Share

Chapter 3: Kaden Zafirti

Sa opisina, mainit ang ulo na hinarap ni Kaden ang sandamakmak na mga reports na kailangan niyang i-review. Hindi pa nakatulong na kinukulili siya ng financee.

"Belinda!"

Agad na pumasok ang sekretarya ng binata.

"May kailangan po ba kayo, sir?"

"Nasaan ang report ng finance department?" Kanina pa niya iyon binubukalkal pero wala talaga iyon sa pumpon ng mga reports sa mesa niya.

Nagkamot sa ulo si Belinda. Tiyak na magbubuga na naman ito ng apoy. "Hindi pa po nila tapos, sir."

Kumuyom ang mga kamao ni Kaden sa narinig. "Hindi pa tapos?"

"Eh.. nagkaroon daw po kasi ng problema sa tally ng reports kaya inulit nila—"

"Get out. Tell them to finish it before the day ends or else I'm gonna fire all of them!"

Mariin na pumikit si Kaden at sumandal sa swivel chair. Maliit lang ang pisi ng pasensya niya ngunit lalo iyong umiksi nitong mga nakaraang mga araw.

Tumawag si Joseph, ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng binata.

"Boss, kinausap ako ni Señor kanina. Pinapasabi na dumalo ka raw sa dinner sa inyong mansyon mamaya."

"Sabihin mong madami akong ginagawa. Hindi ako makakapunta."

"Binantaan ka po niya, boss. Hindi ka raw pwedeng tumanggi."

Nahilot ni Kaden ang sintido. Sa dami ng problema niya ay dumagdag pa ang lolo niya.

"Anong oras ba?"

Pababa na si Kaden sa building. Kahit na ilag ang mga empleyado dito ay hindi pa rin maiwasan na tanawin ito ng tingin ng karamihan at kiligin lalo na ang mga kababaihan. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga dito? Daig pa nito ang mga artista sa Pilipinas sa taglay na kakisigan. Kung hindi lang ito masungit at nagbubuga ng nakakatakot na presensya ay baka pinagkakaguluhan na ang binata sa mga oras na ito. Matalim ang mga mata nito at laging nakakunot ang noo.

"Saan tayo, boss?" anang driver ng binata.

"Sa mansyon tayo."

He hates having meal with his family ngunit parang tusong bata ang kanyang lolo na pilit gumagawa ng paraan upang tumapak siya sa mansyon.

"Apo, mabuti naman at pinagbigyan mo ako!" natutuwa na turan ni Anastacio pagkakita sa apo. Katulad ng dati ay madaming mga bantay at tauhan ang nagkalat sa paligid ng mansyon ngunit kataka-takang mas madami ngayon.

"Anong meron, 'lo?" Hindi na napigilan ni Kaden na magtanong habang iginigiya siya ng matanda papasok sa marangyang kabahayan.

Tumawa si Anastacio sa tanong ng apo. Paniguradong maiinis ito kapag nalaman ang totoong rason kung bakit niya ito pinapauwi sa mansyon.

Hindi na kailangang magsalita pa ng matanda nang mula sa kusina ay may lumabas na maganda at sopistikadang babae. Kahit na nasa singkwenta na ang edad ay bata pa ring tingnan ngunit halata sa ere ng katawan kung gaano ito kasosyal at kaarte.

Umawang ang labi ni Kaden at parang nasisiraan ng bait sa nakikita sa mga oras na ito.

"Kaden! How are you, my dear son?"

Hindi pa nakaka-recover sa gulat ang lalaki nang mula sa kusina ay lumabas din ang kasintahan niyang si Katie na malawak ang pagkakangiti.

"Hello, hon!"

Nag-iigting ang panga na binalingan ni Kaden ang katabing si Anastacio na pasipol-sipol lang at parang walang ginawang mali.

"What the heck, 'lo? You gang me up!"

Niyakap ni Caroline ang anak ngunit mabilis na umiwas si Kaden.

"Don't you dare touch me," may pagbabanta sa boses ni Kaden sa ina. At imbes na magalit ang huli ay tinawanan lang ang naging reaksyon ng binata.

"You silly. Hanggang ngayon pa rin ba ay masama ang loob mo sa akin sa ginawa ko noon. It's not my fault that you're—"

"Tama na iyan, Caroline," pagpuputol ni Albert sa asawa. Umikot ang mga mata nito at bumalik ulit sa kusina. Si Katie naman ay walang hiya-hiya na nangunyapit kay Kaden kahit na nasa harapan ang ama at lolo ng kasintahan.

Tinapik ni Albert ang balikat ng anak. "Pasensya ka na sa mama mo. Hindi pa rin siya nagbabago. Huwag mo na lang siyang pansinin."

Hindi na naitago ni Kaden ang inis na nararamdaman at kinompronta ang dalawa. "Seriously dad? Lolo? Alam niyong ayaw ko siyang makita pero anong kalokohan ito? Paalisin niyo siya ngayon din mismo! She doesn't have any place in this house anymore!"

"Kaden, magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Alam naming malaki ang pagkukulang ni Caroline ngunit ina mo pa rin siya," may pagbabanta sa tono ni Albert.

Hindi iyon pinansin ni Kaden at nilagpasan ang dalawa. Mas gugustuhin niyang magpakalunod na lang sa alak kaysa sa kumain sa hapag at makipagplastikan sa harap ng mga ito.

Napabuntong hininga naman si Anastacio habang tinatanaw ang pag-alis ng apo. Biglang nakonsensya ang matanda dahil hindi agad niya sinabi ang totoo dito. Hindi na lang niya ito pinigilan at hinayaang umalis.

Si Katie naman ay parang linta na nakapulupot ang mga braso kay Kaden. Sumama ito sa pag-alis at hindi na inisip pa ang mga gamit na naiwan sa mansyon.

"I miss you, hon.." ani Katie, hinahalikan ang leeg ng binata at kinukuha ang kiliti.

Napapangiti naman ang driver sa sarili nang makita ang kawalan ng interes ng amo sa babae. Sanay na siya sa mga ganitong tagpo ng dalawa. Kung minsan nga ay siya pa itong nahihiya para sa babae.

Sa kwarto ni Kaden ay hindi na mabilang kung ilang beses nang naabot ni Katie ang sukdulan. Paos na ang boses nito sa kakaungol at sigaw. Para na itong lantang gulay ngunit kahit kaunti man lang ay hindi pinagpawisan si Kaden sa ginagawa.

"Oh my gosh!" ungol nito ng malakas bago muling narating ang ikapitong langit. Akmang gagalaw ulit si Kaden ngunit pinigilan na siya ni Katie.

"S-Stop. Hindi ko na kaya..." hinihingal nitong saad.

Hindi na kailangan pa ni Kaden ng isa pang salita at hinugot ang pagkalalaki mula dito.

"If that's so then get out."

"W-What?" nabigla si Katie sa turan ng binata. "Pinapaalis mo ako?"

"Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Ibinigay ko na ang gusto mo. Now get out and leave my house."

"But why? You can't do this to me!" Nagsimula na itong magdabog.

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Katie. Kanina pa mainit ang ulo ko." May pagbabanta sa tinig ng binata.

Wala nang nagawa pa ang babae kundi damputin ang mga nagkalat na damit at umalis. Kahit na arrange marriage lang ang lahat ay gagawin niya ang lahat upang mahalin siya nito!

Tinanggal ni Kaden ang suot na condom at ibinato sa basurahan. He felt disappointed to himself. Kahit minsan ay hindi man lang siya nilabasan. Pabagsak siyang humiga sa kama, pumikit habang ang isipan niya ay unti-unting naglakbay sa gabing iyon, sa club kung saan sa unang pagkakataon ay nabaliw siya sa isang babae.

"Lara.." bigkas niya sa pangalan nito.

Kinabukasan..

"Boss, hindi mo naman na kailangan pang sumama. Kayang-kaya na namin ito ni Carlo," ani Joseph at siniko pa ang katabing si Carlo upang segundahan ang sinabi.

"Oo nga boss. Alam na namin ang pasikot-sikot sa negosyong ito."

May punto ang dalawa. Sumama lang siya dahil gusto niyang makapag-isip isip.

Tumingin sa labas ng bintana si Kaden at napadako ang mga mata sa isang maliit na flower shop. Bigla siyang napaunat ng upo at dali-daling lumabas ng sasakyan dala ang apache case.

"Boss??"

Nagkatinginan ang dalawa na naiwan sa sasakyan. Saan pupunta ang amo nila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status