Share

Get Too Close
Get Too Close
Author: nefe-libata

Simula

“Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin.

Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita.

“T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?”

Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa.

Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon.

You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito.

Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama.

“I am letting you toy with her, son pero siguraduhin mong hanggang paglalaro ka lang.”

Ang madiin at nagbabantang tinig ng kaniyang ama ay hindi ang mga salitang gumimbal sa akin kung hindi ang isinagot niya roon.

“I am not stupid to fall for her stunt, Pa. You know me.”

Pagak akong natawa pero pinigilan ko iyon. Astang hahaplusin niya ang aking pisngi ngunit agad ko iyong iniwas. Humakbang ako paatras para lang makalayo. Bumakas ang sakit sa kaniyang mata dahil sa ginawa ko at aaminin kong halos ikapanghina na iyon ng tuhod ko at miski ng pinaninindigan ko.

“Please, baby. Let’s settle this now,” nakikiusap ang tinig niya na para bang kung sakaling tatapusin ko ang lahat sa mga oras na ito ay hindi siya makakahinga.

Kinastigo ko ang aking sarili. Tanga na nga ako noong nahulog ako sa kaniya. Pati ba naman ngayon na alam ko na ang pagpapanggap niya ay magpapakatanga pa rin ako?

Sapilitan kong nilunok ang bikig sa aking lalamunan at matapang na tumingin sa kaniya.

“There’s nothing to settle, Sariel. Much better if we will end this now. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagkita uli tayo?” pinakitaan ko siya ng ngisi at nanunuyang ekspresyon.

“It’s because I did my best for us to cross path again. Ginawa ko ang lahat para maakit ka, para masaktan ka. Gusto ko maghiganti sa iyo at sa papa mo and you see…” ipinilig ko ang ulo ko, nilalabanang pilit ang mainit na luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

“Baby, stop thi–“

“I succeed, Sariel. Naloko kita. Kaya pa bang tanggapin ng pride mo iyon? Ang maloko ng isang babaeng tulad ko?”

Lumamlam ang kaniyang mga mata. Kung kanino, matatag ang ekspresyon niya, ngayon ay hindi na. Para bang kaunting salita ko na lang ay bibigay na siya. Kaunting salita na lang…

“Look, Valderama. Sa tingin mo ba ikaw lang ang lalaki ko?” sinabayan ko ng halakhak ang mga salitang iyon.

Umiling siya. “I know you, Solana. You are not like that.”

Sinabi niya ang mga huling salita na iyon hindi para sa akin kung hindi para kumbinsihin ang sarili niya. Umiling siya, kitang-kita na nagpapakatatag sa harap ko.

“I am not like that?” kusang lumabas sa mga bibig ko ang katanungan na iyon. Ramdam ko ang paglandas nang mainit na luha sa aking pisngi.

“You made me like that,” walang buhay kong sambit.

“Your father made me like this. Your family made me like this. Saan ako kukuha ng pampagamot kay Mama? Natural… sa panlalalaki ko.”

Hindi ko alam paano ko nagawang sabihin iyon ng hindi pumipiyok.

“HInding-hindi ako hihingi sa iyo at mas lalong hindi kita mamahalin. Nilapitan lang kita para makapaghiganti. Ginusto ko lang na baliwin ka pagkatapos ay iwan. Ang madurog ka nang husto.”

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Bumuka-sara ang kaniyang labi, may nais sabihin pero hindi masabi. Sa pag-angat-baba ng kaniyang balikat, I know he is having a difficulty to breathe. Gusto ko siyang lapitan, paamuhin, aluin sa mga oras na iyon pero ako mismo ang nagsabi sa sarili ko na kung gagawin ko iyon, balewala ang pagtataboy ko sa kaniya ng ilang lingo.

“Let me go, please. I won’t take you kahit magmakaawa ka pa riyan. Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ngayon–“

“You think I’ll still do that?”

Natigilan ako sa lamig ng boses niya. Hindi iyon katulad ng kanina. Katulad iyon sa kung paano ko siya unang nakilala bilang magiging kapatid ko at noong muli kaming magtagpo. Malamig iyon na parang pumapaso sa akin ngayon. Ibang-iba sa kaninang boses niya na nagsusumamo, naglalambing.

Tumama sa akin ang tingin niyang puno ng galit.

“I won’t beg for you anymore, Solana. I did it already. Hindi na ako hahabol sa iyo. I’m tired.”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig. I did hurt him now. The words I said made him lose his patience. He no longer bother me. He will stop now. That’s good, right?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Hindi ko na kaya pang salubungin ang titig niya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bawiin ang lahat ng sinabi ko kanina.

Nakita ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Malalaki ang bawat hakbang. Nang mag-angat ako ng tingin ay siyang paglampas niya sa akin. Nag-uunahan sa paglandas ang luha sa aking pisngi. Ngayon ko nararamdaman ang hapdi hindi lang ng aking mata pati ng puso ko.

Tama lang ito, Asul. Kaysa naman ako ang itapon niya sakaling matapos na siya sa paglalaro sa akin. Sinapo ko ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay nang mawalan ako ng kontrol sa aking damdamin. Nilamon ako ng sakit sa mga oras na iyon. Nawalan ng lakas ang binti ko at hinayaan ang sariling bumagsak sa malamig na sahig.

Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang ipinupukol sa akin ng mga pumapasok na babae sa loob ng comfort room pero tanging bulungan nilang hindi ko lubos maintindihan ang naririnig ko.

Hindi ako nagbalak na tumayo mula roon at pinagbigyan ang sarili na malunod sa sakit. Kung hindi ko pa naramdaman ang pag-ikot ng mundo at pagsalo sa akin ng isang malapad na dibdib ay hindi ako mag-aangat ng tingin.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko nang maaninag ang mukha niyang puno ng pag-aalala. Hanggang sa imahinasyon ba naman ng isang taong tutulong sa akin, siya pa rin ang ginustong likhain ng imahinasyon ko? Siya pa rin ang gustong paniwalaan ng paningin ko kahit na… ibang boses ang tumatawag sa akin at hindi kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status