod ka lang sa kanila,” sabi ni Manang Juanita kaya kaagad akong napatango para sundin ang mga sinabi niya.Kinuha ko ang isang tray na may juice at iilang prutas. Nauna na ang dalawang mga katulong sa akin at hindi man lang ako nilingon kaya binilisan ko para hindi ako maligaw gayong hindi ko pa saulado ang pasikot-sikot. Pero hindi ko mapigilan ang pagkamangha ko at hindi ko talaga nilalampasan ng tingin ang bawat mga bagay na nandito sa loob ng mansyon. Dahil doon ay hindi ko namalayan na naiwan na ako ng dalawang katulong na sinusundan ko.Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag pero mas lalo akong nataranta nang makita ang maraming mga pintuan at hindi ko alam kung saan ako pupunta.Nagpalinga-linga ako sa paligid na walang katao-tao at napahinto ang mga mata ko sa isang saradong kwarto. Hindi ko alam kung saan ang tinutukoy ni Manang Juanita kanina na opisina ng Don kaya sana tama na lang ang hula ko.Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto. At akma sana akong kakatok pero bigla itong bumukas. At dahil sa natanta ko ay napaatras ako dahilan para bahagyang matapon ang juice na nasa tray na hawak ko.“What are you doing here? I didn’t asked for anything,” Napatingin ako sa lalaking lumabas ng pinto. At hindi ko maiwasang mapalunok nang matitigan ang mukha nito.Totoong tao ba ito?Napatagal ang pagtitig ko sa kanya kaya dumaan ang inis sa mukha nito bago ako tingnan mula ulo hanggang paa.“Sorry po, h-hinahanap ko po kasi ang opisina ni Don Frederick,” sabi ko nang makabawi.Ito ba ang sinasabi nilang tagapagmana ng mga Lizares? “I didn’t know that we are hiring a stupid maid,” matigas na sambit nito kaya napalunok ako sa kaba bago ko salubungin ang mga mata nitong sobrang itim na kung tumitig ay tagos hanggang kaluluwa.“P-Po?” wala sa sarili na sambit ko kaya mas lalong dumaan ang inis na gwapo nitong mukha. Marami akong nabasang libro noong nag-aaral pa ako. At nababasa ko na hindi totoo ang mga diyos ng mitolohiya. Pero pakiramdam ko nakatingin ako sa isang diyos ngayon.“Stupid, get out of my f*cking way. I came here for a vacation not for another stress. F*cking get out,” matigas na sabi nito at natataranta naman akong tumabi para makadaan siya.“Third, what’s your problem?” Sabay kaming napatingin sa biglang nagsalita. Nakita ko ang isang matanda na alam kong si Don Frederick dahil minsan ko na rin itong nakita noon.“Magandang umaga po. Maghahatid po sana ako nito sa opisina niyo,” sabi ko sabay yuko na siyang tinanguan naman ng matanda.“My office is in the fifth room, Hija. Please, doon mo na lang idiretso,” sambit nito kaya marahan akong ngumiti at magalang na yumuko sa dalawa.“Tsk, you are too good, Lo. And she’s young. What? Do you want to marry someone? She’s a maid. She’ll be after your money,” dinig kong wika ni Sir Armiel bago pa ako makalayo.Chapter 2Nakita ko ang opisina at kaagad kong nailagay doon ang dala ko. Nandoon rin ang mga katulong na sinusundan ko kanina.“Naligaw ka?” tanong ng isa kaya huminga ako ng malalim bago tumango.“Opo,” sagot ko at napatango naman ang dalawa na parang normal iyon.“Normal lang iyan dahil sa laki nitong mansyon. Tara na,” sabi ng dalawa at nauna na ulit lumabas habang ako ay nanatili pa para huminga ng malalim ulit. Sa narinig kong sinabi ni Sir Armiel ay bigla kong naalala ang mga habilin na Tita.Aakitin ko siya para sa pera.Pero paano?Wala pa man akong ginagawa mukhang pera na kaagad ang tingin nito sa akin.Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lumabas pero bago pa ako makaabot sa pinto ay pumasok si Don Frederick. Eighty years old na ito pero kung titingnan ang sobrang lakas pa rin. Isa ito sa dahilan kung bakit mayaman ang Laveda. Hindi matakaw sa pera at palaging nagdo-donate. Pero base sa nakita at narinig ko kanina ay ibang-iba ang ugali ng apo nito.“Aalis na po ako. Sala
Chapter 3Nang dumating ang araw ng linggo ay day off ko kaya nagpasya akong umuwi sa bahay. Naabutan ko si Tita Gina na nanonood ng tv. Wala si Jen dahil siguradong gumala na naman.“Tita,” mahinang bati ko nang makapasok ako sa bahay kaya kunot noo niya akong nilingon.“Bakit ka umuwi?” tanong niya kaagad at kitang-kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan na nandito ako ngayon.“Day off po kasi Tita—”“May sahod ka na ba?” pagputol niya sa pagsasalita ko.“Wala pa po. Baka sa susunod na linggo ko po matanggap ang kalahati ng sahod ko,” sagot ko kaya mabilis siyang tumayo habang masakit ang tingin sa akin.“Edi sana hindi ka na lang umuwi kung wala ka pang pera! Ano ginawa mo ba ang mga pinagagawa ko sayo? Baka nagtatanga-tangahan ka lang doon!” bulyaw niya kaya nagmamakaawa ko siyang tiningnan saka ako umiling.“Tita, hindi ko po kaya—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil malakas niya akong hinawakan sa siko saka tinulak.“Anong hindi kaya?! Tanga ka ba?!” galit na sigaw n
Chapter 4“Hindi po, t-tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” nanginginig na sambit ko habang patuloy ako sa pag-iyak pero wala lang siyang naging reaksyon. Patuloy lang niya akong pinanood sa pag-iyak. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.Pinaghalong galit, at gulat sa patuloy na pagragasa ng mga luha ko.Ilang sandali pa ay umatras siya. Pero hindi ako tuluyang nakahinga ng maluwag dahil doon. Mas nanghina ang mga tuhod ko at gustuhin ko mang punasan ang mga luha ko ay wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.“Leave,” matigas na sambit niya habang diretso sa akin ang tingin.Hindi ako nakagalaw kaya mas lalong umigting ang panga niya. Kita ko rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya na tila sobrang nagtitimpi ng galit.“I said leave!” Dumagundong ang boses niya sa buong palapag. At doon ako nagkaroon ng lakas para tumakbo palayo habang hindi inaalintana ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.Tumakbo ako pababa at tuloy-tuloy na tumungo sa maid’s quarter.“A
Chapter 5Kung pwede lang mamili ng trabaho ay gagawin ko. Sobrang takot na takot ako kay Sir Armiel na kung sakali mang uutusan ako ni Manang Juanita na may gawin para kay Sir Armiel ay gustong-gusto kong tanggihan. Sa nangyari kahapon ay nabuhay lalo ang kaba ko at takot ko. Nanginginig ako dahil baka dumating ang oras na hindi na lang masasakit na salita ang marinig ko.“Maayos na ba ang kamay mo?” tanong ni Helga nang makita akong nakatingin sa sugat kong maayos na nababalot ng band aid sa umaga. Marahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Doon naman siya napatitig sa akin ng matagal na tila manghang-mangha. At nang bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka ay tumawa siya ng mahina.“Yen, ang ganda-ganda mo talaga! Para kang inosente na walang alam sa hirap ng mundo. Ang ganda mo!” sabi niya kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya.“Hindi naman po,” nahihiyang sabi ko saka tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa kama ko para makatulong na sa labas kaya umayos na rin ng tayo si Helga. Masy
Chapter 6 Money rules everything. Iyon ang totoo. Hindi man ako nag-aaral ngayon ay mulat ako sa mga nangyayari sa paligid. Hindi ko masisisi si Sir Armiel kung ang tingin niya sa mga mahihirap ay mapagsamantala. Tumatak sa isipan ko iyon. Parang mali ang pagiging mahirap pero wala naman kaming magagawa.Sa gabing iyon ay hindi ko magawang makatulong. Tulog na ang mga kasamahan ko habang ako ay nakatulala lang sa kisame. Gusto ko ng bagong buhay. Iyong hindi mayaman pero iyong hindi ako mapipilitan na huminto sa pag-aaral.Nagawa kong makatulog pero umaga na pero kinabukasan ay maaga pa rin akong nagigising para magtrabaho. At doon lang umikot ang oras ko sa mga sumunod na araw. Tulog, kain, trabaho, at wala ng iba. Laking tuwa ko lang dahil sa mga araw na iyon ay kulong si Sir Armiel sa kwarto at hindi ako ang napag-uutusan para dalhan ito ng meryenda kaya hindi ako nakarinig ng kahit ano mang pagsusungit sa kanya.At sa sumunod na linggo ay sobrang tuwa ang naramdaman ko nang makuh
Chapter 7Tinulungan ako ni Manang Juanita at ni Helga na tumayo. Inalalayan rin nila ako pabalik sa maid’s quarter at kahit doon ay hindi pa rin matigil ang paghikbi at panginginig ko.“Pasensya ka na, Yen. Okay lang bang magtanong kung anong nangyari?” marahan na sambit ni Manang Juanita nang kumalma ako ng bahagya.Mahina akong umilong dahil ayaw kong pag-usapan ang mga nangyari. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako kay Sir Armiel.“Baka po paalisin na ako ni Sir Armiel?” takot na tanong sa kanilang dalawa pero marahan akobg inilingan ni Manang Juanita.“Naniniwala ako na wala kang ginawang masama. At hindi hahayaan ni Don Frederick mawala ang isang katulong basta-basta hanggat wala itong ginagawang masama,” marahan na sabi niya pero hindi pa rin ako nakampante at dala ko pa rin ang takot at kaba hanggang sa makatulog ako.Kinaumagahan ay nagdadalawang-isip akong lumabas dahil kinakabahan ako. Pero pinalakas ni Manang Juanita at ni Helga ang loob ko kaya nakayuko akong tumungo sa k
Chapter 8Hindi matanggal sa isip ko na muntik na akong malunod. Hindi ko lubos maisip o maalala kung ano ang eksaktong nangyari. Ang alam ko may malambot na dumampi sa mga labi ko na parang may s********p at iyon ang dahilan kung bqkit buhay pa rin ako hanggang ngayon.Inabot ako ng hating gabi sa pag-iisip sa bagay na iyon. At saktong alas dose ng hating gabi ay bumangon ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako sa quarters. At nang wala akong makitang kahit isang biscuit man lang ay nagpasya akong pumunta sa mansyon. Pero nang sinubukan kong buksan ang pinto na nasa dirty kitchen ay naka-lock na ito kaya napabuntong hininga na lang ako.Plano kong bumalik na lang sa quarters at matulog pero bigla kong nagustuhan ang pagdampi ng malamig na hangin sa akin kaya unti-unti akong naglakad hanggang sa makarating ako sa parte ng mansyon kung nasaan ang swimming pool.Naghahalo ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nagmumula sa swimming pool at mula rin sa mansyon mismo. Nagpatuloy ako s
Chapter 9Kinabukasan ay maaga pa rin akong umuwi sa bahay kahit pa nakuha na ni Tita ang sahod ko. Sobrang aga akong nakarating doon at naabutan ko silang kumakain ng agahan. Inis na tingin ang iginawad sa akin ni Tita pero natuon lang ang tingin ko sa lechon manok na ulam nila at may softdrinks pa.“Oh? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Bumalik ka doon sa pinagtatrabahuhan mo at gawin mo ang pinagagawa ko!” sigaw ni Tita at inis na binato sa akin ang buto ng manok na kinakain niya.Napaatras naman ako saka yumuko.“Ma, nagtitiwala ka ba diyan? Sigurado ako na nagtatanga-tangahan lang iyan doon,” nakaismid na sabi ni Jen habang patuloy na kumakain ng pagkain na siguradong binili nila galing sa sahod ko na kinuha ni Tita.“Umalis ka, Aryen! Huwag kang babalik dito hangga’t hindi umuusad ang pinapagawa ko sa’yo!”“Tita—”“Sabing alis eh! Bingi ka ba?!” malakas na sigaw niya kaya mabilis akong lumabas ng bahay para hindi na makatikim ng kahit anong pananakit. Gusto ko lang naman