Share

Kabanata 2

Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.

Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo.

Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan.

Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa tuwing maalala ang dating kalagayan ni Mama. Noon ay kahit nasa kwarenta’y anyos na ay maganda pa rin ang tindig niya subalit nang mangyari ang malaking dagok sa buhay nila ay tila nawalan ng buhay ang kaniyang ina. Napakaraming manliligaw ni Mama dahil maganda at talaga namang hahabol sa mga babaeng nasa mid-thirties.

Hindi ko mapigilan na madama muli ang galit na pinilit kong ibaon na lamang sa limot nang maalala ang dahilan kung bakit nga ba kami nauwi sa paghihirap gayong napakalaking pera at ari-arian ang iniwan ng aking ama sa kay Mama. Kayang-kaya kaming suportahan noon at kung sakaling nasa amin pa rin ang kumpanya, hindi ko mapapabayaan ng ganito si Mama. Maipapagamot ko siya. Baka malakas pa siya at hindi magtatagal ang kaniyang sakit dahil madadala ko siya sa magaling na doctors.

"Everything started with that Soveros," nanginginig ang labing sambit ko.

Unti-unti na namang nag-iinit ang aking mata. Pagod na ako sa pang-araw-araw na trabaho ko tapos ay paglabas ko roon, sasalubong na naman sa akin ang sandamakmak na problema. Sa tuwing sumasaksak sa isip ko ang paghihirap na hindi naman dapat namin dinadanas ay gusto ko na lamang magwala at mag-iiyak. Iyon ay kung may maidudulot na maganda sa akin iyon.

Kumuyom ang kamao ko nang pumasok sa alaala ko ang mukha noong mga taong iyon. Ang mga taong kinamkam lahat ang sa amin.

Remembering that old man who stripped our wealth, I cannot stop myself from swearing. Ilang beses ko na nga bang minura at pinatay sa isip ko ang lalaking iyon?

"You will get the karma that you both deserve" patukoy ko sa lalaking pangalawang pinakasalan ni Mama at ang anak nitong pinaniniwalaan kong mga gahamang tao.

They are the reason of my misery and I will make sure to keep on cursing them. Iyon lang ang nasa isip ko hanggang sa makatulog ako.

Nagmulat ako ng mata bago naghikab. Sumalubong sa aking paningin ay ang kalawanging yero ng kanilang bubong. May maliliit na butas pa roon na siyang tinatagusan ng araw kapag umaga at paunti-unting tulo ng tubig ulan kapag may bagyo. Ala-sais pa lang, tumunog ang alarm ng cellphone ko para makapaghanda sa aking trabaho. Bago pa iyon, kailangan ko munang maghanda ng makakain ni Mama sa buong maghapon at ng pinsan ko na nagbabantay kay Mama.

Nilingon ko si Mama sa kinalalagyan niya. Nakadilat na ang mga mata subalit hindi kumukurap – malalim ang iniisip.

“Good morning, Ma,” mahinang sambit ko subalit sapat na para marinig niya ang ginawa kong pagbati.

Lumingon si Mama sa akin nang may nangungusap na mata. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ko rito bago nag-iwas ng tingin. Hindi na bago sa akin ang ganoong klase ng tingin ni Mama. Malamang, hanggang sa ngayon ay iniisip ni Mama na sinisisisi ko pa rin siya sa nangyari sa aming buhay. Bumuntong-hininga ako sa nararamdamang awa para sa kaniya at galit para sa mga taong itinapon na lang kami matapos tuluyang makuha ang yaman na pinaghirapan ni Papa.

Napuknat ako sa iniisip nang makarinig ng mga sigaw.

“Asul! Asul, gising na!”

Malalakas na kalampag sa labas ng silid namin ang narinig ko. Ang boses na iyon ay mula sa pinsan ko. Naghikab muna uli ako bago ko niligpit ang kumot ko at ang pinaghigaang banig.

“Asul!” sigaw muli ng pinsan ko. Napangisi ako nang marinig ang pagkakapiyok ng boses niya. Kaysa sumigaw pa uli ito ay ipinaalam ko na gising na ako.

“Gising na!” balik sigaw ko kahit na nariyan lang naman siya sa labas ng pinto. Marahil ay magkakape na iyon.

Bago ako lumabas ng silid ay nagsuot ako nang luma at kupas na brallette. May kasikipan na iyon pero kaya ko pang pagtiisan. Pansin na ang paglalaho ng pangalan noong brand nito.

Sandaling binalingan ko si Mama na muli ay tulala sa bubong ng kwarto namin. Bumuntong-hininga ako bago binuksan ang pinto at lumabas mula roon.

Ilang malalaking hakbang lang ay narating ko na ang kusina. Halos iisa lang naman ito sa sala at tanging divider lang ang naghihiwalay rito. Naabutan ko roon si Alona, ang pinsan ko na naghuhugas ng tasang inuman ng kape, dalawa iyon. Nilingon niya ako at nginitian.

“Mag-almusal ka na baka ma-late ka sa trabaho,” aniya. Iwinisik niya ang kamay na basa bago dinampot ang dalawang tasa ng kape.

“May tinapay akong binili riyan,” sabi niya saka itinuro ang lamesa. Isang tango ang isinagot ko.

Hinintay ko siyang makapag-timpla ng kape bago ako nagtungo sa lamesa at umupo roon. Sumunod siya sa akin.

“Huwag ka na magsaing. Ako na,” pahayag niya.

“Salamat.”

“Nga pala, kukuha na lang kami ng ulam ni Tiyang diyan kela Aling Marta. Binyag noong apo, e. Libre ulam.”

Ngiting-ngiti si Alona nang sabihin iyon. Masaya siya na hindi na namin kailangan na bumili noon. Mahal kasi ang lahat ngayon sa palengke tapos sa lutong ulam naman, parang ginisa lang lahat at iisa lang ang lasa.

“Bibili ako mamaya ng gamot ni Mama,” sabi ko. Tumango siya.

“Oo, nariyan na uli iyong reseta.”

Hihigop na sana ako sa kape ko nang makarinig ako ng paimpit na d***g mula sa silid namin ni Mama. Basta ko na lamang inilapag ang tasa ng kape sa mesa at nagmamadaling tumungo sa kwarto. Doon ay nadatnan si Mama na hawak-hawak ang kaniyang dibdib at nababakas sa ekspresyon nito ang paghihirap huminga. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa pagkataranta.

“Ma!” panangis ko habang pinapaypayan siya para magkaroon ng hangin.

Pumailanlang ang malakas na yabag ni Alona.

“Anong nangyari?” halos pasigaw na sambit niya sa humahangos na boses.

Hindi na kinailangan ng sagot mula sa akin dahil agad-agad siyang dumalo sa amin ni Mama nang makita ang sitwasyon namin.

“Diyos ko! Tiyang!”

“Ma!”

Magkapanabay ang sigaw namin nang sumuka ng dugo si Mama. Hindi ko na naunawaan ang sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang ay nakikiusap akong mabuti sa Doctor na intindihin si Mama at hahanap ako ng pera upang maipampabayad sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status