Share

Chapter 6: Mga Taksil

Pagkatapos ng insedenteng iyon ay gabi-gabi nang bumibisita si Kaden kay Lara. Kahit na anong taboy ang gawin niya ay matigas talaga ang ulo nito. Hindi man lang ito natatakot kahit na nasa bahay ang tiyahin at mga pinsan niya. Ang ayaw pa ni Lara ay nagdadala ito ng mga mamahaling regalo sa kanya. At hindi nga iyon nakatakas sa mga pinsan na naabutan niya sa loob ng kwarto.

Binubutingting ni Stephanie ang kwintas na kabibigay lang ni Kaden kagabi habang si Ailene naman ay suot na ang isang limited edition na relo.

"Stephanie, Ailene!" Sinugod niya ang dalawa. Hindi pwedeng pati ang mga ito ay pakialaman ng magkapatid. Galing iyon kay Kaden. Wala siyang mukhang maihaharap dito kapag nawala ang mga regalo nito sa kanya. Nakuha niya ang kay Ailene pero nakaiwas si Stephanie.

"Aha, aha! Tingnan mo nga naman. Saan mo nakuha ang mga mamahalin na alahas na ito? Ninakaw mo 'no?"

"Hindi! Akin na iyan!"

Malakas siyang itinulak ni Stephanie. "Ailene, tawagan mo si mama at papuntahin dito. Kailangan nating maghalungkat. Mukhang may itinatagong yaman si Lara sa kwarto niya."

Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ni Lara nang pumanhik na rin sa taas ang tiyahin. Agad na nagsumbong si Stephanie sa ina.

"Ma, naglilihim na sa atin si Lara. Tingnan mo itong kwintas. May diamond! Tiyak na mamahalin ito!"

Isang hampas ang iginawad ni Tesie kay Lara habang masama ang tingin. "Gaga ka! May grasya ka pala dito pero ipinagdadamot mo? Hala! Halungkatin ang buong kwarto!"

Napaluha si Lara nang parang bagyo na nanalanta ang mga ito sa kwarto niya. Pati kama niya ay binaliktad at walang pinalagpas na mga butas at sulok.

"Oh wow! Para akong nanalo sa lotto sa mga alahas na ito!" si Tesie.

"Look! Ito yung bag na sinasabi ko sa iyo. Iyong 20 pieces lang ang inilabas sa market!"

Halos magningning ang mga mata ng tatlo. Bigong-bigo si Lara at hindi na alam kung paano pa haharapin si Kaden pagkatapos nito. Umalis ang tatlo na nagdiriwang habang pakiramdam niya ay pinagsukluban siya ng langit at lupa. Mabuti na lang at ang perang iniwan noon ni Kaden ay nailagay na niya sa bangko.

"Impakta talaga iyang tiyahin mo at ng mga anak niya!" Umuusok ang ilong na turan ni Maymay.

"Kaya nga lagi naming sinasabi sa iyo na bumukod ka na. Masipag ka at kaya mo na ang humiwalay sa mga bruhang iyon. Sinasabi ko sa iyo, uubusin ka talaga nila hanggang walang matira sa iyo," pangaral din ni Janice.

Matagal na niya iyong iniisip. Ngunit kung bubukod siya ay dapat malayo sa mga ito para hindi na mahabol pa.

Maagang nag-out si Lara dahil masama ang pakiramdam niya. Alas dos pa lang ng hapon. Nagtaka pa siya nang makita ang sasakyan ni Gary na nakaparada sa tapat ng bahay. Bakit nandito ito? Hindi ba pumasok sa trabaho?

Makalat na sala. Iyon agad ang bumungad sa kanya. Dideretso na sana sa kusina si Lara upang uminom ng gamot nang magimbal sa naabutang tagpo doon. Agad na nagtago si Lara at biglang nanikip ang dibdib niya. T-Tama ba ang nakita niya?

"Ahh. Ahh. Yes. Ganyan nga, Garry," umalingawngaw ang malanding ungol ni Stephanie sa kusina.

"Ang sarap mo talaga, Steph. Hindi talaga ako nagsisisi sa relasyong meron tayo. Ahh. Ang boring ni Lara."

"Hiwalayan mo na kasi siya.." naglalambing na tugon ni Stephanie at hinalikan ang leeg ni Garry.

"Huwag muna. Hindi ko pa siya nakukuha."

Malanding tumawa ang babae. "Happy first anniversary, babe."

Nagtatakbo si Lara palabas ng bahay. Gusto niyang saktan ang dalawa ngunit alam niyang matatalo siya. Hilam sa luha ang mga mata habang parang tukso na paulit-ulit na umalingawngaw ang usapan ng mga ito. First anniversary? Isang taon na siyang linoloko ni Garry at Stephanie?

Muntik nang masagasaan ng sasakyan si Lara kung hindi lang sa taong mabilis na kumabig sa kanya.

"Are you trying to kill yourself?!"

Lalong siyang humagulgol nang makita si Kaden.

Kagyat naman na kumalma ang binata at nag-alala nang makitang umiiyak si Lara. Hindi niya ito naabutan sa shop. Pupuntahan niya sana ito at dito nga sila nagkasalubong.

"Bakit ka umiiyak? Sinong nanakit sa iyo?" May galit sa tono na tanong ni Kaden.

Nagbuga siya ng hininga at pinapasok si Lara sa kanyang sasakyan. Gusto niyang malaman kung bakit ito umiiyak pero mukhang wala pa itong balak na magsalita.

Sina Joseph at Carlo naman ay palihim na nagngingisihan sa harap. Ang dalawang tauhan ang laging kasa-kasama ni Kaden at ngayon nga ay naaaliw ang mga ito dahil ngayon lang nila nakita ang boss na umakto ng ganito.

Napansin iyon ni Kaden at agad na umasim ang mukha. "You two, get out. Bumalik na kayo sa bahay."

Nawala ang ngisi ng dalawa. "Boss?"

"I said get out."

"Boss naman," ungot pa ng dalawa ngunit wala ring nagawa nang pinababa sila ng amo. Nagkamot na lang ang mga ito sa batok habang tinatanaw ang sasakyan na papalayo.

"May dala kang pera?"

"Wala eh."

"Putragis. Eh paano tayo uuwi nito?"

Nagkatinginan sina Joseph at Carlo saka malakas na naghagalpakan ng tawa. Malas talaga.

Sa sasakyan...

"Pwede mo na bang sabihin kung bakit ka umiiyak?" pangungulit ni Kaden. At dahil mapilit ito ay sinabi na ni Lara ang nangyari.

May pumitik sa sintido ni Kaden pagkarinig sa kwento ng dalaga. Oo at natutuwa siya na maghihiwalay na ang mga ito pero ang makita ni Lara ang ganung tagpo, gusto niyang sakalin ang dalawang taksil na iyon.

"Don't worry. Ako na ang bahala sa kanila."

"Anong ibig mong sabihin?" napapantastikuhan na tanong ni Lara.

Mariin lang na tingin ang ipinukol ni Kaden na kanyang ikinabahala.

• • • • •

Sa club kung saan nagtatrabaho si Stephanie ay biglang nagkaroon ng sunog. Nagkagulo ang mga nasa loob habang si Stephanie ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng mga cellphone at gamit na naiwan ng mga customer dahil sa panic at kagustuhan na lumabas agad.

Ang estranghero na nakasuot ng itim na hoodie ay napailing sa nakita, lumapit at walang anu-ano'y sinabuyan ng likido ang ulo ng dalaga.

Napatili si Stephanie nang maramdaman na nabasa siya. "What the hell? Sinong bumasa sa akin—" Naputol ito sa kakatalak nang maamoy ang likido.

"G-Gasolina?!"

At dahil sa siksikan at kaguluhan ay naitulak si Stephanie at sa malas ay sa may apoy pa. Wala pang isang segundo ay nagliyab ang buhok nito.

Samantala..

Habang pauwi si Garry galing trabaho ay biglang may tumambang dito na mga armado at nakamaskarang mga lalaki.

"H-Huwag niyo po akong papatayin!" nanginginig sa takot na usal ni Garry. Ngayon lang ito naka-experience ng ganito kaya napaihi ito sa pantalon.

Nagtawanan ang mga kalalakihan at inakbayan pa ito. "Umihi pa ang loko! Mukhang mahilig kang mangdilig ng bulaklak ah!"

Tawanan ulit ang grupo.

"K-Kunin niyo na po ang lahat ng mga pera at gamit ko pati na sasakyan huwag niyo lang akong sasaktan."

"Huwag kang mag-alala. Wala kaming kukunin sa'yo, higit sa lahat ay hindi ka namin papatayin."

Natigil sa pag-iyak si Garry. Anong pakay ng mga ito kung ganun?

Naglabas ang mga ito ng syringe at hindi na nakahuma pa si Garry nang tinurukan ito ng mga kalalakihan ng hindi matukoy na gamot pagkatapos ay umalis din agad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status