Share

Chapter 5: True Identity

"S-Sandali!"

Kulang na lang ay atakehin si Lara sa sobrang lakas ng tibok ng puso. Bakit ito nanghahalik?! Sinubukan niya itong tuhurin pero natunugan iyon ng lalaki at inipit ang kanyang mga hita. Ipininid ni Kaden ang mga kamay ng dalaga sa ulunan nito at pinagmasdan ang kagandahan.

Namumulang mukha, ang malambot na buhok na nakasbog sa unan. Tanging sando at maiksing short lang ang suot ni Lara at wala pang suot na bra! Paniguradong naaaninag ng lalaki ang kanyang mga nipples!

Nakita ni Lara kung paano umalon ang adams apple nito.

"Don't move.." nakaigting ang panga na wika ni Kaden at walang babalang hiniklas ang suot ni Lara.

Mariin na napapikit ang binata nang masilayan sa unang pagkakataon ang mayayaman na dibdib ng dalaga.

"Fvck," mura nito sabay sapo sa isang dibdib at marahan iyong pinisil.

"Ahh.. Huwag please," protesta ni Lara ngunit ang kinalabasan nun ay isang ungol. Taliwas ang sinabi niya sa isinisigaw ng katawan niya sa mga oras na ito. Ayaw niyang magpahawak kay Garry pero bakit ang dali-dali lang na bumigay siya dito? Anong mahika meron ang lalaki?

Lalong napaungol si Lara nang isinubo ni Kaden ang isang dibdib at s******p iyon habang ang isa naman ay patuloy nitong minamasahe.

"Ahhh..." Nababaliw na siya. Bakit niya hinahayaan ang lalaki sa gusto nitong gawin? Ganitong-ganito rin ang nangyari sa kanya noon kay Lord K.

Biglang napamulat ng mata si Lara at pinakatitigan ang mukha ng lalaki. Nagkatitigan ang dalawa habang subo-subo ni Kaden ang dibdib ng dalaga. Napalunok siya. Ang mga mata nito ay katulad ng kay Lord K. Kulay asul at nakakahipnotismo..

"L-Lord K?.." naninimbang niyang bigkas.

Natigilan naman si Kaden at pinakawalan ang mga kamay ni Lara.

"Ikaw si Lord K?" pagpupumilit niya nang makita ang reaksyon ng lalaki.

Nagbuga ng hangin si Kaden at hindi na nagsinungaling pa. "Yes. Ako nga. Took you so long to recognize me," anito at umangat ang sulok ng labi.

Muntik nang mahulog ang puso ni Lara sa pag-ngisi nitong iyon. Akala niya ay hindi ito marunong ngumiti! Higit sa lahat ay tama ang hinala niya!

"A-Anong totoo mong pangalan?"

Muling lumapit sa kanya ang lalaki at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "Kaden. That's my name. I hope you'll engrave that in your heart and mind."

Natulala na si Lara habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Naguguluhan siya at madaming katanungan pero hindi siya makapag-isip ng tuwid.

Humaplos ang kamay ni Kaden sa bewang ni Lara. Mukhang nakalimutan na ng dalaga na nakalantad sa mga mata niya ang diddib nito. Nagtitimpi lang siya.

"Nagulat ka ba?"

Tumango si Lara. "Bakit.. Bakit ka nandito? Hindi ko maintindihan kung bakit parang sinusundan mo ako—"

"Hindi ko rin maintindihan," tugon ni Kaden. "Para kang magnet, hinihila mo ako palapit sa iyo."

Lalong nahiya si Lara sa mga pinagsasabi nito. Masyado itong perpekto upang maniwala siya. Baka katawan lang niya ang habol nito.

Pinanuod ni Kaden si Lara na kumuha at magpalit ng damit.

"Sino ang mga kasama mo dito sa bahay na ito?"

Atubili man si Lara na magsalita pero parang nangmamando ang boses ni Kaden.

"Ang tiyahin at mga pinsan ko."

"Mag-isa ka lang ngayon?"

"Oo pero papasok na rin ako mamaya sa club."

Kumunot ang noo ni Kaden na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga. Bigla namang nabahala si Lara.

"Nagtatrabaho ka sa club? As a what?" may diin na sa boses nito.

"Waitress lang naman.."

"Leave that job. Hindi pwedeng magtrabaho ka doon."

Magsasalita sana ang dalaga nang biglang tumunog ang cellphone nito. Si Garry ang tumatawag. Nakita iyon ni Kaden at mabilis na dinampot ang aparato.

"Who's Garry?" anito sabay abot sa kanya ng cellphone.

Umiling ang dalaga. Simula nang nag-away silang dalawa ay ngayon lang tumawag ang kasintahan sa kanya.

"Lara! Nasa baba ako. Kanina pa ako kumakatok. Nakapagbihis ka na ba? Ihahatid na kita sa trabaho mo."

"Uhh.. Hindi pa—"

Mula sa likod ay hinablot ni Kaden ang cellphone ni Lara at pinindot ang mute button. "Sabihin mong wala ka dito at nasa trabaho na."

"H-Huh?"

"Tell that to him. Or gusto mong ako ang humarap sa kanya?"

Sa huli ay sinunod ni Lara ang gustong mangyari ni Kaden. Nang makaalis si Garry ay doon na niya kinuha ang apache case at ibinigay dito.

"Please, huwag mo na akong guluhin. May b-boyfriend na ako. Kung ano man ang pinaplano mo ay itigil mo na. Wala akong oras na makipaglaro sa iyo."

"At sinong may sabing nakikipaglaro ako?" seryosong turan ni Kaden habang mariin ang mga tingin kay Lara.

Binuksan ng binata ang case at kumuha doon ng tatlong bungkos at inilagay sa kama. "I know you won't accept this whole money but at least take this one."

Hindi na nakaimik si Lara dahil sa biglaang pagiging seryoso ni Kaden. Tumayo ito at lumapit na sa bintana. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay binalingan pa siya. "And please, Lara. Umalis ka na sa club na iyon. It's for your own sake."

Nahahapong siyang napaupo nang makaalis na si Kaden. Hindi na siya pumasok ng gabing iyon. Kahit na kakikilala lang niya dito ay ang laki na ng impact nito sa kanya.

• • • •

"Mom! I won't accept this one! Kaden postponed again our wedding! Not next month but next year! Hindi pwede ito! Pinapahalata lang niya na wala siyang balak na ikasal ako!" naghihisterya na sigaw ni Katie sa ina.

"Pwede bang kumalma ka? Baka ginalit mo na naman kaya inurong ulit. Ikaw din ang gumagawa ng sarili mong problema!" Pati si Marissa ay naiinis sa anak dahil kung hindi sa ugali nito ay matagal na sanang ikinasal ang dalawa. Bakit hindi kasi ito magpakabait?

"No, mom! I didn't do anything this time, I swear!" pagtatanggol naman ni Katie sa sarili.

"Then bakit na-postponed na naman ang kasal niyo? Tandaan mo ang lahat ng hirap natin upang mapunta sa posisyon na ito, Katie. Kapag hindi kayo naikasal ni Kaden ay mawawala sa atin ang lahat-lahat!"

Si Marissa at Katie ang ikalawang pamilya ni Arthur Deogracia simula nang yumao ang asawa at nag-iisa nitong anak. Nasawi ang mag-ina sa aksidente na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang totoong sanhi, kung sinadya ba natural na aksidente talaga.

Kahit na yumao na ang nag-iisang anak ni Arthur ay may share pa rin ito sa kompanya ng mga Deogracia. At nang namaalam na rin si Arthur sa labis na depression ay ang share nito ay naidagdag sa bata, mas malaki kumpara sa 10% lang na share ni Katie. Hindi iyon magagalaw hanggang nabubuhay pa ang chairman ng mga Deogracia— si Don Virgil, na kahit matanda na at maraming taon na ang nakalipas ay umaasa pa na buhay ang apo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status