Share

Chapter 2

Chapter 2

"Zia, bilisan mo nga" Reklamo ni Max.

Nag lalagay kasi sila ng bag sa likod ng kotse at si Zia ang huling nagising kaya siya din ang huling lumabas ng bahay.

"Eh kung ipakain ko kaya sa'yo 'tong bag ko?!" Mataray na sabi ni Zia at inirapan si Max.

Aso't pusa silang dalawa sa'ming mag pipinsan. Hindi ata natatapos ang isang araw na hindi sila nag bababgayan.

3 kotse ang dadalhin namin. I'm with Nika, Dashiel, and Spain. Duke and Dia is with Shawn. Keira and Zia is with Max. Gusto ko nga kasama si Dia sa kotse pero ayaw ni Duke na isama sa'kin si Dia. Ayaw ko naman na sakanila sumama. Makikipag-away lang ako kay Shawn.

Ng makasakay na kami sa kotse agad kaming umalis. They have their drivers license kaya hindi na kami nagpa-drive. Kay Spain ko talaga pinili sumama dahil mas maayos siyang driver kesa kay Duke at Max. Myghad. Gusto ko pang mabuhay.

Silang lima na lalaking pinsan namin ay maloko. Shawn and Duke are the most serious. Max and Spain are the crackheads. Dashiel is the only normal sa kanilang lima. Sakto lang siya.

"Spain, ayusin mo pag mamaneho mo kung ayaw mong sipain kita palabas" Maldita kong utos sakanya.

"Wala ka bang tiwala sa driving skills ko?? Grabe, nakakasakit ka ng damdamin" Sabi niya at umaktong nasasaktan.

"You're the not so normal driver sa inyong tatlo kaya dito ako sumakay sa sasakyan mo, so better be careful driving" Sabi ko at sumandal sa upuan ko.

"Bakit ba hindi nalang si Dashiel ang pinag-drive? He's the normal sa inyong lima" sabi ko at umirap.

"Malamang underage. 17 lang 'yan baka nakakalimutan mo" Sagot ni Spain.

"Whatever" Sabi ko at tumitig nalang sa labas ng bintana.

Hindi kami magkaka-pareho ng edad. Duke, Shawn, Zia, Keira, and Nika is 19 years old. Me, Dia, Spain and Max is 18 years old tapos si Dashiel ang bunso sa'min. He's 17 years old.

Pinaka-close ko si Shawn and Dia. Madalas kaming mag-away ni Shawn pero madami kaming bagay na napagkaka-sunduan.

Kalahating oras bago kami makarating sa Laguna ay nagpasya silang kumain saglit. Sa KFC nila napili kaya doon kami. Pagbaba ko ng sasakyan agad kong nalanghap ang simoy ng hangin. Malapit na nga kami sa probinsya. Sariwa ang hangin at panay green ang nakikita ko sa paligid.

Sila Duke na ang um-order para sa'min kaya naghintay nalang kami dito sa lamesa.

Habang nag hihintay, let me tell you something. Si Nika at Dia ang pinaka-tahimik sa'min at kalmado, pero, Dia has a boyfriend. Ako lang ang may alam non dahil hindi naman siya papayagan ng mga pinsan naming lalaki, lalo na si Duke at Dashiel. Keira has a boyfriend too and they're both legal. Pinakilala niya sa'min ang boyfriend niya at kahit tutol si Max wala siyang nagawa dahil pumayag si Tito Kurt, pero ang alam ko may usapan si Tito at Keira kaya pumayag.

Sa lalaki naman lahat sila babaero. Well, mahilig sila makipag-fling tapos kapag nasawa bye-bye na. They never get into a serious relationship. The rest of us were single, including me. Hindi pumasok sa isip ko na mag boyfriend kahit minsan. I'm waiting for the right guy. Dadating at dadating naman 'yon. Saka pinagbawalan ako ni Kuya, walang sinasabi sila daddy sa'kin na bawal pero si Kuya Aeus ang nagsabi na bawal.

"Huy, tulala ka diyan" Sita ni Dia sa'kin.

"Ha?" Lutang kong tanong.

"Kumain ka na kako, ayan na oh" Sabi niya saka tinuro ang pagkain sa harapan ko.

Nagsimula na 'ko kumain ng tahimik. Ayoko makipag-bangayan ng nakain, nakakawala ng gana.

"Saan tayo mag t-transfer ng school?" Tanong ni Keira.

"High Academy" Maikling sagot ni Duke.

"High Academy? That's weird. Never heard that school name before" Sabi ni Dashiel.

Dashiel is smart. Lahat naman kami matalino, pero si Dashiel? Ewan ko ba sakanya, masyadong advance ang isip niya. He's just 17 pero same namin siya ng grade nila Dia.

Pagkatapos namin kumain lumabas na din agad kami. Nag cr pa sila Shawn at Dia. Naupo ako sa may bench sa labas ng KFC habang hinihintay lumabas ang iba. Ang presko ng hangin. I was enjoying the air when I felt something moving on my thigh. Nag mulat ako ng mata.

"Aaaahhhh!!" Irit ko at nagtakip ng mukha. May bulate sa hita ko and it's moving.

Nagsimulang tumulo ang luha ko at nanginig ang katawan ko. I heard someone laughing pero hindi ko alam kung sino dahil mas focus ako sa kung paano aalisin ang bulate sa hita ko.

I was crying when I felt someone remove the worm on my thighs. Hinila niya ako at niyakap. I'm still shaking.

"Ssshhsss. Tahan na, tahan na. Wala na yung bulate" Rinig kong pagpapakalma sa'kin ni Shawn. Mahigpit niya akong yakap at hinaplos ang buhok ko upang kumalma.

"It's gone. Calm down" Mahinang sabi ni Shawn. He's still caressing my back while trying to calm me down.

"You're really stupid, Max" Rinig kong sabi ni Dia.

"What?? I don't know na takot siya sa bulate" Depensa ni Max.

"Kahit na. You shouldn't prank someone like that. Alam mong mabilis matakot si Naia sa kahit anong bagay" Sabi ni Keira.

Ilang minuto pa ay kumalma na 'ko pero nanginginig pa rin ako.

"Hera's going with us" Sabi ni Shawn at pinapasok ako sa sasakyan ni Duke, tumabi siya sa'kin at pinasandal ako sa balikat niya.

"Are you ok now?" Tanong niya saka inabot ang kamay kong nanginginig.

Tumango naman ako.

He's massaging my hand. Siya lang ang may alam kung anong mangyayari sa'kin kapag natakot. Hindi alam ni Dia 'yon dahil hindi ko na rin kinwento.

We arrived in Laguna at 12 noon. Pinadaretsyo na 'ko ni Shawn sa kwarto ko at siya nalang daw ang magdadala ng gamit ko.

I was resting on my bed when someone knocked.

"Come in" Sabi ko. Bumukas ang pinto at niluwa non si Max na may bitbit ng bag ko.

"Hey" He said. Nilapag niya yung bag ko sa gilid at lumapit sa'kin.

"I'm sorry about earlier. Hindi ko alam na ganon yung magiging reaction ng katawan mo sa bulate" Sabi niya.

"It's fine. Shawn managed to calm me down naman" Sabi ko at ngumiti sakanya.

"Pahinga ka diyan" Sabi niya at umalis na ng kwarto ko.

I close my eyes and let myself sleep.

Nagising ako papalubog na ang araw. Nag bihis ako saka bumaba. Rinig ko ang boses ng mga maliligalig kong pinsan sa baba.

"Gising na si Naia, tara na" Sabi ni Zia ng makita ako na pababa ng hagdan.

"Saan pupunta?" Tanong ko ng maka-baba ako.

"Sa school" Sagot ni Dia.

"Ngayon na? 3 pm na ah?" Sabi ko bago naupo sa tabi ni Shawn.

"It's fine. Until 7pm pa naman bukas yung school" Sabi ni Dashiel habang nainom ng juice.

"Mag palit ka na, dalian mo" Utos ni Duke. Hindi na 'ko nag salita at umakyat uli para magpalit ng damit.

Pagbaba ko si Dia nalang ang nasa salas.

"Tara na. They're waiting already" Aya niya sa'kin. Lumabas kami ng bahay. Nakita ko sila na nakasakay na sa sasakyan nila Duke.

Kila Dia na 'ko sumabay, hindi ako aawayin ni Shawn ngayon dahil sa nangyari kanina kaya safe ako sumabay sakanila.

"I still can't believe that we're transferring schools" I said while putting my seatbelt on.

"We have no choice" Duke said and start driving.

Wala akong idea sa kung anong itsura ng school na lilipatan namin. Ang sabi lang sa'kin ni mommy ay private din naman ang lilipatan namin.

After 15 minutes or so, we arrived at the school. Sinilip ko 'yon mula sa loob ng kotse.

"Woah! That's one hella of a school" Komento ni Dia habang naka-silip din sa bintana.

Napanganga rin ako ng makita ko ang itsura ng High Academy. The gates are tall. Malawak din yung harapan ng school at ang taas nung main building. I didn't know na may ganito palang school sa Laguna. Panay green din ang nakikita ko. May fountain sa gitna na nakaka-agaw talaga ng pansin.

"I never knew that school like this exist" Sabi ni Keira habang pinagmamasdan ang school.

"I think I'm going to love this place" Naka-ngising sabi ni Zia.

"Let's go" Sabi ni Shawn.

Katabi ko si Dia at Keira habang nag lalakad. May i-ilang studyante kaming naka-salubong. Maaga pa naman talaga, 4pm palang. Siguradong may mga studyante pa, lalo yung mga varsity players na may training after class.

Dumaretsyo kami sa registrar office. Sabi ni Dia ay mag e-exam daw kami ngayon. Masyado na ngang late ang pag e-enroll namin, special test ang ibibigay sa'min. 2nd year college na sila Duke habang 1st year college kami nila Dia kasama si Dashiel na dapat ay grade 12 lang.

Pinapasok kami sa isang room kung saan kami mag te-test. May hiwa-hiwalay na upuan doon at may papel at ballpen sa bawat lamesa. Pag-upo namin ay nag simula na agad kami mag sagot. Mas excited yung mga lalaki kesa sa'min mga babae dahil sasali sila ng Basketball. Wala pa sigurong sampung minuto ay tapos na si Dashiel, sumunod si Duke at Shawn tapos si Max at Spain.

"Mga excited mag laro" Bulong ni Zia at umiling-iling pa.

Sabay-sabay kaming natapos kaya sabay-sabay din kaming lumabas ng room. Hinanap namin kung saan yung basketball court, madali naming nahanap 'yon dahil sa lakas ng sigawan sa loob.

"May game ba??" Tanong ni Keira. Nag kibit balikat kami at pumasok sa loob.

"Woah! Andaming tao" Manghang sabi ni Zia.

Hinanap agad ng mata ko ang mga pinsan namin, pero iba ang natagpuan ng mata ko.

I found two jet black eyes looking at me.

Agad akong nag-iwas ng tingin at hinanap sila Duke. Nandon sila sa gilid ng court, kausap yung mga basketball players.

"Ayun sila, tara" Aya sa'min ni Keira. Nag lakad kami palapit sakanila. Naupo kami malapit sa gilid ng court habang nag hihintay.

"Ohmyghad, ang gwapo nung naka-jersey na 21" Sabi ni Nika at inalog-alog ako.

Hinanap ko kung sino yung naka-jersey na 21 at agad nanlaki ang mata ko ng makita kung sino 'yon. Siya yung kulay black yung mata na nakasalubong ko ng tingin kanina.

"Is he...looking at you?" Tanong ni Dia at pinagbalik-balik ang tingin sa'kin at do'n sa naka-jersey na 21.

"Oo nga. Naka-tingin ba siya sa'yo, Naia?" Tanong ni Nika.

Umiling naman ako at nag-iwas ng tingin.

"Hindi. Hindi siya nakatingin sa'kin. Baka sa likod natin" Sabi ko at umayos ng upo. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang titig ng lalaking 'yon sa'kin.

"Si captain ang mag de-desisyon diyan" Rinig kong sabi ng isang player ng basketball.

"Sinong captain niyo?" Tanong ni Dashiel.

"Siya" Sabi nung lalaki na nag-usap kanina, sabay turo doon sa lalaking naka 21. Siya ang captain??

"Tanggap ba sila sa team, captain?" Tanong nung lalaki sa captain nila.

"Hindi" Maikling sabi nito. Kita ko ang gulat sa mukha ng mga pinsan kong lalaki.

Mukhang naasar si Duke na agad namang pinigilan ni Shawn at Dash. Lumapit kami sakanila. Knowing them, they're just going to start a fight.

"Bakit?" Kalmadong tanong ni Max.

"Because I don't want you in my team" Maanghang na sabi ng kapitan ng basketball.

Kita ko ang pagtiklop ng kamao ni Shawn kaya agad ko itong hinawakan. Nag-angat ako ng tingin sa kapitan nila at nakitang may tinititigan ito. Sinundan ko ang tingin niya at dinala ako no'n sa kamay ko na naka-hawak sa kamao ni Shawn.

"This is unfair. Hindi niyo pa nga sila nakikita mag laro" Sabi ni Zia at mataray na naka-tingin sa kapitan ng basketball team.

"Let's play a game then. Kapag nanalo kayo, pasok kayo" Sabi ng kapitan nila at tumalikod na.

"The fvck. I'm not wearing my shoes" Reklamo ni Spain.

"Duke, Shawn, calm your asses down. 'Wag kayong mag sisimula ng away. Ka-bago-bago natin dito" Sabi ni Nika.

She's the mother of the group.

"That de Dios is pissing me off" Sabi ni Shawn habang naka-kunot ang kilay.

"Calm down, Shawn. Focus on the game" Sabi ko sakanya.

Nagsimula na sila mag laro. Alam kong malaki ang chance nila Shawn manalo dahil varsity din sila sa school namin sa Manila, pero mukhang magaling din ang basketball team ng school na 'to.

'Wooohh!!! Go Jupiter!!'

'I love you, Zion!'

'Go Kai!'

'Win the game, Vipers!'

'Mahal kita, Chase!'

'Yan ang maririnig mo dito sa loob ng gym. This is just a practice game pero mukhang actual game dahil sa dami ng supporters ng team na'to.

Nanalo sila Duke kaya ngiting tagumpay ang nakapaskil sa pagmumukha nila. Inabutan ko ng tubig si Shawn at pinunasan ang pawis niya.

"Good game" Sabi ko at ngumiti sakanya.

"We're always good at basketball" Mayabang niyang saad kaya inihilamos ko sakanya ang towel na hawak ko.

"Pa'no ba 'yan nanalo kami" Sabi ni Duke sa players ng basketball.

"Hindi pa rin kayo kasali" Biglang sabi ng kapitan nila.

Agad kaming napanganga sa sinabi nito.

"That's unfair!" Reklamo ni Keira habang nakakunot ang noo.

"A deal is a deal. Anong klaseng usapan ang ginawa niyo kung hindi ka susunod" Inis kong sabi sa kapitan nila.

Agad akong napa-lunok ng titigan niya ako gamit ang itim niyang mga mata. Ngumisi siya sa'kin at umalis na.

"What the!" Duke was about to start a fight but Keira stopped him.

"Chill lang kayo, nag bibiro lang si Captain" Sabi nung naka-jersey na 7.

"I'm not joking, Pastrano" Sabi ng kapitan nila.

Awkward naman na tumawa yung Pastrano at sumenyas na hindi totoo ang sinabi ng kapitan nila.

"Nag bibiro lang 'yon. Tanggap kayo sa team" Sabi nung Pastrano.

"Ang galing niyo mag laro. Ako nga pala si Kai" Pakilala niya at ngumiti.

"Adam here. Nabanat buto-buto ko, ang hirap niyo kalaban" Sabi nung may piercing sa tenga.

"Zion" Sabi nung medyo chinito na lalaki.

"Pwede na kayo mag simula bukas. Congrats" Sabi nung Pastrano. Maybe he's Chase? Narinig ko sa bulungan kanina.

Pagdating namin sa parking agad na nagpalit ng damit ang mga lalaki. Duke and Shawn was still pissed.

"Napaka-yabang ng de Dios na 'yon" Inis na sabi ni Duke.

"Kung hindi lang siya kapitan ng team na 'yon baka nasapak ko na siya" Sabi naman ni Shawn.

"He's annoying. Ang gwapo niya pa naman" Sabi ni Nika.

She's still simping over that guy.

Ayoko sakanya. He makes me nervous.

________________

KimbapKidding21

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status