Share

Chapter 3

Chapter 3

The next day, I woke up early. I don't wanna be late on our first day. Saka mamadaliin nanaman ako ni Dia mamaya.

I share a room with Keira. Ayaw ako kasama ni Dia dahil ang ingay ko daw sa gabi. Nag papatugtog kasi ako ng music tuwing gabi at minsan ay nakiki-kanta pa. Ayaw ni Dia ng ganon. Si Keira ay kapareho ko na gusto rin nag papatugtog sa gabi kaya nag sama kami sa kwarto.

"You're early" Puna ni Keira sa'kin. Naka-robe siya at may towel sa ulo. Mukhang katatapos niya lang maligo.

"Dia will kill me if I'm late" Sabi ko na ikinatawa niya.

I think she's the most normal sa'ming 5 babae. As I've said, Nika and Dia are the quiet one. Zia and me are the sassy one, then Keira is in the middle. She's like Dashiel.

Naligo ako at nag bihis ng uniform ng High Academy.

"Their school uniform is nice" komento ni Keira sa uniform namin.

It's a short sleeve polo blouse with a logo on the left chest, above the knee black skirt and a necktie. White long socks and black shoes.

Pagkatapos ko maligo, bihis na si Keira ng school uniform at nag a-ayos nalang ng mukha.

"Did you already know your section?" Tanong ko kay Keira.

"Nope. Sa guidance office daw muna tayo pumunta pagdating sa school sabi ni mommy" Sagot niya saka nag lagay ng liptint.

Pag baba namin nakasabay namin si Spain at Max.

"Your skirt is too short" Puna ni Spain habang nakatingin sa palda namin ni Keira.

"No it's not" Sabi ko at inirapan siya. Nagpatuloy ako sa pag lalakad pababa hanggang sa makarating ako sa dining.

"Let's eat" Sabi ni Nika na nandon na sa dining at nag ce-cellphone nalang.

Naupo ako sa tabi niya at tumabi naman sa'kin si Dash. Shawn and Duke was the last two to sit. We prayed first before start eating our breakfast.

"Dumating na ba kotse ni Dash at Spain?" Tanong ni Dia. Dash knows how to drive a car pero hindi siya pinapayagan kapag malayo ang pupuntahan. Dahil 15 mins away lang naman yung school at may student driver license si Dash pinayagan siya nila Tito.

"Yup. Kadarating lang" Sagot ni Duke habang nakatingin sa cellphone niya.

"Stop using your phone, kuya" Sita ni Dia sa kapatid niya.

"Mom, texted" Depensa ni Duke bago ibinaba ang cellphone.

Ang alam ko ay sa isang araw pa susunod sila mommy dito dahil may inaayos pa daw sila sa Manila.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng walang nag babangayan. Thank goodness.

"Let's go. Malapit na mag time" Sabi ni Shawn at tumayo na. I don't know kung kanino ako sasabay. Hindi naman pinadala nila mommy yung kotse namin dito kaya wala akong gagamitin.

"I'll go with Spain" Sabi ni Zia at kinuha na ang bag niya saka lumabas ng dining.

Pag labas namin ng bahay nandon na nga ang sasakyan ni Dash at Spain. Black and white trailblazer was owned by Shawn. The Gray trailblazer was Duke's. Red Sedan was Spain's car. Yellow Sedan was Dashiel's car. And the Jaguar SUV was Max's car. You see, they're still a student pero yung mga sasakyan nila high end.

"You're coming with me" Sabi ni Shawn ng madaanan niya ako.

Umirap nalang ako at sumakay sa kotse niya.

"You have a practice later right??" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya.

"Intayin niyo na kami matapos para sabay-sabay tayong umuwi" Sabi niya at nag drive na paalis.

"Whatever. You'll make us wait for an hour or so nanaman" Sabi ko at umirap.

"You don't have a car so you have no choice" Sabi niya at nginisian ako.

"Bakit kasi they don't let us bring our car here. Marunong naman kami mag drive" Reklamo ko at umismid.

"You'll just go somewhere kapag may sarili kayong sasakyan" Sabi ni Shawn. I mocked him and roll my eyes.

"Stop rolling your eyes on me. Tanggalin ko eyeballs mo" Sita niya kaya binelatan ko siya.

"Don't go anywhere without Dia or the others, saan-saan ka nanaman pumunta. Your brother asked me to look after you, so don't be stubborn" Saad niya at sinulyapan ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Really?? Sinabi niya 'yon?" Hindi makapaniwalangtanong ko.

"Yes" Sagot niya.

"Wala ba siyang tiwala sa'kin?? Goodness!" Ani ko at nakatulalang sumandal.

"Remember when you were in grade 6? Tumakas ka sa yaya mo at nag punta sa playground ng village nila Ate Keisha?" Kwento niya at bahagyang tumawa.

"Whatever, Shawn. Shut up" Maldita kong sabi at inirapan nanaman siya.

Buti nalang at nanahimik siya dahil tatahiin ko talaga ang bunganga niya kapag hindi siya nanahimik.

Nakarating kami sa school ng 7:30. Madami-dami na ang studyante at andaming naka-tambay sa may parking.

Anong meron???

Bumaba ako ng kotse ni Shawn at hinanap si Dia. Sana ay maging kaklase ko siya.

Rinig ko ang tilian ng mga babae ng makababa sila Shawn sa kotse nila. Really?? Tinitilian nila ang mga pinsan naming lalaki? Hanggang dito ba naman?

"Grabe, ang lakas talaga ng appeal ko. Hanggang dito tinitilian pa rin ako ng mga babae" Mayabang na sabi ni Max at inayos pa ang buhok niya at kwelyo.

"And your still mayabang kahit nandito na tayo sa Laguna" Pambabara ni Zia at inirapan si Max.

"May ipagyayabang naman ako, Z. Hindi ka ba nag-gwapuhan sa'kin??" Tanong ni Max.

Zia looked at Max blankly and shook her head.

"No" She answered, then she flip her hair..

"Aahh, nakakasakit ka ng damdamin, Z ha" Arte ni Max at nag kunwari pang nasasaktan.

Napa-iling-iling nalang ako.

"Ang iingay niyo. Let's go, I don't wanna be late" Maarte kong sabi at nauna na maglakad sakanila.

Humabol si Dia sa'kin at sabay kami nag lakad.

"Dean's office daw muna tayo" Sabi niya kaya tumango ako.

Kinuha lang namin ang susi ng lockers at papel na ibibigay namin sa adviser namin tapos ay umalis na din kami agad.

"Omo! Classmates tayo!" Impit kong tili kay Dia na naka-ngiti.

"Anong sasalihan niyong club??" Tanong ni Keira.

"I don't know. Wala naman akong hobby" Sagot ko sakanya.

Required daw kasi sa school na 'to ang pagsali sa club. No choice tuloy kami kung hindi sumali.

"Mag broadcasting ka, Nika" Suggest ni Dia kay Nika.

"Pwede naman" Sabi ni Nika. She's considering it.

"Mag po-photojournalism nalang ako" Sabi ko. Mahilig naman ako mag picture, doon nalang ako.

We parted ways ng maka-rating kami sa building namin ni Dia. Si Spain, Max at Dash ay magkaklase pero sa kabilang section sila.

"Tara, doon sa may likod" Aya ko kay Dia sa may likuran na upuan.

Pag-upo namin ay inayos ko ang bag ko. Wala pa namang prof kaya maingay pa ang mga studyante.

"Hoy, upuan namin 'yan. Alis!" Sabi nung lalaki na kadadating lang.

"Nauna kami dito" Kalmado kong sabi.

Ngumisi naman siya at nag lean sa lamesa.

"Bagong salta lang kayo dito, ang angas mo ah!" Maanghang niyang sabi habang nakatitig sa'kin.

"Ikaw ang maangas diyan. Is there any name written on this chair ha??!" Inis kong bulyaw sakanya at hinanap-hanap ang pangalan nilang hindi naman nakasulat.

Nakaka-pikon siya.

"Ang tapang mo ah!" Taas noo niyang sabi sa'kin.

Tumayo ako at pinantayan siya. Para sa isang babae ay matangkad ako kaya halos magkasing tangkad lang kami.

"Pre. Pre!" Tawag nung isa niyang kasama.

Lumapit ito dito sa lalaking kaaway ko at may binulong. Nanlaki naman ang mata nitong kaaway ko at napalingon sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

"What?!" Mataray kong tanong sakanya.

"Pasalamat ka protektado ka" Sabi niya umalis na para maghanap ng ibang upuan. Pagsilip ko sa labas ng room nakita ko yung ibang miyembro ng vipers. Anong ginagawa nila doon sa labas?

Muli akong naupo ng higitin ni Dia ang pulsuhan ko.

"Anong protektado??" Bulong niya sa'kin. Nag kibit balikat naman ako.

"Hindi ko rin alam?" Sabi ko at umayos ng upo.

Kumukulo ang dugo ko sakanya.

Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin kaya tumahimik na ang buong room.

"We have two new students here, introduce yourselves please" Sabi ni Maam at nilingon kami.

"Hi, I'm Danica Klia Vasquez. Nice to meet you all" Pakilala ni Dia.

Tumayo na ako dahil ako naman ang mag papakilala.

"Linaia Hera Vasquez" Maikli kong pakilala at naupo na ulit.

"Thank you. Class, be nice to the transferees as they are new to our environment" Sabi ni Maam habang naka-ngiti. She looks nice.

Natapos ang first two class namin ni Dia kaya dumaretsyo kami sa canteen para mag lunch. We were quietly eating when the girls started screaming.

Napa-lingon kami sa entrance ng canteen at nakitang pumasok ang basketball team doon. Nandon din ang lima naming pinsan na mukhang katatapos lang mag practice.

I was looking at them when I met the gaze of their captain. His hair is messy, his face was void of emotions and his jet black eyes that's too lifeless. Doesn't he know how to smile?

Sobrang kabaliktaran siya ng co-captain ng team nila. Pala-ngiti si Pastrano hindi kagaya niya na hindi ngumingiti.

"Huy! Naia!" Tawag ni Dia sa'kin.

"Bakit?" Disoriented kong tanong.

"Sinong tinititigan mo?" Tanong niya at sumulyap ulit sa Basketball team.

Sumulyap din ako sakanila. Nakasalubong ko nanaman ng tingin ang kapitan nila na nakatingin din sa gawi ko. Agad akong nag iwas ng tingin.

"Wala. Wala" Sagot ko kay Dia at pekeng umubo.

Nag patuloy kami sa pagkain. Patapos na kami ni Dia ng maupo sa tabi namin sila Shawn.

"Ginagawa niyo dito?" Mataray kong tanong.

"Nag mamaldita ka nanaman, Naia?? Akala ko bumabait ka na" Natatawang sabi ni Spain.

"Stop pestering me you a-hole" Inis kong sabi sakanya.

"Naia!" Sita ni Shawn at sinamaan ako ng tingin.

"What??" I innocently asked.

"Language" He said and continue eating.

Tiningnan ko si Spain na naka-ngisi sa'kin. Inirapan ko siya at tinapos ang pagkain ko.

"Is it just me or Sky is looking here?" Tanong ni Max habang nakatingin sa table ng mga ka-team nila.

Agad naman akong napa-yuko at mariin na pumikit. Shitness.

"He's staring at......Naia?" Sabi ni Duke na ramdam ko ang titig sa'kin.

"Naia" Tawag ni Shawn. Nag-angat naman ako ng tingin at inosenteng tumingin sakanila.

"Yes?" Tanong ko.

"Is he looking at you?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin.

"I don't know?? Ask him" Sabi ko. Agad naman akong napatampal sa noo sa isip ko.

Why would you say 'ask him'??? Stupid, Naia. Stupid.

"I saw him yesterday, he's looking at Naia" Sabi ni Dash. Nanlaki naman ang mata kong napatingin sakanya.

Nakita niya 'yon?!

"Woohh! Looks like you got the captains attention" Pang-aasar ni Max at kinindatan ako.

"Don't go anywhere near de Dios" Sabi ni Shawn at uminom ng tubig.

"I have no interest on boys" Naka-simangot kong sabi sakanya. Wala naman kasi talaga akong interes sa lalaki, napaka-OA niya.

"You don't, but he looks like he will pursue you until he get you for himself" Sabi niya at sinulyapan ng tingin ang kapitan nila na hanggang ngayon ay nakatingin dito sa gawi namin.

"You're being OA, Shawn. Walang interes o kung ano man ang kapitan niyo sa'kin, ok?" Sabi ko at tinaasan sila ng kilay.

"Also, his family and ours are rival. No one in our family should fall for that guy" Dagdag ni Duke na kanina pa tahimik.

"Pamilya lang natin ang magkaribal. Bakit pati tayo damay?" Tanong ni Dia.

"It's better that way, sis" Sagot ni Duke at ginulo ang buhok ni Dia.

We finished eating our lunch and currently walking back to our room. Bumalik na rin sila Shawn sa teammates nila dahil may practice sila after lunch.

"Hindi ba magkakaroon ng away sa Vipers?" Tanong ni Dia. Kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.

"Well. Sabi ni kuya di'ba, rival ng Vasquez ang de Dios" Paliwanag niya. Seseryosohin ba nilang kasali din dapat kami sa away ng pamilya??

"They're old enough to handle it, Dia" Sabi ko at inayos ang strap ng bag ko.

Pina-daretsyo ko na si Dia sa room dahil pinapatawag ako sa club room ng photojourn. Habang naglalakad ako pansin ko ang pagtingin sa'kin ng mga studyante na nadadaanan ko. Is there something wrong with my face??

'Gosh! Siya yung pino-protektahan ni Sky?'

'Bagong salta lang silang mag pipinsan dito a?'

'May gusto ba si captain sakanya?'

'Hindi naman siya kagandahan'

'Siya ba 'yon?'

'Oo, siya talaga 'yon'

Rinig kong bulungan sa paligid. Ako ba ang pinagu-usapan nila?? Hindi ko sila pinansin at dumaretsyo ng club room.

"Hi, good afternoon" Bati sa'kin nung babae na malapit sa pinto.

Ngumiti ako sakanya at naupo sa bangkuan kaharap niya.

"Ikaw ba yung transferee?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Mag pasa ka nalang ng portfolio bukas tapos write a short article about a specific topic" Sabi niya. That's easy.

"Thank you" Sabi ko at lumabas na ng club room. Inilagay ko sa bag ko yung form na ifi-fill up ko. Habang nag lalakad ako bigla akong nalito kung saan ako dadaan para makarating sa classroom namin ni Dia.

Bakit naman ngayon pa??

Dumami kasi ang tao kaya hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Kung i-isa-isahin ko ang bawat hallway na nakikita ko, malamang ay aabutin ako ng siyam-siyam.

"Lunch time is over. What are you doing here?" Agad akong napalingon sa lalaking kumausap sa'kin.

Halos mahulog ang puso ko ng makita kung sino iyon.

It's the Vipers' team captain.

"H-ha? U-hm. Paalis na rin ako" Utal kong saad at nag mamabilis na naglakad palayo sakanya. I-ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng mag salita ulit siya.

"That's not the way to your classroom" Sabi niya na ikinatigil ko. Paano niya naman nalaman kung saan ang classroom ko??

"Are you lost?" He asked when I didn't budge.

Nag lakad siya papunta sa harapan ko at tinitigan ang mukha ko. Nakakailang siya tumitig.

"Let's go. I'll accompany you to your room" Sabi niya at nauna na mag lakad sa'kin. May sariling isip ata ang paa ko dahil kusa itong gumalaw at sumunod sa yapak ni Sky.

Nakayuko akong nag lalakas sa likuran ng bigla akong mabunggo at nauntog ang ulo ko kaya nag-angat ako ng tingin. Nakatigil si Sky sa harapan ko at sa likod niya ako nauntog. Anubayan.

Nilingon niya ako ng naka-kunot ang noo.

"What are you doing there?" Kunot noo niyang tanong.

"Ha? A-ano..."

"Walk beside me" Utos niya at tumabi sa'kin. Napalingon ako sakanya. Nakatitig lang siya sa'kin saka sumenyas na mag lakad na 'ko.

Ng makarating kami sa tapat ng room ko ay hinarap ko siya.

"Salamat sa pag sama" Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

Nakatitig lang siya sa'kin saka tumango at naglakad paalis. Pag pasok ko sa room halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa'kin.

"What was that?? Kasasabi lng ni Kuya at Shawn na 'wag mag lalapit sa captain nila, tapos makikita kitang kasama siya??" Hindi makapaniwala niyang sabi. Naka-takip pa siya ng kamay sa bibig.

"Nag mabuting loob lang yung tao 'no. Naligaw kasi ako nung nag punta ako sa clubroom" Depensa ko at nilabas ang libro na gagamitin namin.

"Whatever you say, Naia" Di naniniwalang saad ni Dia at umiling-iling.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili kong puso. Kanina pa ito nag wawala mula ng sumulpot bigla ang de Dios na 'yon sa harapan ko.

This is why I hate him. He makes me annoyingly nervous. Parang hinabol ng kabayo ang puso ko.

_____________

KimbapKidding21

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status