Share

Chapter 4

Chapter 4

As usual we woke up early and go to school. I don't really have the excitement in me, because in the first place I never wanted to go here.

"Naia, you ok?" Dia Asked. I looked at her and nod.

I'm not in the mood and I don't want to talk.

We're currently at the coffee shop of our school. Yes, this school has its own coffee shop. I wonder who's the owner of this school, they're so rich.

"Wait, di'ba mag papasa ka pa ng portfolio mo?" Sabi sa'kin ni Dia. Agad nanlaki ang mata ko ng maalala ko 'yon.

"Shit. Malapit na mag twelve" Sabi ko sabay lingon sa relong pambisig ko. 11:57am na. Bago pa 'ko makarating sa room.

"Una na 'ko. Bye!" Paalam ko kay Dia at nanakbo paalis ng coffee shop.

Dali-dali ako nanakbo papunta sa locker area para kuhanin ang portfolio ko, 5mins ang papunta doon tapos babalik pa 'ko for another 5 mins and then 5mins again bago makarating sa club room. I'm doomed.

Pinagtitinginan na 'ko ng mga tao dahil sa pagtakbo ko pero wala na akong pake. Binuksan ko agad ang locker ko at hinablot ang portfolio ko saka nanakbo pabalik.

I'm sweating, I can feel it. Shocks. I've never run like this in my life. Malapit na ko sa club room ng may biglang sumulpot sa harapan kaya hindi ko agad napigilan ang bilis ko at bumunggo dito. Nahulog ang portfolio ko pati na rin ako. Ang sakit ng pwet ko. Shit.

"Fvck!" I heard the guy said.

Napa-angat ako ng tingin upang tingnan kung sino ang naka-bunggo ko.

I met again his jet black eyes. His eyes that can make my heart beat fast when he's looking at me.

'Ohmyghad! She's so dead'

'She should transfer again, yare siya'

'Shit. Bakit si captain pa ang nabunggo niya'

Inayos ko ang uniform ko at pinulot ang portfolio ko na nahulog. Nilingon ko ang lalaking nakabunggo ko at tiningnan siya sa mata.

"I'm sorry" Sabi ko at nag mamabilis na nilagpasan siya.

Bakit parang sobrang malas ko naman ngayong araw?? Kung ano-ano ang binubulong ko sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa club room, sakto na palabas yung babae na kausap ko kahapon.

"Hi, is it still allowed to pass my portfolio?" I asked while panting.

She stared at me and slowly shook her head.

"Sorry, hindi na pwede. Strict kasi ang club sa deadline, wala kaming magagawa" Paumanhin niya.

"Oh, ok. It's fine" Sabi ko at ngumiti. Nahihiya siyang ngumiti at naglakad paalis.

Frustratedly, I sat at the bench in front of the club room.

"Bullsh!t!" I shouted.

Wala namang tao dito. Kung meron man ay konti lang dahil hindi naman madalas puntahan ng mga studyante ang lugar na 'to.

Sinabunutan ko ang sarili ko at yumuko.

"Why am I so unlucky today?? Ghad!" I said to myself and lean on the bench then closed my eyes.

I sigh and compose myself. It's just a bad day, Naia, not a bad life.

Tumango ako at kinuha ang portfolio ko saka naglakad pabalik ng room. Rinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ko.

'Who is she ba? Bakit pinalagpas ni Captain ang ginawa niya?'

'Yah right? Is she special?'

'Captain's interested in her'

'That won't last'

I ignore them and continue walking. I was walking at the hallway of empty rooms when I heard somebody talking.

Sumilip ako sa isa sa mga rooms at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa loob. It's the captain and some girl that I don't know.

"C'mon, Jupiter–

"Don't call me that" Mabangis na sabi ng kapitan ng Vipers.

"I know you still love me, Sky" Pilit nung babae at lumapit kay Sky pero umatras ang huli.

"I never loved you, kristy" He said.

"You're lying" She said. He was about to say something when she pulled his shirt and kiss him.

I gasped in shock and cover my mouth right after. Pag lingon ko sa gawi nila nakatingin sa'kin si Sky habang kahalikan niya yung Kristy. Nanlaki ang mata ko at agad na nanakbo paalis sa lugar na 'yon.

What did I just saw? Ohmyghad. It's not my hobby to stick on others business, but damn! This is not me, ok? Hoo!

Pagod na pagod akong naupo sa upuan ko sa room saka yumuko.

Ano bang nangyayari sa araw na 'to? Bakit sobrang malas ko naman??? Una, hindi tinanggap yung portfolio ko sa club na dapat ay sasalihan ko. Pangalawa, nabunggo ko ang kapitan ng Vipers at ang sakit ng pwetan ko. Pangatlo, nahuli ako ng kapitan ng Vipers na nanonood sakanila ng kahalikan niya. Goodness!

Ginugulo ko ang buhok ko ng biglang may magsalita sa tabi ko.

"Huy, naloloka ka na ba?" Tanong ni Dia bago naupo sa pwesto niya.

"Dia" I called her.

"Hmm?"

"I wanna go home" Sabi ko nalang.

"Why? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya at kinapa ang noo ko.

Tumango ako habang naka-simangot.

"Wala ka naman lagnat ah?" Sabi niya at sinuri ang mukha ko.

"I just don't feel well" Sabi ko at yumuko muli sa desk ko.

"Tara dadalhin kita sa clinic o kaya papauwi na kita kay Shawn" Sabi niya at hinila ang braso ko.

"'Wag na, ako nalang. Walang mag e-excuse sa'tin kapag umalis tayo pareho" Sabi ko at nilagay ang portfolio sa bag ko.

"Ingat ka" Paalala niya. Alam kong labag sa loob niya na mag-isa lang akong aalis pero alam niyang tama ako na walang mag e-excuse sa'min kaya wala siyang nagawa.

Tahimik akong naglalakad sa hallway papunta sa gym ng may makasalubong ako na grupo ng mga babae.

"Hey, you!" The girl shouted.

I continued walking. Hindi naman siguro ako ang tinatawag niya. Wala naman akong ibang kilala dito kung hindi mga pinsan ko lang.

"I'm talking to you, transferee!" She shouted again. Transferee? Is she referring to me?

Humarap ako sakanila at blanko silang tiningnan. Kita ko ang pag ngisi ng babae sa unahan at lumapit sa'kin. Wala akong gana at lakas makipag-away. Please lang.

"Ang yabang mo ah. Sino ka ba sa tingin mo?" Maangas niyang tanong at tinulak ang balikat ko.

"I don have the energy to talk to you. Leave me alone" Sabi ko at tumalikod sakanya pero agad akong napasigaw ng hablutin niya ang buhok ko.

"Anong gagawin mo? Sisigaw ka? Sige, go! Walang Sky na dadating dito para iligtas ka" Nakangisi niyang saad habang mahigpit na hawak ang buhok ko.

"Let me go, you bitch!" I shouted while trying to free my hair from her.

"Akala niyo kung sino kayo ng mga pinsan mo kung umasta, sigurado naman kaming may tinatago kayong kulo" Sabi niya at tinulak ako.

Kanina pa napupuruhan ang balakang ko. Ang sakit lalo dahil sa ginawa niyang pag tulak sa'kin.

Hindi pa 'ko nakakatayo ng may sumabunot sa'kin. Ramdam ko ang pagkalmot sa braso ko ng isa at pag sipa sa binti ko. Shit. Mag papasa 'yon agad.

Sobrang nanghihina ako sa ginagawa nila. Wala akong lakas para sumigaw kaya at manlaban kaya ptuloy sila sa pananakit sa'kin.

Nanlalabo na rin ang paningin ko pero bago pa ako mawalan ng malay narinig ko pa ang isang malakas na sigaw at naaninag ko ang lalaking hindi ko kailanman naisip na ililigtas ako.

Third person's POV

Masayang nag lalakad si Chase sa hallway ng tourism department habang nakain ng ice cream ng may mapansin siya di kalayuan sa pwesto niya.

May mga babaeng nagkukumpulan sa may tagong parte ng hallway.

"May inaaway ba sila?" Tanong niya sa sarili at lumapit pa upang marinig ang usapan.

"Anong gagawin mo? Sisigaw ka? Sige, go! Walang Sky na dadating dito para iligtas ka" Rinig niyang sabi ng isang babae.

Sky? Si captain??

Sinilip niyang maigi kung sino ang nasa gitna ng mga babaeng nagkukumpulan at pinanlakihan siya ng makita kung sino 'yon. Dali-dali siyang nanakbo papunta sa gym ng department nila upang puntahan ang kapitan.

"Captain!" Sigaw niyo na nakakuha ng atensyon ng madami.

Humawak siya sa dalawang tuhod habang hingal na hingal.

"What is it, Pastrana?" Kunot noo na tanong ng kanilang kapitan habang may hawak itong bola.

Nilibot ni Chase ang tingin sa paligid. Nandito ang mga pinsan ni Naia.

"You're wasting my time" Sabi ni Sky at maglalakad na palayo kaya hinawakan ni Chase ang braso nito.

Huminga ng malalim saka bumulong sa kapitan nila. Nanlaki ang mga mata ni Sky at binitawan ang bola saka agad na nanakbo palabas ng gym kaya sumunod siya.

"They're so dead to captain" Sabi ni Chase habang nananakbo papunta sa lugar kung saan niya nakita si Naia at ang umaaway dito.

"Fvcking stop!" Sigaw ng kapitan na umalingasaw sa buong hallway.

Napatigil ang mga kababaihan at napatingin kay Sky. Agad nanlaki ang mga mata nito at tila naestatwa sa kinatatayuan.

"Pastrana, remember all their faces" Utos ni Sky kay Chase.

"Yes, captain" Saad ni Chase at sinaulo ang mukha ng mga babae.

Hinawi ni Sky ang babaeng nag kukumpulan at natagpuan niya ang walang malay na si Naia. May galos ang braso nito at magulo ang buhok. Napansin din ni Sky ang pasa sa hita nito at magulong uniform.

Nag liliyab siya sa galit at gusto niyang bawian ang may kagagawan nito kay Naia. Maingat niyang binuhat ang dalaga na tila isa itong mamahalin at babasaging bagay.

May dugo ito sa gilid ng labi na hinuha ni Sky ay dahil sa sampal.

Dinala niya ang dalaga sa clinic upang gamutin ang sugat at pasa nito. Pinatawag niya din ang mag pi-pinsan.

"Ohmyghad! What happened to her?" Gulat na tanong ni Nika at nilapitan si Naia na nakahiga sa kama.

"Shit. I should've accompanied her" Bulong ni Dia at naga-alalang nilapitan si Naia.

"Tell me who the fvck did this to her!" Galit na tanong ni Zia.

"They're going to receive their punishment tomorrow, save your anger" Malamig na sabi ni Sky.

Napalingon silang lahat sa binata.

"Is this why you rushed out of the gym a while ago?" Nagtitimping galit na tanong ni Shawn.

"Yes" Sagot ni Sky.

"This is your fault, de Dios! I already warned you not to go near or protect, Naia! You're dangerous for her" Bulyaw ni Duke at kinwelyuhan si Sky.

"Ang I clearly told you too that I'm not going to stop until I get her" Sabi ni Sky habang walang buhay na nakatingin kay Duke.

"You said you're protecting her. Is this how you protect?? This is bullshit, de Dios!" Sabi ni Max at napa-hilamos sa mukha.

"This is the first and last, de Dios. Stop trying to get Naia. You're not good for her" Sabi ni Shawn at naupo.

"Anong sasabihin natin kila tito?? Bukas na sila luluwas dito sa Laguna" Sabi ni Kierra.

Lumabas na ng clinic si Sky at naabutan niya ang Vipers na naghihintay sa labas.

"Ayos na ba siya, captain?" Tanong ni Adam. Tumango naman si Sky at nag lakad na paalis.

"Galit na galit sila Duke" Sabi ni Kaiden habang naglalakad sila sa likuran ng kapitan nila.

"Shawn's scary. He looks like he's ready to kill someone" Sabi ni Adriel.

"They're the famous Vasquez everyone's talking about" Sabi ni Zion kaya napalingon silang lahat sa binata.

"You mean the owner of Vasquez Group of Companies?" Tanong ni August, tumango naman si Zion.

"That explains why they entered this school easily. They have connections" Sabi ni Zayden.

"Hindi naman sila lahat Vasquez" Sabi ni Adam.

"Second generation of Vasquez clan. 3 ang babae sa first generation ng clan nila, that's why" Sagot ni Zion. Napatango-tango naman ang mga kasamahan nito.

"Vasquez. Captain, di'ba rival ng pamilya mo ang Vasquez?" Tanong ni Adam. Agad naman itong siniko ni Chase.

"I don't have a family, Salazar" Malamig na saad ni Sky.

"Napaka-daldal mo talaga. Sinabi nang ayaw ni captain binabanggit yung pamilya niya" Nai-iling-iling na sabi ni Chase. Napakamot naman sa batok si Adam.

"Sorry na. Nalimutan lang" Paumanhin ni Adam at nag kamot ng batok.

Linaia's POV

I woke up with a heavy feeling. Masakit ang katawan ko na para akong binugbog. Then, it hit me, literal pala talaga kong nabugbog. Grabe, ano bang akala nila sa'kin? Punching bag?? Saka ano bang kinalaman ko sa kapitan nila??

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas 'yon.

"You're awake" Shawn said.

"Obviously, yes" I sarcastically replied.

Nilapag niya sa side table ang tray na dala niya saka naupo sa kama ko.

"You ok now?? Feeling better?" Tanong niya at sinuri ang mukha at braso ko.

"Ikaw kaya pagka-isahan? Malamang masakit pa" Mataray kong sabi at inirapan siya pero tinawanan niya lang ako.

"Guess you're fine. Nag ma-maldita ka na" Nakangisi niyang saad.

"Bukas na luluwas sila mommy, gumawa ka na ng idadahilan mo para sa pasa at sugat mo" Paalala niya.

Shit. Oo nga pala! Anubayan. Bakit ngayon pa??

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at yumuko. Bigla ko naalala si Sky.

"Si...sky ba nag dala sa'kin sa clinic?" Utal kong tanong. Tinitigan niya ako na tila nanunuri.

"Don't look at me like that. I'm just curious" Sabi ko at lumabi.

Huminga siya ng malalim saka tumango.

"Yes, siya nag dala sa'yo sa clinic" Sagot niya at nag-iwas ng tingin.

So, it's not a dream? Siya nga yung lumapit sa'kin bago ako mawalan ng malay? Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko.

Umalis na si Shawn at tulala lang ako dito sa kwarto. Still thinking about that Sky de Dios.

Kinabukasan, kahit ayaw ako papasukin ng mga pinsan ko ay nagpumilit ako. Hindi naman malala ang nangyari sa'kin, masyado silang OA.

Pag pasok sa campus halos lahat ng studyante nakatingin sa gawi naming mag pi-pinsan. Anong meron??

Nakarinig kami ng ingay sa loob ng gym.

"Akala ko ba bawal na manood sa practice niyo, Kuya?" Tanong ni Dia kay Duke.

Nag kibit balikat lang si Duke at naunang pumasok sa gym. Napanganga sila Dia sa nakita at halos lumuwa ang eyeballs ko sa gulat.

"She's here!" Sigaw ni Chase habang nakatingin sa'kin.

Agad bumaling ang tingin sa'kin ng karamihan. Hindi ako mapakali bigla. Lalo at may mga babaeng nakaluhod sa gitna ng gym at nasa harap nila si Sky na walang emosyon ang mukha.

"Sis, ikaw ata ang tawag" Sabi ni Nika sa'kin at bahagyang tinulak ang balikat ko.

"Me? What did I do?" I asked innocently.

"Wala. Pero sila meron" Nakangiting saad ni Chase saka ako hinila sa manggas ng polo ko na tila ayaw ako hawakan.

Dinala niya ako sa tabi ni Sky na nakatingin sa'kin.

"Anong ibig sabihin nito?" Kunot noo kong tanong pero pabulong lang iyon para hindi marinig ng iba.

"They hurt you. This is their punishment" Sabi niya na tila wala lang sakanya ang mga babaeng nakaluhod.

Tiningnan ko yung mga babae at namukhaan na sila yung umaway sa'kin kahapon.

"Anong gagawin mo sakanila?" Kinakabahan kong tanong.

Inosente niya akong tiningnan.

"Me? Hindi ako ang gagawa. Ikaw" Sabi niya at nginisian ako.

Shitness ka hart. Tumigil ka nga muna, seryosong usapan ito. Ano bang nakain ng lalaking kaharap ko at ganito siya umakto.

"Why me? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sakanya na ikinahalakhak niya ng bahagya.

"You don't want to do the work? Leave it to them, then" Sabi niya at tiningnan ang mga lalaki sa gilid namin. May kanya-kanya silang hawak ng bola ng volleyball at mga naka-ngisi pa.

"Ready na kami, captain" Sabi nung Adam at nag-unat pa ng leeg.

"Sumenyas ka lang, cap" Sabi ni Adriel habang tumatalon-talon.

Nilingon ni Sky si Chase at tinanguan na tila naintindihian ni Chase ang pinapahiwatig ni Sky.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng pumwesto sila upang ibato ang bola sa mga babae na nakayuko at nakatakip sa katawan nila upang hindi matamaan.

"Stop!" Sigaw ko at pumikit dahil ayokong makita kung paano nila batuhin ang mga babae.

Ilang segundo pa ay wala akong narinig na ingay o daing kaya dahan-dahan ako nagmulat ng mata. Naka-freeze yung mga lalaki sa pwesto nila at nakatingin lang si Sky sa'kin habang nakangiti.

"Put the ball down. Don't hurt them" Utos ko sakanila na agad naman nilang sinunod ng senyasan sila nitong kaharap ko.

"Let's talk" Seryoso kong saad at hinila siya sa locker room nila.

"What's your problem??" Irita kong tanong sakanya.

"Nothing. I'm just giving them a punishment" Inosente niyang saad habang nakatingin sa'kin.

"Do you think this is a joke?? Mananakit ka ng iba ng tao na wala namang ginagawa sa'yo?! That's immature!" Sabi ko at lumayo sakanya.

Nagdilim ang itsura niya kaya agad akong kinabahan. Bakit ba dito ko siya naisip dalhin? Paano kung may gawin siyang masama sa'kin?

"They did nothing to me, but they hurt you. I can't let that pass" Seryoso niyang saad habang nakatitig sa'kin.

"Why are you doing this to me? Sino ba ako sa'yo?? I'm a stranger. Hindi mo 'ko kilala" Sabi ko sakanya, hoping na baka tigilan niya na ako.

Ngumisi naman siya bigla. Wow. He literally can change his mood in just a split second.

"I know, but that doesn't make me like you less. I'm wanting you more, day by day" Sabi niya habang nakatitig sa akin. Para siyang nakatitig pati sa kaluluwa ko.

Humakbang siya palapit sa'kin kaya napa-atras ako, hanggang sa mapasandal ako sa malamig na pader ng locker room nila.

He cornered me.

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Ramdam ko ang pag wawala ng puso ko na tila gusto nitong lumabas mula sa ribcage ko.

"Move away. You're too close" Sabi ko at tinulak ang dibdib niya pero wala namang nangyari.

"I like being close to you" Bulong niya na nakapagpa-taas ng balahibo ko sa batok. Goodness.

"You're mine, Hera. Mine alone and I don't share. Remember that" Bulong niya nanaman at nilapit ang mukha sa akin.

Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Let's go. Your cousins might be looking for you right now" Sabi niya at hinila na ako palabas ng locker room nila. Tulala lang ako habang hila-hila niya ako.

What just happened??? Am I dreaming???

Fvck my heart. It's beating too fast.

Damn you, de Dios!

__________________________

KimbapKidding21

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status