Share

Chaos Between Us
Chaos Between Us
Author: karyl bautista

Chapter 1

Chapter 1

Linaia's POV

"Mom, ayokong mag stay sa Laguna. It's too boring there" Reklamo ko kay mommy. Nag ta-tantrums na 'ko dito dahil biglang sinabi ni mommy na luluwas daw kami ng Laguna at doon na magpapatuloy ng pag-aaral. Hell no!

I love Laguna, ok? But never pumasok sa isip ko na doon kami titira at mag-aaral. That's just not what I want. Saka, mas madaming magandang schools dito sa Manila.

"You can't do anything about it, Naia. Your dad will not change his mind" Sabi ni mommy at iniwan na 'ko dito sa kwarto ko. She even told me to pack my things already.

Sa sobrang inis ko tinawagan ko si Dia. She's my cousin and my bestfriend.

Yes? Hello? Anong kailangan mo?

I'm pissed

Kahit mainis ka pa ng mainis diyan, wala ka ng magagawa.

Ghad! Pwede naman sila nalang ang lumuwas ng Laguna, bakit sinama pa tayo?

Ewan ko din, sis.

I'll come over.

Ok. Bye.

Binaba ko ang tawag at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko nakita si mommy o daddy sa baba kaya nag daretsyo ako ng labas ng bahay.

Nag lalakad ako papunta ng bahay nila Dia ng may sumitsit sa'kin. Hinanap ko kung saan galing 'yon. Only to see Max grinning like a monkey. Agad akong nairita.

"Para kang unggoy diyan" Masungit kong sabi sakanya. Natatawa siyang bumaba sa puno na kinauupuan niya at nilapitan ako.

"Bakit ganyan suot mo?" Tanongg niya at tinaasan ako ng isang kilay. Napatingin tuloy ako sa suot ko.

"Anong problema mo sa damit ko?" Maldita kong tanong sakanya at pinagkrus ang braso.

Pabalang niyang binigay sa'kin ang hoodie niya.

"Wear that. Sa susunod na lumabas ka ng bahay mag suot ka ng maayos na damit. Halos makita na kaluluwa mo diyan sa suot mo" mahaba niyang sabi. I mocked him and roll my eyes.

"Whatever, Maximo" Sabi ko at sinuot ang jacket na binigay niya.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya.

"Dia" Sagot ko.

"Ingat ka" Sabi niya at ni-pat ang ulo ko.

Umalis na siya kaya naglakad na ulit ako papunta kila Dia. Dalawang bahay lang naman ang pagitan ng bahay namin pero malayo pa rin ang lalakarin ko dahil hindi lang naman simpleng bahay ang nasa gitna ng bahay naming dalawa. Almost mansion like ang itsura nito at napakalaki. Si Zia at Keira ang nakatira sa dalawang bahay na 'yon.

I don't have friends actually. Bata palang ay kasama ko na ang mga pinsan ko kaya wala akong time para makipag-kaibigan pa sa iba dahil madami na ang mga pinsan ko. Well, second cousin ko sila. Ang first cousin ko lang ay si Danika, kapatid kasi ni Tito Kidd si daddy. The rest second cousin ko na kasi magpinsan ang parents namin.

May kapatid din ako, hindi ako only child. He's older than me, maybe 5 or 6 years older. His name is Linnaeus Hercules while I'm Linaia Hera. Also, he has a girlfriend or fiancé?? Hindi ko na talaga alam ang status nila ni Ate Keisha.

Pagdating ko sa bahay nila Dia ay agad akong pinapasok ng guard nila. Binati ko ang mga nakakasakubong kong kasambahay habang tinatahak ang daan papunta sa kwarto ni Dia.

"Ang tagal mo naman maglakad. Kanina pa kita hinihintay" Sabi niya habang nakadapa sa kama niya.

"May humarang na unggoy sa'kin" Sabi ko at naupo sa tabi niya.

"You smell like Max" Puna niya at sininghot-singhot pa ang amoy ko.

"That's because I'm wearing his jacket, sabi sa'yo may unggoy na humarang sa'kin" Sabi ko at nahiga.

"They're always protective" Sabi niya habang nag la-laptop.

"They were born that way. Nasa dugo na daw ng Vasquez 'yon" Sabi ko at nagkibit balikat.

"Nakapag-impake ka na?" Tanong niya.

"Of course not" Sabi ko at nainis nanaman ng maalala ko ang pag luwas namin sa Laguna.

"Mukha mo nakulubot nanaman" Sita niya at tinawanan ako.

"Is it really ok with you na mag-aral sa Laguna?" Tanong ko. Mukha kasing ok lang sakanya. Hindi siya naiinis tulad ko at naka-impake na ang mga gamit niya.

"Not really. Kasama ko naman kayo, saka hindi na natin mababago isip nila daddy" Sabi niya at sinara ang laptop niya.

I don't get bakit siya ang naging bestfriend ko? Like, she's the total opposite of me. She's calm and she rarely gets mad or irritated. She's too kind. Tapos ako?? I have a bad temper, I'm always pissed at everything, and I'm sassy. Maldita kung maldita pero ganito talaga ko.

Ilang oras pa 'ko nag stay kila Dia bago nagpasyang umuwi. Sa isang araw na kami aalis at wala akong choice kung hindi mag impake ng mga gamit ko.

Pag dating ko sa bahay nakita ko ang pamilyar na kotse sa garage namin. Agad akong napa-ngiti at nag mamadaling pumasok sa bahay.

"Ate Keisha!" Irit ko at nanakbo papunta sakanya. I hugged her tightly.

"I miss you!" Masayang sabi ko.

"I miss you too. Kamusta ka na?" Tanong niya at hinaplos ang buhok ko. She's really the sweetest.

"I'm not fine, ate. We're going to Laguna and transfer school" Reklamo ko at sumimangot.

"You're with your cousins naman. Saka, hindi mo pa nga nasusubukan mag stay sa Laguna for good, malay mo magustuhan mo" Sabi niya. Nag pout nalang ako dahil wala na talagang chance na mag stay kami sa Manila.

Just when I was about to accept na luluwas talaga kami ng Laguna, nakita ko si Kuya Aeus na pababa ng hagdan.

"Kuya!" Tawag ko dito at nanakbo palapit sakanya.

"What is it?" Tanong niya.

"Kuya, mag ta-transfer kami ng school" Sumbon ko sakanya at lumabi.

"Hera, I can't do anything about that. Sila daddy na ang nag desisyon" Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Ehh kuya naman. Ayoko sa Laguna" Reklamo ko at sumimangot lalo.

Tinawanan nila 'ko parehas ni Ate Keisha.

"You'll enjoy everything in Laguna. 'Wag kang magsalita ng tapos, baka sa susunod na magkita tayo ayaw mo ng umalis sa Laguna" Natatawa niyang saad.

Bumunting hininga ako. Grabe, wala na talaga 'kong pag-asa.

"Don't worry, Hera. Kasama mo naman sila Shawn" Sabi ni Kuya at inakbayan ako.

"I'll wire money to your bank account. Buy everything you want before going to Laguna. Ok?" Sabi ni Kuya na agad nagpaliwanag sa mukha kong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Promise 'yan ha?" Sabi ko sakanya. Natawa si Ate Keisha. Tumango naman si Kuya at nilapitan si Ate.

"Aalis na kami. Ingat ka sa Laguna" Paalam ni Kuya.

"Bye Naia" Nakangiti na paalam ni Ate kaya nginitian ko din siya at yumakap.

Pag-alis nila umakyat agad ako sa kwarto ko. Maga-ayos pa 'ko ng gamit na dadalhin ko sa Laguna.

I packed everything that I think I need tapos ay nahiga na 'ko sa kama ko para matulog.

___________________

KimbapKidding21

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status